“Oo! Please, gagawin ko lahat ng gusto mo, pumayag ka lamang. I will do whatever you want me to do, patirahin mo lang ako rito.” Sa mga sinabing iyon ng dalaga ay may kung anong malikot na imahinasyon ang bigla na lang sumagi sa isipan ni Lance. Bigla na lamang tumaas ang isang bahagi ng labi niya at ngumisi nang nakaloloko. “Kahit ano?” “O-oo! Kahit ano!” mabilis naman na tugon ni Beverly na wari’y walang alam sa kung anong nasa isipan ng binata. Kompiyansa pa itong hindi naman siya mahihirapan sa kung anong magiging kapalit ng pagtira niya kasama si Lance kaya naman malakas ang loob niyang gawin ang kahit ano mang naiisin ng lalaki. Bahagyang inilapit ni Lance ang mukha sa dalaga. Ilang pulgada na nga lang ang pagitan ng dalawa kaya halos maamoy na ng binata ang hininga ni Beverly. M

