"Sino naman nagsabi na masama ugali mo? Ang bait mo nga e. Teka, sino bang nang-iwan sa'yo?" sunod-sunod na naguguluhan pa ring tanong ni Biloy kay Uly kung ano ang problema nito. Pagkakatanda niya ay masaya na ito sa buhay nito dahil ikinasal na ito. "Hindi ko nga alam, parekoy. Lagi na lang akong naiiwan mag-isa..." pagkasabi ay nilagok niya ang lahat ng laman ng bote. Wala na itong laman nang ibaba niya at ilapag sa mesita. "Ano ba kasing nangyari?" bago pa man makasagot si Uly ay napahiga na ito sa sofa sa sobrang kalasingan nito. Labis niyang dinamdam ang pag-iwan ni Pisces sa kanya. Bago pa lang naman sila. Hindi pa ganoon kalalim ang nararamdaman niya. Hindi nga ba? Ngunit minahal na niya ito. At kung kailan handa na siyang magmahal muli ay saka naman siya muling naiwan. Nalimuta

