"Kumusta po si Hunter Ma?" tanong ni Hailey sa ina ng pauwi na sila. "Natutulog sa office na niya nakatulog na may oxygen naman siya kaya magiging okay din ang batang yun, naroon din ang kuya mo siya na daw ang bahala kay Hunter." wika ng ina. "Mom, hindi po ba puwedeng ako na lang mag bantay kay Daddy?" ungot ni Honey. "Maliit ka pa anak hindi mo pa kayang mag alaga ng matanda." sagot na lang ni Hailey. "Eh! Ikaw po hindi ka po ba puwedeng mag bantay kay Daddy?" "Ihahatid lang kita sa bahay babalikan ko ang daddy mo." wika naman ni Hailey. "E bakit ka pa sasama pauwi para bumalik, maiwan ka na dito kami na ang bahala kay Honey." wika pa ng ama. "Opo, mommy mag bebehave po ako. Alagaan mo po si Daddy kawawa naman po siya kung si Tito Keil mag-aalaga sa kanya." giit pa ng anak. "Oo

