“My girlfriend is in danger. Kaya please, pumayag ka na.” Nabigla si Beverly sa mga katagang narinig mula sa bibig ng kaniyang Kuya Drake. Hindi niya akalaing masasabi niya ang mga bagay na iyon. Para bang sa isang iglap ay nagbago ang pananaw niya sa lalaking kaharap dahil nakita niya ang takot sa mga mata nito. His girlfriend is in danger? Gaano katotoo ang mga sinasabi ng binata? “What do you mean?” tanong ni Beverly. Salubong ang kilay ng dalaga dahil sa pagtataka. Gumuhit sa mukha ni Drake ang pag-aalala. Noong gabi kasing nalaman ng daddy niyang si Dennis ang pagtakas nilang magkasintahan at sinundan ito papuntang Baguio, pinagbantaan ni Dennis na papatayin niya ang buong pamilya ni Laurice kapag hindi siya sumunod sa gusto nito. “We were planning to escape the plan and leave

