11 CHAPTER: DOT

1366 Words
Dalawang araw ko nang pinag-iisipan ang inalok sa akin ni papa Dante na magiging muse ako ng kanilang Team. No'ng una tumagggi ako dahil wala akong karanasan sa mga pageant na iyan. Hindi rin ako sanay magsuot ng two piece sa harapan ng maraming tao...Ang sabi naman ni papa sa akin, suotin ko lang daw kung ano'ng komportable kong susuotin during the pageant. "Ayaw ko, Pa. Nahihiya ako," tanggi ko. "Huwag ka ng mahiya, Sandra. Ang ganda-ganda mo kaya. Ikaw siguro ang pinakamaganda doon at pinakabata," sabi ni Tito Kulas. "Huwag na nating pilitin si Sandra na sumali...Ayaw ko rin naman na isabak siya sa ganyan. Wala lang talaga tayong mahanap na babagay doon sa paligsahan, kundi ang anak ko lang," wika ni papa. "Sayang sir Dante kung hindi sasabak si Sandra doon. Maganda sana ang balik nu'n sa atin. Gaganda ang lugar ng Sitio Makisig, dadami din ang dadayo sa ating probinsiya kung mananalo si Sandra. Maraming mga VIP galing sa iba't-ibang lugar ang bibisita sa party celebration, tyansa na ’yun, para mas makilala tayo at magkaroon ng sponsorships ang lahat ng kapulisan sa ating probinsiya," sabi ng isang kasamahan nilang police. Nagkatinginan sila at hindi na ako pinilit na sumali sa pagiging muse. Pero meroon din sa likod ng isipan ko, gustong subukan ang sumali sa pageant lalo na't pangarap ko rin talaga ang maging beauty queen. Mahilig na ako sa fashion noon pa. At matagal ko na rin gustong sumali sa mga ganyan sa mga Sitio. Ngunit mas nangingibabaw ang hiya ko. "Grab the chance, girl. Matagal mo na ’yang gusto. Hindi ba?" sabi ni Chel. Sinipsip niya ang kabago lang na binili na milktea. "Hindi pa malakas ang confident ko na sumali," kinagat ko ang biscuit kong hawak. "Kami na ang bahala sa'yo...Oras na sasali ka diyan. Wala ka nang alalahanin," ani Dannie. Ngumisi siya ng malaki. Nandito kaming tatlo sa cafeteria. Saktong break time kaya nagkaroon din ako ng panahon na sabihin sa kanila ang tungkol doon sa pagiging representative muse ng Team ni papa. Sa narinig ko kay papa. Hindi iyon basta-basta'ng party lang. Kundi engrandeng selebrasyon iyon para sa lahat ng police. "Ang hirap naman nun. Next week na iyon tapos hindi ako handa...Ayaw ko nga." Panay iling ako sa aking ulo. "Oh my god! Oh my god! Crush mo, Sandra...Palapit sa atin." Tila natigilan ako nang marinig ang sinabi ni Chel. Pasimple niya pang niyugyog ang braso ko at ngumuso siya sa aking likuran. Nawala na tuloy kami sa usapan. "Ha?" Bigla akong natulala. "Crush mo...Di ba matagal ka ng nagkagusto sa kanya?" si Dannie ang nagsabi nu'n. Pumikit ako nang mariin. Kinakabahan ako sa mga oras na iyon. Hindi ko alam ang sasabihin. "Palapit na siya...Ikaw yata ang sadya," bulong ni Chel. Kakaiba ang ngiti niya, mapanukso. Naubos ko tuloy ang kinakain ko g biscuit sa nerbyos. Tumitibók rin ang puso ko. "Sandra, pwede ka ba'ng makausap!" Pinandilatan ako ng mata ng dalawang kaibigan. Mabilis pa sa kidlat akong bumaling sa lalaking nasa likuran ko. Pinakita ko ang malaking ngiti. Tinago ang kabang bumalot sa aking dibdib. Pakiramdam ko lalabas ang puso ko ngayon. "Florence, Ikaw pala. Ano'ng sadya mo sa'kin?" Mas pinalawak ko ang mga ngiti. Normal lang ang tingin ni Florence sa akin. Ang gwapo at fresh niya pa rin. Mas lalo yata siyang gumagwapo sa paningin ko. He has been my long time crush, since elementary days namin. Kaklase ko pa siya noon at unang kita ko sa kanya. Alam kong nagkagusto na agad ako dahil kinikilig ako kapag nagtagpo ang mga mata namin. Sa tuwing kinakausap niya ako noon...Para akong hihimatayin sa kilig, katulad na lang ngayon. Gusto kong magtatalon sa tuwa dahil kinakausap niya ulit ako. "May pinabigay ang pinsan ko...Ito." Nilahad niya ang isang black envelope. Walang emosyon si Florence. Palaging blangko lang. Iyon ang isa sa nagustuhan ko sa kanya. He is kind of mysterious. He is also quiet. "Ah, si Theo? Bakit? Ano ba ito?" Tinanggap ko ang envelope. "Invitation letter para sa 20th birthday day. Pumunta ka raw..." "Nasaan ba ang pinsan mong si Theo? Bakit hindi siya ang nagbigay?" Ngumiti pa ulit ako. "Wala siyang oras na ibigay sa'yo dahil absent muna siya ng dalawang araw. Sa birthday na kayo magkikita...Busy siya sa preparation ng kanyang ka-arawan. Sige, alis na ako." Tinalikuran ako ni Florence. Feeling ko tuloy lumilipad ako sa alapaap habang nakatingin sa kanyang likuran na palayo sa akin. Kung hindi lang ako hinila ng dalawa kong kasama hindi ako matauhan sa pagkatulala. "Gaga ka! Halata mo masiyado, kaya ka iniiwasan ni Florence e! Hindi naman halatang patay na patay ka sa kanya," sita ni Chel sa akin. "Ang gwapo niya talaga...Hindi ko mapigilan na matulala e!" Ngumuso ako. Kinagat ko ang ibabang labi, pinigilan ang ngiti. Napa-iling na lang ang dalawa. "Hindi ka pa nagkaroon ng boyfriend, right? What if, you should try na...Di bale tutulungan ka namin magkalapit kayo ng pinsan ni Theo. Dapat siya ang magiging first boylet mo." Si Dannie girl. Sumimangot ako. "Hanggang crush muna ako. Pinagbabawalan ako ni papa na mag-boyfriend. Mag-aral muna ako ng mabuti." "Ano'ng mali doon? Hindi ka naman magpabuntis... Boyfriend lang naman, walang chuk-chakan!" Si Dannie ulit. Pareho silang natawa ni Chel. Kumunot ang noo ko dahil ang dami nilang alam. Chuk-chakan? Base sa sinasabi nila parang hindi maganda ang salitang iyon at mukhang bastos! "Of course. Bawal ang ganoon , I will keep my innocence. I will reserve my virginity for my future husband...Kahit boyfriend ko pa iyan. Hindi ko ibibigay ang perlas ko. Never! Ever!" huling sabi ko sabay nagtawanan kami. Naging masaya ang araw ko mula nu'ng kinausap ako ng crush kong si Florence. Minsan lang ako nilapitan nu'n. Kapag may itatanong lang siya at kung may sadya ito. Ang huling naalala ko na magkausap kami 2 years ago pa. Noong prom party namin sa Junior high, nakasayaw ko siya nu'n. Hindi man lang ako makapagsalita. Kusa kaming pina-partner dalawa kaya hindi talaga ako makapag-focus. Ilang beses akong napahiya dahil natatapakan ko ang sapatos niya nu'n. It was the most embarrassing moment in my life. Sa crush ko pa talaga. "Masaya ka yata ngayon? What makes you happy today, Miss Sandra?" pormal na tanong ni Angkol Roman nang makapasok ako sa kotse. Kumunot ang noo ko. Nawala ang masigla kong mukha. Napalitan ng busangot. Chismoso din ’to e! "Bawal ba'ng sumaya? Magmaneho ka na lang kaya nang maka-uwi na tayo." I crossed my arms. Malakas siyang nagbuntong hininga. Sinulyapan niya ako na may halong katanongan sa kanyang ekspresyon. "Bakit galit na galit ka sa tuwing nakikita ako? Ano'ng nagawa kong mali bata?" mahinahon niyang tanong. Sinipatan ko lang ito at hindi sumagot. Simula nu'ng sinabihan niya akong huwag lumandi...Tatlong araw na ang lumipas. Hindi ko talaga siya kinakausap ng matino. Kung hindi iritasyon ang tugon ko sa kanya palagi naman akong sumisigaw, pero kadalasan nagsusuot lang ako ng earphones kapag nasa kotse ako, kasama siya. I keep my silence. Ayaw ko siyang kausap. Nadagdagan lang ang badtrip ko sa pagmumukha niya. Kagaya na lang ngayon. Pinatugtog ko ang rock music para hindi ko siya marinig kung sakali mang may sasabihin ito. Ano'ng akala niya? Basta-basta ko na lang kalimutan ang pang-insultong ginawa niya. No way! Mataas kaya ‘tong pride ko, lalo na kapag ginagalit ako. I won't forgive him easily. Dapat na siyang masanay sa ganito kong ugali. Or maybe, dapat ko na siyang sanayin na ayaw ko siyang kasundo. "Kausapin mo ako, Sandra! Tinatanong kita, bata." Nagulat ako nang hinablot niya ang earphones ko. Sinamaan ko siya ng tingin. Nagpanggap akong walang narinig. Binalik ko lang sa tenga ko ang earphones pero bago iyon...May huling sinabi pa ako kay Angkol Roman. "Wala akong panahon para kumausap sa matandang kagaya mo...Sumbongero na nga. Hindi pa marunong humingi ng tawad." He was stunned. I looked away. Sinandal ko ang likod sa upuan nang mariin , tinanaw ang bintana. Manigas siya diyan. Hindi ko talaga siya kakausapin at papansin hangga't hindi siya mag-so-sorry. I deserve his apologies because he is so freaking mean, period, dot, tuldok! Nunal...Teka ba't nasali ’yun? Tsk! Bahala na nga, pati ba naman nunal, problemahin ko pa!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD