"Can we talk?" seryosong saad ni Uly sa dalaga habang nasa tapat ng pinto ng banyo. Nakasandal ito sa pader ng banyo habang nakaabang sa dalaga. "Can't you wait?" iritableng sagot naman ni Pisces. Paano ay nasa banyo ito ngunit katok nang katok si Uly kahit nasa loob siya ng banyo. Hindi pa ito tapos maligo ay dinidistorbo na ng binata. Hindi tuloy ito makatapos-tapos sa paliligo. Wala namang nagawa si Uly kung hindi ay ang maghintay. Baka kapag minadali pa niya ito ay lalong magtagal ito. Naiiling na lang siyang naupo sa kama para hintayin ang dalaga. Kailangan niyang makumpirma rito kung tama ang sinabi ni Linda sa kanya. "But why should I even think of believing her?" saad ng isip niya. Kumg sa reliability lang ng impormasyon ay hindi reliable si Linda. Pero ano nga ba ang rason para

