TAKAS SA KLASE, HULI SA DAGAT
Mainit ngayon ang araw sa probinsya, ‘yung tipong kapag lumabas ka ng bahay ay malulusaw ang utak mo sa init.
Pero si Daniela Guspe, nakasuot ng oversized sunglasses at white crop top, naka-mini skirt pa kahit tanghaling tapat, hindi iniinda ang sikat ng araw. Hindi rin niya inaalala ang pagliban sa klase niya na nagsisimula kaninang 10 AM sa kursong Business Management.
Ayaw niya pumasok uli.
"Psst. Dan... Dan...?!"
30 minutes na ang nakalipas, late na siya kung papasok pa sa klase, kaya habang naglalakad siya palayo ng campus, hindi naging dahilan ang pagsigaw ni Samanta para tumigil siya.
Si Samanta ay ang kanyang matalik na kaibigan, kaklase at kababata, na parehong lumaki sa manila. Umuwi lang sa probinsya dahil sa pareho silang nahuli ng mga magulang sa pagiging pasaway, at nambu-bully sa mga kaklase. Bilang parusa, inilipat sila malayo sa buhay syudad, upang mas maranasan ang kakaibang takbo ng oras sa probinsya, mga taong strikto, may porsige at may mga pangarap, malayo sa buhay syudad.
“Dan! Hoy, Dan! Saan ka na naman pupunta?!” sigaw ni Samanta, kinakawayan siya habang pawis na pawis sa paghabol.
Hindi lumingon si Daniela.
“I’m not in the mood, Sam. Kapag pinilit mo akong pumasok, magtatampo ako sa’yo for one week,” sagot niya, sabay taas ng kilay at hawak sa baywang, sakto sa attitude niyang "rich brat on vacation."
“Hala siya, nagbabanta pa?” nasabi ni Samanta pero humabol pa rin ito.
Nang marating nila ang pinaka- huling gate, ngumiti si Daniela, yung ngiti ng babaeng determinado sa misyon niyang pag-iwas sa klase. "Tara na..!"
Napakunot ng noo si Samanta, tila ba naisip niya kung bakit hindi pa rin nagbabago ang ugali ng kanyang kaibigan. Habang siya ay takot na takot na mahuli uli ng kanyang mga magulang na naglalakwatsa, at hindi pumapasok sa klase.
“Tatawag si Miss Forres nito mamaya,” pangamba ni Samanta.
“Ee. di tunawag Siya, Wala namang sasagot sa phone mo.,” sagot ni Daniela sabay irap.
Pero ang totoo, may isa siyang gustong takasan, hindi ang teacher niya, hindi ang subject niya. Kundi ang sariling buhay.
Ang pamilya niya, bawat galaw niya may nakabantay. Ang pangarap niyang mag-aral sa States, palaging kinokontra ng mga magulang. Gusto niya sanang bumalik doon para sundan ang lalaking iniwan niya, ang unang lalaking “tota” niya, gaya ng tawag ng mga pinsan niya noon.
Hindi masama ang pamilya niya, pero masyado silang nakakahon. At doon nagsimula ang pagiging rebelde niya.
At doon nagsimula ang madalas na cutting class niyang ito.
“Tanghali na, Dan. Saan na naman tayo?” tanong ni Sam.
“Sa dagat. Gusto ko ng hangin. Gusto ko ng tunog ng alon. Gusto ko ng freedom.”
“Freedom? Parang tumakas ka na nga kahapon, ah?”
“Freedom ulit,” sagot niya sabay tawa.
At pagdating nila sa daan papuntang dalampasigan, huminto si Samanta.
“Dan… I can’t go with you today. May quiz ako kay Miss Forres doon sa kabilang section. Baka pagbintangan tayong gumagawa ng kulto sa pag-cutting.”
Nagkibit-balikat si Daniela. “Fine. I’ll go alone.”
“Sure ka?”
“Sam, I’ve been doing this since week one. Kaya ko.”
Iniwan niya ang kaibigan at naglakad mag-isa pababa sa tabing-dagat. Dinama niya ang hangin, malamig, maalat, at malaya. Ito ang gusto niya. Dito siya nakakahinga.
Pero hindi niya inaasahan… na may makakasalubong siya.
Isang lalaki. Tahimik. Malalim ang tingin. Basang-basa ang buhok at shirt, halatang kagagaling lang sa dagat. Nakasabit sa balikat nito ang isang lambat.
At malaki ang braso. As in, malaki.
Parang kontrabida sa teleserye na biglang bumait.
Napatigil si Daniela.
Sh*t. Ang pogiiii...
Pero hindi iyon ang unang kumalabog sa dibdib niya.
Kundi ang titig ng lalaki, yung uri ng tingin na parang nakikita ang totoong ikaw, hindi ‘yung persona niyang pasaway at bratty.
At sa ilang segundo, nagkasalubong ang mga mata nila.
Siya ang nauna sa pag-iwas.
Hindi niya alam kung bakit.