Chapter 13

2085 Words

“Kumpadre, kumalma ka! Sigurado akong hindi pa nakalalayo si Beverly. Hanapin n’yo siya!” Sa utos na iyon ni Bernard ay kumaripas ng takbo ang labindalawang mga bodyguards ni Dennis at mabilis na nagtungo sa dressing room habang ang iba naman ay nakaantabay sa ibaba at panay ang tingin sa paligid na nagbabakasakaling naroon ang dalaga. Samantala, nagmamadali naman ang dalagang itali ang mga punda ng unan at kumot sa kuwarto kung saan siya naroroon. Tanging bintana lang kasi ang maari niyang daanan. Hindi naman gaanong kataasan ang ikalawang palapag ng kuwarto kung saan ang dressing room niya kaya malakas ang loob niyang doon na lang dumaan. Kahit nakasuot ng wedding gown ay para bang naging madali na lang para sa kaniya na gawin ang bagay na iyon. “Miss Beverly, buksan mo itong pinto!”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD