"Naku tama na yan Hailey, malalagot ako kay Tita niyan e." saway ni Emer sa kaibigan na naka ilang bote na ng alak. "Hayaan mo muna ako, na iinis lang ako gusto ko muna magpakalma." ani Hailey na tuloy ang laklak sa boteng tinutungga. Nag-away kasi sila ni Shawn bago ito umalis kahapon. Nalaman kasi nito na hindi pala niya totoong pinsan si Hunter dahil sa kuya niyang matabil ang bibig. Dahil lang kay Kaneruth na naisama pa ng Kuya niya sa bahay nila dahil may kukunin daw ito. Nagalit si Shawn at sinabi na hindi nito alam kung tama daw bang pakasalan pa siya. Na akala mo naman na huli siya nitong nag loloko kung makapag salita. Sinabi lang naman ng kuya niya na ipinakilala girlfriend daw ni Hunter si Kaneruth, nabanggit lang nito ang Kuya nagalit pa ang kapatid at sinaway na wag daw tawa

