"Couz!" tili ni Pisces na nananakbo papasok sa guest room ng bahay ni Uly. Katulad nga ng sabi ni Uly ay naroon nga ang pinsan nitong si Eloiza. Napaptili pa ito sa excitement na makapagkuwento sa pinsan niyang ito. "Gosh, couz. Saan ka ba galing? I told you I'll visit you. But you're not even here." hindi naman nagtatampo pero nag-uusisang sabi ni Eloiza. At 'pag nagsalita ito ay wala talagang preno. Akala mo ay asawa ang hinahanap kung makapag-demand dito. "Know what?" sambit nito na binaliwala ang tanong ni Eloiza at mahabang litanya nito sa kanya. "I confronted my dad. Hindi ako papayag na ibigay niya sa ibang tao ang hote na 'yonl. Ako ang nag-palago no'n. Pinaghirapan kong i-manage 'yon. Tayong dalawa ang naghirap doon and not that girl." angil ni Pisces na may kasama pang gigil.

