Ito naman kasi dapat ang ginawa niya noon pa. Noong nalaman niyang mahal si Uly ng kapatid niyang si Nejieh. Ngunit dahil sa tigas ng ulo niya ay hindi niya ito inintindi. Ngayon ay nagpaubaya na siya. Hindi pa rin naman niya mahal nang lubusan ang binata. Hindi pa siguro. Mabilis lamang niya itong makalilimutan sa tingin niya. "Huwag mo siyang ipaubaya sa'kin... Kita ko sa mga mata niya na mahal ka rin niya." sambit niya kay Nejieh nang magkausap sila bago ito ikasal. Ngunit nagdesisyon pa rin si Nejieh na magpakasal sa namapayapa nitong asawa. Alam nito na peke ang kasal nina Pisces at Uly pero siya itong nagpaubaya. "Ikaw ang mahal niya. Peke man ang kasal niyo pero ang feelings niya sa'yo ay tunay. At wala siyang feelings kahit kaunti para sa'kin..." giit ni Nejieh. Ngunit tila hindi

