“D-doon?” ang tila hindi makapaniwalang sambit ni Beverly nang magawi ang kaniyang mga mata sa palikurang itinuro ng binata. Halos mapangiwi siya sa pandidiri nang masilayan niya ang nakakadiring lugar. Paano nagagawang makasanayan ng mga taong naroroon ang gumamit ng ganoong klaseng banyo? “Oo, mukha ba akong nagbibiro?” sambit naman ng Lance. Hindi nakaligtas ang tila nandidiring reaksyon ng dalaga sa kaniya na mas lalong ikinainit ng kaniyang ulo. Mali-late na nga siya sa trabaho ay may gana pang mag-inarte ang dalaga. Hindi na niya napigilan ang mga sumunod niyang sinabi. “Kung ayaw mo, huwag ka nang maligo. Madali naman akong kausap, e.” Akma na sanang aalis ang binata subalit mabilis na naagapan ni Beverly ang paghawak sa braso nito. “H-heto na! Maliligo na!” “Bilisan mo na! Dami

