"Alam mo kapal talaga ng mukha mo," ani Hailey kay Nick habang nasa resort sila para sa food tasting ng catering nila sa kasal. Todo volunteer naman si Nick na sasama daw ito sa food tasting. "Ano nanaman ginawa ko?" "Asan si Melody?" tanong niya rito. "Pinalayas ko." mabilis na sagot ni Nick habang iniintay nilang dumating ang taga catering services. "Wow huh! Ikaw ang nag palayas o nilayasan ka?" tanong naman ni Hunter na kinayaw ang paparating na grupo kasama ang staff niya. "Nahuli ka daw kahapon na may babaeng naka-upo sa kandungan mo sa loob ng office mo." "Ang OA naman talaga niyang babaeng yan, nag-uusap lang kami ng ______." "Hay! Naku tigilan mo ng ako sa alibi mo na yan, mahiya-hiya ka naman sa pag mumukha mo feeling pogi kang masyado." irap ni Hailey. "So, nilayasan ka

