Episode II

3865 Words
Matinding galit ang nararamdaman niya ngayon para sa dating asawa, kung bakit siya nito pinakukulong ganun anak naman niya ang kinuha niya hindi man lang siya kinausap nito. Kung nakipag-usap lang sana ito sa kanya hindi na sana aabot pa sa ganito, pati anak nila nadadamay pa, bata pa ito wala itong kaalam-alam sa mga nangyayari sa palingid niya, napaka-inosente pa nito. "Magbabayad ka ng mahal sa ginawa mong ito, tandaan mo yan Anastacia, hinding-hindi kita mapapatawad kahit lumuha kapa ng dugo" bulong niya sa kanyang sarili. Laking gulat pa niya kahapon ng makita ito, ilang beses pa niyang ikinurap ang mga mata. At ng masiguro niyang si Anne nga ang nakikita niya gustong-gusto na niya itong takbuhin at yakapin sobrang na-missed na niya ito, gusto niyang mahalikan ang natural na mapupulang mga labi nito, buti nalang nakapagpigil pa siya. Hindi niya inaasahang sa tagal ng panahon makikita pa niya ito pagkaraan ng ilang taon pagtatago nito. Maging ito'y alam niyang nagulat din namutla pa ito ng makita siya, pero nakabawi din agad, ng lalapitan na niya ito may biglang tumawag ng "Mommy" ditong isang batang babaeng may dalang dalawang box ng barbie doll at isang naka-box na airplane na kulay pula at asul na halos hindi na nito mabuhat, natabunan na nga ang mukha nito, tinawag ito ni Anne ng Cassey at mabilis na hinila papalayo sa kanya at mabilis na sumabay sa mga taong nagkukumpulan. Napakamot nalang siya ng batok niya ng maala-ala ang nangyari sa mall kahapon. Ang unang babaeng kanyang minahal, ang nag-iisang babae sa buhay niya. Paano ba niya ito makakalimutan, sinaktan siya nito, pero kahit kailan hindi ito nawaglit sa isipan niya, akupado nito ang malaking bahagi ng kanyang puso. Aaminin niya sa sarili niyang nagkaroon din siya ng ibang babae pero kahit isa sa mga iyong wala siyang sineryoso, dahil walang papantay sa dating asawa. Hanggang kama lang ang mga ito, at alam nila ang limitasyon ng mga ito sa kanya, isa lang babae ang nagmamayari ng puso at isipan niya. Pinahanap pa niya ito ng mahigit tatlong taon, nag-ubus siya ng malaking halaga ng pera para lang makita ito pero walang makapagsabi ng whereabout nito kahit anung information about kay Anne siyang nakuha. Ang naibigay lang na information sa kanya ay ang magkasunod na pagpanaw ang mga magulang nito na ni hindi man lang niya nasilid ang mga libi ng mga ito. Yun lang ang naibigay ng mga na-hired niyang imbestigador, bukod dun wala na. Ang babaeng kanyang minahal, ang babaeng halos sambahin na niya, ang nag-iisang babaeng minahal niya ng walang kapantay ay siya palang sisira ng buhay niya, ng pamilya niya. Ang babaeng mala-angel ang mukha nuon ngayon ay nag-anyong demonyo na. "Wala kang utang na loob, pag-sisihan mo lahat ng ito, may araw karin, luluhod karin sa aking paanan, ipalalasap ko sayo ang impeynong sinasabi mo." bulong niya sa isip niya. Dahil hindi naasikaso agad ang mga dukumento para mapeyansahan si Dominic kung kayat sa presinto siya magpapalipas ng magdamag ngayon. Paano ba ako matutulog sa ganitong lugar halos dikit-dikit na kami dito sa isang maliit na kwadradong silid na tanging karton lang ang nagsisilbing higaan nila, mainit pa tanging isang maliit lang na electric fan ang meron. ........flashback......... "Anne saan ka pupunta? sasamahan na kita" alok ko kay Anne ng minsan napadaan siya sa tapat ng bahay namin. "Huwag na kaya ko naman maglakad mag-isa, malapit lang naman" sagot ni Anne kay Dominic "Maabala pa kita, isa pa baka makita tayo ni Nanay mapagalitan pa ako" dagdag pa ni Anne. Dahil sa sobrang pagmamahal niya kay Anne para na siya asong sunod ng sunod dito kung minsan. Kaya ng sumunod na pasukan pinakiusapan niya ang Daddy niya para lumipat sa pampublikong Paaralan malapit sa kanila kung saan nag-aaral si Anne, kahit ayaw ng Daddy niya wala na din itong nagawa, sinunod nadin siya ng Daddy niya huwag lang daw siya huminto sa pag-aaral. Isang National high school yun, may tatlong palapag na gusali at may malawak na playground may gymnasium din yun na pewedeng maglaro ng basketball, volleyball minsan may table tennis pa, mga paborito niyang mga laro. "Bakit ba kasi nag-transfer kapa dito sa public school samantala ang ganda nga ng school mo dati? Private pa hindi kaba nahihiyang dito kalang nag-aaral? Ang yaman niyo kaya?" tanong ni Anne kay Dominic ng magkita sila nito sa school nila dahil nagtataka ito sa mga inaasal niya. "Bakit naman ako mahihiya maganda din namam dito at dito din nag-aaral yung babaeng mahal ko. Masaya ako dito Anne, masaya ako na makasama ka sa iisang school" ani Domonic kay Anne sabay kindat pa niya dito. "Akala mo siguro nagbibiro lang ako nagsabihin ko sayo na lilipat ako dito nuh" dagdag pa ni Dominic, pero inirapan lang siya nito, kaya natawa siya sa inasal nito. "Para mabantayan na din kita, para walang manligaw sayo ako lang." aniya uli na ikinasimangot naman ni Anne. "Ano kaba ang babata pa natin, ligawan agad? Second year high school palang ako." ani Anne namumula na ang mukha nito dahil sa hiya. Natatawa nalang siya dahil lalo itong gumaganda sa paningin niya pagnamumula ang mukha nito. Lumipas ang mga araw, linggo, buwan, taon. Dalawang taon na buhat ng mag-transfered siya kung saan nag-aaral din si Anne? maganda naman ang mga naging grades niya dito katunayan siya ang itinanghal na valedictorian ngayon taon, nagkaroon din siya ng mga mababait na kaibigan. Dalawang tao na di siyang nangliligaw kay Anne, next week ga-graduate na siya ng sekondarya. Kaya naman naisipan na niyang kausapin si Anne ng masinsinan. Sa haba ng panliligaw niya dito nagawa na yata niya ang lahat ng kaya niyang gawin, nasabi na di niya lahat, o baka may kulang pa dahil ngayon lang siya nangligaw kaya hindi pa niya alam ang tamang dapat gawin. Niyaya niya itong mamasyal sila ng minsan maaga silang pinauwi, pumunta sila sa isang park malapit sa school nila na madalas nilang puntahan dalawa, madaming mga batang naglalaro dito may mga nakita din silang mga couple na nakaupo sa mga bench marami din mga studyanteng nakaupo sa damuhan habang nagkukuwentuhan, meron mga nagtitinda ng mga ihaw-ihaw sa may giliran ng park. Bumili na muna sila ng popcorn sa nadaanan nila bago sila naghanap ng mauupuan nila. "Anne kamusta kana? Nagawa mo naba mga projects mo? Next week graduation na namin sa susunod na pasukan lilipat na ako sa ibang school, magkakalayo na tayo, baka naman puwede mo nakong sagutin Anne, alam mo naman kung gaano kita kamahal diba?" panimula ni Dominic na may baka sa kanyang dibdib, paano ba niya mapasasagot ito? Nag-aalala siya dahil hindi na niya ito mababantayan. Alam niyang maraming nagkakagusto dito. Habang si Anne naman ay magkasalubong ang maganda nitong kilay. "Kunti lang naman school project ko. Kaya ko na yun." tugon ni Anne. "Please Anne be my girlfriend." agad niya usal dahil sa naiisip. "Ano paba ang gusto mong gawin ko para mapatunayan ko lang sayo kung gaano kita kamahal? Sabihin mo lang kung kaya ko gagawin ko para sayo, nagdududa kapaba sa pagmamahal ko sayo?" aniya, pero si Anne nakayuko lang habang kumakain ng dala nila popcorn. "Bago man lang tayo makalayo gusto ko tayo na, girlfriend na kita" ani ulit ni Dominic hinawakan pa niya ang isang kamay ni Anne ng hindi parin ito nagsasalita, nagmamakaawa na siya dito, nanalangin siyang tugunan nadin ni Anne ang kanyang pag-ibig para dito. Nakikiramdam lang ito at hindi parin nagsasalita, nakatingin lang ito sa kamay nilang dalawa na ipinaloob na niya sa dalawa niya palad ang isang kamay ni Anne, alam niyang nahihiya ito base sa nakikita niya sa mukha nito. "Anne please gusto ko lang naman makasiguro na akin kana, huwag kang mag-alala wala naman tayong gagawing masama, hindi naman ako gagawa ng mga bagay na hindi mo gusto, gusto ko lang talagang maging inspiration natin ang isa't isa, please Anne" habang hinigpitan pa niya ang pagkakahawak sa kamay ito, pinakatitigan niya ito habang nagyuko naman ito ng mukha. Huminga muna si Anne ng malalim bago ito ng angat ng mukha kay Dominic nahihiya man siyang titigan ang magagandang asul na mga mata nito ay ginawa niya upang masabi nadin niya kung ano nga ba ang saloobin niya para dito. Noon pa man may pagtingin na siya sa lalake, gusto din niya si Dominic natatakot lang siya sa mga magulang niya baka mapagalitan siya. Dahil siya lang kasi ang inaasahan ng mga magulang niya na magtataguyod sa mga ito pagtanda nila. Kaya bawal na bawal siyang makipagligawan, bata pa daw siya mag-aral daw muna siyang mabuti para mag-karoon daw siya ng magandang buhay at hindi matulad sa mga ito, bawal daw muna ang ligaw o nobyo pero ngayon ito sa harap niya si Dominic nagmamakaawang sagutin na niya, gusto din niya ito at hindi rin niya kakayaning malayo ito sa kanya ng wala silang unawaan. Ano nga bang dapat niyang gawin o sabihin dito, mahal na din niya ang binata. Naramdaman niyang pinisil ng bahagya ni Dominic ang kanyang kamay na hawak nito kaya napataas ang kanyang kilay. Ilang beses pa siya napabuntong hininga ng malalim bago tumingin sa mga mata ng binata. "Hindi ba sabi mo ga-graduate ka na next week?" anito. "Ano bang gusto mong gift ko sayo? Huwag lang mahal ha, wala akong perang pambili?" tanong ni Anne kay Dominic "Hindi mo naman kailangan gumastos pa Anne yung oo mo lang maligaya na ako? Sapat na yun." sagot niya, inirapan lang siya nito sa mga sinabi niya. Alam niyang nag-iisip ito. "Hhmm...si--sige na nga kung yang gusto mo, pero no kiss, no hug maliwanag ba yon and one more, no dating pa kase mga bata pa tayo isa pa tiyak mapapagalitan tayo ni...." hindi na natapos pa ni Anne ang sasabihin niya dahil bigla nalang siyang niyakap ni Dominic dahil sa tuwa nito nahalikan pa siya nito sa pisngi na ikinalaki ng kanyang mga mata. "Yesss!!" sigaw ni Dominic "I love you Anne, promise wala akong gagawin na hindi mo magugustohan, gagawin ko lahat para mapasaya ka, iingatan kita, I love you sweetheart i love you" ani Dominic na paulit-ulit habang yakap yakap pa niya ito, masayang masaya siya ngayon girlfriend na niya ito. "Bakit mo ako hinalikan diba kasasabi ko lang walang kiss walang yakap" maiyak-iyak pa nitong saad at itinulak pa niya nito palayo na ikinatawa naman niya, nakita pa niya ang pamumula ng mukha ng kanyang nobya pati tungki ng ilong nito namumula sa hiya. "Hindi ko kasi mapigil na yakapin ka, matagal ko na ngang gustong gawin yun sayo, pero ngayon boyfriend muna ako puwede ko ng gawin, masaya lang talaga ako at tayo na, salamat Anne pinasaya mo ako, hinding hindi ko makakalimotan ang araw na ito." ani Dominic habang masayang nakangiti. Inirapan naman siya ng kanyang nobya. Wala silang pakialam sa paligid nila kahit pinagtitinginan na sila ng ibang napapadaan sa gawi nila, basta ang alam nila maligaya silang dalawa sa araw na ito. Simula ng maging mag-kasintahan na silang dalawa ni Anne lagi na siyang pumupunta sa tinutuloyan nito sa likod ng malaking bahay ng amo ng magulang ng nobya kahit pa ayaw ng kanyang nobya katwiran naman niya para maipakita niya na siryoso talaga siya sa nobya. Nung una tutol pa ang mga magulang ni Anne sa relasyon nila masyado pa raw silang bata, pero ng tumagal wala na din nagawa ang mga ito sa kanilang dalawa. Lagi nalang silang dalawang pinapangaralan ng mga ito. "Anastacia saan kana mag-aaral sa college, malapit na graduation natin?" tanong ni Trixie ang best friend niya. "Sabi ni nanay meron daw siyang nakuhang scholarship form galing sa isang kakilala, meron din si tatay dalawa pa nga yun binigay kay tatay pero magkaiba ng school" sagot ni Anne "Ikaw Tyron san kana after graduation, aalis kanaba?" tanong niya sa isa pa niyang best friend na lalake. "Dami mo naman palang nakuhang scholarship Anne, alin ba dun ang tatanggapin mo, ako kasi sabi ni mama Tita ko daw mag-papaaral sakin, yun kapatid ni mama na nasa Australia wala daw anak yun" ani Trixie "Ako hindi ko pa alam kinukuha na kasi ako ng tatay ko, nagpunta sila sa bahay nung isang araw kinausap nila si Lola at lolo" ani naman ni Tyron. "Naku iiwan mona pala kami dito, sana hindi ka makalimot, huwag mo kaming kalimutan ha" ani Trixie na mukhang nalulungkot. "Oo nga Tyron huwag mo kaming kakalimutan, nakakalungkot naman malalayo kana samin" ani Anne. "Ano ba kayo seyempre tatawagan ko kayo lagi kung matuloy man ako." ani Tyron. "Ikaw Anne ano bang tatangapin mo tatlo-tatlo yun application mo for scholar" tanong ni Tyron "I-try kong mag-exam sa tatlo para sigurado akong may mapapasukan ako" sagot ni Anne habang nakaupo sila sa damuhan sa likod ng gusali ng kanilang paaralan, dito ang tambayan nilang tatlo pang vacant subject nila. Madami din mga studyante nakaupo sa damuhan tulad nila sa di kalayuan sa kinauupuan nila. Abala na sila sa mga school project nila dahil sa nalalapit nila pag-tatapos, sa susunod na buwan ga-graduate na sila, magkakahiway-hiwalay na sila mami-missed niya ang mga kaibigan niya, simula palang sa elementary mga kaibigan na niya ang mga ito. "Anne how's school? Ok ka lang ba? Mukhang malungkot ka? May problema kaba?" sunod sunod na tanong ni Dominic kay Anne ng puntahan siya ng nobyo sa tinutuloyan nila, araw ng linggo. "Ikaw pala Nic kumusta na pag-aaral mo" balik tanong ni Anne dito. "Ayus lang ako kaya ko naman ikaw nga itong mukhang problemado" ani Dominic. "Hindi naman wala naman problema nalulunkot lang ako, hindi ko na kasi makakasama mga kaibigan ko pagkatapos ng graduation." litanya niya. "Huwag kang mag-alala andito naman ako sweetheart pasasayahin kita, gusto mo ba labas tayo." alok niya sa nobya. "Hindi na Nick wala sila nanay nagpunta sila ng Batangas baka mamaya pang gabi sila makauwi, dito nalang tayo" ani Anne na may ngiti na sa labi. "Saan ka nga pala mag-aaral? may napili kanabang school" tanong ni Dominic. "Sakatunayan gusto kung mag-exam sa tatlong school na binigay nila tatay, para sa scholarship, kung saan ako makakapasa dun nalang ako mag-aaral." aniya. "Saan saan school bayon baka may maitulong ako baby." tanong niya dito dahil ayaw niyang nakikita itong nalulungkot. "Wait lang kunin ko yun mga application form" sabay tayo ni Anne para pumasok sa loob ng kanilang tinutuloyan bahay. "Babe dito nalang para magkasama tayo sige na." ani ng kanyang nobyo ng makita nito na meron si Anne application form ng kanilang university kung saan siya nag-aaral. "Basta lahat mag-eexam ako para kung hindi ako makapasa sa isa meron pang iba, hindi namam sabay-sabay ang schedule ng exam kaya okay lang."ani Anne na may ngiti na sa labi. "Basta dito ka nalang para magkasama tayo, kaya mo yan alam kung makakapasa ka valedictorian ka na naman, kaya, kayang-kaya mo yan." aniya sabay hawak niya sa kamay ng kanyang nobya, kinabig pa niya ito pasandal sa kanyang dibdib at binigyan ng mabining halik sa noo. Ito ang lagi niyang ginagawa pag nakikita niyang lulungkot si Anne. "Kailang ba graduation niyo, ano gusto mong regalo ko sayo" tanong ni Dominic. "Next month pa yun" sagot naman niya. Ganito lagi sila kung araw ng linggo nagpupunta si Dominic sa kanila, maghapon ito dun, katwiran nito na-missed siya nito at gusto daw nito makasama siya sa boong araw. "Congratulation sweetheart" sabay abot niya ng kahon kulay itim na may lasong pula kay Anne sabay halik niya sa pisngi ng kanyang nobya kahit nakaharap pa ang mga magulang nito graduation na kasi nito. "Sama ka samin may kunti kasing hinandang salo-salo sila nanay para daw sa especial na araw na ito. Okay lang ba sayong sumama samin?" tanong niya dito. "Oo naman gusto din kita makasama, congrats din ang galing ng speech mo" ani ng nobyo niya na nakangiti sa kanya, iginiya na siya nito papasakay sa dala nitong sasakyan. Kasama ang mga magulang niya. "Samahan nalang pala kita pag nag-take ka ng exam." aniya dito. "Sa palagay mo ba iho makakapasa si Anne" tanong ng nanay ni Anne. "Makakapasa po si Anne matalino po siya kaya huwag po kayong mag-alala." sagot niya. Tatlong school ang pag-i-examinan niya para makakuha ng scholarship isa na dun kung saan nag-aaral si Dominic, tinulungan pa siya nito. "Sana makapasa ako para dito nalang din ako makapag-aral magkasama tayo" aniya habang kumakain sila sa cafeteria malapit sa school nila Dominic. Kinabukasan na siya kukuha ng exam sa school nila Dominic. Inabot muna ni Dominic ang basong may laman tubig at ininum yun bago ito nagsalita. "Kaya mo yan Baby ang galing mo kaya, huwag ka lang kakabahan, relax lang para makapag-isip ka, andito lang ako hindi kita pababayaan" aniya at ginagap pa niya ang kamay ng nobya na nasa ibabaw ng mesa kinindatan pa niya ito, suportado niya ang kanyang nobya kahit anong mangyari. Natupad nga ang kanilang panalangin, kaya ngayon magkasama sila mag-kasintahan para mag-enroll, sinamahan siya nito at tinuruan sa dapat gawin. Nagka-hawak kamay pa silang dalawa wala silang pakialam kung marami man mga estudyanteng nakatingin sa kanila, kahit may naririnig na silang nagbubulongan. Ipinakilala rin ni Dominic si Anne sa mga barkada niya. "Tol, suotan mo ng helmet baka mauntog makalimotan ka" biro ng kanyang kabarkada, kaya namam nagtatawan sila sa mga biruan ng mga ito. Lagi silang magkasamang mag-kasintahan basta may vacant time sila. Nabansagan nga sila The sweetest couple of the year ng University na kanilang pinapasukan , marami man naiingit sa kanila hindi nalang nila pinapansin yun lalo yung mga babaeng lumalapit kay Dominic mga babaeng nagpapapansin dito. Madami din naman umaaligid sa kanya, kaya lang laging nakabantay sa kanya si Dominic kaya wala ding makalapit. "Nakakaingit naman sila, tingnan niyo" komento ng isang estudyante nadaanan nila. "Pero alam niyo bang maraming nagkakagusto diyan kay Dominic, crush ko rin dati yan, kaya lang may gf na pala" aniya pa ng isang studyante. "Dati naman may nalilink din ibang babae diyan kay Dominic pero buhat ng dumating si Anne parang biglang naglaho" aniya pa ng isa. Mga kumentong madalas nilang madinig sa mga kapwa nila estudyante na hindi naman nila pinapansin.Varsity player si Dominic kaya maraming nagkakagusto ditong babae, may mga nagreregalo pa nga dito ng kung anu-ano hindi naman ito interesado. Cheerleader naman si Anne kaya kilalang-kilala din siya kaya madami din nagpapalipad hangin dito, guwardyado nila ito ng kayang mga barkada pag may lumapit na lalake dito inaaway na niya tinatakot nila kasama ang mga barkada niya, ganun silang mag-kakabarkada walang ng makakalapit na lalake sa kanilang girlfriend, kaya maraming naiingit sa kanila. Lumipas pa ang mga taon patuloy parin ang magandang relasyon nilang magkasintahan, kahit kung minsan meron din silang hindi napagkakasunduan pero madali lang din nila naayos. After Anne's graduation nagpumilit na si Dominic na makasal na sila, pinag-awayan pa nilang magkasintahan yun, kaya para walang gulo pumayag na din si Anne, katwiran ni Dominic hindi na daw ito makapaghintay. Maging ang mga magulang nila ay tutol din dahil bata pa daw sila lalo na ang Mama Elena niya galit na galit ito hindi daw nababagay sa kanya si Anne mas bagay daw sila ni Sophia. Dahil sa Mama Elena niya muntik pa ngang hindi matuloy ang kasal nila na-postpone pa yun ng one week. .....end of the flashback...... Isang malakas na tunog ang nagpabalik sa kasalukuyan kay Dominic ng mahulog ang takip ng malaking kaldero malapit sa may silid nila na tanging rehas na kalawangin bakal lang ang nagsisilbing harang na kanilang pinaka kulungan. Lamok, init at masangsang na amoy na pinaghalo-halong mga pawis nila ang tiniis niya sa buong magdamag. Mag-uumaga na wala padin siyang tulog ganun din yun iba niyang mga kasama ang iba naghihilik pa, naiiling nalang siya sa kalagayan nila. "Anong oras pa kaya darating si Attorney"? bulong niya sa isipan niya gusto na niyang lumabas sa lockup kung saan siya kinulong, naglalakit na kasi ang buo niyang katawan. Nag-aalala din siya sa anak niya kung nakakain ba ito, kung nakatulog ba itong mabuti, hindi kasi ito nakatulog ng isang gabi hinahanap nito ang mommy niya, kaya tinabihan pa niya ito. "Iho pasensiya na at natagalan ako sa pagaasikaso sayo nasabay kasi sa mga kaso kung hawak, may hearing din ako."ani Atty Fernandez ang kanilang abogado may edad na ito. Matagal na nila itong abogado, magaling din itong abogado sa katunay madami itong hawak na kaso na pawang napapanalo naman nito. "No problem Attoney ang importante andito na kayo, gusto ko ng umuwi Atty., wala pa akung tulog, musta na nga pala sila Daddy at Mama Elena?" tanong ni Dominic. "Ayus lang sila iho nag-aalala ang Daddy mo sayo, alam mo naman yun may edad narin katulad ko." anito. "Maghantay kalang sandali dito at may papipirmahan pa ako, para makauwi kana." dagdag pa nito at lumisan na. Malamig na simoy ng hangin ang sumalubong kay Dominic pagkalabas niya ng presinto. Para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib at ilan ulit pa siya humugot ng malalim na buntong hininga bago siya sumakay sa kotse ng abogado. Ito na daw maghahatid sa kanilang mansyon para nadin makausap daw ang Daddy niya. Pagpasok palang niya ng kanilang tahanan sinalubong na siya ng Daddy niya ng yakap. "Kamusta kana iho nakatulog kaba dun." agad na tanong ng Daddy niya. "Hindi po Dad, si Cassey po musta po siya?" balik tanong niya dito. "Kumain kana muna Dominic at mukhang haggard kapa" ani Mama Elena niya. "Ayus lang po ako Ma, punta muna ako sa kuwarto ko gusto ko munang maligo" aniya at tuloy tuloy na siyang umakyat sa magarbong hagdanan nila. Gusto muna niyang makita ang anak niya, na-missed na niya ito. Kaya dahan dahan niyang binuksan ang pintuan ng kasalukuyan tinutuloyang silid nito. "Hi sweetie, how are you? Did you eaten you breakfast?" tanong ni Dominic sa anak ng makita siya nito. Tumayo ito ng makita siya pero nahihiya pa itong lumapit sa kanya kaya tinawag na niya ito. "Come swetie just give me a hug, Daddy missed you." aniya at nag-indian sit siya at ibinuka niya ang kanyang mga braso para mayakap niya ito, umupo naman ang anak niya sa kandungan niya, hinalikan niya ito sa magkabilang pisngi na ikinatawa nito. "Did you like your new toys Cassey?" malambing niyang tanong dito. "Yes Dad, I love it but, the two boxes over there is for the twins." anito sabay turo ng maliliit nitong daliri sa magkapatong na dalawang box sa isang sulok. Isang barbie doll at isang car racing yun na pinabili niya sa secretary niya. Dahil ganuon ang nakita niyang dala nito ng makita niya sa mall. "Thank you Daddy" dagdag pa nito at hinalikan siya sa pisngi. "Who's twins" takang tanong niya dito. "Kuya Nicko and ate Anezia" ani Cassey na ikinakunot ng kanyang noo, hinalikan lang siya nito sa pisngi at nag thank you uli sa kanya kaya binaliwala nalang niya ang sinabi nito, baka mga kalaro nito, yun ang nasa isip niya. Dahil talagang antok na antok na siya kayat sa kama ng anak na niya siya nahiga, katabi niya itong naglalaro ng mga manika. Pagkahiga niya ipinikit na niya ang mga mata. ......................................................... ....please be my follower...& ....add my story in your library. ......."loveyouguys" lrs ......."Lady Lhee".....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD