Lihim na nangingiti si Pisces sa reaksyon ni Uly. Akala siguro ng bintana ay basta-basta na lamang niyang maaasar si Pisces. Bago pa man maisip nito na asarin siya ay naisip na ito ng dalaga. Nakapalibot na rin ito sa kuwarto at bahay niya. Nainterview na rin niya si Manang. "Couz, gosh. Hindi ka maniniwala. He's damn hot!" tili ni Pisces na tinatakpan pa ang sariling bibig nang tawagan niyang muli si Eloiza---ang kanyang pinsan. "I told yah. I know na magugustuhan mo siya. Sobrang layo kaya niya sa Sagittarius na hambog na 'yon." biglang nagbago ang timpla ng mukha ni Pisces nang mabanggit ang pangalan ng fiancé niya. "Speaking of that devil. Did he agree marrying her?" usisa niya sa huling nabanggit ng pinsan niya kanina nang unang tawag nito. "Who? Your sister?---" hindi pa man tapo

