"What are you doing here?" takang tanong ni Hailey ng malapitan ang dalawa na nag-uusap. "Hi! po Boss." nakangiting bati ni Marissa na malawak ang pag kakangiti. "Merry Christmas po." dugtong pang bati nito. "Nagulat nga din ako ng bigla akong tawagin nitong assistant mo akala ko kung sino na sigaw." wika pa ni Shawn na inakbayan siya. "Kagabi kami dumating with some crew tumanggap kasi ako ng extra work ngayon Boss alam mo na gipit." ngumiti naman si Hailey. "May shoot ka dito?" "Oo kagabi lang medyo napalaban ang powers ko, kinulang kasi ng photographer may nag refer sa akin na kakilala so I grab it po laki kasi ng offer sayang naman." "Nice, naman hanggang kelan ka dito?" tanong pa ni Hailey. "Hanggang 11am lang po paalis na din po kami medyo nag swimming-swiming lang para masul

