"Okay ka lang ba?" nag-aalala tanong ni Shawn na inabutan ng bottle water ang nobya. Ngumiti naman si Hailey na kinuha yun saka nag pasalamat. "Gusto mo bang ihatid na kita, you look not well." "Okay lang ako hindi lang ako masyadong nakatulog kagabi sakit kasi ng buong katawan ko." niyakap naman siya ni Shawn. "Sorry dapat pala hindi na kita pinilit sumama dapat hinayaan na kitang mag pahinga." "Ano ka ba okay lang ako nasakit lang talaga ang ulo ko saka hindi ko inasahan na maraming tao na pupunta." ani Hailey na nagulat talaga siya kung bakit meron mga media ang nag seset-up ng dumating sila sa venue ng medical mission sa isang covered court ng brgy. Buong akala niya kawang gawa lang talaga iyon at walang involve na media people hahanga na sana siya sa nobyo pero mukhang planted pa

