Xia's POV
"Good Morning Ms. Whiteboard," nakangiting bati sa akin ni Claude, pagkapasok ko ng classroom.
"Ms. Whiteboard?" nagtatakang tanong ni Bliss sa kanya.
"Oo. Narinig ko kanina sa kanila," tinuro niya ang katabi ko. "Ms. Whiteboard ang tawag nila kay Xia, dahil daw palagi siyang may hawak na whiteboard."
Hindi ko na lang pinansin ang usapan nila. Dumiretso na ako sa upuan ko at tumingin sa labas ng bintana.
"Lei," biglang bumilis ang t***k ng puso ko ng marinig ko ang pangalan na yun. Isang tao lang ang tumawag sa akin ng Lei. Tumingin ako sa harapan ko at nakita ko ang isang mukha na matagal ko nang hindi nakikita; wala iba kundi ang mukha ng nag-iisang matalik na kaibigan ko na si Stella. Tinignan ko siya mula ulo hanggang paa. Masaya ako na makitang ayos na siya. Pagkatapos ng nangyari noong araw na iyon hindi ko na siya nakita.
"Miss na kita Lei," malungkot na sabi niya. "Hindi mo man lang ako dinalaw sa ospital."
"Miss din kita. Kung alam ko lang. Gustong gusto kita dalawin pero hindi ko kaya. Hindi ko kaya na makita kang nakahiga doon dahil sa akin. Ako ang may kasalanan kung bakit kamuntik kang mamatay," gusto ko sabihin sa kanya iyan pero mas pinili kong umalis.
"Lei!"
Hindi ko siya pinansin.
Sorry Stella.
Nagtungo ako sa rooftop at umupo sa sulo. Sinubsob ko ang mukha ko sa tuhod ko saka umiyak. Kasalanan ko kung bakit kamuntik na siya mamatay.
Malinaw pa sa alaala ko ang lahat.
"Wag mo ituloy yan," pigil sa akin ni Stella sa paglalaslas.
Hinawakan niya ang kamay ko na may hawak na cutter.
"Bitawan mo ko! Hayaan mo na ako mamatay," sabi ko sa kanya. Sinubukan ko alisin ang kamay niya.
"Pero Lei hindi pagpapakamatay ang solusyon sa problema mo. Please. Itigil mo na yan, nandito pa naman ako."
"Hindi kita kailangan. Sila Mama ang kailangan ko. Maibabalik mo ba sila? Hindi diba? Kaya hayaan mo na ako sumunod sa kanila."
"Lei naman. Hindi ko magagawa yan. Bestfriend tayo diba? Hindi kita iiwan."
Tinulak ko siya.
"Umalis ka na! Iwan mo na din ako katulad ng pag-iwan nila Mama. Ayaw na kita makita. Umalis ka na!" pasigaw na sabi ko.
Crash! Napatingin kami sa bumbilya nang bigla itong mabasag.
"Kung ayan ang gusto mo. Sige. Hindi mo na ako makikita kahit kailan," aniya sabay takbo palabas.
Parang tinusok ang puso ko sa sinabi niya. Lalo pa umiiyak siya habang nagsasalita.
"Stella!"
Binato ko ang hawak ko saka siya hinabol. Hinanap ko siya hanggang sa nakita ko siyang patawid.
BEEP! BEEP! BEEP!
May nakita akong paparating na sasa
"STELLA! MAY SASAKYAN!" sigaw ko. Nilingon niya ako subalit hindi ito umalis sa kinatatayuan niya. Ningitian niya ako na para bang nagpapaalam. Magpapakamatay ba siya?
Sinubukan ko siyang habulin hangang sa tuluyan na siya nasagasaan. Tumalsik dahil sa lakas ng pagkakatama sa kanya.
"STELLA! NO!" nilapitan ko siya.
"Stella, wag mo kong iwan. Binabawi ko na lahat ng sinasabi ko. Please. Wag mo kong iwan," umiiyak na sabi ko. "Tulong tulungan niyo ko!"
Pagkatapos ng aksidenteng iyon tumigil na ako sa pagsasalita. Pinagsisihan ko na sinabi ko sa kanya ang mga salitang iyon Kung alam ko lang na gagawin niya ang sinasabi ko, hindi ko sana ito sinabi. Hindi ko alam kung ano nangyayari sa akin. May pagkakataon na nagkakatotoo ang mga sinasabi ko. Tulad na lang noong naglalaro kami ng volleyball sa sobrang inis ko sa kaklase ko; sinabi ko na sana tamaan siya bola. Nagulat na lang kami na tinamaan nga siya habang naglalaro kami. Noon hindi ko ito pinapansin pero simulang nang masagasaan si Stella, mas pinili kong manahimik na lang kaysa may mapahamak pa.
"May balak ka nanaman bang magpakamatay?"
Pinunasan ko ang luha ko bago tumingin kay Trevor.
"Kung may problema ka pwede mo sa akin sabihin. Handa ako makinig," sabi niya saka umupo sa tabi ko.
"........"
"Kanina pa nag-umpisa yung klase. Wala ka bang balak pumasok?"
Umiling naman ako.
"Pwede ka bang sumama sa akin?"
Saan niya ako dadalhin? Baka kung ano gawin niya sa akin kung sasama ako sa kanya. Hindi kaya ipapakulong niya ako? O kaya dalhin sa liblib na lugar saka gagahasain. Kahit mukha siyang mabait hindi ako dapat magtiwala sa kanya.
"Wala akong masamang gagawin sayo. Mamamasyal lang tayo," sambit niya pagkatapos ko siya bigyan ng nagdududang tingin.
Tinaasan ko siya ng isang kilay.
"Kung ayaw mo naman hindi kita pipilitin," napakamot siya sa batok niya.
Napaisip ako bigla. Wala naman siguro siya masamang gagawin. Minsan na nila ako niligtas. Dalawang beses na nila ako tinulangan.
Tumango ako bilang tugon saka tumayo.
"Ano ibig sabihin ng tango mo? Sasama ka sa akin?" tanong niya.
Tumango ako bilang tugon.
"Good! Sigurado hindi ka magsisi na sumama ka sa akin," tumayo na siya. "Sunod ka lang sa akin," aniya bago maunang maglakad.
Pagkabukas niya ng sasakyan nandoon na ang mga kaibigan niya.
"Hello Ms. Whiteboard. Dinala na namin gamit mo. Sakay ka na," nakangiting sabi ni Claude. Tinuro niya ang gamit ko.
Tinignan ko si Trevor.
"Nakalimutan kong sabihin. Kasama sila."
"Sakay ka na girl. Dito ka. Tabi tayo," nakangiting sabi ni Bliss.
Sumakay sa tabi niya. Pagkaabot sa akin ni Claude ng gamit ko agad ako nagsulat sa whiteboard ko. "Salamat. Saan tayo pupunta?"
"Saan mo ba gusto?" tanong ni Trevor.
"Sa lugar kung saan wala masyadong tao," sulat ko sa whiteboard.
"Dalhin na lang natin siya sa rest house sa tagaytay," suhestiyon ni Bliss.
"Kailangan muna natin magpaalam kay tanda kung doon tayo," komento naman ni Claude.
"Ako na bahala magsabi. Daan muna tayo sa office niya," sambit ni Trevor habang nagmamaneho.
Huminto kami sa tapat ng isang condominium. Bumababa sila kaya sumunod ako. Kung hindi ako nagkakamali ito yung lugar kung saan ko sila unang nakita.
Umaakyat kami sa 26 floor at nagpunta sa room 26E. Kumatok sila doon bago pumasok.
"Good Morning Sir. Takeshi," bati ni Claude sa isang lalaki na nandoon. Mula sa gilid kapansin pansin ang isang logo na may nakasulat na Crimson Lynx Agency.
"Himala, tinawag mo kong Sir. Takeshi. Ano kailangan niyo? At bakit nandito kayo ngayon? Diba may pasok kayo?" tanong nito. Napatingin ito sa akin kaya agad ako napayuko. "May kasama pala kayo."
"Sir. Takeshi, si Xia nga po pala. Kaklase namin," sambit ni Trevor.
Agad ako nagsulat sa whiteboard ko. "Good Morning po."
"Good Morning," nakangiting sabi niya sa akin. Bago niya kausapin sila Trevor. "Ito unang beses na may pinakilala kayo sa akin na kaklase niyo."
Lumapit siya sa akin at dahil sa takot ko napaatras na lang ako at nagpakapit sa damit ni Trevor.
Biglang tumawa si Claude. "Chill ka lang Ms. Whiteboard. Mukha lang yan nangangain ng tao, pero mabait yan."
"Ano ibig mong sabihin doon Claude? Baka gusto mong mabawasan allowance mo?"
"Biro lang tan-- Sir. Takeshi."
"Ako nga pala si Takeshi, ako ang nag-alaga sa limang yan. Kung may tanong ka tungkol sa kanila, wag ka mahiya," nilahad niya ang kamay niya.
"....." nakipagkamay ako sa kanya habang hindi tinitignan siya. Ningitian niya ako.
"Mabait naman ba sila sayo? Baka naman tinakot ka nila kaya ka sumama sa kanila. Sabihin mo sa akin iha. Akong bahala sa kanila."
"Grabe ka naman Sir. Takeshi. Ang bait nga po namin sa kanya. Dalawang beses nga namin siya niligtas mula sa kamatayan," sambit ni Claude.
"Totoo ba yun Xia?"
Tumango ako at nagsulat sa whiteboard. "Kusa po akong sumama sa kanila."
"Sigurado ka?"
Tumango ako ulit.
"Okay," nakangiting sabi niya. "Ano kailangan niyo?" tanong niya kila Trevor na parang siguradong sigurado siya na may kailangan kami sa kanya.
"Pwede ba namin siya isama sa rest house sa tagaytay para makapagrelax?" tanong ni Trevor.
"Yun lang ba ang dahilan?" tanong ni Mr. Takeshi habang pabalik ito sa upuan niya.
Pagkaupo niya seryoso niyang tinignan sila Trevor.
"Yes Sir," tugon ni Trevor.
"Mapapangako niyo ba na wala kayong gagawin sa kanya na masama?"
"Yes Sir."
"Sige. May tiwala naman ako sa inyo at alam niyo naman kung ano kaya kong gawin kapag sinira niyo ito," may kinuha siyang susi mula sa drawer ng table niya. Binigay niya ito kay Claudine dahil siya ang malapit dito. "Mag-iingat kayo."
"Thank You Sir. Dabest ka talaga!" masayang sabi ni Claude.
"Wait!" palabas na sana kami ng office nang magsalita ito ulit. "Iha, gusto mo ba ng trabaho?" tanong niya sa akin.
"Sir. Takeshi," gulat na sabi ni Claudine. "Wag niyo pong sabihin na..."
"Nangangailangan kasi ako ng assistant dito sa office. Baka gusto mo lang? Puro research at paperwork ang gagawin mo."
Tinignan ko sila Trevor. Salubong ang mga kilay nila habang si Zander seryosong nakatingin kay Sir. Takeshi na para bang binabasa niya ito.
"Hindi mo naman kailangan sumagot agad iha. Pag-isipan mo muna. Sige na. Makakaalis na kayo," sabi niya sa amin at saka muling binalik ang tingin sa laptop.
"Let's go," sabi ni Trevor saka ako pinaunang lumabas.
Tahimik lang kami buong biyahe. Kahit si Claude na madaldal ang tahimik. Pati din si Bliss na madalas kumausap sa akin. Tinignan ko si Zander. Nakasandal ito sa upuan habang nakapikit at nakikinig ng kanta sa earphone.
Kinuha ko na lang din ang earphone ko para makinig. Tumingin ako sa bintana at pinanood ang mga nadadaanan namin.
"Aahh!" napasigaw ako bigla nang may sumulpot na mukha sa may bintana. Agad ko din tinakpan ang bibig ko at lumayo sa bintana. Tingin ko nakapatong siya sa taas ng kotse dahil doon galing ang ulo niya.
"Sh*t!" napatingin ako kay Trevor nang biglang huminto ang sasakyan. Kamuntik pa nga ako sumubsob dahil sa biglaang pagpreno niya.
Pagtingin ko sa harapan may mga grupo ng mga kalalakihan at kababaihan ang nakaharang sa daanan namin.
"Zander, Claude, Claudine, humanda kayo. Bliss, dito ka lang. Bantayan mo si Xia," utos ni Trevor. Lumabas sila ng sasakyan at hinarap ang grupo na humarang sa amin. Sa tingin ko mahigit sa sampu sila.
Noong una nag-uusap lang sila hanggang sa isa sa mga humarang sa amin, ang sumugod kila Trevor. Sinuntok nito si Trevor pero naiwasan niya ito at ginantihan ng suntok. Sumugod na din ang iba na agad naman kinalaban nila Zander.
Ano ba nangyayari? Bakit biglang may humarang sa amin? Bakit nila sinugod sila Trevor? Ano kailangan nila?
Natigilan ako sa pag-iisip nang bumukas ang pinto sa tabi ko. Mula doon may humawak sa kamay ko at pilit akong hinihila palabas. Mabuti na lang nahawakan ako ni Bliss para hindi ako mahila.
"Bitawan mo siya," aniya habang pilit tinatanggal ang kamay ng humihila sa akin.
Bumukas din ang pinto sa tabi niya at katulad ko, hinila din siya palabas. Napilitan siyang bitawan ako para hampasin at sipain ito. Dahil sa pagkabitaw niya sa akin tuluyan na din ako nahila palabas.
Natakot ako bigla nang makita kong kulay pula ang mga mata nito. Ningitian niya ako bigla kaya bumungad sa ang mga pangil niya.
Totoo ba itong nakikita ko? Bakit siya may pangil? Bakit pula ang mata niya? Adik ba siya?
"...."
Nagpumiglas ako saka pinaghahampas at pinagsisipa siya pero wala naman nangyayari. Balewala lang sa kanya lahat ng ginagawa ko. Ako lang yata ang nasasaktan sa amin.
"Bitawan mo ko," sambit ko dahil sa inis. Subalit parang wala siyang narinig. Sa halip na bitawan niya ako, lumapit siya lalo na at inamoy na parang aso. Napilitan akong umatras dahil sa ginagawa niya.
"Lumayo ka sa akin! Bitawan mo ko!" sigaw ko at para bang may magic ang salita ko dahil binitawan niya ako bigla saka umatras ng ilang hakbang.
Tumakbo ako agad palayo sa kanya bago pa magbago isip niya. Subalit hindi pa ako nakakalayo may dalawang kagaya niya ang humarang sa akin. Hinawakan ako ng isa sa kanila saka tinulak sa sasakyan. Aalis na sana ako ulit subalit nilagay niya ang kamay niya sa kanbilaang gilid ng ulo ko. Sinubukan ko siya itulak pero sinalo niya lang ang mga kamay ko itinaas sa gilid ng ulo ko. Lalo siya lumapit kaya napilitan akong sumandal sa sasakyan.
Sobrang bilis ng t***k ng puso ko dahil sa takot. Habang tinitignan ko siya bumalik sa alaala ko ang lalaking nagtangkang gumahasa sa akin noon. Parang bumalik lahat sa akin pati na din ang pakiramdam ko noong gabing iyon.
Ngumanga ito kaya mas lalo ko nakita ang pangil niya. Nilapit niya ang ulo niya sa leeg ko. Naramdam ko ang pagdikit ng pangil niya sa balat ko.
Aswang ba sila? Pero masyadong maaga para magkaroon ng aswang. Kakainin niya ba ako? Kahit gusto ko mamatay ayoko sa ganitong paraan.
"AAAHHHH!! TULONG! LUMAYO KA SA AKIN! AAAAHHHHHH!" hindi ko na mapigilan ang sarili ko na mapasigaw dahil sa kung mga naiisip ko.
Itutuloy...