15 CHAPTER: DIVIDER

1829 Words
Maaga akong gumising kahit walang pasok ngayon. Bukod sa maganda ang tulog ko, parang ang sarap din isipin na safe ako sa buong gabi, kahit wala si papa, nandiyan naman si Angkol Roman. Hindi ko alam kung ano'ng ginagawa niya kagabi sa labas ng bahay namin at iyon ang dapat kong alamin ngayong umaga. Pagkagising ko, si Manong Alexander ang bumungad sa akin sa pagkababa ko. Nagluluto ito sa kusina namin at nandito na rin pala si papa. Nakauwi na ito galing sa Isla. Naririnig ko ang boses niya sa labas. Kausap niya ang mga tauhan niya. Nandoon rin si Angkol Roman, tahimik na nakikinig sa mga sinasabi ni papa. Mukhang seryoso silang lahat kaya nu'ng lumabas ako para batiin ang ama ko. Agad silang na alerto. "Papa Dante, I'm glad you came back! I really miss you." Nilapitan ko si papa para yakapin ito ng mahigpit. "I really miss you, iha. Ang aga mo yatang nagising ngayon!? Wala ka namang pasok." Tumawa siya. Ngumuso ako at hindi ko maiwasang sulyapan si Angkol Roman. Nakasandal siya roon sa isang poste ng terrace. Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako sa kanya bilang pagbati ko rito sa umaga pero tumango lang si Angkol saka nag-iwas ng tingin. I giggled dahil suot niya pa rin ang outfit niya kagabi. Ibig sabihin lang nito, magdamag siyang nandito sa bahay namin. Hindi talaga siya umuwi. "Wala lang po...Nagising lang po ako ng maaga." "Ganoon ba. Sabay na tayong mag-agahan kung ganoon. Mukhang katatapos lang din ni Alexander sa pagluluto." "Okay po, papa...May sasabihin nga po pala ako sa inyo mamaya." Ngumisi ako rito. "Sige...Tungkol saan naman?" "Mamaya po, malaman niyo." Nilibot ko ang tingin sa mga tauhan ni papa at doon ko lang napansin na silang lahat nakatingin sa akin. May dala pa silang baril. Napalunok ako nang mapagtanto ko na masiyado ko na pala silang inabala sa kanilang meeting. Kung hindi lang siguro police itong si papa Dante, iisipin ko talaga na para kaming myembro ng sindikato dahil sa pormahan ng mga tauhan ni papa. "Pasok lang po ako sa bahay, papa. Tutulong na rin ako kay Manong Alexander na maglinis ng bahay. Maiwan ko na po kayo." Nag-ngising aso ako. "Ano ba ang nakain mo kagabi at mukhang good mood itong unica, iha ko." Natatawa si papa. Ngumuso ako sabay iling lang ng aking ulo. "Sige na papa...Magpatuloy na kayo sa meeting niyo para mag-agahan na tayo pagkatapos niyo diyan." Palundag-lundag at kumakanta-kanta pa ako habang pabalik. Bumalik na ako sa loob ng bahay para magwalis na sa sala. Ngunit habang ginagawa ko iyon, hindi ko maiwasang sulyapan si Angkol Roman sa slidding glass door. Nakikita ko lang siya mula rito dahil sinadya ko talagang buksan ang malaking kurtina dito sa sala para makita ko sila sa labas. Aminado naman akong hindi niya ako nakikita sa loob dahil tinted iyong glass sa labas. Hindi ko mapigilan ang mapapakanta habang nagwawalis sa sala. Sa tuwing titingin ako sa pwesto ni Angkol Roman mas lalo akong natutuwa at mas ginanahan sa trabaho ko. What is wrong with me? Kailan pa ako natuwa sa matandang ito? As far as I know. Nakatayo lang naman siya diyan. Walang ginagawa at normal lang ang kanyang tindig. He was really serious habang nakikinig siya sa usapan nila papa. He was so manly while standing proudly. Kahit sa simpleng pagsandal niya roon sa poste ng terrace. Nagsusumigaw iyon kung gaano siya kakisig tingnan. Kahit nasa kalayuan ito, mas nangingibabaw pa rin ang tangkad niya sa kanyang mga kasamahan. "Aba! Ikaw pala ang naglilinis, Ma'am Sandra. Ako na riyan!" Biglang lumabas si Manong Alexander sa kusina kaya natigil ang pagsulyap ko doon kay Angkol Roman. "Ako na Manong. Patapos naman na ito." Nilagay ko ang dumi sa dustpan. Pinanood naman ako ni Manong Alex sa ginagawa ko. "Mabuti na lang nakauwi na ang ama niyo, Ma'am Sandra. Grabe nakakatakot talaga kapag nasa operasyon siya. Hindi mo alam kung uuwi pa ba siya ng buhay." Natigilan ako sa narinig. Kumunot ang noo ko bagama't hindi ko alam kung bakit kakaiba yata ang pag-alala ni Manong Alex. "Sanay na si papa sa kanyang trabaho. Police Heneral kaya siya kaya alam kong walang mangyayari sa kanyang masama." "Kung alam mo lang talaga, Ma'am Sandra kung ano'ng operasyon ang tinutukoy ko. Maintindihan mo rin ako," sabi niya saka ito bumalik sa kusina. Naiwan tuloy akong clueless sa mga pinagsasabi niya. Mas lalong nangunot ang noo ko. Ano'ng ibig sabihin niya nun? May iba'ng operasyon pa ba na tinutukoy si Manong Alex bukod sa ginampanan lang ni papa ang pagiging police Heneral niya? Nagkibit balikat ako ng wala akong maisip.. Nang binalik ko ang tingin sa labas kung nasaan sila papa. Ramdam ko ang taranta nang makita ko si Angkol Roman na patungo rito sa loob ng bahay. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nenerbyos sa presensiya ng matandang ‘to. Kahit tapos na sana ako sa pagwawalis. Naghahanap pa ako ng alikabok na pwede kong linisin habang naghihintay sa pagpasok ni Angkol Roman. Mukhang mapapasubo pa yata ako. Bakit pa ba ako naglilinis ngayon? E, tapos naman ako rito. Pwede naman akong umakyat na lang sa kwarto ko. Pero sa ginagawa ko ngayon mukhang ako na mismo ang gumagawa ng paraan para magkalapit kami ni Angkol Roman. "Saan na ba kayo mga alikabok kayo!" bulong-bulong ko. Tumuwad-tuwad ako roon sa divider ng television para abutin ang alikabok sa ilalim. Napansin ko naman ang yabag ng sapatos ni Angkol Roman na nasa hambahan na ng pinto. Tumibók bigla ang puso ko. Mas nadagdagan ang kaba kahit hindi naman dapat. Magtigil ka nga, Sandra! Bakit ka ba kinakabahan sa matandang ’yan! Hindi ka naman takot diyan! "Ang dumi naman rito!" medyo nilakasan ko ang boses para hindi malaman ni Angkol Roman na alam kong nandiyan na siya sa pinto. Dinungaw ko pa lalo ang ilalim ng divider. Yung pwet ko nakaharap doon sa pinto kung saan nakatayo si Tanda.Hindi na ako makapag-isip ng maayos kung ano'ng gagawin. Nakasuot ako ng shorts ngayon at mataas na T-shirts, abot hanggang hita kaya sa pag-abot ko doon sa ilalim ng divider para linisan ang ilalim nu'n, tumataas naman ang laylayan ng damit ko nang ’di sadya. Nakikita na ang suot kong shorts. "Ano'ng ginagawa mo diyan, Sandra!" Kahit alam kong nasa likuran ko siya at nakatanaw sa akin nagulat pa rin ako sa baritono niyang boses na para bang nagpipigil na huwag sumigaw. "Naglilinis, tanda. Hindi mo ba nakikita!" sagot ko. Hindi ko siya binalingan, bagkos mas tumuwad pa ako para lang makita kung may dumi pa ba sa ilalim ng divider. Narinig ko ang mahinang pagmumura ni Angkol Roman. Nakakunot noo tuloy ako kung ano'ng problema niya. Galit ba siya? "Masisilipan ka na! Nakikita ko ang panty mo. Kanina ka pa ba diyan?" Dahil sa sinabi niya doon ko lang na pagtanto na nakikita na pala ang pwetan ko. Mabilis kong nabitawan ang walis saka hinarap si Angkol Roman ng tuwid. Animo'y bata na nahuli sa akto. Tangà ko naman! Maiksi nga pala ang suot kong shorts! Kahit na ganoon. Tinaasan ko siya ng kilay at taas noo ang tingin ko rito. "Maputi naman ang pwet ko! Saka walang malisya sa akin kung nakita mo ang panty ko. Para naman kitang papa e!" ingos ko para hindi lang mapahiya sa nangyari kahit ang totoo gusto kong umiyak ngayon sa kahihiyan. Naisip ko pa lang na nasisilipan ako ni Angkol Roman gusto kong magwala. Kaso hindi ako pwedeng mag-hysterical lalo na't wala siyang alam sa mga pinanggagawa ko. Kasalanan ko rin ang nangyari. Naglakad siya palapit sa akin. Sunod-sunod ang paghing niya nang malalim. He gave me a death glare na ngayon ko pa lang nakita sa kanya. "Bakit ka ba kasi nagsusuot ng ganyan. Maraming lalaki sa bahay niyo. Kanina ka pa nila tinitingnan." Madilim ang mukha niya,igting ang panga. Tiningnan niya ang T-shirt ko na maluwag pababa sa suot kong shorts na halos hindi makita sa sobrang iksi, sabayan pa na mahaba ang T-shirt kong suot. Para tuloy akong walang suot sa ibabang parte. "Ano'ng pakialam mo, tanda! Bahay namin ito e! I can wear what ever I want." Huminga na lamang ako nang malalim. Nag-isip ng idudugtong pero nilamon na ako ng kahihiyan. Makapal naman ang pagmumukha ko kapag kausap ko ang matandang Roman na ’to, pero sa puntong iyon halos hindi ako makapagsalita. "Nakita ka ba ni Alexander na naglilinis diyan?"mas lalong sumeryoso ang kanyang mukha. Iniling ko naman ang ulo. "Hindi pero nag-uusap kami kanina." Dumilim lalo ang pagmumukha ni Angkol Roman. Pansin ko talaga ang tagis ng kanyang bagang at para bang nagpipigil ito sa kanyang emosyon. "Kung ganoon ako pa lang ang nakakita sa'yo na tumutuwad ka diyan habang kita ang panty!" Yumuko siya para mas matitigan ako nang mariin. Napanguso ako at nanliit ang titig ko sa kanya. "Bakit paulit-ulit ka! Gusto mo lang yata makita ang panty ko!" mahinang bulyaw ko. Sakto lang para maramdaman niyang kinilabutan ako sa tanong niya. Walang gana niya akong pinagmasdan. Iniling niya ang kanyang ulo. "Nagtanong lang ako, Sandra. Hindi mo alam kung ano'ng utak ng mga lalaking nasa paligid mo kapag nakita ka nilang naka ganoon." Magsasalita na sana ako pero natigilan ako nang marinig namin ang boses ni Manong Alexander.. "Sandra, tapos ka na ba diyan? Kumain na kayo ng ama mo."Lumabas si Manong Alex galing kusina. Nadatnan niya kami ni Angkol Roman na magkausap. "Roman, ikaw pala...Tapos na ba ang meeting niyo sa labas?" Nagtagal ang titig ni Angkol Roman sa akin bago niya binalingan si Manong Alexander. Iritado pa rin ang kanyang emosyon. "Hindi pa...May pinapakuha si sir Dante sa kwarto niya. Maiwan ko muna kayo." Sinundan ko ng tingin si Angkol Roman nang maglakad siya patungo ng hagdanan. "Akala ko patapos ka na, Ma'am Sandra? Bakit may alikabok pa rin iyan?" Si Manong Alex. Tinuro ang bandang divider. "Hindi ko po nalinis ng maayos. Tatapusin ko lang ’to." Kinuha ko ang walis at akmang lilinisan ko ulit ang ilalim ng divider pero nagulat ako nang tinawag ni Angkol Roman ang pangalan ko. "Sandra, tulungan mo nga akong maghanap ng gamit ng papa Dante mo. Hindi ko kabisado kung saan nilalagay ng ama mo ang mga importante niyang gamit." Tiningala ko si Angkol Roman. Nakatalikod siya sa amin at nakahinto siya roon sa gitna ng hagdanan habang nakapamulsa. "Ikaw na tanda, kita mo namang naglilinis ako. Uutusan mo pa ako!" simangot kong sabi. "Si Alexander na diyan, iwan mo na iyan. Sumunod ka sa akin. Huwag nang makulit." Pagkatapos nagpatuloy na ito sa pag-akyat ng hagdanan. Napanguso ako at biglang naiirita sa pagiging demanding ng matandang iyon. "Manong, Alex...Ikaw na dito. Sundan ko lang si Angkol Roman." Ngumisi ako kay Manong saka ako nagmadaling umakyat ng hagdanan habang hindi pa nakakalayo si tanda'ng Roman. May mata naman siya. Hindi niya ba 'yun kayang gamitin sa paghahanap! Oo nga pala. Baka nanlabo na rin siguro dahil matanda na nga pala ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD