ANG DALAGANG IN LOVE

680 Words
Pag-uwi ni Daniela sa bahay nilang halos kasing laki ng isang resort, kumalabog agad ang puso niya. Hindi dahil napagod siya… kundi dahil may pumipintig sa dibdib niya na ayaw niyang pangalanan. "Hindi pwede, di dapat! At lalong hindi tama. Isang mangingisda? Come on." Pero kahit anong pilit niyang ibaling ang utak niya sa iba, sa cellphone, sa TV, sa pag-scroll sa social media... isa lang ang bumabalik. Ang tinginan sa kanya ng lalaking iyon. “Ano ’tong nangyayari sa akin…” bulong niya habang nakahiga sa kama na puno ng throw pillows. Napahawak siya sa dibdib. Hndi siya sanay na ganito. Sanay siyang hinahabol, sinusuyo, niluluhuran pa nga minsan. Sanay siyang may nag-aadjust sa kanya. Pero ngayon, parang siya ang nakaabang. Siya ang nag-iisip, at naghahanap. Ayaw niya ng ganito. "Hindi ako dapat ma-attract sa lalaki na hindi ko kilala. Hindi ako dapat ma-attract sa isang mangingisda na sa tabing-dagat nakatira. Hindi ako dapat ma-attract sa… Anton na iyon." Pero kahit paulit-ulit niyang sabihin iyon sa sarili niya, hindi niya malabanan ang memorya ng lalaking basang-basa, nakasando, at may tindig na parang walang pwedeng lumapit sa kanya… kundi siya lang. Napapikit siya. At nasabi niya, nang hindi sinasadya: Sh*t.” KINABUKASAN; Maaga siyang nagising. Para na bang may dahilan. Pagbaba niya ng hagdan, naroon si Samanta, nakaupo sa sofa, may hawak na juice box. “Hoy, cutie delinquent,” bati nito. “Good morning.” “Good morning,” sagot ni Daniela pero wala sa mood na mang-asar. Napataas ang kilay ni Samanta. "Si Daniela, hindi nang-aasar? Ibig sabihin… may kakaibang nangyari." bulong niya sa sarili. “Dan,” sabi ni Sam, “may problema ka ba?” “Wala.” “May nagchat ba? May nag-block ba sa ’yo? May nag-unfriend ba?” curious na mga tanong ng isang kaibigan. “Wala nga, Sam.” “Eh bakit parang may naiwan kang kaluluwa sa dagat kahapon?” Nanlaki ang mata ni Daniela, na nagulat pero hindi siya dapat umamin. “Ahh. Hindi. Wala.." “Dan…” “TUMAHIMIK KA.” deretsahang sinabi ni Daniela na tinakpan ang bibig niya ng sarili niyang palad. Pero dahil kilala siya ni Sam, hindi iyon nagpaawat. “May nakita kang lalaki, no? Sino siya? Gwapo ba? May abs? Sino....” “Sam!” bulalas ni Daniela. “Hindi ko siya kilala!” “But you want to,” sagot ng kaibigan, may wicked smile. Hindi sumagot si Daniela. At dahil hindi siya makatingin diretso kay Sam… mas lalo nitong napatunayan na may something. SA KLASE NI MISS FORRES; Pagpasok ni Daniela, agad siyang tinignan ni Miss Forres Tores. Hindi galit, pero disappointed. Iyong tingin na mas masakit pa sa sermon ng tunay niyang mga magulang. “Miss Guspe,” sabi ng guro. “Good of you to join us today.” Hindi nagpakita ng emosyon si Daniela. Umupo siya sa kanyang silya ng tahimik. Pero hindi nagtagal, lumapit si Miss Forres sa kanya habang nagsusulat ang iba. “Are you okay?” tanong ng guro, nang pabulong. Nagulat siya. “Huh? Yes.” “I’ve been teaching for years,” sagot ni Miss Forres. “At alam kong may iniiwasan ka.” Nag-init ang tenga ni Daniela. Kung alam lang ng teacher niya ang totoo. At nakakainis lang na kahit personal na buhay niya ay kailangan pa nitong etanong, barkada lang? “You can talk to me if you want.” mahinahong sinabi ng guro, nang mapansing natahimik si Daniela. Para iwasan ang maari nitong isipin, nagpakita na lamang ng isang pilit na ngiti sa kanya si Daniela. “Thank you po, Miss. I’m fine.” Pero hindi totoo iyon. Ang totoo, habang nagle-lecture si Miss Forres, ang utak niya lumilipad sa dagat. Nai-imagine niya ang tunog ng alon, ang tahimik na lugar, pagkatapos huminto siya sa mga mga mata ni Anton. Sa boses niyang mababa, na may kaunting gaspang. Sa balat niyang parang hindi dapat hinahawakan pero gusto niyang hawakan. Nagpakawala ng buntonghininga si Daniela. At doon siya nagdesisyon. Hindi siya titigil hangga’t hindi niya nalalaman kung sino talaga si Anton.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD