bc

The Lost Headmistress

book_age18+
633
FOLLOW
1.9K
READ
revenge
powerful
boss
gangster
tragedy
no-couple
realistic earth
betrayal
reckless
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Organization Series Book 1

Afarah Adley Flores at a very young age witnessed the greatest tragedy in her life. As she grows up, she met people who have the same sharpness and share the same interest as her. With a determined mind to get justice and seek revenge, she done things that brought her to her near-death experiences.

History repeats itself, and so does her fear to lose the people she loves. The battle between love and revenge started but risking her own life would be her choice to defeat her unknown enemy and to give light to her darkest past.

She is the lost and the next Headmistress.

chap-preview
Free preview
Prologue
Ang dilim, ang tahimik, ang lamig, nakakatakot. Naririnig ko ang mabilis na t***k ng puso ko habang naglalakad ako sa isang madilim at malamig na pasilyo. Paunti-unti ang mga hakbang na ginagawa ko habang nakikiramdam sa buong paligid. May naririnig akong mga boses, mga tawanan, mga yapak ng paa, pagsarado ng pinto at mahihinang bulong na tila nanggagaling malapit sa aking tainga. Humakbang ako paatras, palinga-linga ako sa paligid pero tanging kadiliman lamang ang nakikita ko. “AHH!” Napasigaw ako nang sobrang lakas nang maramdaman kong may mga kamay na humawak sa balikat ko. Nagdulot ‘yon ng echo sa buong paligid. Mga kamay na sobrang lamig na kahit natatakpan ng damit ang aking balikat, ay tila tumatagos pa rin ang lamig sa aking balat hanggang kumalat sa buo kong katawan. Dahilan para magsimula akong manginig sa takot. Lumiwanag ang kanyang mukha, kitang-kita ko ang isang lalaking nakasuot ng maskarang itim na may hawak na matalim na kutsilyo habang ang isa niyang kamay ay nasa balikat ko. Sunod-sunod na sigaw ang pinakawalan ko pero sa pagkakataong ito, wala ni isang boses ang kumawala sa ‘kin. Gusto kong tumakbo, tumakbo nang mabilis, kasing bilis nang pagtibok ng puso ko. Napatigil ako sa pag-sigaw nang bigla nalang niya akong saksakin sa tiyan, napanganga ako habang pinipigilan ang pag-agos ng dugo gamit ang nanginginig kong mga kamay. “B-Bakit…” mahinang ungol ko. Tinitigan ko ang itim na maskara na suot niya habang unti-unting bumabagsak sa malamig na sahig. --- "Farah!? Gising Farah! Nananaginip ka, gising!" Unti-unti akong dumilat nang maramdaman kong may yumuyugyog sa katawan ko. Napatayo naman ako sa kama nang wala sa oras. Napahinga ako nang malalim nang makita ang mukha ng taong walang humpay na gumigising sa akin, "Diem, w-what happened?" tanong ko sa kaniya gamit ang nanginginig na boses. Nakatingin siya sa ‘kin ngayon na halos hindi maipaliwanag ang itsura. Nanginginig din nang kaunti ang mga kamay niyang nakahawak sa dalawang balikat ko. Wala sa sarili kong tiningnan ang mga kamay niya nang maalala ko ang kamay ng lalaking nasa panaginip ko. Naramdaman ko ang pagkataranta niya nang bigla siyang magsalita. "Nangyari na naman, Farah. You’re having a nightmare again. Pero parang masyadong kakaiba ngayon, masyadong nakakata-" "Stop, Diem.” Pigil ko sa sasabihin niya. Alam kong hindi siya nagsisinungaling, ramdam ko na kakaiba nga ang panaginip ko ngayon. Pero dahil halos magwala na siya, kailangan ko siyang pigilan, alam ko na kung sa’n mapupunta ang usapang ‘to. "Okay lang ako, Diem. okay lang..." pagkukunwari ko. Alam ko na hindi siya maniniwala sa sinabi ko. Knowing her, she knew me that well. Minsan nga parang mas kilala pa niya ako kesa sa sarili ko. Tumayo na ’ko sa kama. As usual, naiwan na naman siyang nakatulala at halos hindi makapaniwala ang itsura. Napailing nalang ako habang pilit pa rin nilalabanan ang panginginig ng katawan. Bumaba ako at dumiretso sa kusina. Kailangan kong uminom ng tubig. This weird feeling, I felt it again. That dream, I hate it. Ramdam ko pa rin ang panginginig ng katawan pati ang malakas na t***k ng puso ko. "Farah, sigurado ka bang okay ka lang?" Inaasahan ko na ang pagsulpot niya sa tabi ko, at hindi nga ako nagkamali. Ngayon ay medyo kalmado na ang boses niya. Naramdaman ko siya sa likod ko, sabi ko na nga ba, hindi niya na naman ako titigilan sa mga tanong niyang ganyan. Binuksan ko ang ref at nagsalin ng tubig sa baso bago muling humarap sa kaniya. "Ilang beses ko pa ba sayo uulitin?" Pinilit kong maging kalmado ang boses ko. Umupo ako sa upuan at ipinatong sa mesa ‘yong baso ng tubig na hawak ko. Napa-iling nalang ako dahil sa kakulitan niya. Kailangan ba talaga niyang ulit-ulitin ang tanong na ’yan sa tuwing mangyayari ‘to? "Seryoso, okay lang talaga ako. Saka, sanay na ako ‘di ba?" sagot ko. Ininom ko ang tubig sa baso. Pakiramdam ko isang linggo akong hindi nakainom ng tubig. Hoo! Naramdaman ko naman na kumuha rin siya ng upuan at umupo sa tabi ko, tiningnan ko ulit siya at ngayon ay seryoso na ang mukha niya habang nakatitig rin sa akin. Umiwas ako nang tingin. Oo nga, tama siya. Okay lang ba talaga ako? Nakakulong ako sa nakaraan, sa nakaraan na alam kong kahit kailan hindi ko na matatakasan. Nakatulala lang ako when the same old memory suddenly start to run in my mind, again. I know this feeling, alam kong pilit na naman akong hinihila pabalik sa nakaraan. -- Isang malakas na putok ng baril ang muling umalingawngaw sa paligid. Kitang kita ko nang mulig paputukan ng isang lalaking nakasuot ng maskarang itim ang walang buhay na katawan ni daddy. Napapalibutan rin ng sarili niyang dugo ang lupa kung nasaan ang katawan niya. Again, my eyes automatically closed when I heard another gunshot. Isang bala ulit ang tinanggap ng katawan niya na tuluyang nagpawala ng buong lakas ko. Hindi ko mapigilan ang sunod sunod na paghikbi at tuluyan na akong bumagsak ulit sa sahig. I felt mom's hand. She is holding my hands while still lying on the floor. I didn't open my eyes, I felt my body trembling. "Where is the woman?!" "We need to kill her! Go find her!" Sunod-sunod na sigaw na nanggaling sa labas. Tiningnan ko si mommy at ganun din siya, lalo siyang namutla at parang hindi alam ang gagawin. Parang alam ko na kung ano ang ibig sabihin nila. Kaya mas lalo akong kinabahan, dumoble ang bilis nang t***k ng puso ko. Mabilis kong pinunasan ang mga luha sa mukha ko at nilapitan siya. "M-mommy, kailangan na nating umalis. Papunta na sila dito kailangan na nating umalis!” Piyok ang boses kong sabi sa kaniya. I’m hopeless. I felt like crying again. "No… hayaan mo na’ko. Iligtas mo ang sarili mo A-Afarah,” tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha niya habang nagsasalita. "NO! MOMMY! AYOKO!” impit na sigaw ko dahil sa sobrang panic at takot na baka marinig kami ng mga lalaki sa labas. Hindi ko na alam ang gagawin ko. And my tears fall, nonstop. "N-no, kailangan mong.. magtago." Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi niya kahit patuloy pa rin ang pagpatak ng mga luha sa pisngi niya. Nakarinig ako ng mga yapak ng paa, malapit na sila dito. Biglang gumana ang adrenaline ko so I help my mom to stand, but I can’t, I’m weak, plus the frustration! I can’t but I need to. Ayokong iwan si mommy, ayoko. I tried for the last time but my own body says I can't, tuluyan na’kong humagulgol dahil sa sobrang frustration, niyakap ko siya at umiyak sa dibdib niya. "M-Mommy please, ayoko, hindi ko kaya mommy…" I said between my sobs. Para akong sanggol habang paulit-ulit na sinasabi ang mga salitang ‘yan pero kumalas lang siya sa pagkakayakap ko. She reaches my face and wipes my tears. Nakangiti pa rin siya sa ’kin pero patuloy ang pag-agos ng luha niya. "P-please... Afarah kailangan mong mabuhay, para sa ‘min. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng Daddy mo, kailangan mong mabuhay…" She closed her eyes, I did the same. Narinig ko na ang yapak ng mga paa sa labas ng pinto kung nasaan kami, kahit ayaw ko, kailangan. Muli kong pinagmasdan ang kalagayan ni mommy. Ang tagiliran niya na may tama ng bala na patuloy na umaagos ang dugo. Ang mukha niya na basang basa ng luha na nahaluan ng dugo na nanggagaling sa mga hiwa sa kaniyang mukha. Halos hindi ko siya matingnan nang diretso. I kiss mom's forehead before I run inside the bathroom. I sat there while still sobbing, trembling and crying. Tanging takot lang ang nararamdaman ko, takot at sakit. Mayamaya narinig ko na ang pagbukas ng pinto, hindi na mapigil ang ipit na pag-iyak ko habang iniisip ko kung anong gagawin nila kay mommy. "There you are, b***h!" madiin na sabi ng isang lalaki. Then in just a snap, three gunshots echoed. I immediately cover my mouth! I want to shout in pain! Three shots, those three shots echoed in my mind. I closed my eyes and everything went black. -- Bumalik ako sa reyalidad nang maramdaman ko ang mga braso na nakayakap sa akin. I felt the same feeling, the feeling when both of my parents died and I was there, didn’t do anything. Ano nga ba ang magagawa ng isang 10 years old na bata. Mahina ako kaya wala akong nagawa para iligtas ang mga magulang ko. Simula nang insidenteng 'yon ay lagi na akong nagkakaroon ng mga panaginip kung saan laging nandoon ang lalaking nakamaskara, ang pumatay sa mga magulang ko. "Pwede kang umiyak, Farah," malambing na sabi niya. Oo, dapat umiiyak na ‘ko ngayon, but no and I won’t. Nangako ako sa sarili ko na hindi na ako magiging mahina kahit kailan. Hindi ko gagawin ang pagkakamaling ginawa ko ten years ago, hindi ako magiging mahina. "Teka, bakit ko nga ba sinabing umiyak ka? Alam ko namang hindi mo gagawin." Kumalas siya sa pagkakayakap sa ’kin at bumalik sa upuan niya. Then she frown, Tss this girl. "Kailangan na natin maghanda ng umagahan, Diem." Tumayo na ‘ko at pumunta sa lababo na parang walang nangyare, ganito naman palagi. I always hide my feelings, my anger, and my weaknesses. "Ako na dito Farah, pumunta kana sa taas at maligo, " sabi niya habang tinitingnan ako head to toe. Oh god! Hindi pa pala ako naliligo or naghihilamos manlang. “O-okay.” Natatarantang sabi ko. Napailing nalang siya habang tumatawa sa reaksyon ko. “Ah teka lang.” Palabas na ‘ko ng kusina nang bigla niya akong pigilan kaya napalingon ulit ako sa kaniya. “Hmm?” Bigla niya akong hinila papunta sa sala. Maliit lang naman itong apartment namin kaya halos dugtong lang din ang sala at kusina. May kinuha siya sa center table at inabot sa ’kin. “May nag-deliever niyan dito kanina, sobrang aga nga eh. Nakapangalan sayo, pero wala namang nakalagay kung kanino galing." kinuha ko sa kamay niya ang isang itim na envelope. May naka-print na isang mata na may nakasulat na ‘Dark’ sa ibaba, mukha siyang isang logo. Pinagmasdan ko ito at mukhang mamahalin ang papel na ginamit. “Bilis buksan mo na!” Hindi naman halata na mas excited pa siya sa’kin. “Hindi ko alam kung kanino galing ‘to, at wala naman akong in-i-expect na sulat.” Nagsalubong ang mga kilay ko, kanino naman kaya galing ‘to. “Ang taray naman niyang kung sino man ‘yang admirer mo, may pasulat pa talaga. Duh, uso na kaya ang email at messenger ngayon.” Hindi ko na siya pinansin at sinimulang buksan ang envelope. Isang puting papel ang laman nito, tiningnan ko muna si Diem bago ko ilabas ‘yong papel. Mukha siyang isang tuta na sabik na sabik, hays. Pero nagulat kami pareho nang ilabas ko ‘yong papel sa loob, walang nakasulat. “Ha? Ano ba ‘to joke? Bakit walang nakasulat, akin na nga.” Hinablot niya sa kamay ko yung papel at binali-baliktad. Bawat sulok tiningnan niya pero wala kaming nakita kahit tuldok manlang. Sobrang dismayado ‘yong itsura ni Diem. Napa-iling ako, siguro isa lang ‘tong prank ng kung sino. Kinuha ko na ulit sa kaniya ‘yong papel at ibinalik sa itim na envelope. “Kalokohan lang ‘to malamang ng kung sino,” sabi ko at inilagay ‘yong envelope kasama ang tumpok na mga papel at mga libro na nakatambak sa ilalim ng center table. “Hay nako, sayang naman. Akala ko pa naman may secret admirer kana Farah, para naman mabawasan na ‘yang kasungitan mo. Makapag luto na nga lang,” reklamo niya habang naglalakad pabalik sa kusina. Napa-iling nalang ulit ako habang paakyat na rin ng hagdan papunta sa kwarto para maligo. Ang dami talagang tao na walang magawa ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Wanted: Mafia Lord Series 13 (R-18 SPG)

read
124.3K
bc

LIBERTY: THE WORLD'S MOST WANTED 2 (SPG/R-18+)

read
10.1K
bc

HOT SINGLE DAD: AGENT SERIES 20 (R-18 SPG)

read
104.3K
bc

Agent Series 15 : Officially Yours (SPG R-18)

read
152.1K
bc

Love at First Shot [SPG]

read
21.2K
bc

Agent Series 17: Money Or Kiss Me? (R-18 SPG)

read
189.8K
bc

MAFIA SERIES 6: MY LORD

read
361.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook