Kinasusuklaman ni Nejieh na mapadpad o tumuntong man lang sa mansiyon na pag-aari ng kanyang ama. Ngunit kung paanong nakumbinsi siya ng kanyang ina ay hindi na niya maalala pa. Ang nais niya lang ay sumbatan ang ama na ginagawa silang tautauhan. "Sir, nasa labas na po si Ma'am, kasama ang anak niya." sabi ng mayordoma ng Don na ama ni Nejieh. "Papasukin niyo na sila. Dalhin sa hardin. Naroon na rin naman si Orion. Siya ang makikipag-usap sa anak ko." utos ng Don na agad namang tumalima ang mayordoma. Sa hudyat niya sa mga guwardiya ay pinapasok ang sinasakyan nina Nejieh at Heidi. Hindi pa rin makapaniwala si Nejieh na naroon siya ngayon sa lugar ng kanyang ama na matagal na niyang nilimot. Nang makarating sa malaking pintuan ng mansiyon ay nakaabang ang mayordoma. Pagbaba nina Nejieh

