bc

My Best Friend Secret Lover (Updating Soon) Filipino/Tagalog

book_age16+
2.7K
FOLLOW
9.9K
READ
love-triangle
friends to lovers
inspirational
comedy
sweet
campus
highschool
childhood crush
first love
school
like
intro-logo
Blurb

Marco and Elise are childhood best friend, may friendship rules silang sinusunod na bawal ang mainlove sa isa't isa.

Pero lihim na nainlove si Elise sa best friend n'ya, paano n'ya ipapaalam kay Marco ang nararamdam kung siya mismo ang gumawa ng rules na iyon?

At si Marco ay may iba narin nagugustohan at araw araw niyang nararamdaman ang sakit sa tuwing nakikitang magkasama ang dalawa.

Hahayaan niya nalang ba ang nararamdaman para sa kaibigan? Dahil may Nick naman na sobrang magpakilig at handang saluhin ang puso niyang sobrang ng nasasaktan.

Warning! Typos and grammar error ahead.

chap-preview
Free preview
Chapter 1. The Rule's
Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, place, events, locales, and incidents are neither the products of the author’s imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance of actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. Don not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works from or exploit the contents os this story in any way. Please obtain permission. Kita niya pa lang sa malayo na naglalaro mag-isa nang basketball ang kanyang kaibigan nasi Marco. Napaka gwapo nito sa suot nitong Jersey. Matangkad ito moreno matangos ang ilong at napakalakas ng dating. Kung maibabalik niya lang sana ang panahon noong bata palang sila. Bago gumawa ng isa sa friendship rule’s na hindi niya aakalain na pagsisihan niya balang araw. Naalala pa niya noon. “Gumawa tayo ng frienship rule’s Biik?" tanong niya kay Marco. Habang kumakain sila ng banana-que sa bahay nito. Pinunasan nito ang nagkalat na sauce sa muka niya. "Ang dumi mong kumain Panget." ani Marco sa kanya. Sabay pa silang tumawa, bata palang sila ay maalaga na sila sa isa’t isa. "Anung friendship rules ba yan sinasabi mo ha pangit?" tanong din nito sa kanya. "Yung mga rules na gagawin natin, ay para mas lalo pang patatagin ang pag-kakaibigan nating dalawa. Ang unang magiging rule’s natin ay bawal mainlove sa isa’t isat. Okay ba iyon sayo ha Biik? Hindi naman siguro tayo maiinlove sa isat isa diba?" tanong niya dito. "Hindi no ikaw na yata ang pinaka panget na babae sa buong mundo. At ang dungis mo pang kumain panu kita magugustohan?!" tumawa pa ito ng malakas habang inaasar siya. "Sobra ka naman napaka bully mo talaga sa akin no BIIK?” lalo pa diniinan niya ang pagbigkas. Sabay ulit silang tumawa. Isinulat nila ang ginawang frienship rules sa isang papel na animo’y kontrata na may lagda pa nilang dalawa. Sana parang katulad lang noon ng bata pa sila na puro lang pagla-laro, at kwentohan sabihan ng mga sekreto nila noon nang mga nagawang kalukuhan sa bahay at school. Pero iba na ngayon na malaki na sila o siguro sa kanya lang dahil s’ya lang naman ang lihim na umiibig sa kaibigan niyang si Marco Dela Paz. "Pangiiiiit." tawag ni Marco sa kanya. Biglang bumalik ako sa kasalukuyan ng tawagin ako ni Marco. Pangit talaga ang tawag niya saakin pag-kami lang dalawa ang magkasama. Biik naman ang tawag ko sa kanya dahil mataba siya noong bata pa kami muka itong cute na cute na biik. "Bakit hindi ka pumasok? tanong nito. “Para kang naistatwa diyan ah!" "Wala Biik, may naalala lang ako na gagawin mamaya." sagot niya. "Anu na naman ba iyon pangit?" sabay niyang ginulo ang buhok ko. "Wala iyon! Siya nga pala Biik, may dala akong usb nakahingi ako ng mga horror movies sa kaklase natin." pag-iiba ko ng usapan namin. "Kanino galing?” tanong nito. "Ah, kay Nick." sagot niya. "Nanliligaw ba iyon sa’yo?" nakakunot noong tanong nito. "Naku hindi anu kaba! Marami lang talaga kaming napagkakawentohan ni Nick." "Sobrang mahilig rin pala siya sa mga horror movie’s parihas natin." sagot ko. “ Talaga?” " Oo nga! Halika kana Biik, simulan na natin manood excited na ako dali!" hila niya dito at parang bata naman itong sumunod. "Anu bang gusto mo unahin? Insidious ba? O The house of wax?" tanong ko. "Anu bang mas nakakatakot sa dalawa?" tanong nito. "Iyong mas nakakatakot ba? sabi ni Nick ay Insidious daw sobrang nakakatakot daw iyon." "The house of wax nalang," anito. "Anu ba naman iyan, kala ko ba’y gusto mo yong sobrang mas nakakatakot?" "Okay na iyan pangit, parang mas maganda naman kaysa d’yan sa Insidious." Nakataas ang isa niyang kilay na tumingin sa kaibigan. "Okay sige na nga! Kainis naman ‘to!" inilagay ko na sa likod ng led tv nila ang USB na hawak. Nagsimula na sila sa panonood at tumingin siya dito nang palihim. Alam niyang balang araw hindi na siya ang makakasama ni Marco para mag movie marathon. Napakasakit lang isipin na pagdumating ang araw na iyon ay makakalimutan na siya ng kanyang kaibigan at ma-giging iba narin ang mga kinasanayan na nilang gawin na magkasama. "Sobrang suspense naman ng pinanood natin. Halika bumili tayo ng banana que libre ko na nagutom ako eh," wika nito. "Sobrang gutomin mo din talaga no Biik?" Inirapan siya nito. Tumingin siya sa wall clock sa may sala mag aalas kwatro na pala ng hapon. Palabas na sila ng gate ni Marco ng makita nila si Margaret mukang galing ito sa palengke at marami ang pinamili nito.Uso kasi dito sa lugar nila ang mag-lakad kapag may pupuntahan na malapit lang. Malapit lang din kasi ang mga lugar na katulad ng palengke walang masyado gumagamit ng sasakyan sa lugar nila kapag malapit lang naman ang pupuntahan. Si Margaret ay matagal nang gusto ni Marco. Ngunit hanggang ligaw tingin lamang ito noon pa sa dalaga dahil sa sobrang nahihiya pa ang kaibigan niya dito. Dagdag pa na mataba si Marco noong bata pa sila. Pero kung titingnan mo ngayon ay sobrang laki na ng pinagbago ng kaibigan niya. Habang lumalaki ito ay mas nagiging gwapo ito at napaka lakas na ng appeal. Dati maraming bully sa kabigan niya at siya naman ang tagapag tanggol nito. "Hi Margaret, kailangan mo ba ng tulong?" tanong ni Marco. Ngumiti ito sa kanya ng matamis mukang nagpapa-cute pa ito kay Marco. " Ayos lang ba sayo?" ani Margaret. "Oo naman wala naman akong gagawin," nakangiting sabi ni Marco. Naku ito talagang si Marco pagdating kay Margaret ay nakakalimutan na lahat lahat. "Sabi mo kakain tayo ng banana que?" bulong niya pa sa kaibigan. Tumingin si Marco sa kanya, alam na niya ang ganyang mga tinginan ng kaibigan. Suminyas nalang siya dito na uuwi na.Tumango naman ito, lumapit na ito kay Margaret para kunin ang mga plastic bag na dala dala nito. Nakakainis talaga sobrang lagkit ng tingin ni Marco sa babaeng ‘yon! Pagdating niya ng bahay ay naghahanda ng hapunan ang kanyang Mama. "Anak kumusta? mukang nakabusangot na naman ang prinsesa namin." sabi ng kanyang Mama. Nagmano siya at humalik sa pisngi nito. "Kala ko ba ay nanood kayo ni Marco ng movie?" tanong ulit nito sa kanya. "Opo, nagugutom lang siguro ako Ma." sagot niya. Kumuha siya ng stick-o sa garapon na nakalagay sa loob ng kabinet sa may itaas ng lababo. " U-uwi po ba ngayon si kuya? Diba sabado ngayon dapat nandito na s’ya ngayon?" "Tumawag s’ya kanina medyo gagabihin na daw siya ngayong umuwi. Marami daw s’yang mga nireresearch para sa project nila na ipapasa." anito. Tumango tango na lamang siya bilang pag-sang ayon sa kanyang Mama. "Mukang napakasarap niya’ng niluluto mo’ng adobo Ma." Inamo’y amoy pa niya ang niluluto nito. Habang kumakain siya ng stick-o may special recipe ito pagdating sa adobo na paborito nila ng kanyang kuya Jef. "Hayaan mo at ituturo ko sayo kung paano lutuin iyan nak." nakangiting sabi ng kanyang Mama habang tinitikman nito ang niluluto. Ngumiti nalang ako sa kanya sabay halik sa pisngi. "Akyat po muna ako Ma." Tumango ito sa kanya. Napakabait ng kanyang Mama sobrang maalaga sa kanilang magkapatid at sa kanilang Papa. Medyo may pagka-magagalitin lang ang kanyang Mama lalo na kapag ayaw niyang sumunod dito. Ang kanyang Ama naman ay namamahala ng negosyo nilang hardware sa palengke maya maya ay nandito narin iyon. Humiga siya sa malambot niyang kama at napatingin siya sa mga letrato nila ni Marco. Simula noong apat na taon gulang kami hangang ngayon ganon kami katagal na magkaibigan. Napakasaya nila sa bawat letrato na nakadikit sa dingding ng kanyang kwarto. Napaka taba na bata ni Marco noon. Kaya lagi niya itong tinatawag na Biik, siya naman ay tinawag nitong Pangit. Dahil sa pangit naman daw talaga siya panlalait palagi nito sa kanya. Paano kaya kung isang araw ay malaman ni Marco na may lihim akong pag-ibig sa kanya? Anu kaya magiging reaksyon nito? Malamang ay magalit ito sa kanya at lumayo. Napasakit sa dibdib isipin ang mga alalahanin na iyon na tumatakbo sa kanyang isip. Naalimpungatan siya ng may kumakatok sa pinto. Nakatulog na pala siya kanina ng hindi niya namalayan. "Sandali at bubuksan ko na ang pinto!" pasigaw na sabi niya sa taong kumakatok para matigil na ito. "Bilisan mo bunso at may dala akong pasalubong sayo!" Boses ng kuya Jef niya dali dali niyang binuksan ang pinto. "Kuya nandito ka na pala. Anung pasalubong mo saakin?" habang nakangiti. Ginulo niya ang buhok ko sabay abot ng plastic bag. "Ayan banana que ang paborito mo." "Wow saan ka nakabili kuya? Meron pa rin nagtitinda ng ganitong oras?" Sunod-sunod na tanong niya sa kapatid. "Nadaanan ko sa tabi alam kung matutuwa ang prinsesa namin. Hinay hinay lang at baka hindi kana makapag hapunan niyan," anito. Ngumiti ako sa kanya sabay kagat sa banana que. "Hindi naman ako nakapag meryenda nito kuya kanina eh." Dumating narin ang kanyang Papa at sabay sabay na silang naghaponan. Kwentohan tawanan ganito ang eksena nila kapag kompleto silang apat. *** Asan na kaya si Marco? Hindi na siya mapakali habang panay tingin sa kanyang relo. Lunes pa naman ngayon bawal sila’ng mahuli sa klase. Haba’ng nakatayo siya sa labas ng kanilang gate at hihintay ang kanyang kaibigan. Ganito na kasi set-up nila’ng dalawa simula pa noon ay sabay na silang pumapasok ng school pwera lang kung may sakit ang isa sa kanila at hindi nakapasok. Sandali? Hindi kaya may sakit si Marco? Pero Hindi imposible naman. Mauna na nga ako sa kanya at baka parihas pa kaming mahuli sa klase. Naglakad na siya mag-isa papunta sa kanila’ng campus dahil sa malapit lang din ito sa bahay nila. Isa sa pinaka magandang eskwelahan ang pinapasukan nila ni Marco. Isang itong Private school dito sa kanilang lugar halos may mga kaya ang mga mag-aaral dito kundi man ay iskolar. Pagdating niya sa loob ng classroom ay nakita agad niya si Marco. Nakangiti pa ito sa kanya na animoy may napakasayang ibabalita. "Oh, bakit hindi mo man lang ako dinaanan sa bahay? Anung meron bakit ganyan ang muka mo?" sunod-sunod na tanong niya rito. "Sorry na Pangit, huwag kanang magalit. Sinundo ko si Margaret sa bahay nila kanina." Nakangiting kwento nito sa kanya. Ito na ang kanyang ikinatatakot ang tuloyan nang mawala ang kanyang matalik na kaibigan.Kapag- nagkaroon na ito ng sarili niyang kasintahan. Hindi maipinta ang kanyang muka na tumingin kay Marco. "Kaya pala hindi kaman lang dumaan sa bahay kanina." sabay upo niya sa tabi nito. Magkaklase kami ni Marco kaya lagi kaming magkasama nito. Kapag recess at pati sa tanghalian pag uwian naman hinahatid siya nito sa bahay. Ganun na lagi ang set-up nilang dalawa na kinasanayan na niya noon pa. Pero ngayon mukang kailangan na niyang mag-adjust. Para na naman madudurog ang kanyang puso sa isiping iyon. Lagi silang napagkakamalan ng mga guro at kaklase na nila na mayroong namamagitan sa kanilang dalawa. Tawa nalang ang isasagot namin sa kanila. Hindi naman nila kailangan magexplain sa sa mga ito ang mahalaga ay maayos ang pagkakaibigan nila. "Siya nga pala Pangit sabay na kami ni Margaret mamaya sa canteen. Okay lang ba sayo?" tanong nito. "Anu pa nga bang magagawa ko eh, Naglalandi ang best friend kong si Biik!" Napahawak pa siya sa balikat nito. "Diba nga nasa rules natin na always support your best friend. Matagal mo narin inaasam na magustohan ka ni Margaret diba?" ngumiti siya rito para ipaalam na okay lang sa kanya. Pero sa loob niya parang mawawasak na ang kanyang puso. Ito na talaga yong nakakalungkot sa katulad niyang lihim na umiibig sa isang kaibigan. "Salamat Pangit." Pinisil pa nito ang pisngi niya. Tumunog na ang bell hudyat na ng recess. Nag-aayos na nang gamit si Marco nakangiti pa ito sa kanya. "Wish me luck Pangit." pahabol pa nito sabay kindat. Ngumiti siya dito at nag-thumbs up. Nakakainis talaga kanina pa siya walang naiintindihan sa lecture ng teacher nila. Wala rin siyang ganang kumain ngayon. Naisipan niya’ng dito nalang siya sa loob ng classroom mag-aaral para sa quiz nila mamaya sa biology. Nagsisimula na siya sa pagbabasa ng may biglang lumapit sa kanya si Nick. "Mukang wala kang kasama ngayon asan si Marco?" tanong nito. "Meron siya kasabay ngayon." walang ganang sagot niya. "Gusto mo bang sabay na tayong kumain sa canteen?" "Okay lang ako dito Nick. Mag-aaral pa kasi ako may quiz tayo mamaya diba?" "Sige dito nalang din muna ako sa tabi mo. PROMISE, hindi ako magiingay." habang nakangiti ito sa kanya at itinaas pa nito ang isang kamay tanda ng pangako nito na hindi ito mag-iingay sa tabi niya. Ang cute naman ng singkit na mga mata nito lalo pa itong lumiit kapag nakangiti. Biglang naalala niya tuloy yong kanta ni Kim Chu na CHINITO. Nakakatuwa din itong si Nick napaka gwapo nito matalino isa siya sa top sa klase namin. Halatang niyang may gusto si Nick sa kanya ramdam naman niya iyon. Dahil tuwing wala si Marco lagi itong lumalapit sa kanya. Lagi itong nagtatanong ng mga bagay tungkol sa kanya. Siguro kung wala si Marco ay magugustohan niya talaga itong si Nick. Lahat ng katangian na gusto ng isang babae ay nasa kanya na. Halatang maalaga ito sa magiging kasintahan nito balang araw. "Ikaw ang bahala." maikling tugon niya dito. Dahil sa wala parin talaga siya sa mood kaya wala siyang ganang makipag usap sa kahit na sino. Ibinalik na niya ang pagbabasa sa notebook na hawak. Hindi niya namalayan na tapos na pala ang recess at pumasok na ang mga kaklase nila. Nabusy siya masyado sapag review. Tumingin siya kay Nick at nakita niyang nakatingin lamang ito sa kanya. “ Hindi kaba nag review?” nakakonot noo niyang tanong. “ Naka pagreview na ako kaninang umaga bago pumasok.” “ Wow napakasipag ha.” Biglang dumating si Marco na halatang masayang masaya pag pasok nito ng classroom. Napatingin ito sa pwesto nila at nakita nito na nasa tabi n’ya si Nick biglang nag-iba ang expresyon ng muka nito. Galit ba siya? Pero bakit naman siya magagalit eh, mukang masayang masaya naman ito ngayon. Diba dapat ako ang magalit at ako rin ang mag-tampo??? ***

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
159.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
97.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
74.6K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
19.9K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook