"Sandra, bakit nandito ka?" tanong ng kapitan pagkapasok ko sa kanyang opisina.
"Magandang hapon po Ninong Tiago." Nagmano ako sa kanya.
"Ano'ng sadya mo rito, eneng. At naparito ka sa Barangay hall?" Ngumiti sa akin si Ninong.
Siya ang isa sa naging ninong ko kaya kilala din talaga siya ni papa Dante.
"Gusto ko lang po sana'ng sabihin pa tungkol po sa mga ilaw sa kalsada ng Bayan ng Santo Birhen, Brgy. Marupok, Sitio Makisig. Wala ho masiyadong ilaw sa buong bayan...Baka pwede kayo'ng mag-request sa city government para umayos naman ang daanan natin para hindi na delikado sa gabi."
Tumigil muna si Ninong sa ginagawa niya para makinig sa hinaing ko. Marami pa akong sinasabi sa kanya, pa tungkol sa naging concern ko sa buong bayan.
"Sa totoo lang, iha. Ilang beses na akong nag-request doon sa City Government na lagyan tayo kahit solar man lang, sa daanan pero pending pa rin ang trabaho. Wala silang aksyon. Hindi rin nila ginagawa."
"Ganoon po ba. Baka pwede ho kayong mag-request ulit."
"Susubukan ko, iha...Oo nga pala, kamusta ka na at si Dante? Matagal-tagal na rin ang hindi pagkikita namin. Busy na ako sa pagiging Barangay Captain."
Sinagot ko naman si Ninong ng maayos. Medyo humaba pa ang usapan namin kaya natagalan ako sa loob ng opisina niya.
"Maraming salamat po, Ninong. Sana ay dinggin ng city government ang hinaing natin." Nakipagkamayan ako sa kanya.
Hinatid ako ni Ninong sa pintuan. Tuluyan na akong nagpaalam sa kanya..
Paglabas ko, hinanap ko si Angkol Roman sa labas ng opisina. Sinabi ko sa kanya na hintayin ako rito pero nasaan na ang matandang ‘yun?
Naglakad ako papuntang hallway. Luminga sa paligid baka makita ko lang ito kaso bigo akong hanapin siya.
"Manong, nakita niyo po iyong lalaking matangkad, matikas po ang katawan. Nakasuot ho ng white T-shirt? May isang earings sa tenga at dog tag siyang suot sa leeg?" tanong ko sa dumaan na Barangay public officer. May hawak siyang batuta. Pinatong niya ito sa kanyang balikat habang nanigarilyo.
Bigla ko tuloy naalala ang sinabi ko kay ninong na papaluin siya ng Barangay Captain ng batuta kapag sinumbong ko siya.
"Nakita ko yata siya'ng may kasamang babae...Pumunta sila sa bandang doon! Lumiko ka lang may terrace diyan." Tinuro ni Manong ang isang hallway na paliko.
"Po? May babae siya'ng kasama?" ani ko nang mapagtanto ang sinabi niya.
"Oo, sexy at matangkad." Kindat niya.
Tumango-tango ako. Nambabae pa yata ang tandang iyon!
Kibit-balikat kong nilakad patungo sa hallway na paliko. Tahimik sa daanan na ito. Walang dumadaan pero may pinto ka'ng makikita sa tabi-tabi.
Nang makita ko ang terrace sa unahan napansin ko agad ang dalawang pigura ng tao na nakatayo. Natatakpan sila ng kurtina pero dahil kabisado ko na ang tindig ni Angkol Roman. Alam kong siya iyon, kahit silhouette lang ang nakikita ko.
"Angkol Rom—" I stopped for a moment. My eyes gets wider.
Pupuntahan ko na sana siya pero natigilan ako nang bigla kong napansin ang kanilang pigura sa puting kurtina na parang naghahalikan. Hawak ni Angkol Roman ang pisnge nu'ng babae at siniil niya ito ng halik.
Kahit hindi ko nakita ang actual na pangyayari subalit naka base lang ako sa nakikita ko sa repleksyon ng kurtina. Hindi ko magawang magpatuloy.
Seriously? Ang landi naman ng matandang ‘to! Siya pala itong malandi e! Kung saan-saan na lang nakikipaghalikan. Sino kaya iyang kasama niya?
Tinikom ko nang mariin ang bibig saka umatras palayo. Hanggang sa tinalikuran ko na sila at namalayan ko na lang na tumatakbo na pala ako palabas ng barangay hall.
Dito ko na lang siya hintayin sa kotse. Ayaw kong maistorbo ang kapusukan ni Angkol. Unang beses kong makasaksi nang ganoon. Nakakanginig ng kalamnan.
Naisip ko pa lang ang laway nu'ng dalawa na naghahalikan. It makes m6e felt gross and disgusted. Nakakadiri naman...Malapot siguro iyon. Marami ring millions of germs and bacteria na kumalat sa kanilang bibig.
I don't know why a lot of people love to kiss each other. Ano kayang lasa ng halik? Hindi ko pa narasan iyon pero alam kong nakakadiri.
Tumunog bigla ang tiyan ko. Luminga ako sa paligid. Naghahanap ng makakain dahil na rin ramdam ko ang gutom. Mag-meryenda muna ako habang naghihintay sa matandang iyon.
Ayaw ko nga siyang distorbohin sa make out niya. Bahala siya diyan!
Naglakad-lakad muna ako sa unahan hanggang sa makakita ako ng bakery na maraming mga babae ang pumila para makabili ng tinapay. Ang iba naman masiyadong maharot doon sa tindero. Nang tingnan ko naman, may itsura nga ito pero ka edaran naman ni Angkol Roman. Pass na muna sa ganyan.
Pero mukhang masarap ang mga tinda niyang tinapay. Parang ang daming bumibili. Pero hindi normal ang suot ng mga babaeng costumer. Halos maghubad na sa harapan nu'ng panadero. May iba naka bikini...Ano ‘to? Beach sa tabi ng kalsada? Meroon ding iba ang iksi ng mga shorts. Halos bra at panty nalang.
Napagpasyahan kong pumila na rin nang sa ganoon makakain rin ako. Habang nasa pila, rinig ko kung paano landiin nu'ng panadero ang kanyang mga Costumer na babae.
"Traviz, pwedeng pabili ng pan de susó mo...At pasusó na rin ako." Tumili iyong babae saka natawa.
"Aba! Ladies, hindi libre itong pagsusó ko...Damihan niyo muna sa pagbili ng pan de himod at itong pan de s**o at may discount nga pala itong pan de monay ko. Dapat maubos niyo itong lahat."
"Kami na ang uubos niyan, Traviz. Malakas ka sa amin e! Basta ba, hipuin mo din itong monay ko!" isa na namang babae ang nagsabi nu'n.
Ngumiwi ako sa mga narinig kong usapan nila. Ngayon lang ako nakakarinig ng mga ganitong salita...Ang sagwa naman saka ang bastos!
"Walang problema...Iyan lang pala e! Madali lang iyan basta maubos ‘tong tinapay."
Gusto kong takpan ang tenga sa mga naririnig ko. Ang ririndi ng mga babaeng costumer. Tumitili at kulang na lang papasok sila sa loob ng bakery shop.
"O, magandang dilag? Ano'ng gusto mo sa tinapay? Pande s**o, pande himod, pande monay? O baka gusto mo...Ako na lang?"
Nang turno ko na ang pagbili. Kinindatan ako nu'ng panadero. Malamig ko naman siyang pinagmasdan.
"Ano'ng best seller niyo? Gusto ko lang kumain, huwag mo akong idaan sa pa-cute mo, Manong!" iling-iling kong sabi.
Natawa naman siya. "Itong pan de susó, Miss. Baka gusto mong tikman? Kasing sarap ito ng Pan de himod ko."
Ngumiwi ako sa mga pinagsasabi ng matandang ito. Kay tanda-tanda na, halatang babaero. Katulad lang yata sila ni Angkol Roman...May nililigawan na nga. May nilaplap pang iba. Hindi na nahiya, kawawa iyong Glenda. Ito namang matandang ito, left and right ang mga babaeng costumer. Ang lakas pa mambola.
"Pabili nga ng Pan De s**o, apat? Baka pahinging discount katulad nu'ng mga babaeng bumili kanina."
Mas lalong natawa si Manong at iniling na lang ang ulo. Binigyan rin naman niya ako ng pan de susó niyang tinda.
"Walang discount sa mga bata, eneng. Balik ka rito kapag nasa wastong edad ka na, para magkaroon ka ng discount."
Kumunot ang noo ko sa maloko niyang ngisi.
"Huh? Akala ko ba may discount ka ngayon?"
"Para lang sa mga qualified na costumer ko ang pwede—"
"Bigyan mo siya ng discount, Traviz kung ayaw mong makatikim ng pan de bala."
Pareho kaming natigilan ni Manong Traviz nang marinig namin ang familiar na boses sa aking likuran.
"Pareng Roman! Nandito ka pala...Kilala mo ba itong bubuwit na ito?" Turo ni Manong Traviz sa akin. Mas lumaki ang ngisi niya.
Ako ba ang sinasabihan niyang bubuwit?
"Anak iyan ni Dante..." sagot ni Angkol Roman.
"Ganoon ba...Dahil kilala mo siya at kaibigan naman kita. Libre ko na lang sa kanya ang pan de susó. Huwag mo lang akong patikimin ng pan de bala...Masakit iyon panigurado... Baka gusto niya rin ng pan de himod at pan de monay? Libre ko na."
"Putanginà!"
Binalingan ko si Angkol Roman nang marinig ko ang malakas niyang pagmumura. Masama ang tingin niya kay Manong Traviz.
"May bata sa harapan mo, Traviz! She can hear you clearly, motherfúcker!"
Umawang ang labi ko dahil ngayon ko lang nakita si Angkol Roman na parang na trigger ang galit niya.
"Bakit ba? Iyan naman talaga ang pangalan ng mga tinapay ko...Marami pa nga akong pan de susó rito, meroon din akong pan de monay at pan himod—"
"Tumahimik ka na!" sita ni Roman sa mas nakakatakot na boses.
Naigtad tuloy ako at nabitawan ko ang pan de susó. Binalingan ako ni Angkol Roman ng tingin.
"Ikaw bata...Bakit umalis ka roon sa Barangay Hall. Kung saan-saan nalang kita hinahanap...Tara na, uuwi na tayo," pagalit niyang sabi.
Hinawakan niya ang pulso ko at kinaladkad ako palayo doon sa bakery.
"Hinay-hinay naman pre. Baka mabaril ka ng ama niyan!" sigaw ni Manong Traviz.
Nagpumiglas naman ako sa pagkakahawak ni Angkol Roman sa akin.
"Teka Angkol Roman, ’yung pan de susó ko. Nabitawan ko!"
Literal na tumigil sa pagkaladkad si Angkol Roman. Hindi maipinta ang kanyang mukha.
"Ano'ng sabi mo?" sindak niyang tanong.
"Yung pan de susó! Sandali lang!"
Bumalik ako doon sa bakery kung saan ko binitawan iyong plastic. Kinuha ko ito saka bumalik ako kay Angkol Roman ng nakangiti.
"Tara na...Gusto mo ba ng pan de susó ko?" alok ko sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mata at bahagyang problemado ang mukha.
"Ayaw ko...Umuwi na tayo. Huwag nang maraming sinasabi. And please, stop mentioning that bread's name!"
Muli niyang hinawakan ang pulso ko. Dahil nasa tabi kami ng kalsada. May nakakilala kay Angkol Roman na binabati siya.
"Roman, ang bata naman ng kasama mo? Pwede ko ba'ng makilala iyan?"
May isang kotse ang biglang huminto sa tapat namin. Kasing edad na naman ni Angkol Roman...At gwapo.
"Back off, Melchor!" mariin na sabi ni Angkol Roman. Humigpit ang kapit niya sa pulso ko.
"Bakod na bakod, ah! Baka inaangkin mo na ’yan! Alam kong hindi ka mahilig sa babae pero iba na yata yang paghawak mo sa kanya."
Ngumisi nang malawak iyong lalaki na may pangalan na Melchor.
Sinasabi niya ba'ng aangkinin ako ni Angkol Roman?
Huminto si Angkol sa paglalakad. Binitawan niya ako para lapitan iyong lalaki na sumisipol pa sa loob ng driver seat. Sinipatan ko silang dalawa.
"Alis, Fernandez! O baka hindi ka na makahingi ng tulong galing sa akin, kahit kailan," banta ni Angkol Roman.
Natatawa naman iyong Melchor. Tinaas niya ang kamay bilang pagsuko pagkatapos tinanaw niya ako.
"Bata, mag-ingat ka sa matandang Roman na ’to. Baka kidnap-in ka niyan para gawing asawa." Sabay harurot niya nang mabilis.
Si Angkol Roman naman. Minura niya na lang ang kotse palayo. Nagkibit-balikat naman ako sabay iling ng ulo.
Mga kaibigan ba sila ni Angkol Roman? Ang weird naman ng joke nila. Hindi nakakatawa.
"Don't mind him, Sandra. He's an asshóle!" Namulsa si Angkol Roman at nagpatuloy na itong maglakad. Malamig ang tingin niya. Pero hindi naman siya nakatitig sa akin ng diretso.
"Hindi naman ako maniniwalang kidnap-in mo ‘ko. Takot mo lang kay papa. Police Heneral iyon, baka sa rehas ang bagsak mo."
"Yeah... You're right," walang gana niyang sagot.
Napansin kong kanina pa ito English ng English. With accent pa iyan. Akala mo talaga galing siyang ibang bansa.
"Pero iyong totoo, Angkol Roman. Di ba half-pinoy ka? Nakita mo na ba ang papa mong Kano? At mayaman ka ba? Parang mayaman ka kasi!" kuryuso kong tanong.
Saktong nasa labas na kami ng kotse nang pagbuksan niya ako. Hindi muna ako pumasok sa loob, inosenti ko siyang pinagmasdan. Naghihintay sa kanyang sagot.
Nag-iwas ng tingin si Angkol Roman. Umigting ang kanyang panga. Dumilim saglit ang kanyang ekspresyon.
"Hindi ako mayaman, Sandra. And yes, nagkikita kami ng papa kong Kano."
Tumango-tango ako. Kaya pala ang galing niya sa english-an.
Pumasok na ako sa loob. Sumunod rin naman si Angkol Roman.
Bago niya paandarin ang kotse. Natigilan siya sa sunod kong tanong.
"Babaero ka ba, tanda? Nakita ko kasing nakipaghalikan ka sa isang babae doon sa Barangay hall."
Kumuha ako ng pan de susó at kumagat nu'n. Inosenti kong binalingan si Angkol Roman. Naghihintay sa kanyang sagot bagama't natigilan ito.
"Kawawa naman si Ate Glenda..." Dugtong ko pa.