Chapter 3

1629 Words
Xia's POV Break time nang maisipan kong pumunta sa rooftop. Mas gusto ko na tumambay dito kaysa room. Mapapagtripan lamang ako doon ng mga kaklase ko. Mula sa taas tumingin ako sa ibaba. Medyo nakakalula dahil sa taas ko. Siguro kapag tumalon ako dito, patay ako agad. Talon kaya ako dito? Wala naman siguro pipigil sa akin. Wala naman sila paki kung mamatay ako. Nagpunta ako sa dulong bahagi ng rooftop at doon tumayo. Huminga ako ng malalim at saka pumikit. Pagbilang ko ng sampu, tatalon ako. Isa... Dalawa... Tatlo... Apat... Lima... Magkikita na tayo Mama, Papa, Kuya at Rea. Anim.... Pito... Walo... Siyam... Sampu.... "Siyet! Ano ba ginagawa mo?" galit na sabi ng taong yumakap sa akin bago ako tumalon. "Kung magpapakamatay ka wag dito dahil damay ang school." Nagpumiglas ako pero ayaw niya ako bitawan. "Ikaw din yung kagabi diba?" tanong ko nang makita ko ang mukha niya. Kung tama ang pagkakaalala ko tinawag siyang Zander ng kaibigan niya. Siya yung nagligtas sa akin kagabi pero nasaan ang sugat niya? Bakit wala man lang siya senyales sa katawan na kamuntik na siya mamatay dahil sa akin? Parang hindi siya nasagasaan kagabi. "Naabutan ka din namin. Bakit ba bigla bigla ka na lang tumatakbo?" rinig kong sabi ng isang lalaki. Dahil sa pag-iisip ko hindi ko namalayan na nakatingala na pala ako sa lalaking nakayakap sa akin. Gusto ko tignan yung nagsalita kung isa din siya sa kasama ng lalaking ito kagabi. Nakatalikod kas ako habang yakap pa rin ako ni Zander para hindi ako mahulog. Sa pagitan namin dalawa ang railing ng rooftop. Maling galaw ko lang sigurado mahuhulog ako. Wait! Bakit parang natatakot na ako mahulog ngayon? "Ikaw nanaman?" sabi nung mataray na babae kagabi habang nakahawak sa railing at nakatingin sa akin."Bakit mo pa siya niligtas Zander? Kung gusto niya mamatay, hayaan mo siya." "Tama siya, hinayaan na lang sana niya ako mamatay. Hindi niya dapat ako niligtas," pagsang-ayon ko sa kanya pero sa isip ko lang lahat dahil wala akong balak magsalita. Tama na ang isang beses na tinanong ko si Zander kanina. Ngayon kung iisipin ko bakit nga ba ako nagsalita kanina? Siguro dala na din na gwapo siya at nagulat ako sa pagpigil niya sa akin.  Muling nagpumiglas ako para matapos na ang lahat. "Wth! Gusto mo ba talaga mamatay?! Trevor," sambit ni Zander sabay yakap ng mahigpit sa akin. Pakiramdam ko tuloy mamatay ako sa higpit ng yakap niya.  Nagulat na lang ako na bigla akong hinawakan ng lalaking sumalo sa akin. Siya siguro yung tinatawag niyang Trevor. Nakaramdam bigla ako ng antok. Ayoko matulog pero unti-unting sumusuko ang katawan ko na para bang pagod ito at kailangan magpahinga. Zander's POV "Salamat," nakahinga ako ng maluwag nang makitang tulog ang babaeng niligtas ko. Salamat kakayahan ni Trevor na magpatulog sa  pamamagitan ng paghawak. Binuhat ko na siya paalis sa dulo ng rooftop. "Ano balak niyo sa kanya?" tanong ni Claude. "Dalhin na muna natin siya sa clinic. Kailangan pa natin pumasok sa klase," tugon ni Trevor. Pagkababa namin sa rooftop, pingtitinginan na kami ng mga nadadaanan nami. Yumuko na lang ako at itinakip lalo ang hood na suot ko sa ulo. Hindi ko gusto ang atensyong binibigay nila sa amin. "Si Ms. Whiteboard yun diba? Ano nangyari sa kanya?" Ms. Whiteboard? Napatingin ako sa babaeng buhat ko. Siya ba tinutukoy nila? "Waahhh! Ang swerte naman niya, binuhat siya ni Zander." May nakakakilala pa rin pala sa akin kahit na matagal na kaming hindi pumapasok. "Nakakaingit!" Grade 12 na sana kami ngayon, pero dahil sa dami ng absent namin, kinailangan namin umulit  sa Grade 11. "Ano nangyari sa kanya?" tanong ng nurse at dahil wala ako balak sumagot tinignan ko na lang si Trevor. "Nahimatay po sa rooftop kanina," pagsisinungaling niya. "Sige, ihiga niyo na lang siya dito at ako na bahala sa kanya. Malapit na matapos ang break time," nilihis ng nurse ang kurtina na nagsisilbing harang sa higaan. Ibinaba ko agad si Ms. Whiteboard sa kama. Sumunod naman sa akin si Trevor "Pasok na tayo," aniyw pagkatapos  ilapag ang gamit ng babae sa gilid. Lumabas kami ng clinic at sabay sabay na naglakad papunta sa classroom. Wala naman kami ibang ginawa buong sa loob kundi makinig sa guro kahit na alam na namin ang tinuturo niya.  "Gising na kaya siya?" tanong ni Claude habang naglalakad kami papuntang clinic. "Tulog pa yun," sagot ni Trevor dahil siya lang naman nakaalam kung ilang oras niya ito pinatulog. Pagkadating namin sa clinic, katulad na sinabi ni Trevor tulog pa nga ito. Tinignan ko siya. Maganda sana siya kaso may tama sa utak. Sino ba matinong tao ang gugustuhing mamatay? "Buti bumalik kayo dito. Magsasara na kasi ito clinic, pwede bang pakiuwi na lang siya sa kanila?" sabi ng nurse sa amin. "Sige po kami na bahala sa kanya," tugon ni Trevor.  "Salamat po." Kinuha niya ang bag ng babae at saka tumingin sa akin. Binuhat ko ang babae papunta sa sasakyan namin. "Doon na muna siya sa tinitirahan natin," sabi ni Trevor.  Magkasama kasi kaming limang sa isang bahay na binigay ni Mr. Takeshi. Lahat kami ulila na at si Mr. Takeshi ang tumatayong magulang namin. Pagkasakay namin, nilagay ko agad ang earphone ko para makinig ng kanta. Nakatingin lang ako sa may bintana ng sasakyan hanggang sa maramdaman kong may sumandal sa akin. Pagtingin ko nakasandal na akin si Xia. Nalaman ko ang pangalan niya sa nurse. Kilala pala siya school dahil sa paggamit niya ng whiteboard sa pakikipag-usap. "Zander," nilingon ko si Claudine. "Paano mo nalaman na tatalon siya sa building?" "Narinig ko iniisip niya," tugon ko. Naglalakad na kami papunta sa room noon nang marinig ko ang iniisip niya. Hindi ko sana ito papansin pero dahil sa mga sinasabi niya nakuha niya agad atensyon ko. Talon kaya ako dito? Wala naman siguro pipigil sa akin. Wala naman sila paki kung mamatay ako.' Hinanap ko kung saan nanggagaling ang tinig hanggang sa napansin kong may babae sa rooftop ng building na papasukan namin. "Bakit ka huminto?" tanong ni Claude pero hindi ko siya pinansin. Gagawin niya talaga! Napatakbo ako bigla nang makita kong umaakyat na ito sa railing. "Saan ka pupunta?" rinig ko tanong ni Trevor pero hindi ko na siya sinagot dahil nagmamadali ako. Buhay na ang nakataya sa gagawin ko. "Pagbilang ko ng sampu, tatalon ako." sa isip ng babae hanggang sa nag-umpisa na nga ito magbilang. Bilinisan ko ang takbo, wala na akong pakialam kung may makapansin na hindi normal ang bilis ko. Ang importante mapigilan ko kung sino man yung tatalon. Niyakap ko siya agad bago pa siya tumalon. "Narinig? Don't tell me--" gulat na sabi ni Claudine. "Yeah! Kagabi nahawakan ko siya," putol ko sa kanya. May kakayahan ako makabasa ng isip pero magagawa ko lang iyon kapag nahawakan ko na sila. Hindi pa maman ako malakas para mabasa lahat ng isip ng mga nakapaligid sa akin. Sabi nila kapag malakas ka na kahit tignan mo lang sila mababasa mo na ang nasa isip nila. Huminto na ang sasakyan. Pagtingin ko sa labas nasa tapat na kami ng bahay. Binuksan ko na ang pinto at muling binuhat yung babae. "Bliss, doon na muna siya sa kwarto mo," sabi ni Trevor kay Bliss. "Okay," tugon ni Bliss saka ako sinamahan papunta sa kwarto niya. Xia's POV Pagkagising ko bumungad sa akin ang mga mukha ng limang tumulong sa akin kagabi. Agad ako napaupo habang napapaisip kung nasaan ako. Bakit sila nandito? Ano nangyari? Kanina lang nasa rooftop ako. "Hello! I'm Bliss and you are?" sabi sa akin ng isang babae. Tumingin ako sa paligid para hanapin ang bag ko pero hindi ko ito makita, kaya kinuha ko na lang cellphone ko sa bulsa  at doon nagtype. "Xia," pinakita ko sa kanila yung sinulat ko. "Xia, kamusta na pakiramdam mo?" tanong sa akin ni Trevor. Muli ako nagtype ako sa cellphone. "Ayos naman. Nasaan ako? Sino kayo?" "Ako nga pala si Trevor. Siya naman si Zander," turo niya doon sa lalaking pumigil sa akin kanina. "Sina Claude at Claudine naman yung dalawang nakatayo sa tabi ng bintana. Nasa bahay ka namin. Hindi namin alam kung saan ka nakatira kaya dinala  ka na muna namin dito." "Salamat sa inyo," sulat ko sa cellphone. "Walang anuman." Tumayo na ako at tinignan ko sila isa't isa at muling nagtype sa cellphone. Pinabasa ko ito kay Trevor dahil siya ang pinakamalapit. "Uwi na ako. Pasensya  na sa abala." "Hatid ka na namin. Gabi na." Umiling agad ako. "Delikado na sa labas." "Ayos lang," type ko sa phone ko at saka pinakita sa kanila. "Bakit ayaw mo magsalita?" Baka may masama mangyari sa inyo kapag nagsalita ako. Gusto ko sa kanila sabihin yan pero hindi din naman nila maiintindihan. Mas mabuting wala silang alam. "What do you mean?" napatingin ako kay Zander nang bigla itong nagsalita. "Paanong may masamang manyayari sa amin?" Nagulat ako sa tanong niya. Paano  niya nalaman yun iniisip ko? "Anong masamang mangyayari? Ano sinasabi mo?" tanong ni Claude sa kanya Tinignan ako ni Zander. "Hatid ka na namin," aniya bago maglakad palabas. "Tara na Xia, masama pinaghihintay si Zander," kumapit sa braso ko si Bliss saka ako sinama palabas. Pagkasakay namin sa sasakyan, tahimik kami buong biyahe. Binigay ko na lang ang address ko sa kanila dahil ayaw nila magpaawat. Nang makita ko na malapit na kami sa tinutuluyan ko, sumulat ako sa whiteboard at saka ito pinakita sa katabi ko na si Bliss. "Dito na bahay ko." "Dito na daw bahay ni Xia," sabi ni Bliss. Hininto na ni Trevor ang sasakyan. Bumaba na ako agad at nagpasalamat sa kanila. "Mag-isa ka lang ba diyan?" tanong ni Bliss. Tumango ako. "Nasaan pamilya mo?" "Patay na," sulat ko sa whiteboard. "Ah! Sorry." "Okay lang," ningitian ko siya ng pilit saka binaba yung whiteboard ko. Pumasok na ako sa loob ng apartment. Sumilip ako sa bintana; nakita ko sila na nakatingin pa rin. Kinawayan ko sila para magpaalam at pilit na ngumiti. Kumaway din sa akin si Bliss habang ningitian naman ako nina Trevor at Claude. Si Claudine, sumakay na sa sasakyan habang si Zander nakatingin lang sa akin ng seryoso. Nailang ako bigla kaya mabilis kong hinarang ang kurtina. Bakit ganun makatingin yun? Itutuloy..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD