12 CHAPTER: SORRY

1142 Words
Hindi na ako kinulit ni Angkol Roman. Paminsan-minsan ko siyang tiningnan sa tabi ko. Ngunit hindi naman siya umiimik. Seryoso lang ang pagmamaneho. Hinayaan ko na lang siya. I mind my own business. In-enjoy ko lang ang tunog ng earphones. Habang nasa daan kami, nakatanaw lang ako sa bawat madadaanan. Nang dumaan kami sa Sitio Birhen namataan ko ang barangay hall.Suddenly I remember something. "Stop the car!" sigaw ko sabay tanggal ng earphones kong suot. "Bakit, Sandra? Ano'ng mero'n?" Binalingan ko si Angkol Roman. Naabutan ko siyang nagtataka ang titig. Tinuro ko ang barangay hall. "Pumasok muna tayo diyan. May sadya lang ako sa Barangay Captain." Nangunot ang kanyang noo. Sinilip niya ang barangay hall sa bintana ko, pagkatapos nilingon niya ako. "Ano'ng gagawin mo diyan?" kuryuso niyang tanong. Tumaas ang upper lips ko pati na rin kilay. "I-blotter kita, para kasuhan ka ng Oral Defamation," sarkastiko kong saad. Nagkasalubong ang dalawa niyang kilay. "Ano? Oral—What?" he said with an accent. Hindi niya ba alam iyong Oral Defamation? I-google niya kaya! Oo nga pala, matanda na siya. Hindi uso sa kanya si google. Baka nga wala ring alam ’to sa social media. Ipapaliwanag ko pa ba sa kanya kung ano ‘yun? "Di ba sinabihan mo akong huwag lumandi...Oral defamation iyon. Kaya pumunta muna tayo sa loob ng barangay. Isusumbong kita, kasi ang sakit mong magsalita!" seryoso kong sabi at humalukipkip. Tumitig si Angkol Roman nang matagal sa mukha ko. Klaro sa kanyang ekspresyon ang hindi makapaniwalang tingin. He was a bit confused too. "Seryoso ka ba diyan, Sandra?" Buntong hininga niya na tila ba sumasakit na ang kanyang ulo. Nagawa niya pa'ng hilotin ang bridge ng kanyang ilong. "This is ridiculous!" bulong niya. "Naririnig kita, matandang Roman. Ano'ng ridiculous ka diyan. Isusumbong talaga kita sa Barangay Captain. Kilala pa naman ni papa iyon...Baka paluin ka nu'n ng batuta sa pwet." "Batuta? Pinagsasabi mo, Sandra!" Walang gana niya akong pinagmasdan. Tumaas ang kanyang kilay. Pinigilan kong huwag matawa sa kanyang reaksyon, mukhang napapagod na yata ito. Pagod sa bawat intindi ng mga sinasabi ko. "Gusto mo ba'ng mapalo ng batuta?" "What—No!" He frowned and breathed heavily. Tila hindi makapaniwala sa mga pinagsasabi ko. Ano kaya ang itsura niya kapag pinapalo? Iiyak kaya siya? Siguro pag nangyari iyon, tatawanan ko talaga ang matandang ’to ng todo. "Makikita mo, isusumbong kita!" Taas noo kong sabi. "Isusumbong mo ako? For god sake! Hindi ka na bata, Sandra para gawin ‘yon. At isa pa, hindi kita diretsahan na sinabihan ng malandi...I told you, don't flirt.That's all...Magka-iba iyon." Umismid ako. "Magka-iba naman talaga, kasi tagalog ‘yong malandi...Tapos english naman ‘yong flirt...Huwag mo nga akong pinagloloko, Angkol Roman!" iling-iling kong sabi. Umigtang ang kanyang panga. May sasabihin sana siya pero may pahabol pa ako. "Isa pa...Akala ko ba, bata pa ako sa paningin mo tapos ngayon ipapa-barangay lang kita. Sasabihin mo sa akin na hindi na ako bata. Ayos ka rin tanda, ah! Galing mambola." Pinatunog ko ang bibig, mapakla ko ring pinagdikit ang dila sabay iling na naman sa ulo ko. Hindi na maipinta ang pagmumukha ni Angkol Roman. Tiim bagang na lang ang nagawa niya habang nakatitig sa akin nang diretso. He was very frustrated. Ilang sandali pa...Humarap siya sa akin. Nagulat ako ng hinawakan niya ang pisnge ko. Sa sandaling iyon nagkatitigan kami ng ilang minuto. Tinagilid niya ang ulo para pagmasdan ang labi ko. He sighed deeply. "I didn't mean it. I'm sorry, Sandra...I'm sorry. Huwag ka nang magalit sa akin," paos niyang sambit. Lumambot bigla ang kanyang ekspresyon. Saglit akong natigilan. Ramdam ko ang kaba nang mas malinaw sa akin ang abong mata ni Angkol Roman sa mas malapitan. Kumislap iyon, ang sarap pagmasdan. Pababa sa kanyang matangos na ilong, hanggang sa mata niya. Ang kanyang mahabang pilikmata ay nagdulot sa tiyan ko nang pagdiin. Parang hinalungkat. Animo'y may paro-paro sa loob. Hindi ako makapagsalita. Hindi ko inaasahan na hihingi siya ng tawad agad. Sinubukan ko namang kalmahin ang sarili. "Ganoon na lang iyon? Sorry na lang? Wow, sinaktan mo ako tanda. Ang sakit na sinabihan mo akong huwag lumandi...Akala mo kung sino kang gurang ka! Edi ikaw na ang hindi lumandi sa babae!" "Bata ka pa...Kailangan mong turuan sa tamang gawin. Aaminin ko'ng nagkamali ako sa mga sinasabi ko sa'yo. Humihingi ako ng tawad ngayon." Seryoso ba talaga siya? Ganito ba makipag-away sa may edad na? Nag-so-sorry agad? Ang boring naman kung ganoon. Paano na lang iyong galit ko? Paano iyong inis ko? Paano na? Bigla akong natameme. Nauubusan ako ng sasabihin. Namalayan ko ang sarili na ngumiti...Dapat sana pinigilan ko ito pero hindi ko magawa. Kusang lumabas ang ngisi ko. Bakit hindi ako sanay na ganito ang matandang ’to? "Pft!" pigil ko sa aking tawa. Nangunot ang kanyang noo. Hindi ko na talaga mapigilan at humagalpak na ako. Nakakatawa kasi ang itsura ng matandang Roman. Hindi bagay sa kanya ang maging malambot. "Pinagtatawanan mo ba ako, bata?" Bumalik sa pagiging seryoso ang kanyang mukha. Binitawan niya rin ang pisnge ko. Asar na siya niyan? Ba't niya ba tinatanong? Obvious naman! "Hindi ako tumatawa. Umiiyak lang ako sa tuwa!" Pinahid ko ang luha dahil hindi pa rin tumigil ang halakhak ko. Nagmumukha na talaga akong bruha nito. "Ano'ng nakakatawa?" Mas lalong sumeryoso ang kanyang emosyon. Tagis rin ang kanyang bagang. Hindi yata siya sanay na pinagtatawanan. "E, kasi nakakatawa ang mukha mo...Ano kasi..."Tumigil muna ako sa pagsasalita para ilabas ang bungisngis kong pagtawa. Para naman siyang demonyo, bagama't dumilim ang kanyang mata. "Walang nakakatawa, Sandra," sita niya. Mas natawa tuloy ako lalo. Feeling ko matatanggal na ang ngipin ko sa kanganga ng bibig. Nang makita kong hindi siya natinag. Seryoso pa rin. Unti-unti akong umupo ng maayos. Pinigilan ko naman ang pagngisi. Kinagat ko ang ibabang labi. "Ganyan ka na ba talaga katakot na ma-barangay kaya humihingi ka ng tawad ngayon para hindi kita i-blotter? Takot ka pala sa Barangay Captain e!" "What!" he hissed irritatedly. "Shut up, little child. Hindi ako takot." Nag-iwas siya ng tingin. Pinigilan ko ang muling paghalakhak saka ngumisi ng nakakaloko. "Sa totoo lang hindi tayo nandito para doon..Hindi kita ipa-blotter noh? At bakit ko naman ’yan gagawin. Police Heneral ang ama ko, pwede kitang isumbong sa kanya." Walang gana niya akong tinapunan ng atensyon. Hinilamos niya ang kanyang mukha gamit ang palad saka ginulo ang buhok. Nang tingnan niya ulit ako, pagod na titig ang ginawad niya. "Ano'ng gusto mo'ng gawin kung ganoon?" "Nandito tayo kasi irereklamo ko ‘yung mga ilaw sa daanan. Para maliwanag na kapag gabi sa buong Barangay ng Sitio Birhen hanggang doon sa Sitio natin. Nakakatakot kaya pag gabi." Masama ang tingin ni Angkol Roman sa akin, para na akong kakainin ng buhay. Tumaas ang kilay ko. Ano ka ngayon, tanda? Nadali ka ’no? Hihingi ka rin pala ng tawad! Kailangan ka pa'ng takutin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD