Xia's POV
"BITAWAN MO KO! TULONG!" sigaw ko habang pilit tinutulak ang lalaking nakapatong sa akin.
"Pare, tulungan mo ko dito."
Lumapit ang lalaking bumaril kay Mama.
"Bitawan mo ko!!" sigaw ko nang hawakan niya ang kamay ko. Kahit magpumiglas ako hindi sapat ang lakas ko sa kanila. Marahas nilang pinunit ang suot ko.
"WAAAGGG!! MAAWA KAYO SA AKIN! TULONG!!" umiiyak na sabi ko nang umpisahan akong halikan sa leeg habang gumagapang ang kamay niya sa katawan ko.
"WAG PLEASE! TULONG! TULUNGAN NIYO KO!" napaupo ako bigla sa kama habang kinakapos ng hininga. Napahilamos na lang ako ng kamay ko dahil napanaginipan ko nanaman ang tungkol doon.
Napahawak ako sa dibdib ko nang maramdaman kong naninikip ito. Bumangon ako para kuhain ang gamot ko sa drawer pero dahil sa hirap ko makahinga natumba ako sa sahig. Nanginginig na binuhos ko ang gamot ko sa aking palad at uminom ng tatlong tabletas; maliit bilog lamang ito na kulay pula.
Napasandal ako sa kama habang hinihintay bumuti ang pakiramdam ko. Nang bumalik na sa dati ang paghinga ko tumayo na ako at tinignan ang oras.
Alas tres pa lang ng madaling araw. Sinubukan ko matulog muli pero hindi na ako dinalaw ng antok. Gawa siguro ng napanaginipan ko.
Makalipas ang isang oras bumangon na ako para maghanda sa pagpasok ko. Hindi na din naman ako makakatulog, mas mabuti pang pumasok na lang ako ng maaga.
5:45 pa lang umalis na ako kahit 7am pa ang klase ko. Pagdating ko sa room, mag-isa pa lang ako. Nilagay ko ang earphone ko at saka yumuko sa mesa para ituloy ang tulog ko kanina.
"Ms. Whiteboard!"
Inangat ko ang ulo ko at bumungad sa akin ang pagmumukha ni Jason.
"May laway ka pa sa labi," sambit niya kaya agad ako napapunas. Bigla siyang tumawa. "Joke lang."
Tinignan ko siya ng masama.
"Bakit hindi ka na bumalik kahapon?" tanong niya bigla.
Sumulat ako sa whiteboard ko. "Nagpalamig."
"Nag-away ba kayo ni Stella? Parang dati ang close niyo sa isa't isa." tanong niya.
"Hindi."
"Hmm.. Bakit umalis ka bigla kahapon? Kung alam mo lang."
"Bakit?"
"Wala! Lagot ako sa kanya kapag sinabi ko sayo," aniya saka umupo sa tabi ko.
Napatingin ako sa pintuan nang pumasok si Stella. Nagkasalubong ang mga mata namin at kapansin-pansin ang pamamaga ng mata niya.
Umiyak ba siya?
Tumingin ako sa likod at doon nakita ko sila Trevor. Kinawayan ako ni Bliss at Trevor. Ningitian ko naman sila bilang tugon. Si Claudine naman busy sa pagtataboy sa mga babaeng lumalapit sa kakambal niya. Si Zander, ayun nakaearphone nanaman habang nagbabasa ng libro.
"Mukhang close ka sa kanila," napatingin ako kay Jason. Nakaupo na siya sa tabi ko. Seryoso niyang pinagmasdan sila Trevor.
"Ingat ka sa kanila," paalala niya sa akin.
"Good Morning Class. Pasensya na kung nahuli ako," sambit ng aming guro na si Sir. Navarro; isa siya sia mga pinakabatang guro dito sa paaralan.
Ngumiti ito at kapansin pansin ang pagkakilig ng iba kong mga kaklase na babae. Gwapo kasi si Sir kaya hindi na ako nagtataka kung bakit ganun na lamang ang reaction nila. Marami ngang nakakagusto sa kanya dahil matalino din ito at magaling magturo.
Nag-umpisa na siya magturo ng math at lahat kami tutok sa kanya. Hindi ko lang alam kung nakikinig ba talaga ang iba o nakatingin lang sa kanya.
Napatingin ako sa binatana nang may napansin akong parang nalaglag. Hindi ko na sana ito papansinin dahil baka katulad din ito ng dati na pagtingin ko wala naman, ngunit sumigaw ang isa kong kaklase.
"OH MY GHAD!" nakatayo ito habang nakatingin sa bintana.
"Ms. Reyes, may problema ba?" tanong ni Sir. Navarro.
"Sir, may nahulog po mula sa taas," aniya kaya agad ako tumayo at sumilip sa bintana. Napatakip ako ng bibig at mabilis na napaatras nang makita kong may babaeng duguan sa ibaba.
"Ganyan kahahantungan mo kung tinuloy mo noon ang pagtalon sa rooftop," sambit ni Claude habang nakatingin sa ibaba.
"Claude," tawag ni Claudine sa kambal niya. Nasa labas na silang apat nila Zander at tanging si Claude na lang naiwan sa loob.
"Sama ka," sabi sa akin ni Claude. Bago pa ako makasagot, hinila na niya ako.
Bumaba kami at nagtunggo sa babaeng nahulog. Natulala na lang ako sa kaniya . Lasog lasog ang katawan nito. Basag din ang bungo at halos maligo na ito sa sarili niyang dugo na nagkalat sa paligid. May napansin akong parang sugat sa leeg niya kaya nilapitan ko ito para tignan mabuti. Para itong kagat.
"Bawal lumapit. Lumayo muna kayo!" sigaw ng isang guro.
Sumunod naman ako pero nakakailang hakbang pa lang ako nang sumakit ang puso ko. Napahawak ako bigla dito dahil sobrang sakit. Ngayon lang ito nangyari sa akon kahit noon pa lang may problema na ako sa puso. Minsan nahihirapan ako huminga pero hindi ito sumasakit ng ganito. Para itong pinipiga sa pakiramdam ko sasabog ito sa sobrong piga.
"Xia, ano nangyayari sayo? Namumutla ka," pansin ni Bliss sa akin. Hinawakan niya ako. "Bakit ang lamig mo? May sakit ka ba?"
"P-pahinging tubig," sabi ko sa kanya nang makaramdam ako nang panunuyo ng lalamunan at uhaw. Tinignan ko yung dugo na kanina ko pa naamoy.
Bakit parang gusto ko ito dilaan? No! Ano ba nangyayari sa akin? Hindi naman ako ganito dati. Napalunok na lang habang nakatitig sa dugo na tuloy lang sa pag-agos. Wala sa sariling lumapit ako doon at nang hahawakan ko sana ito, bigla akong hinila ni Zander palayo.
Hindi nagtagal umaayos ang pakiramdam ko; lalo na pagkalayoi namin. Nakahinga na ako ng maluwag.
"Tubig," sambit ni Bliss habang inaabutan ako ng tubig sa bote. Kinuha ko ito at inubos agad.
"Ayos ka na ba?"
Tumango ako.
"Salamat," mahinang sabi ko.
Tinignan ko si Zander na nakatingin lang sa amin.
"Balik na tayo sa room," aniya nang makita niya sila Trevor na palapit sa amin. Sabay kami naglakad pabalik sa room.
Nagtuloy tuloy ang klase na para bang walang nangyayari. May ina na gustong tignan ang nangyayari sa iba pero pinagbawalan kami.
KRING.KRING.KRING
"Yes! Uwian na!" masayang sabi ni Jason nang tumunog na ang bell.
Nagligpit na ako ng gamit at nagmadaling lumabas sa classroom. Dadalawin ko pa sila mama. Matagal tagal na din noong huling punta ko doon.
Nilagyan ko ng bulaklak sa harap ng puntod nila at saka nagsindi ng kandila.
"Ma, Pa, Kuya, Bunso, pasensya na kung ngayon lang ako ulit nangyari," tulad ng nakasanayan, kinuwento ko sa kanila ang mga nangyari sa akin at dahil matagal-tagal akong hindi nakadalaw napahaba ang pagkwento. Nagpaalam na ako sa kanila nang mapansin kong madilim na.
"Aaahhhh!! Tulong!"
Tumigil ako sa paglalakad nang may marinig akong sigaw ng isang babae.
"Uhhh! Tulong! Hmmpp!"
Napatingin ako sa isang eskinata kung saan nagmumula ang tinig. Doon may nakita akong dalawang tao. Dahan-dahan ako nagtago at sumilip.
Nakayakap ang lalaki mula sa likuran ng babae. Ang isang kamay nito ay nakatakip sa bibig ng babae habang ang isa nakayakap sa katawan nito. Akala ko hinahalikan lang ng lalaki ang leeg nito, kaya nagulat ako nang may tumulong dugo. Doon ko lang napansin na kagat siya ng lalaki. Napansin ko din ang kulay pulang mata nito katulad sa mga humarang sa amin noon.
Tinakpan ko ang bibig para pigilan ang sarili na gumawa ng ingay. Napatingin ito sa pwesto ko kaya mabilis akong nagtago bago pa ako makita.
"Sino yan?" tanong niya.
Napatakbo ako dahil sa takot na baka mahuli niya ako.
"Ahhh!" sigaw ko nang may humablot sa akin.
"Saan ka pupunta?" tanong ng lalaki sabay takip sa bibig ko upang pigilan ako sa pagsigaw.
Natulala na lang ako sa mata niya dahil hindi maalis sa isipan ko ang mga lalaking humarang sa amin noong papunta kami sa tagaytay. Hanggang ngayon hindi pa rin malinaw sa akin kung ano ba talaga sila. Sinubukan ko manlaban pero mas malakas siya kaya wala na akong nagawa. Kakagatin din kaya ako tulad doon sa babae kanina?
"Kapag siniswerte nga naman, pagkain na ang lumalapit sa akin. Batang bata pa. Sigurado masasarapan ako sayo. Tamang tama nabitin ako kanina," aniya. Napapikit na lang ako nang dumikit ang labi niya sa leeg ko at dilaan.
Tulong! Gusto ko sumigaw pero nakatakip ang bibig ko. Nag-umpisang manginig ang mga kamay ko sa takot. Ayoko ng ganito. Palagi na lang ba mangyayari sa akin ito? Nag-umpisang manlambot ang mga tuhod ko, mabilis naman niya ako isinandal sa pader at dumikit sa akin para hindi ako matumba.
"Wag ka umiyak miss. Saglit lang naman ito."
Lalo ako napaiyak sa sinabi niya.
"Bitawan mo siya."
Napadilat ako nang may marinig akong kasa ng baril. May isang lalaking nakasumbrero at nakatakip ng face mask ang bahagi ng ilong at bibig. May suot din itong hood na jacket na mas lalong tumakip sa mukha niya.
Bago pa makakilos ang lalaking may hawak sa akin, hinila niya ito palayo at saka pinagsysusuntok. Napaupo na ako sa semento dahil sa sobrang panlalambot ng katawan ko. Nag-umpisa nanaman akong mahirapang huminga.
"T--tulong..." napatingin sa akin ang lalaking nakasumbrero. Sinipa niya ang umatake sa akin bago niya ako nilapitan.
Hindi ko na kinaya ang sakit sa puso ko; napahiga ako sa sahig at bago ako mawalan ng malay nakita ko pa ang kulay gintong mata ng lalaki.
Itutuloy...