CHAPTER 1
"Khoeznie, ano nanaman bang dahilan mo't andito ka nanaman sa bar ko, ha?" tanong ni Gina, ang best friend ko na siya ring may-ari ng isa sa pinakasikat (at pinakakontrobersyal) na bar sa bansa Ang “Crimson Bar”.
Napasinghay ako bago sumagot "Gusto ni dad na humanap na ako ng mapapangasawa sa Lalong madaling panahon. Gina, Mag te-trenta na ako gusto nya na akong humarot. tulungan mo ako."
" Gusto pa ni dad Yung Kasama Kong mamumuno sa underground. Saan naman ako hahanap ng Ganon?" Dagdag ko pa
"OA ka bkla! 28 ka palang.. pero paano ka nga ba hahanap ng standard ng dad mo?" Napairap siya habang inaayos ang tray ng mga alak.
"Bakit hindi mo nalang hanapin yung mafia prince na anak ng dating kaalyado ng papa mo? Pakasalan mo siya. Malay mo, pag nagkaanak kayo, mag reunite Ang dalawang partido ng underground " suhestyon ni Gina .
Nasingkitan ko sya ng mata saka sumagot "Nagbibiro ka ba? Baka Hindi pa ako nakakapasok sa teretoryo nila e, napaulanan na ako ng bala. "
Naputol ang usapan namin nang biglang bumukas ang pinto ng bar at pumasok ang isang lalaking may presensyang agad nagpatigil sa musika.
Hindi naman talaga tumigil ang sound system, pero ganoon kalakas ang dating.
'Perfect sya para sa hinahanap ko. Matipuno, maayos Ang tindig, bunos Ang ka-gwapuhan, mukhang malakas din sya... Sya na nga...'
Napakapit ako sa braso ni Gina at bumulong, “Gina… bago ba sya sa bar mo ?"
Nagtaas siya ng kilay. “Khoeznie, maghunus-dili ka. Wag mong sabihing siya ang target mo."
“Bakit hindi? Tignan mo siya oh. Perfect maging mafia prince ko. ”
Tinapik ako ni Gina sa noo. “Tigilan mo 'yan. Si Tyler Clyde Shrewdly 'yan, 31 yrs old. Ang bagong batang CEO ng pinakamayamang kompanya sa bansa. Nanonood ka ba ng balita? Usap usapan din na highschool palang dinala na sya sa Europa sa di malamang dahilan. Apaka expensive ng taste mo bkla!"
Napangisi ako sabay inom ng alak na hawak ko.
"E ano naman. Girl, mayaman din naman Ang pamilya ko a. Hindi nga lang tulad ng sakanya, manood ka."
Dahan-dahan akong lumapit sa mesa ni Mr. Tyler nagpangap na lasing, ngunit hinarang ako ng isa sa mga tauhan niya.
"Ano ba~ hoy, bi-bitawan mo nga ako... kakausap-in ko lang yung boss mo," lasing-lasingan kong saad. Pero itulak lang ako at napaupo sa sahig.
" Mr. Tyler Hindi ka ba haharap Sakin? Kausap lang o!" Pagpapapansin ko pa pero Hindi nya ako nililingon. Abala lang syang nakatingin sa cellphone nya.
"Ano ba mr. Hindi naman ako Mang gugulo." Muli Kong paki usap sa tauhan ni Tyler pero muli nila akong tinaboy.
Hindi ako sumuko. Magsisimula ulit sana akong lumapit nang biglang may pumasok na babae, elegante, parang sosyal na diwata. Lahat ng tauhan ni Tyler ay nagbigay-daan sakanya kaya napa gilid na din ako.
"Nakauwi ka na pala galing Europe, Tyler. Bakit hindi mo man lang sinabi sakin?"
“Sinabi ko na sayo dati Hindi ba? Christine, Hindi ako interesado sayo.” malamig niyang sagot.
"Tyler, bakit? Di ba sabi mo noon… pagbalik mo, papakasalan mo ako?"
"Kalimutan mo na. Hindi lahat ng pangako natutupad. Mamuhay ka nalang ayon sa kagustuhan mo."
‘Grabe, cold talaga. Wala bang puso ‘tong lalaking ‘to?’ napabulong ko sa sarili.
Napasinghay ako Saka napaisip kung itu-tuloy ko pa ba 'to? or wag nalang kaya?’
Na discouraged ako't naisipang huwag nang mange alam, hahanap nalang ako ng ibang lalaki.
Bago pa man tuluyang makalayo ay Isang tinig Mula sakanya ang nagpahinto saakin.
“Where are you going?”
Napalingon ako. Nakatingin siya diretso sakin.
“A-a-a... ako?”
Tumayo siya at dahan-dahang lumapit Saka ako nginitian.
“Nagseselos ka ba honey? Don't worry nag uusap lang kami." Nagulat ako sa sinabi nya at napakunot noo nang senyasan nya ako.
'aarte ba ako?'
“Ah… n-no!.. Bakit naman ako magseselos e ikakasal na tayo."
Napatingin Siya Sakin dahil sa sinabi ko Ganon din Ang mga tauhan nya .
'mali ba? ' bulong ko sa sarili ko ng halatang pilit lang nya Akong nginitian.
"T-Tama. She is...uhm.."
"Pleased to meet you. I am Khoeznie Alvarez.” pakilala ko sa babae dahil di pa nga ako Kilala ng Tyler na'to.
"You're lying ! Tyler.. please don't do this." Makaawa ng babae pero Malamig lang syang tinignan ni Tyler Saka ako hinatak palabas ng bar at marahas na ipinasok sa sasakyan nya.
Agad nyang pinaandar Ang sasasakyan palayo sa bar.
Nanatili akong tahimik sa loob ng sasakyan nya Hanggang sa pahintuin nya ito.
"Anong bank account mo? Isesend ko Ang pera don para sa walang silbing pag Arte mo."
Walang emosyon nyang Saad Sakin ng mapataas ako ng kilay.
Seryoso ko syang tinignan at seryosong nagsalita "Hindi na kailangan. Hindi ko kailangan ng pera mo."
"Kung Ganon bakit ka nagpupumilit lumapit Saakin kanina? "
Nginitian ko sya Saka nag ayos ng pustura.
"Alam Kong Hindi ako karapatdapat sayo, pero.. pwede bang, pwede bang magpakasal Tayo ?"
Tumahimik ang paligid. Isang minuto. Dalawa. Wala siyang imik. Hanggang sa bigla siyang tumawa.
“Nagpapatawa ka ba?.”
"Ha ha? Hindi~ Hindi Kasi joke yon.. kaya~ Hindi nakakatawa hehe.." awkward Kong sagot ng mag seryoso sya.
"Tama Hindi nakakaawa, Ang lakas ng loob mong alukin ako ng kasal? Sino ka ba sa inaakala mo? Baba!"
"S-seryoso ako. Pangako temporary lang. Mag fa-file din naman ng divorce kapag nakahanap na ako ng lalaking ipakikilala
Ko talaga sa pamilya ko." Yuko Kong Saad ng Lalo syang mainis.
"Baba Sabi!"
Bumaba nga ako sa kalagitnaan ng kalsada Saka
napatingin nalang sa sasakyan nyang unti-unting naglalaho sa paningin ko.
'kainis! Di marunong sumakay sa trip.'