Episode III

3345 Words
Naalimpungatan si Dominic at pinakiramdaman muna niya ang palingid kung may kakaiba. Dahan-dahan niyang iminulat ang kanyang mga mata, ng mapagtanto niya kung nasaan siya inilibot niya ang kanyang mga mata napangiti pa siya nagma-alala niyang nakatulog pala siya sa tabi ng kanyang anak habang naglalaro ito. Bumangon na siya sa pagkakahiga sa kama ni Cassey nakita niya ang mga laruan nitong mga nakaayos lahat nakita din niya yun dalawang box na sinasabi ni Cassey na para daw sa twins. "Masinop ang aking anak sa mga gamit niya, napalaki siyang maayos ng kanyang ina." mahinang wika niya, nanghihinayang siya na wala siya sa tabi ng kanyang anak sa mga nakalipas na panahon. "I will try to make up for the lost years with you my daughter promise, huwag kang mag-alala babawi si Daddy aayusin lang natin ang gulong ito." bulong pa niya. Pagbaba niya ng malaki nilang hagdanan hinanap agad niya ang kanyang anak, wala sa living room, sinilip pa niya ang hardin nila wala din siyang nakitang tao dun. Bago pa siya makapasok sa kitchen, nadinig na niya ang nagkakatuwaang mga tao dito kaya napahinto siya. "Ang daya mo naman Cassey kahapon mo pa kami pinahihirapan mag-inglis, marunong ka naman palang mag-tagalog" wika ni Susan isa sa kanilang kasambahay kaya napangiti siya. "Don't worry my cute kung baby akung magtuturo sayong mag-tagalog bihasa ako dyan, para mahasa yan dila mong spokening dollar hindi ganyan minsan nauuna, minsan nasa gitna o kaya nasa huli yun po at opo mo." sabat pa ni Lourdes "Hoy Lourdes baka nakakalimot ka hindi karin marunong magtagalog nun bago kang salta dito palipit din yan dila mong bisaya, samin ka lang natuto" ani ng isa kaya sa narinig nilang yun nagtawanang silang lahat ganun din si Cassey masaya ito sa mga biruan nila. "Cassey saan pala kayo nakatira" tanong ni Carol. "We born here in the Philippine then nagpunta po na kami sa New York then we move na po sa London." paliwanag nito. "Kaya pala may pagka-islang pagnagsasalita ka, iba din yun english accent mo." ani Susan. "Ang galing mong magtagalog marunong karin mamo-po" ani Carol dito. "Ibig mo bang sabihin sa London na kayo nakatira?" takang tanong pa ng isa. "Opo" sagot ni Cassey na natatawa, masaya siyang ini-interview ng mga kasambahay naaliw sila kay Cassey, bibo ito laging nakangiti pagkinakausap. Habang si Dominic naman pinapanuod niya ang kaganapan sa loob ng kusina hindi siya napapansin ng mga ito, abala ang mga ito sa kanyang anak. Nakaupo ito sa ibabaw ng mesa habang nakapalibot ang ibang kasambay nila, yun isa may hawak pang sandok na ikinukumpas tuwing magsasalita, yun isa may yakap pang malaking kaldero, napapangiti siya sa nakikita niyang eksena masaya si Cassey yun ang gusto niya maging masaya ito maging komportable sa bahay nila, tuwang-tuwa din yung mga kasambahay nila dahil ngayon lang nagkaroon ng bata sa bahay nila. Hindi niya alam ang naging buhay ng mga ito. Ngayon lang niya nalaman na nagtira ang mga ito sa New York at ngayon nasa London na pala ito nakatira, kaya pala walang makapagsabi kung saan na ang mga ito, pero bakit nakita niya ang mga ito sa isang mall, ano kayang trabaho ng kanyang dating asawa o baka may iba na itong asawa at duon na nakatira, sa isiping iyon ay parang may kirot siya nadarama sa kanyang puso, ang isipin may iba na ito. Sino ang naging lalake nito si Tyron ba o si Kalev, ito lang naman ang alam niyang nasa London. Masakit tanggaping mayroon na itong iba mahal, ipinagpalit lang siya ng ganun kadali, dahil ba kailangan nito ng masasandalan noong panahon ipinagtabuyan niya ito. Humugot pa siya ng isang malalim na hininga at ng buga ng hangin para kalmahin ang nagsisikip niyang dibdib, kasalan niya yun kung bakit napunta ito sa iba. Dahan dahan nalang siyang lumayo kung saan ng kukuwentohan ang mga sambahay nila kasama si Cassey. "Maliligo muna ako bago ko siya puntahan, bukas maghapon tayong mag-bobonding" kausap niya sa sarili. Kinabukas hindi na siya pumasok gusto muna niya makasama ang kanyang anak, hindi pa niya alam kung anu-ano ba ang mga gusto nito at mga bagay na hindi puwede dito, baka may allergies ito mahirap na. Dahil hindi naman niya puwedeng ilabas ng bahay o ipasyal si Cassey nagyaya na lang siya mag-swimming meron naman silang swimming pool dito. Pinagayak na niya ito kay Carol para makapagbihis ng pag-swimming, tuturuan niya itong lumangoy. Nagsuot nalang si Dominic ng itim na boxer short at hinintay nalang niya ito sa may pool, naupo siya sa gilid ng swimming pool at inilubog niya sa tubig ang dalawa niyang paa habang hinihintay niya ito. Nadinig niya tinatawag siya nito kaya napalingon siya kung saan ito, nakita niya itong tumatakbo papalapit sa kanyang habang nakasunod naman dito si Carol. "Careful Cassey don't run" sigaw niya, natatawa siya nakita na elated ito ng yayain niyang mag- swimming. "Fuck.."sigaw niya ng bigla nalang may bumagsak papalubog sa swimming pool. Dadali siya nag-dive sa tubig alam niyang si Cassey yun, bigla kasi itong nawala. Pagdating niya sa ilalim ng tubig siya naman pagsikad ng malakas ng mga paa ni Cassey sabay kampay ng dalawa nitong braso kaya napalayo ito sa kanya hinabol niya ito pero mabilis din itong sumisipa sa tubig papalayo sa kanya. Nagtaas nalang siya ng kanyang ulo sa ibabaw ng tubig, nakita niya si Cassey lumalagoy ito butterfly stroke pa, napahilamos nalang siya sa kanyang mukha, nag backstroke pa ito. Pinagmamasdan niya ito papunta na ito sa may gilid kung saan nakapaluhod ng upo si Carol. "Diyos kung bata ka akala ko nahulog kana, muntik pa akung tumalon sa tubig kundi kulang nakita ang Daddy mong ng dive. Akala ko nalunod kana, naku mapapatay mo pala ako sa nerbyos. Muntik ng pumunta sa noo ko yun puso ko sa takot. hayy.. pero ang galing mong lumangoy para kang sirena. Hanggang ngayon nanginginig pa yung mga tuhod ko dahil sayo." litanya ni Carol habang tukop-tukop pa nito ang dibdib na humihingal. Sino bang hindi matatakot kung siya nga kanina sobrang takot niya. Hindi rin niya alam ang gagawin, malay ba niyang magaling palang lumangoy si Cassey napapangiti nalang siya. "Siya sige iwan ko na kayo, ano nga palang gusto mong mieryenda?" tanong ni Carol "Ate Carol puwede po pizza nalang" anito. "You can order Carol" sabad ni Dominic. "Sige po sir" ani Carol Ng umalis na si Carol ng dive uli ni Cassey para siyang sabik na sabik sa tubig, parang walang kapaguran, minsan sumisisid siyang pailalim, minsan iibabaw. Habang si Dominic naman halos hindi na kumukurap sa pagsunod sa anak, nag-aalala siya dito. Pagsumisid ito sisisid din siya para masiguro niya ang kaligtasan ng anak. Natatawa nalang siya sa sarili niya hindi na pala niya kailangan turuan ito mukhang mas magaling pa sa kanya. Umahon na siya pero ayaw pa nito mag-paawat sa paglangoy gusto pa daw nitong mag-swimming. Kaya kumain nalang sila ng request nitong pizza. "Sinong nagturo sayong lumangoy Cassey, ang galin mo na" tanong ni Dominic habang pinagsadaluhan nila ang isang malaking box ng cheese pizza na request ni Cassey, ayun dito favorite daw nito yun maraming cheese. "Si Mommy po, sabi ni Mommy lagi daw siyang sumasali sa swimming competition noon. Bata pa daw siya marunong na daw siya lumangoy pero nung boyfriend kana daw ni Mommy ayaw niyo na daw siya payagan Daddy, nagagalit daw po kayo. It's that true Dad?" nakangusong tanong nito sa kanya. Napangiti siya sa narinig, naikuwento din pala siya ni Anne sa anak nila. Kilala din pala siya nito. Napakamot muna siya sa patok niya bago niya sinagot ito. "Ayaw kasi ni Daddy ng maraming tumitingin sa legs ni Mommy" pag-aamin ko. "So Dad totoo nga ang sabi ni Mommy seloso daw po kayo" wika nito. Masaya siya at kahit pala papano may alam ang anak niya tungkol sa kanya. Kaya natawa siya ng mahina sa sinabi ng anak. "Magaling kasi ang Mommy mong lumangoy yun ang passion niya" ani Dominic. "Pareho po sila ni kuya Nicko laging din po siyang sumasali sa swimming competition, two na po yun trophies ni kuya Nicko meron pa siya three na gold medals two silver medal. Si ate Anezia naman may one trophy and two gold medal. Ako one lang yun trophy ko meron din akung 4 gold medals and two silver medals" pagkukuwento pa ni Cassey habang ipinakikita pa nito ang mga daliri nito. Napanganga siya sa sinabi nito, bata pa ito pero sumasali na sa mga competition. Na-trained mabuti ni Anne ang anak nila. Masaya siya sa nalaman niya. "Congrats sweeties and I'm so proud of you Cassey. I'm so proud of all the things you achieved. Happy si Daddy sayo bata kapa pero ang galing mo na. Madalas ba kayong mag-swimming? I mean mag-practice " aniko. "Lagi kaming nagpupunta nila Mommy sa beach every weekend with kuya Nicko, ate Anezia, and Daddy Kalev, minsan kasama din namin si Papa Tyron." anito. Sa sinabing iyon ng kanyang anak nawala ang mga ngiti niya sa labi. Parang may pumiga sa kanyang puso, parang nagsikip ang kanyang dibdib ito ba ang pinalit ni Anne sa kanya, ang dati niyang kaibigan, bata pa sila magkaibigan na sila ni Kalev, ganun din ang mga magulang nila magkaibigan din. Kaya ba hindi siya nito kinakausap, pag-magkakasama silang magkakaibigan ni hindi nga siya nito pinapansin, pero wala naman itong nababangit tungkol kay Anne. Oo nga pala minsan o dalawang beses nalang pala niya ito nakikita sa loob ng isang taon madalas daw itong nasa abroad ayun sa mga magulang nito. Masakit man tanggapin wala na siyang magagawa, may kasalanan din naman siya kung bakit nasira ang relasyon nila bilang mag-asawa. "Let's go, we swim tomorrow again sweetie" ani nalang niya para makaiwas na madinig ang pangalan ng lalaki. "Hi babe i missed you" malakas na wika ni Sophia bigla nalang itong sumulpot sa harap nila. "What are you doing here" sikmat niya dito. "Visiting my husband-to-be" sabay upo nito sa lap niya at siniil siya ng halik animo wala ng bukas, hindi nila alintana na may bata sa harap nila. Isa malakas na splash sa tubig ang ng pahiwalay sa kanila. Kitang kita niya ang pagsisid ng anak niya pailalim sa tubig alam niya nakita sila ni Cassey kaya sinundan niya ito nag-dive din siya at nilapitan niya ito pero lumangoy ito papalayo sa kanya. Nakita niyang namumula ang mga mata nito. Umiyak ang kanyang anak sa nasaksihang paghahalikan nila ni Sophia. Nabigla din kasi siya sa ginawa ni Sophia. "Who's that brat little girl" tanong ni Sophia habang nakapamiwang pa ito sa harap niya. "She's my daughter Cassey at huwag na huwag mo siyang pagsasalitaan ng hindi maganda" babala ni Dominic habang matalim na nakatitig kay Sophia. "Come on sweetie" kinarga na niya ito at hinarap kay Sophia. "This is your Tita Sophia, say Hi to her" utus ni Dominic. Itinaas nito ang kamay at ng wave lang ito pero hindi nagsalita, nagyuko lang ito ng ulo. "Carol paki asikaso si Cassey para hindi lamigin" utos ni Dominic, pagpasok nila sa loob ng mansion nila at nagpunta nadin siya sa kwarto niya para mag ayus ng sarili. Hindi niya pinansin si Sophia alam niya nakasunod ito sa kanya. "What are you doing here" paninita niya ng makita nalang niya si Sophia sa ibabaw ng kama niya nakahiga ito. Yakap ang kanyang unan. "Bakit anong masamang humiga sa kama ng mapapangasawa ko, our wedding is on sunday na" maarting sabi nito, kaya nanglaki ang mata niya sa sinabi nito. "What! hindi ba nag-usap na tayo after mong manganak ang kasal" singhal niya dito. "No babe Tita Elena na ang nagsabing this coming sunday na ang kasal natin it's a simple wedding nalang para mas mabilis daw" pagmamalaki pa nito. Nabigla siya sa sinabi nito bakit bigla nalang nagmadali ang mga ito, ayaw niya makasal dito kundi lang sa batang dinadala nito, ayun dito siya ang ama. Noong minsang nalasing siya, nagising siyang ito ang katabi, pareho sila walang saplot sa katawang dalawa at yung ang naging bunga ayun dito. Labag man sa kaloob niya kailangan niya panagutan ito pero hindi naman kailanga madaliin siya lalo na ngayon may problema pa siya sa pagitan ng dating asawa. Kinagabihan kasama nila si Sophia sa hapag kainan katabi niya si Cassey sumunod si Sophia nakapagitna sa kanila ang anak niya. "Tita sinabi ko na po kay Dominic na sa sunday na ang kasal namin" panimula ni Sophia "Oo nga iho kailangan niyo ng makasal ni Sophia para din ito kay Cassey para may titingin sa anak mo, kung wala ka, kailangan ng isang ina ni Cassey" wika ng Mama Elena niya. "Hindi naman natin kailangan madaliin ang kasal, hindi naman ako tumatalikod sa napag-usapan, pananagutan ko naman siya. Kung gusto niyang magpaka-ina sa anak ko wala naman problema dun, siguraduhin lang niya hindi niya sasaktan ang anak ko kung hindi mananagot siya sakin" ani Dominic habang titig na titig siya sa kanyang Mama Elena, may kakaiba siyang nararamdam ngayon hindi niya mawari kung ano, ang alam lang niya parang may mali. "Hindi natin kailangan madaliin ang kasal namin makapaghihintay naman yan, may problema pa akung kinakaharap ngayon" dagdag pa niya. "Ng dahil d'yan sa problema mo kaya kailangan na niyong makasal ni Sophia, puro nalang kahihiyang ang dala ng hampas-lupang babaeng yan sa pamilya natin. Sino na naman bang kalandian ng babaeng yan at nagpakita na naman sayo o baka naman nilalandi ka nanaman niya kaya ka ganyan. Kayaman mo lang ang habol ng walang kuwentang babaeng yan. She's a gold digger slut. Huwag na huwag mo siyang pababalik dito, walang puwang ang isang basura katulad niya sa pamamahay nato tandaan mo yan Dominic." mahabang wika ng kanyang mama Elena na nanglilisik ang mga mata sabay bitaw nito sa kubyestos na hawak na nagbigay ng malakas na ingay. "Elena nasa harap tayo ng pagkain may bata tayong kasama" mahina pero mariin wika ng kanyan Ama. Nagtataka talaga siya sa mga kinikilos ng mama Elena niya, may kakaiba dito. Hindi naman ito ganito dati, mahinahun itong magsalita, parang hindi makabasag pinggan ito kung kumilos pero ngayon kabaliktaran ng ugali nito ang pinakikita. Napansin din niya ang pagyukod ni Cassey nadinig niya ang mahinang hikbi nito. Kaya tumayo na siya. "Carol pakidala nalang ng pagkain ni Cassey, sa kwarto ko nalang siya papakainin." Isang hapon pupunta sana siya sa balkonahe ng kwarto niya para magpahangin napasin niya ang Mama Elena niya sa may hardin kaya napahinto siya may kausap ito sa telepono. Nagtataka siya nitong mga kakaraan araw parang lagi itong balisa, malikot din ang mga mata nito na parang laging may hinahanap may mga kakaibang kinikilos ito, dati naman sa living room o kahit saan parte lang ng kanilang bahay ito nakikipag-usap sa telepono, pero ngayon lumalayo na ito kung saan walang makakarinig ng pinaguusap kung sino mang katawagan nito. Alam niyang may kakaiba. At yun ang gusto niyang matuklasan. "Malaman ko lang na may masama kayong binabalak kahit asawa kapa ni Daddy mananangot ka sakin" bulong niya sa sarili, kailangan kung manmanan ang bawat galaw nila. Maya-maya pa nakita nadin niyang papalapit si Sophia sa Mama Elena niya mukhang nakikisalo din ito sa kausap nito sa telepono. Hinawi na niya pasarado ang kurtina ng makita niyang tinapos na nito ang tawag, sinilip pa niya ang mga ito sa maliit na siwang ng kurtina. Nakita niyang paliga-liga pa muna ang Mama Elena niya tumingin din ito sa gawi ng kwarto niya kaya napa-atras siya ng kaunti at baka makita siya. Ayun sa nakikita niya parang may pinagtatatlunan ang dalawa hindi niya naririnig ang pinag-uusap ng mga ito pero alam niya nagtatalo ito base sa mga kumpas ng mga kamay ng bawat isa at sa ekpresyon ng mukha ng mga ito. "Ano ba ang mga sekreto n'yong dalawa" tanong niya sa isip niya. Hahayaan nalang muna niya ang Daddy niya hindi muna niya sasabihin dito ang mga hinala niya. Kailangan niyang masiguro ang kaligtasan ng kanyang anak pagwala siya. Dahil sa nakikita niya kabaliktaran ng sinasabi ng Mama Elena niya at ni Sophia ang nakikita niya, ni hindi nga tapunan ng tingin ni Sophia si Cassey ganun din ang Mama Elena niya maliban nalang kung kaharap ang Daddy niya. Kailangan mabantayang mabuti ang anak niya pagwala siya. Sa mga nagdaan araw madalas na niya nakikita si Sophia sa mansion nila halos dito na nga iyon magtira, gusto nga nitong matulog sa kwarto niya na mahigpit naman niya tinututulan katwiran nito magkaka-anak na daw sila dapat daw tabi na silang matulog. Aminado naman siya hindi na mabilang kung ilan beses na niya ito naangkin three years ago pa, ito ang laging nasa tabi niya ng magkahiwalay sila ni Anne ito rin kasi ang halos maghubad na sa harap niya, nagigising nalang siyang katabi na niya ito sa kama at pareho silang hubad baro, noong panahong nilulunod niya ang sarili sa alak sa pagkawala ng dating asawa. Buhat ng maging maayus na siya at natanggap na niya ang pangyayari iniwasan na niya ito, ni hindi nga niya ito magawang halikan. Kaya nga nagtataka siya sa mga nangyari ng magpumilit itong samahan daw niyang maki-birthday sa isang kaibigan nila, pero nalasing siya sa pagkakaalam niya kunti lang ang nainom niya, pero nahilo na siya bigla sa lasing nagising nalang siya kinaumagahan katabi na niya ito sa kama sa condo unit nito pareho silang nakahubad. Makaraan pa ilang buwan ini-announce na nito na buntis daw ito at siya ang ama. Napapailing nalang siya pagnaalala yun, pero parang wala siya madamang saya sa hatotohanang siya ang ama ng dinadala ni Sophia. "Sir Dominic pinatatawag po kayo ng Daddy niyo sa library" anunsyo ni Lourdes na pumutol sa lumilipad na isip niya. "Sige susunod ako, salamat." aniya. Pagpasok niya ng library nakita niya si Atty. Fernandez kausap ng Daddy niya mukhang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito kaya hindi namalayan ng mga ito ang paglapit niya, tumikhik muna siya para makuha ang attention ng mga ito. "Good morning Atty. kumusta napo yun pinaayus ko sa inyo" wika niya at nakipag kamay pa dito. "Yun nga ang pinunta ko rito iho, next week na ang paghaharap niyo ni Miss Anastacia Santos, ihanda mo na ang sarili mo sa muli niyong paghaharap." kinabahan siyang bigla at nanghina ang kanyang tuhod sa narinig kaya napaupo siya sa couch malapit sa kanya, para saan nga ba ang kabang yun, para nga ba sa muli paghaharap nila ni Anne o natakot siya para sa anak nila. "Dominic kung ano man ang magiging resulta ng paghaharap niyo tanggapin natin, kung ako lang ang masusunod mas gusto ko pang mabuo uli kayo alang-alang sa inyong anak." mahinahon wika ng kanyang Daddy. napatango-tango nalang siya sa tinuran ng kanyang ama. "Sa murang edad ni Cassey kailangan niya ng kompletong magulang na gagabay sa kanya, alam kung alam mo yan, kaya nga napilitan akong mag-asawa agad nun para sayo." dagdag pa ng Daddy niya. Totoo ang sinabi ng kayang Daddy sa edad 10 naulila na siya sa ina, nakita rin niya kung paano naging mesirable ang buhay ng kanyang Daddy dahil hindi nito matanggap ang maagang pagpanaw ng kanyang ina, at walang malinaw na dahilan kung ano ang kinamatay nito. Dahil ang Mama Elena niya ang laging kadamay ng kanyang ama sa paghihinagpis nito ng mawala ang Mommy niya, may naboong relasyon sa dalawa. Pagkaraan ng tatlong taon pinakasalan na nito ang Mama Elena niya. Kaibigan daw ito ng Mommy niya lagi ito dumadaw sa bahay nila noon nabubuhay pa ang kanyang ina. Madalas may mga pagkain itong dala para daw sa Mommy niya. Hindi nagtagal nagkasakit ang Mommy niya ito rin ang nag-aalaga sa kanyang ina. Kung totousin may utang na loob din siya dito sa pag-aalaga sa Mommy at Daddy niya noon panahon kailangan ng mga ito ng kadamay kaya ng magpasya ang ama niyang pakasalan na ito hindi na siya tomutol. Tinanggap niya ito ng bukas palad alang-alang sa kanyang ama. ......................................................... .....please be my follower... add my story in your library... ....."loveyouguys"..God Bleesed Us.. ......"Lady Lhee".... lrs..... .........................................................
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD