"Hindi ko alam kung bakit ako pinaglalaruan ng tadhana. Kung bakit kailangang maging anak ako ng taong anak din ang napangasawa ni Uly. And I don't like her. Mukha siyang maarte." usal ni Nejieh sa sarili matapos siyang talikuran ni Pisces. Parang pinipiga ang puso niya sa sakit habang inihahatid niya ito ng mga mata niya palabas ng pinto. First time lang niya itong makilala. Ngayon niya lang din ito nakita sa buong buhay niya. At kahit ang pangalan nito ay hindi niya rin alam. Wala naman talaga rin siyang pakialam dito hanggang sa nalaman niyang ikinasal ito kay Uly. Kaya naman naaartehan siya rito. Kung tutuusin ay pareho naman silang maarte nito. Ang pinagkaiba lang ay may ikaaarte si Pisces. Unlike kay Nejieh na hindi inaayon ang ugali sa hitsura. Marahil kaya ito naiinis ay dahil sa

