Matagal-tagal na rin na hindi nakadadalaw si Uly sa Kalye Onse para bisitahin ang mga kaibigan niya roon. Kaya naman naisipan niyang bisitahin ang mga ito ngayon. Eksakto namang naroon ito sa tindahan ni Susie nang dumating siya. Mukhang nagkakasiyahan ang mga ito. "Ano na naman iyang pinanonood niyo ha?" usisa ni Susie sa mga ito nang pokus na pokus ang apat sa cellphone ni Ong. "Wala ito. May pinanonood lang kaming sumisisid." sabi ni Yotyot. Tumango-tango naman si Susie at naniwala sa mga ito. Ngunit mayamaya ay may biglang umungol dito. Sabay-sabay pa silang nagulat dahil doon. Paano ay sumisisid ang nasa video nang biglang pulikatin ito at napaungol sa sakit. "Kayo talaga. Sa harap ng tindahan pa talaga kayo nanonood ng milagro ha." sabi ni Susie nang matapos marinig ang ungol. Nan

