"Iba ang ngitian mo ngayon," ani Nick ng maging bisita niya ang kaibigan. "Anong ginagawa mo dito, makiki-kain ka nanaman?" tanong ni Hunter habang inaayos ang isang lunch box na dadalahin kay Hailey. Nag request kasi ito na gusto daw nito ng scramble egg na marami daw kamatis kaya agad s'yang umuwi para ipag luto ng tanghalian ang asawa na nasa studio at tinatamad daw itong lumabas para kumain at dahil wala naman siyang gagawin sa resort. Nag paalam siya sa asawa na baka puwedeng siya na ang mag luto at mag dala ng lunch nito. Pumayag naman si Hailey dahil malapit lang sa studio nito ang hospital kung saan siya ng u-undergo ng counseling niya. Pipilitin daw nitong maagang makatapos para masamahan din siya. Well, anyways lagi naman talaga itong kasama sa lagat ng session niya nagkataon la

