Chapter 7

1676 Words
Xia's POV "Ligtas ka na Xia," sambit ng isang lalaki na may gintong mata bago ito maglaho. "Wait!" habol ko hanggang sa magising ako. Pagkaupo ko napansin kong nasa kwarto na ako. Paano ako nakauwi? Panaginip lang ba yung nakita ko? Imposible! Sigurado akong totoo ang nangyari. Pero paano ako napunta dito? Yung lalaki ba na tumulong sa akin kanina ang nagdala sa akin dito? Paano niya nalaman bahay ko? Kilala ba niya ako? Bumangon na ako at nagtoothbrush. Wala ako mapapala kung iisipin ko kung ano ba nangyari pagkatapos ko mawalan ng malay. Nagtunggo ako sa kusina para maghanda ng almusal. Pagkatapos ko kumain, naligo na ako at nagsuot ng blouse at pants. Sabado ngayon, mas magandang pumunta ng ospital para magpacheck up. Pero dadaan muna ako sa company ni Papa. Sinuot ko ang sling bag ko at kinuha ang whiteboard ko saka ko nilock ang pinto bago umalis. Moonlight Corporation "Good Morning Ma'am," bati sa akin ng guard. Ningitian ko na lang ito. Kilala naman ako dito kaya diretso lang ako sa pagpasok. Nagtungo ako sa opisina ni Mr. Sanchez na agad naman ako sinalubong ng secretary niya. "Good Morning Ma'am. Si Mr. Sanchez po ba ang hinahanap mo?" Tumango ako. "Wait lang po Ma'am," aniya at saka tumayo. Kumatok siya sa pintuan ng opisina ni Mr. Sanchez bago ito buksan. "Sir. Nandito po ngayon si Ms. Cortez." Tumingin sa akin ang secretary ni Mr. Sanchez. "Pwede ka ng pumasok," nakangiting sabi niya. Pagpasok ko sa loob sinalubong agad ako ng yakap ni Mr. Sanchez. "Good Morning Xia. Kamusta na?" tanong niya sa akin at saka ako pinaupo sa isang sofa sa loob ng opisina niya. Nagsulat ako sa whiteboard. "Okay lang po ako, Ninong." Bukod sa business partner siya ni Papa , siya din ang tumatayong pangalawang magulang ko. "Napag-isipan mo na ba ang sinabi ko? Pwede ka naman tumira doon sa bahay kaysa mag-isa ka sa apartment mo." "Ayos lang po ako." Ang totoo niyan wala talaga ako tiwala sa kanya. Sa edad na 45 wala pa itong asawa. Pakiramdam ko din kakaiba ang tingin na binibigay niya sa akin. Hindi ko alam kung praning na ba ako dahil sa mga nangyari sa akin; nahihirapan na ako magtiwala sa iba. "Sigurado ka iha? Basta kung kailangan mo ng tulong nandito lang ako," napatingin ako sa kamay niya na nakaakbay sa akin at pasimple itong bumababa papunta sa kamay ko. Bago pa niya mahawakan ang kamay ko tumayo na ako at lumayo sa kanya. "Mauna na po ako. Dumaan lang po ako para mangamusta. Mukhang ayos naman po ang company," sulat ko sa whiteboard ko para magpaalam. Bago pa siya makapagsalita lumabas na agad ako ng opisina niya dahil sa sobrang kaba ko. Alam ko na hindi ko siya dapat pagdudahan pero hindi maalis sa akin ang kabahan tuwing malapit siya sa akin. "Ayos ka lang ba?" Napatingin ako sa secretary saka tumango habang pilit na ngumiti. Nagsulat ako sa whiteboard ko. "Salamat, alis na po ako." "Mag-iingat ka." Pagkaalis ko ng company, dumiretso agad ako ng ospital para magpacheck up. Napapadalas ang papanakit ng puso ko. Kailangan ko na yata magpatingin. Hayakawa Hospital "Dumadalas ang pagsakit ng puso mo?" tanong ng doctor. Tumango ako bilang tugon. "Iniinom mo ba gamot mo bago kumain?" tanong ng doctor "Opo," pagsisinungaling ko. "Sigurado ka?" Tumango ako. May sinulat siya sa papel na hawak niya. Tumayo siya at saka kumuha ng injection. Tinurukan niya ako ng kung ano at saka nagreseta ng bagong gamot. "Inumin mo yan 3 times a day. Mas mataas ang grams niyan kumpara sa unang gamot na binigay ko." Tumango ako. "Salamat po," sulat ko sa whiteboard bago lumabas. Ningitian naman niya ako. Habang naglalakad ako tinignan ko ang gamot na binigay sa akin. Mas malaking ang tabletas nito kumpara sa naunang gamot. "Xia, anong ginagawa mo dito?" Napaangat ako ng ulo at nakita ko sila Trevor. Nilagay ko sa bag ko yung gamot bago magsulat sa whiteboard. "Nagpacheck-up." "Bakit? Ano sakit mo?" tanong ni Trevor. "Congenital Heart Disease, pero naoperahan na ako." "Pauwi ka na ba?" tanong ni Trevor. Tumango ako bilang tugon. "Hatid ka na namin. Pauwi na din kami." Hinila niya ako papunta sa sasakyan nila. Hindi ko na nagawang tumanggi dahil pinasakay niya ako agad. Tinatamad na din ako magsulat kaya sumunod na lang ako. "Salamat," pagpapasalamat ko sa kanila sa pamamagitan ng whiteboard ko. "Ingat ka diyan. Mag-isa ka pa naman. Lock mo parati yung pinto mo," paalala ni Trevor nang makalabas na ako ng sasakyan. Tinanguan ko siya bilang tugon. Pagkaalis nila pumasok na ako sa loob ng apartment ko. Kinabukasan.... "SUNOG! SUNOG!" nagising ako dahil sa sigawan sa labas ng apartment. Nawala bigla antok ko dahil sa usok na nakapalibot sa akin. Sunog! Tumayo na ako at dali-daling binuksan ang pinto. Paglabas ko ng kwarto nasusunog na ang sala ko. Muli akong bumalik sa kwarto upang kunin anga niyang importenteng gamit ko tulad na lang ng mga gamit ko sa school at mga papeles. "Ahhhhh!" sigaw ko. Kamuntik na ako tamaan ng bumagsak na kisame. Buti na lang mabilis ako nakaaiwas dahil nag-aapoy pa ito. Napayakap ako sa dala kong bag at muling sinubukang lumabas. Subalit bago pa ako makalabas may bumagsak nanaman sa harapan ko. Dahil sa usok, hindi ko maiwasang maubo. "Tulong! Tulungan niyo ko!" sigaw ko nang mapansin kong wala na ako madaanan. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Natatakot ako na kapag humakbang ako may bumagsak sa akin. "Xia!" Napatingin ako sa lalaking may kulay gintong mata. Katulad noong unang kita niya tanging mga mata lang niya ang nakikita ko. Natatakpan ang bibig nito ng nakabalot na scarf sa leeg niya. Meron din siyang suot na jacket. "Tulungan mo ko," pakiusap ko sa kanya habang inuubo. Lumapit siya sa akin saka ako binuhat. Napahawak ako dibdib habang inuubo. Mas lalo akong nahirapang huminga dahil sa usok na nasinghot ko. "Konting tiis na lang. Dadalhin kita sa ospital," rinig kong sabi ng lalaki. "Salamat," mahinang sabi ko bago mawalan ng malay. Paggising ko nasa hospital na ako. Tinignan ko ang taong nakaupo sa gilid ng kama ko. Nakasubsob ang mukha nito sa hinihigaan ko habang nakahawak siya sa kamay ko. Bumukas ang pinto at iniluwa nito sila Trevor. "Xia, gising ka na! Kamusta pakiramdam mo? Okay ka na ba?" tanong ni Trevor. Tumango ako bago muling tumingin sa taong natutulog sa tabi ng higaan ko. Hindi ba siya nangangalay sa ginagawa niya? Ginalaw ko ang kamay ko para magising ito. Napatingin ito sa akin. "Lei, buhay ka. Akala ko iiwanan mo na ako," umiiyak na sabi ni Stella. Medyo nakonsensya tuloy ako sa ginawa ko sa kanya. Sa kabila ng pag-iwas ko sa kanya, hindi niya pa rin ako iniiwanan. Nandito pa rin siya sa tabi ko nag-aalala sa akin. "Ayaw mo pa rin ba ako kausapin?" malungkot na tanong niya. "....." "Sige. Alis na ako. Okay na sa akin na makitang buhay ka." Binitawan niya ako saka tumayo. "Salamat sa pagligtas niyo kay Xia. Kayo na bahala sa kanya. Maiwan ko na kayo," paalam niya kila Trevor saka ito nagtungo sa pintuan. Gusto ko siya pigilan pero hindi pwede. Alam kong oras na gawin ko iyon, babalik sa dati ang lahat. Ayoko na dumating ang araw na mawala siya sa akin. Mas mabuti pang lumayo na lang ako kaysa mapahamak siya. Bago siya lumabas lumingon siya sa akin. "Lei, miss na kita. Miss na miss ko na ang Lei na kilala ko," aniya bago isara ang pinto. Kumirot ang puso ko kasabay ng pagtulo ng luha ko. Kanina ko pa pinipigilang umiyak pero dahil sa sinabi niya hindi ko na napigilan ang sarili ko. "Bakit ayaw mo siya kausapin?" tanong ni Bliss. Umupo siya inuupuan ni Stella kanina. Pinunasan ko ang luha ko at saka tinuro ang whiteboard ko na nakapatong sa sofa kasama ng bag ko. Kinuha ito ni Claude upang iabot sa akin. "Mapapahamak lang siya dahil sa akin," sulat ko. "Bakit?" Magsusulat na sana ako para sagutin siya nang biglang bumukas ang pinto. "Xia, ano nangyari sayo? Ayos ka lang ba?" tanong ni Mr. Sanchez pagkapasok niya "Sabi ko naman sayo sa bahay ka na tumira. Tignan mo nangyari? Kamuntik ka na mamatay." Tumingin ito kila Zander. "Salamat sa pagbantay sa inaanak ko. Ngayon nandito na ko, ako na bahala sa kanya." Tinignan ko sila. Gusto ko sabihin sa kanila na wag sila umalis. Ayokong maiwan mag-iisa kasama si Mr. Sanchez. "Sige po. Xia, una na kami," paalam ni Trevor. Nang makalabas sila bigla hindi ko maiwasang kabahan. Hindi talaga ako komportable makasama si Mr. Sanchez lalo na kung dalawa lang kami. "Sa bahay ka na titira. Mas safe ka doon. Kamuntik ka na mamatay dahil wala kang kasama. Mabuti na lang may nagligtas sayo." Napilitan na lang ako tumango dahil wala na din ako mapupuntahan. Wala na din ako magagawa dahil siya tumatayong guardian ko. "Good. Naayos ko na ang bill mo. Mamaya sumabay ka na sa pag-uwi ko." Bigla ako nagsisi na nabuhay pa ako. Dapat pala hinayaan ko na lang ang sarili ko na mamatay sa sunog. Maglalaslas kaya ako ngayon? O kaya uminom ng lason para mamatay na talaga ako. Napabuntong hininga na lang ako saka bumalik sa pagkakahiga. Hindi ko na lang pinansin si Mr. Sanchez. Wala din naman ako sasabihin sa kanya. "Sino nga pala nagdala sayo dito? Yung lima ba na naabutan ko kanina? Hindi man lang pumili ng magandang ospital. Dapat sa Hayakawa Hospital ka dinala, hindi dito." Hindi ko na initindi ang panlalait ni Mr. Sanchez sa hospital. Maayos naman dito kung ako tatanungin. Naalala ko ang nagligtas sa akin. Hindi maalis sa isipan ko ang kulay gintong mata niya. Siya kaya nagdala sa akin dito? Hanggang ngayon paulit-ulit sa isipan ko ang pagtawag niya sa pangalan ko. Pamilyar ang boses niya sa akin. Kilala niya ako ibig-sabihin kilala ko din siya. Kung makikita ko lang sana ang mukha niya. Itutuloy...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD