16 CHAPTER: LIPS

1420 Words
Busangot ang mukha ko habang nakatanaw sa likuran ni Angkol Roman. Nakasunod ako sa kanya ngayon patungo sa silid ni papa. While looking at his broad shoulder. I can say, that he is really manly. Ang laki din niyang lalaki. Bukod sa matangkad siya, matikas pa ang katawan. Naka pamulsa pa siya. Akala mo talaga kinagwapo niya ang pagiging cool niya diyan. Kung sa bagay gwapo naman talaga itong si Angkol Roman. Matanda nga lang, kaya mahirap aminin sa sarili ko na attractive ang halos meroon siya. From his face, down to his muscles and his height, hair, from his long legs. Wala akong mapintas, bagay na bagay sa kanya ang maging army or maging bouncer sa club.Siya lang yata ang nakikita kong matikas ang katawan pero bagay sa kanya. "Wait naman tanda!" sigaw ko. Sa totoo lang ang bilis niyang maglakad. Hindi man lang niya ako pinansin kaya lakad takbo ang ginawa ko para maabutan ko lang siya sa hallway. Normal na lakad niya ba ’yan? Bakit ang hahaba ng binti nito! Nang nasa tabi ko na siya. Napangiti ako dahil naabutan ko rin ito. "Bilis mo naman maglakad!" nguso ko pa. Pero tahimik lang siya at masiyadong seryoso. Nang silipin ko ang mukha niya, madilim ang kanyang awra. Tila ba galit. Ano'ng problema niya? Ba't galit ang gurang na ’to? Galit ba siya dahil naabutan ko siya? Nang makarating din kami sa harapan ng pintuan ng kwarto ni papa Dante. Binuksan niya ito. May hawak siyang susi. Grabe! Daig niya pa ang may-ari. Nauna siyang pumasok sa loob. Pasipol-sipol pa akong sumunod rin sa pagpasok. Nung nasa hambahan na rin ako, laking gulat ko na lang nang bigla niya'ng hinablot ang braso ko at sinandal ako sa likod ng pintuan pagkatapos niya itong isarado. Umawang ang labi ko sa bilis nang pangyayari lalo na nu'ng mariin ang kapit ni Angkol sa aking pulso. He was watching me closely. "Inuubos mo talaga ang pasensiya ko," sindak niyang sabi. Nanlaki ang mata ko nang magkalapit ang dibdib namin ni Angkol Roman. Diniin niya ang sarili sa akin habang direkta ang titig nito sa mga mata ko. Dahil matangkad siya, kailangan niya pang yumuko para pagmasdan ako sa mas malapitan. "A-angkol R-Roman, ano'ng ginagawa niyo?" Nanginginig ako bigla nang hawakan niya ang bewang ko at ang dalawa kong pulso hawak niya sa ibabaw ng aking uluhon. Hindi ako makagalaw dahil inipit niya ang katawan ko. He also locked my hand. "Promise me, Sandra...Hindi mo na uulitin ito.." Kinurap ko ang mga mata. Umawang ang labi ko nang mas nilapit ni Angkol Roman ang mukha niya. Kulang na lang maduling ako. Hindi ako makapag-isip ng tama sa mga oras na iyon dahil sa kaba ng puso ko na ngayon ko lang naramdaman. "Ha? Ang alin?" I asked, confused. Pinilit kong gawing normal ang boses ko pero hindi ko talaga kayang itago ang kaba at takot sa kanya. Huminga siya ng malalim. Nagulat ako nang inangat niya ang baba ko, para mas magtitigan kaming dalawa. "Ang magsuot ng maiksing damit kahit nasa bahay ka lang. Don't do it again." Nangapa ako ng sasabihin dahil tila kinilabutan ako sa sobrang lapit namin ni tanda. Nang magkaroon ako ng lakas, tinampal ko ang kamay niya saka tinulak ko siya. Ngunit bigo akong paalisin ito sa harapan ko, hindi man lang natinag. "Huwag mo nga akong pakialaman, Angkol Roman...I told you, I can wear whatever I want. Magsusuot ako ng sexy, mas maiksi, mas kita rin ang cleavage. Don't dictate me on what I should wear. I'm at the right age. Pwede nga akong magsuot ng may hiwa ang dibdib. Bagay iyon sa akin kasi malaki ang boobies ko." I rolled my eyes. Gusto kong makita ang asar niyang mukha. Nawala ang pagiging confident ko nang makita ko ang matalim niyang titig. "Shut up, little child. Masiyado ka pang bata at hindi iyon babagay sa'yo—" "Hindi ako bata! Ilang beses ko ba'ng ipaalala sa'yo tanda. Hindi na ako bata! Makikita mo, baka tumulo ’yang laway mo kapag magsusuot ako ng sexy—" "Damn it!" he cursed under his breath. Nagulat ako nang bigla niyang kinabig ang batok ko at mariin akong siniil ng halik sa labi. Parang nakakita ako ng alitaptap bagama't ramdam ko ang pagkahilo pero hindi iyong tipong mahihimatay ako. Ramdam ko ang hilo dahil hindi ko inaasahan na hahalikan ako ng isang ’to. Sa isang gurang na parang papa ko na...Na parang...Ewan...Hindi ko ma-explain. Gustong sumabog ng utak ko. Hindi ko na alam ang gagawin. Nanigas ang buo kong katawan, nanlambot ang tuhod ko. All I know. I can feel his hot breath and lips pressing into mine. Ramdam ko lang ang labi ni Angkol Roman na sinisipsip ang pang-ibabang labi ko. And I can feel his saliva. Gusto ko siyang itulak palayo, gusto kong magalit dahil ninakaw niya ang una kong halik. Ngunit hiniwalay na lang nito ang labi niya. Hindi pa rin ako makagalaw. Nanlaki lang ang mata ko, nanginginig ang labi. Hirap din akong huminga, maski kumilos. I can't even blink my eyes. I felt cold. I felt so numb. Feeling ko lalagnatin rin ako. "Makikinig ka ba sa akin o parurusahan pa ulit kita ng halik?" banta niya sa mababang tinig. Kumunot ang noo ni Angkol Roman habang pinagmasdan ako sa mapupungay niyang mata. He was waiting for my answer. But I was too stunned to speak. Hindi ko malunok ang laway sa sobrang kaba ng puso ko. Hindi ko mawari kung bakit ganito na lang ang epekto niya sa akin. Animo'y naging paralisado ako bigla. "Promise me, Sandra. Susundin mo lahat ng ipinagbabawal ko sa'yo," he said huskily. Inayos niya ang takas na buhok na dumikit sa pisnge ko. "Bata ka pa...At maganda. Hindi malabong may mambastos sa'yo kung magsusuot ka ng maiksing damit. If you will disobey me again. Baka makakapatay ako ng wala sa oras." Pagod niya akong pinagmasdan. Nakatitig lang ako sa kanyang mga mata, pababa sa kanyang labi na sobrang pula. I swallowed when he tried to reach my lips again. Pero biglang narinig namin ang seradura na bumukas. Pinigilan ito ni Angkol Roman lalo na't nakasandal ako sa likod. "Roman, nakita mo ba ang pinapahanap ko sa'yo?" Boses iyon ni papa. Bigla akong bumalik sa katinuan. Natulak ko si Angkol Roman sa sobrang takot ko. Napamura siya ng mahina. Doon pa lang bumalik ang huwisyo ko. Pinandilatan ko siya ng mata. May sasabihin sana ako pero mukhang papasok na si papa Dante. "Bakit hindi ko mabuksan itong pinto? Hindi naman naka-lock ito!" rinig kong sabi ni papa sa labas. Nagkatinginan kami ni Angkol Roman. Ramdam ko ang takot sa mga oras na iyon. Gusto ko siyang sigawan at magalit sa kanya pero dahil nandiyan si papa. Kailangan kong ayusin ang sarili. Umahon ako sa pagkakasandal sa pintuan. Tinanggal rin ni Angkol Roman ang kamay niyang nakadiin sa pinto. Siniguro din niyang hindi ako matamaan ng pinto bago niya tinanggal ang kamay na ginawang panangga. Ilang saglit pa biglang bumukas ang pinto. "Roman, ano'ng nangyari—O? Bakit nandito ka, Sandra?" takhang tanong ni papa Dante.Pabaling-baling ang tingin niya sa amin ni Angkol. "Bakit kayo magkasama sa kwarto ko?" "Nagpatulong ako kay Sandra para mahanap ang papelis sir Dante. Hirap akong hanapin, maraming gamit rito." Si Angkol Roman ang sumagot. Nasa likuran ko siya at kaharap ko naman si papa. Blangko pa rin ang isipan ko. Hindi ko alam pero gusto kong sumigaw at magalit. Halo-halo ang naramdaman ko. Gusto ko rin magsumbong kay papa kung paano ako hinalikan ni Angkol Roman. Pero mas nangingibabaw ang takot ko ngayon. "Ganoon ba. O siya, lumabas ka na, iha. Kami na ni Angkol Roman mo ang maghahanap rito." I tried to open my mouth but it was shut. Tinikom ko nang mariin ang bibig. Tumango lang ako saka nagmadaling lumabas ng kwarto ni papa Dante nang walang ingay na lumabas sa bibig ko. I was really tense and scared at the same time. Sunod-sunod ang paghinga ko nang malalim. Pakiramdam ko kakapusan ako ng hininga. Nang makapasok ako sa loob ng kwarto ko, tulala akong humiga roon habang nakatitig sa kisame. Napahawak ako sa labi ko at naalala na naman kung paano ako halikan ni Angkol Roman kanina. Hindi iyon mabilis, may galaw ang labi niya kung paano nito sipsipin ang lips ko. It was horrific, it was unbelievable. Pumikit ako nang mariin at namalayan ko na lang na umiiyak na pala ako. Bwesit na tanda ‘yun. Ninakaw ang first kiss ko!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD