Chapter 2. Bonding in the river

2299 Words
Naging busy kami ni Marco ngayong nagdaang mga araw. Maraming mga projects at malapit narin ang examination day at intramurals ng school namin. Lagi ng magkasama sina Marco at Margaret dahil nililigawan na ito ng kaibigan niya. Dahil isa sa mga cheer leader si Margaret gabi na silang umuwi syempre hatid sundo naman ito ni Marco. Isa sa mga top student sa klase si Marco at ako. Kaya sobrang dami naming ginagawa sa ngayon. Kahit magkatabi kami sa upuan ay naging busy kami sa kanya kanya naming ginagawa. Nagke-kwento din naman siya nang tungkol sa kanila ni Margaret kapag may pagkakataon. Syempre siya naman ay nakangiti mukang masaya para sa kaibigan. Nasa rules namin kasi iyon at kahit siguro wala kaming rules na ginawa. Ay gusto niyang maging masaya ang kanyang kaibigan. Kahit na siya nalang ang masaktan ng lihim ay okay lang iyon basta para kay Marco. Sabado ngayon kaya wala silang pasok nasa loob siya ng kwarto mag isa.Dapat andito ngayon sa bahay si Marco at nagbo-bonding sila. Namimis niya na ito ng sobra, nakasanayan na kasi niyang andyan lang ito palagi sa tabi niya. Nakasuot siya ng headset at pinapaking-gan niya ang kanta na Kunin mo na ang lahat sa akin ni Angeline Quinto. Napapakanta pa siya ng malakas dahil ramdam niya ang lungkot na mensahe ng kanta. Biglang may kumatok sa kanyang kwarto. Hindi niya masyado marinig iyon dahil nakasuot siya ng headset. Sinasabayan pa niya sa pagkanta kaya hindi niya narinig agad. Kanina pa siguro ito kumakatok binuksan niya ang pinto at bumungad si Marco na nakangiti. May dala-dala pa itong banana que para sa kanya. Itinaas pa nito ang dalang plastic bag upang makita niya iyon. "Kain tayo, sobrang namiss ko ang best friend kong Panget." anito. Hinila niya ako papuntang sala at naupo kami doon. "Wala kayong lakad ni Margarit ngayon?" tanong niya. "Pupunta daw sila ngayon sa Lola niya, mamayang hapon pa balik niyon." sagot nito habang kumakain ng banana que. Kaya pala andito ito ngayon sa bahay dahil wala ang nililigawan nito. Tumango tango na lamang siya bilang pag sang ayon. "Anu kayang pwede gawin natin ngayon? manood kaya tayo ng movie?" magka sunod na tanong nito. Alam niyang bumabawi naman ang best friend niya kapag ganitong may mga pagkukulang ito sa kanya. Minsan ay nag-iimagine siya. Anu kaya ang pakiramdam na maging kasintahan ni Marco? Ang makulong sa kanyang mga bisig at mahalikan ang kanyang mga LABI? Naku Elise! masama na talaga ang tama mo sabi niya sa kanyang sarili kapag naiisip niya iyon. "Parang ayoko munang manood ng movie ngayon. Mag bisikleta nalang kaya tayo papuntang ilog?" tanong ko sa kanya. "Sige, para naman maka-langhap tayo ng sariwang hangin sa may ilog. Medyo matagal narin tayong hindi nakakapunta doon." sang ayon naman nito sa kanya. Napangiti siya dahil namiss niyang kasama ang kanyang kaibigan na pumunta ng ilog, at mag bisikleta nang sabay papunta roon. "Kukunin ko lang yong bisikleta ko sa bahay." ani Marco. Mahilig sila magpaunahan magbisikleta papuntang ilog simula pa noon bago man lang sila makarating ay hinihingal na sila at pagod na pagod. Nasa may ilog na sila at nakaupo sa isang mahabang upuan roon. Dito sila lagi pumupunta ni Marco kapag napapagalitan ng kanilang mga magulang. Dito din sila madalas kapag napapagod na sila sa maraming ginagawa sa school. Nakakarelax kasi ang tanawin dito at masarap ang simo'y ng hangin. Nakatingin sila sa malawak na ilog. Malinis ito dahil bawal dito ang magtapon ng basura. Kaya may mga mangilan ngilan na mga bata ang naliligo dito. Katulad nila noon ni Marco ng maliit pa lang sila. Kahit pinagbabawalan na sila ng kanilang mga magulang na maligo sa ilog ay sadyang matigas ang kanilang mga ulo lalo na kapag magkasama silang dalawa. Bigla itong may naalala noong maliit palang sila. "Naalala ko noon panget." "Dito mo nadiskobre na sobra mo’ng paborito ang pagkain ng banana que diba?" tanong nito. Napangiti ako ng maalala ko iyon. "Pati yong pagkain ko kinuha mo pa nga, kulang din pala kasi ang dalang pera natin noon kaya dalawa lang nabili natin.” ani Marco sabay tawa. “Gutom na gutom na kasi ako noon, dahil sa sobrang paglalaro natin." Sabay pa silang tumawa ng malakas ng maalala nila iyon. Maraming alala ang lugar na ito sa kanilang dalawa. Dito din niya simulang maramdaman na nahuhulog na ang loob niya kay Marco. Dito din unang nakita ni Marco si Margarit at nagustohan. Madalas din ito sa ilog maglaro kasama ang mga kaibigan nito noon’g bata pa sila. Simula noo’y madalas na sila sa tabing ilog. Biglang bumaba ng ilog si Marco at sinabuyan siya ng tubig napasigaw siya ng malakas. Bumaba narin siya at sinabuyan din ito ng tubig mas maraming tubig ang ginawa niyang pagsaboy kay Marco. Basang basa na sila’ng dalawa at ang lakas ng kanilang tawanan . Ganito ang trip nilang magkaibigan basta masaya lang silang dalawa kahit na mapagalitan pa sila pag uwi ng bahay. "Tama na nga, uwi na tayo, at panigurado na mapapagalitan tayo ng Mama mo." ani Marco. Sabay Silang umahon na dalawa at inalalayan pa siya nito. Panigurado magagalit ulit ang kanyang Mama pag nakita siyang basang basa nito. "Hala lagot, basang basa na tayo Biik. Paniguradong sermon na naman ang abot ko nito kay Mama." Sabi niya. Habang pauwi na sila hindi niya napansin ang batong nakausli sa daan. Nawalan ng balance ang bisikleta niya at bumagsak siya sa lupa. Nagkaroon siya ng sugat sa may binti at hindi siya makatayo dahil sa kumikirot ito. Biglang huminto si Marco at napalingon sa kanya. Buti naman at napansin nitong bumagsak siya sa lupa. "Anung nangyari sayo Panget?" nag-aalalang tanong nito. "Natisod ko yung nakausling bato at nawalan ng balance ang biseklita ko. Hindi ko nakita kaya bumagsak ako." sagot ko. " Tara iwanan nalang muna natin iya’ng mga bisikleta sa gilid ng kalsada. Babalikan ko nalang mamaya pagnaihatid na kita sainyo" anito. Binuhat siya nito buti nalang malapit na ang bahay nila. Malamig na ang pakiramdam niya dahil sa basang damit na soot-soot. Pero iyong katawan ni Marco na dumidikit sa katawan niya ang nagbibigay nang init sa kanya. Bigla siyang namula at napalonok buti nalang at hindi ito nakatingin sa kanya. Sobrang maalaga talaga nitong best friend niya ang swerte ni Margarit sa kanya. Nalungkot na naman siya kapag naii-isip niya na balang araw mawawala na ito ng tuloyan sa kanya. Timingin ako kay Marco. Mukang nahihirapan na ito sa pagbubuhat sa kanya. " Baba muna nga ako Biik. Mukang kaya ko na naman maglakad eh, nahihirapan kana saakin oh." sabi niya rito. "Okay lang ako basta para sa best friend kong si Panget." sabi nito na nakangiti. "Panu kong sabihin ko sayo na ayaw na kitang maging kaibigan?" "Ah,hindi ako maniniwala sayo." anito. "Bakit hindi?" seryosong tanong niya. "Dahil kilalang kilala na kita Elise Santos na Panget. Alam kung hindi mo ako kayang mawala sa tabi mo." sagot nito. “ Wow lakas nang fighting spirit mo-“ Biglang naputol ang paguusap namin ng matapat na kami sa bahay. Biglang lumabas ng bahay si Mama at nagulat ito nang makita akong buhat buhat ni Marco. "Anung nangyari sayo Elise?" tanong ng Mama niya. "Natumba po iyon bisikleta ko ng pauwi na kami ni Marco." sagot niya rito. "Basang basa na naman kayong umuwi.” “ Kayo talagang dalawa kung anu anung pinag gagawa ninyo." Nagkatinginan na lamang kami ni Marco. "Sige, dalhin mo na siya sa sala Marco. At gagamutin ko muna ang sugat niya." "Siyanga pala Marco wala kabang gagawin mamaya?" tanong ng kanyang Mama. "Wala naman po tita." sagot nito. "Pwede mo bang samahan si Elise dito sa bahay mamaya? May pupuntahan kasi kami ng Papa niya." "Sige po tita walang problema." sagot ni Marco. "Bakit Ma wala pa po ba si kuya?" tanong ko. "Mamaya pa daw siya uuwi. at may group studies sila ng mga kaklase niya ngayon." sagot ni Mama. Nagpaalam narin si Marco na uuwi muna para maligo dahil halatang nilalamig na ito sa basang-basa nitong damit. Maya maya ay may kumakatok sa pinto. Tumingin ako sa wall clock mag aalas-dos na pala ng hapon malamang ay si Marco na ito. Nagmamadali na kasing umalis kanina ang Papa at Mama niya para sa pupuntahan nilang event na kaibigan ng kanyang Papa. "Sandali lang." Binuksan ko ang pinto at bumungad si Marco kasama si Margaret. "Elise isinama ko na pala si Margaret. Para naman makapag -bonding kayo." Tumingin pa ito kay Margaret at ngumiti. "Hi Margaret." bati ko sa kanya habang nakangiti. "Hello Elise, siya nga pala may dala akong meryenda natin banana que. Sabi kasi ni Marco na paborito mo raw ito." sabay abot niya ng plastic bag saakin. Nakangiti na kinuha ko ang plastic bag na inabot nito. Napaka ganda nito lalo na pag nakangiti babaeng babae itong tingnan. Kumpara sa kanya na lagi naka t-shirt na malaki at short na panlalaki. Meron din naman siyang mga pam-babae na damit dahil ang hilig nang Mama niya na bilhan siya nito. Pero hindi siya komportable na gamitin ang mga iyon. Kaya ang mga damit na bigay ng kuya Jef niya ang suot suot niya lagi. Kaya naman lagi siya napagsasabihan ng kanyang Mama. At kung minsan pa nga ay pinag aawayan pa nilang dalawa ang pagsusuot niya ng mga ganoong mga damit. "Pumasok na muna kayo sa loob, at doon na natin kainin itong dala mo." aya niya sa dalawa. Sumunod na itong pumasok sa kanya sa loob ng bahay. Nanood kami ng to The fault in our stars na request ni Margaret. Sobrang mahilig pala ito sa mga romance movies. Tumingin ako sa kanila magkatabi ang dalawa sa upuan. Bagay na bagay sila ang perfect nilang tingnan na dalawa. Napansin ata ni Marco na nakatingin siya sa kanila ni Margaret kaya bigla itong nagtanung. " Kumusta na pala iyan sugat mo kumikirot pa ba?" tanong nito sa kanya at tumingin sa binti niya na nilagyan ng bandage kanina ng kanyang Mama. " Okay naman ginamot na ni Mama kanina." sagot ko. “ Ah, kaya pala may bandage ya’n binti mo napansin ko kanina. Anu ba kasi ang nangyari?” tanong ni Margaret. “ Kanina ito nang matumba ako sa bisikleta.” maikling sagot niya, buti naman at tumutuk na ito sa palabas at hindi narin nagtanung pa. Natapos narin ang palabas nang wala siyang naintindihan masyado sa kwento. Alam niya rin na boring din ito’ng si Marco dahil puro horror movies at suspense talaga ang hilig nilang panuoring dalawa. Maya maya pa ay dumating narin ang kuya Jef niya. Kaya nagpaalam narin sina Marco at Margaret na uuwi na. Nagpasalamat naman ang kanyang kuya Jef sa dalawa at sinamahan siya ng mga ito dito bahay. *** Naglalakad siya ngayon mag-isa papuntang school nakakalungkot pala talaga pag-ganito walang Marco na mangungulit sa kanya. Malapit na ang intramurals nang school nila at isa sa maglalaro nang basketball ay si Marco. Lalong naging busy ito, pati sabado at lingo ay hindi na sila nagkikita. Mag-isa na naman siya ngayon papunta nang canteen. Lagi naman siyang niyaya nila Marco at Margaret na sumabay sa kanila sa canteen. Tinatang-gihan n’ya ito at nagdadahilan nalang siya palagi dahil sa tuwing nakikita niyang magkasama ang dalawa ay mas lalo niyang nararamdam na hindi na sa kanya ang kaibigan. Oo sobrang nagseselos na siya kay Margaret. May biglang sumabay sa kanya sa paglalakad si Nick at nakangiti ito sa kanya. "Pwede ba sabay na tayong kumain sa canteen?" aya nito sa kanya. Pumayag naman siya sa alok nito. Magkasabay silang pumasok ng canteen at nakita niya sina Marco at Margaret na kumakain. Napansin ni Marco na kasama niya si Nick at biglang nagiba ang timpla ng muka nito. Nakita rin pala sila ni Margaret at kumaway ito sa kanila. "Dito na kayo maupo ah." ani Margaret. Tumango nalang siya bilang pagsang ayon. O-morder si Nick ng apat na banana que at dalawang orange juice. Sabay na silang pumunta sa table nila Marco. Inabot saakin ni Nick ang banana que at ang orange juice. "Wow, paborito ko ito, buti ito yon binili mo." "Alam ko na paborito mo iyan. Lagi kasi kitang nakikita halos araw araw na iyan lagi ang kinakain mo." Sabi pa nito na nakatawa sa kanya. Magkasabay pa kaming tumawa at sumali narin saamin si Margaret. Tumingin siya kay Marco na mukang seryoso kanina pa. Medyo naparami ang kain niya ng banana que. Hindi niya napansin ang nagkalat na sauce sa gilid ng pisngi niya. Kumuha si Nick ng panyo galing sa bulsa nito at pinunasan ang pisngi niya. "Ako nalang nakakahiya naman sayo." Kinuha niya ang kanyang panyo sa loob ng bulsa ng suot niyang palda. "Nakakahiya sobrang takaw ko kasi." Sabay muli kaming tumawang dalawa. Nagke-kwentohan kami ni Nick habang kumakain, tungkol sa mga horror movies na napapanood nito. Masarap kausap si Nick pareho kasi sila nang mga gustong panoorin. Ang dalawa naman ay mukang nakikinig lang sa kanilang dalawa. Tumunog na ang bell hudyat na tapos na ang oras ng recess. Nagpaalam na si Marco na ihahatid na niya sa classroom si Margaret. Magkasabay na ulit sila ni Nick pamabalik ng classroom nila. "Galit ba si Marco saakin?" tanong ni Nick. "Hindi naman siguro. Wala naman siyang nababangit saakin tungkol sayo." sagot niya. Ngumiti ito bilang pag-sang ayon sa kanya. "Sabay ulit tayo mag meryenda bukas?" "Sige ba, basta ako naman ang manli-libre sayo ah." "Siya nga pala Elise, maglalaro ako ng basketball ngayon darating na intramurals natin.” banggit nito. Nagulat siya dahil sa ngayon lang niya nalaman na naglalaro din pala ng basketball itong si Nick. Matalino gwapo at mahilig sa sport’s totally packaged na nga. Napaka swerte naman ng magiging kasintahan nito. "Magka-team ba kayo ni Marco?" "Hindi eh, sa kabilang team siya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD