Episide IV

3376 Words
Pagbaba niya ng kanyang black audi nagpalinga-linga pa siya, inayus pa niya ang kanyang suot na RayBan at tumingin sa wrist watch niya 10 minutes bago sa itinakdang oras. Napansin niyang may mga nagkalat ng mga pulis sa piligid. Hinihintay nalang niyang makababa ang Daddy niya sa sarili nitong sasakyan. Buti nalang pinagbigyan ang request nilang walang media at maging private ang paghaharap nila ng dating asawa. Ng lumabas na ang Daddy niya sa sasakyan nito sinabayan na niyang pumasok sa loob ng bulwagan kung saan sila mag-haharap ng dating asawa. Malawak ang bulwagan may tatlong row ng mga pahabang mga upuan at sa bawat row may tig-aanin na mga naka helirang mahabang upuan. Pagpasok nila sinalubong sila ni Attorney Fernandez ang kanilang abogado. Igiya na sila ng abogado nila kung saan daw sila dapat umupo, sa first row sila. Minsan pa niyang pasimpleng ini-scanned ng kanyang mga mata ang paligid. May gusto siyang makita, kaya nga ayaw nita alisin ang kanyang shade para maitago ang kanyang mga mata. May mga tao ng nasa loob ng bulwagan nakita din niyang may mga pulis na nagkalat mayroon din dalawang malapit sa kanya, on the way na daw ang mga kaibigan niya ayun sa mga ito. Maya-maya pa muling bumukas ang pinto unang pumasok ang isang babae ayun sa soot nitong yuniporme isa itong clerk may ID rin ito sa dibdib kasunod nito ay isang matangkad na lalaking naka-barong na halos kasing taas lang niya eto, sa tingin niya ay nasa late 30's na ito matikas kung tumindig magandang lalake rin eto, kung hindi siya nagkakamali Attorney Ceazar Dominguez ang pangalan nito. Minsan na niyang nabasa ang article nito sa isang magazine ayun doon magaling na abogado ito, lahat ng mahawakan kaso nito naipapanalo nito. Kasunod ng abogado si Anne naka shade din ito, naka bistida ito na hindi pa umabot sa tuhod kaya kita ang maputi at makinis nitong mga binti, may kasama itong babae hindi niya kilala kung sino ito. May mga ilang hibla na ng buhok nito ang kulay puti. Ng makapasok ito ng tuluyan tinanggal nito ang shade at inilipat sa toktok ng ulo, kaya kitang kita ang mala angel nitong mukha na kanyang kinababaliwan. Napamura siya ng mahina ng makita niyang pati mga pulis ay pasimpleng tumitingin dito lalo na sa mga legs nito. Pinagmasdan niya si Anne, mahiksi na ang dating hanggang bewang nitong buhok, kaya napa smirked siya noong sila pa ayaw niyang pinapagupitan ni Anne ang buhok nito sukdulang siya ang magsuklay at mag-blower ng mahabang kulay chokolateng buhok ng dating asawa. Tumagilid pa siya ng bahagya para hindi siya mahalata na pinagmamasdan niya ito sa tagal ng panahong hindi niya ito nakita kabisado pa niya ang kabooang katawan nito ang malalambot nitong mga labi na kay sarap halikan ang maliit nitong baywang na lagi niya hinahawakan ang makinis at maputi nitong balat na lagi niyang kinikintalan ng maninipis sa halik. "Are you alright iho?" tanong ng Daddy niya sabay tap sa balikat niya kaya nahinto ang pagpapantasya niya sa dating asawa. Nagkibit balikat lang siya. Napansin niya lumakad na ito malapit sa second row kung saan uupo ang mga ito, may mga kumakausap pa dito kaya napahinto ng lakad ang mga eto sa mismong tapat pa niya. At ng bumukas muli ang pintuan ng bulwagan ay iniluwa doon ang kanyang Mama Elena kasama nito si Sophia, nakita niyang parang nagmamadali ito ayun sa malalaki nitong mga hakbang. At hindi niya inaasahan ang ginawa nito na ikinagulat niya. Biglan nitong sinampal si Anne ng matapat ito dito. "Ikaw malandi kang babae ka ano na naman bang drama mo at bumalik kapa, nanahimik na kami dito ginugulo mo pa kami. Matapos mong makipaglandian sa kung sinu-sinong lalake may mukha kapang humarap samin. Bakit wala kana bang lalakeng mahuhuthutan at nanggugulo ka na naman, hindi kapa ba nakuntento sa mga lalake mo, huh malandi ka. Isa ka lang hampas-lupa, isang kang patay-gutom kaya kung ako sayo magpakalayo-layo kana dahil hinding-hindi ako papayag na makalapit kapa sa pamilya ko" akma na naman sana nitong sasampalin si Anne ng mahawakan nito ang kamay ng Mama Elena niya at tinabig nito ng malakas. "Kung meron man malandi dito ikaw yun, kayong dalawa ng anak mong si Sophia. Ohh bakit nagulat kaba at alam ko ang mga sekreto mo na habang kasal ka kay Mr. Loreto Baxendale ay nakikipag relasyon ka din kay Osca Gomez o mas mabuting sabihing dating karelasyon at partner in crime. Hindi ba't lovers mo siya bago kapa nakasal kay Mr. Loreto Baxendale, pinag-sasabay mo silang dalawa. Anak niyo ng iyong kalaguyo si Sophia at ang kalaguyo mo din ang ng susupply sayo ng mga drugs ng lason na inilalagay mo sa mga pagkain binibigay mo kay Mrs. Helena Baxendale na naging sanhi ng maagang nitong pagkamatay. Pinlano niyong lahat para mapasayo ang kayaman ng mga Baxendale kasama na doon ang paggawa niyo ng mga kahayupan para lumabas na masama ako, napaghiwalay niyo na nga kami, pero hindi parin kayo nakuntento idinamay niyo pa pati mga magulang ko, at ano ang plano niyo ngayon lasonin ang mag-amang Baxendale, o mas tamang sabihin inuumpisahan mo ng lasonin si Mr. Loreto Baxendale. Mga kriminal kayong mag-ina. Ngayon sabihin mo sakin kung sino ang malandi, kung sino ang gahaman at kung sino ang basura satin ikaw lang yun Mrs. Elena Baxendale ikaw lang, na dating Reyna at ago-go dancer ng Red Night kabaret nuong kabataan mo na nagpanggap na mabuting kaibigan ni Mrs. Helena Baxendale upang maisagawa niyo ang masama niyon balak sa pamilya Baxendale." humihingal na wika ni Anne na ikina-shock ko. "Ang galing mo ring mag-imbento ng mga salita. Hindi totoo yang mga binibintang mo wa.." isang malakas na sampal ang nagpatigil sa pagsasalita ni Sophia buhat kay Anne. Na ikinagulat ko dahil hindi ko akalaing kaya niyang manakit. Ibang-iba na siya ngayon. "Kaya kung patunayan lahat ng mga sinabi ko marami akung ibidensya. Katulad karin ng iyong ina puta at huwag ng huwag mong ipaako sa iba ang ipinag-bubuntis mong bunga ng iyong kalandian. Humanda na kayo dahil maniningil nako sa lahat ng taong sumira ng sakin at sa pamilya ko. Sisiguraduhin kung mabubulok kayong mag-ina sa bilangguan isasama ko rin lahat ng mga alepores niyo, pagbabayaran ninyo lahat ng ginawa niyong kasamaan sa pamilya ko." habang nakaturo pa sa mukha ni Sophia ang kanyang isang daliri, ganun din ang ginawa niya kay Elena palipat-lipat niyang dinuduro ang mga mukha ng mga eto, habang pigil na siya ni Luis kamasa si Migz ang kaibigan ni Dominic na naging kaibigan din niya noon, pilit na siyang inilalayo ng mga eto. "Anne stop it please huwag kang manakit baka ikaw naman ang kasuhan, tigilan muna din magsalita ng kung anu-ano, magsampa ka nalang ng kaso against them if you want" ani Luis sa kanya sa mahinang pananalita hawak siya nito sa braso. Samantala hindi naman makakilos sa kanyang kinatatayuan si Dominic para siyang itinulos na kandila sa kanyang kinatatayuan, na shock siya sa mga narinig. Kitang-kita niya ang Mama Elena niya at si Sophia kung paano ito tinakasan ng kulay para itong binuhusan ng suka sa puti ng mukha ng mga eto, napatakip din ito ng bibig samantala si Sophia naman napaupo sa mahabang bangko sa tabi nito. Hindi siya makapaniwala sa mga ibinunyag ni Anne. Kitang-kita din niya ang panlilisik ng mga abuhin nitong mata. Sa pagkabigla ng Mama Elena niya sa mga sinabi ni Anne hindi na ito nakapag salita pa. "Dom ang Daddy mo dalin na natin sa hospital, buhatin na natin" ani Atlaz ang kaibigan niya na nagpagising kay Dominic sa pagkatulala ng bahagya siya nitong tinapik sa balikat. Isinakay na nila sa Ambulansyang nakaantabay doon ang Daddy niya, patakbo naman niyang pinuntahan ang sariling sasakyan para sundan ang Daddy niyang sakay ng ambulansya. Palakad-lakad siya sa labas ng Emergency room kung saan ang Daddy niya kasalukuyan sinusuri, gusto niyang pumasok sa loob pero pinagbawalan siya ng mga nurse. "Dude kasama daw nila Luis si Anne ng wawala daw, magsasampa daw ng kaso laban sa inyo." pahayag ni Atlaz matapos nitong tapusin ang pakikipag-usap sa hawak na cellphone. "Anong kaso." pahinamad niyang tanong. "Kriminal." saad nito na ikinagulat niya. Simula pa kanina puro bago sa pandinig niya lahat ng sinasabi ng dating asawa na hindi niya mawari kung bakit marami itong alam at reklamo. "Sir p'wede niyo na pong makita ang pasyente pagnailipat na sa private room niya, doon nalang po niyo hintayin" wika ng nurse na nagpalik sa wisyo niya. "Salamat" mahikling sagot niya dahil hanggang ngayon nagugulohan parin siya sa mga nangyayari at naririnig. Humila siya ng upuan palapit sa tabi ng kama ng Daddy niya, pinagmamasdan niya eto, naka oxygen eto may suero din nakakabit dito, himbing itong natutulog. Ayun sa Doctor na sumuri dito over fatigue daw eto at stress. Hinawakan niya ang kamay ng Daddy niya at mabining hinagod. "Dad be strong kaya natin eto malalampasan natin lahat ng eto." aniya habang hinihimas niya ang likod ng kamay nitong nakapatong naman sa isa pa niyang kamay. "Dom kumain kana eto binilhan na kita, alam kung gutom ka nadin, kain na tayo" yaya ni Atlaz "Salamat dude." tangin tugon niya. "Don't worried dude sabi naman ng Doctor kailangan lang naman daw ng pahinga ng Daddy mo" wika ni Altaz habang kumakain sila. "What if totoo lahat ng sinabi ni Anne? what if pinaglaruan lang kami ng mga taong nakapaligid samin na lahat ng mga sinasabi nila ay pawang kasinungalingan lang." napabuntong hininga nalang siya ng maisa-tinig niya ang gumugulo sa kanyan isipan. "Matutuklasan din natin kung ano ang totoo, ibinase mo kasing lahat sa videos at mga picture ng hindi mo inaalam ang katotohanan. Hindi ko din alam ang boong kwento niyo ni Anne inilihim mo din samin lahat ng nangyari sa inyo, minsan nakikita kung may mga pasa sa katawan si Anne. Minsan nasabi ko din na-admit si Anne sa hospital noon nakita siya ng pinsan ko sabi mo wala kang pakealam, natatandaan mo pa yun?" nag patango-tango lang siya dahil totoo naman ang sinasabi nito. "Yun yung panahon alam namin pinahihirapan mo si Anne, yun mga panahong lagi kang nag-uuwi ng kung sinu-sinong babaeng sa bahay niyo na kinukuha mo sa club, kaya ka nga nasuntok ni Kalev at nabugbug ni Tyron. Lakasan mo lang loob mo maaayus din ang lahat, andito lang kami" sabay tapik ni Atlaz sa kanyang balikat. "Ano ngayon ang plano mo" tanong nito sa kanya. "Hahantayin ko munang maging maayus lagay ni Daddy bago ko siya kausapin, gusto ko din mapa-general check-up si Daddy bago ako kimilos." aniya. "Mag-iingat ka Dom lalo na ngayon, sa tingin ko may katotohanan mga akusasyun ni Anne may mga ibidensya daw siyang hawak. Kahit sila Luis sinasabing maraming alam si Anne tungkol sa madrasta mo." saad nito. Bahay, opisina at hospital lang ang naging routine ng buhay ni Dominic sa araw-araw sa loob ng dalawang linggo, hindi nadin niya maasikaso ang sarili may mga balbas na siyang natubuan, kulang na kulang din siya sa tulog, nangingitim nadin ang ilalim ng kanyang mga mata sanhi ng hindi maayus na pagtulog, nag-aalala siya na kapag nakatulog siya ay may mangyayaring hindi maganda. Pag kalabas ng Doctor na tumingin sa Daddy niya gusto niyang matulog kahit sandali lang, ayun dito stable na ang vital sign nito p'wede na daw lumabas anytime pag-naubus na ang laman ng suero nito, pero siya ang nagsabing manatili muna ang Daddy niya doon at mas safe eto kung nasa hospital, lalo na at hindi pa lumalabas ang resulta ng medical exam nito. Minsan pa niyang pinasadahan mabuti ng tingin ang ama bago niya tinungo ang mahabang sofa sa gilid ng private room ng Daddy niya dahil nais niyang kahit saglit lang makatulog naman siya kaya humiga siya at pinagkasya ang katawan sa couch nakalawit ang kanyang mga paa sa kabilang dulo, ipinatong niya ang isang braso sa nuo at ang isang kamay naman nasa tiyan at pumikit. Hindi pa siya nagtatagal pumikit ng maramdam niyang nagbukas ang pinto ng kanilang kwarto, pero hindi siya gumalaw nagkunwari siya tulog, dahan-dahan niya iminulat ng bahagya ang kanyang mga mata para silipin kung sino man ang pangahas na pumasok ng walang abiso, nakita niya itong nagdadahan-dahan naglalakad maingat at parang ayaw makalikha ng ano man ingay palapit sa kama ng kanyang ama, nasilip niyang pinagmamasdan nito ang nakakabit ditong suero, tumingin pa eto sa gawin niya bago ibinaba ang dalang bag na kulay itim sa may paanan ng Daddy niya at habang hawak nito ang hose ng suero nakita niya itong may kinukuha sa bag, isang injection. Babangon na sana siya ng biglang tumunog ang kanyang cellphone sa bulsa, nakita niyang nataranta eto at mabilis na umalis hindi na nito nakuhang isara ang pinto sinundan niya ito. Malalaki ang mga hakbang nitong sumakay sa elevator ng hindi man lang nag-aksayang lumingon. "Dad musta na pakiramdam niyo, ayus lang ba kayo" nag-aalalang tanong niya dito. "Oo magaan na ang pakiramdam ko gusto ko ng umuwi, sa bahay." tugon nito. "Dad" tawag ni Dominic hindi niya alam kung paano eto kakausapin tungkol sa mga isiniwalat ni Anne ng hindi eto magdaramdam. "Dominic huwag kang mag-alala sakin malakas nako, kung ang gusto mong malaman kung ano ang saloobin ko sa mga pinahayag ng iyong asawa, maaring may katotohan ang mga yun. Una palang malamig na si Elena sakin. Pinakasalan ko lang siya para may gagabay sayo habang abala ako sa pagpapalago ng ating mga negosyo. May mga bagay siyang ginagawa kung minsan na hindi ko maintindihan. Tulad ng madalas siyang umaalis, sinasabing bumisita lang daw sa mga kaibigan. Wala din siyang maipakilalang mga kamag-anak kahit isa, kahit gustong-gusto kong makilala ang kanyang pamilya, madalas ko siyang kulitin noon, hanggang nagsawa nako. Napapansin ko din masyado siyang magastus wala naman akung nakikitang naipundar niya o may nakita man lang akung gamit niyang bago. Kung meron man ako lahat ang bumibili noon."pahayag nito sa gusto sana niyang itanong. "Dad yun tungkol kay Mommy" Napabuntong hininga pa muna ang Daddy niya bago nagsalita. "Noon nagkasakit ang Mommy mo ang sabi nila may cancer daw ito sa dugo, kaya ipinadala ko ang blood sample ng Mommy mo sa US para masuri, kaya lang huli na ng matanggap ko ang resulta wala na ang Mommy mo." malungkot na wika nito. "Ano ba nakalagay doon Dad?" tanong niya dito. "Tumawag yun Doctor na sumuri tinatanung niya kung nagda-drugs ang Mommy mo. May nakita daw kasi silang drug na nakakasira ng mga internal organs. Nakalagay doon sa resulta may lason sa dugo ang Mommy mo, na siyang sumisira sa mga internal organs niya na naging sanhi ng kanyang agarang pagmatay." maluha-luhang pag-sasalansay nito, kaya napa-mura nalang siya sa nalaman. Kailangan nilang mag-doble ingat. "So naniniwala ba kayong may kinalaman si Mama Elena sa pag-kamatay ni Mommy" nagaalangan niya tanong. "Posible, siya lang ang laging kasama ng Mommy mo noon panahon yun." anito. "Kailangan nating makakuha ng matibay na mga ibidensyang magdidiin sa may sala." mariin niya wika. "Nagtataka lang ako bakit maraming alam ang iyong asawa patungkol kila Elena at Sophia at sa pagiging mag-ina nito?" takang tanonh ng daddy niya. "Ako rin Dad nagtataka din bakit alam niyang lahat ng mga sekreto nila Sophia at kung sino ang ama ng pinabubuntis nito." aniya. "Dad baka mapagod na kayo, magpahinga na muna kayo, huwag na kayung mag-isip pa ng kung anu-ano ako na ang bahala" saad niya at inalalay na niya ang Daddy niya para makahiga at makatulog na eto. "Carol kamusta si Cassey nakakain ba siya ng tama at nakakatulog sa oras." nag-aalalang tanong niya. "Yes sir inaalagaan ko po siya mabuti" sagot nito. "Bantayan mo siyang mabuti Carol huwag na huwag mong ihihiwalay ang mga mata mo sa kanya tabihan mo siya sa pagtulog, gusto kung ikaw ang gagawa ng mga kakainin niya maliwanag ba?" halos pasigaw na niya wika. "Maliwanag po sir" agad ng tinapos ni Dominic ang tawag niya, kailangan mabantayan mabuti ang anak niya kaya niya tinawagan si Carol. Napa-angat ang ulo ni Dominic ng may kumatok sa pinto tatayo na sana siya para pagbuksan kung sino man ang tao sa kabila noon. Nang biglang iyong bumukas. "Good morning sir. I'm Maria Bernadette Padua sir from Saint Fatima Medical Hospital." pagpapakilala nito na ipinagtaka niya. Kaya nagsalubong ang kanyang kilay sa tinuran ng babae na pumasok at ngayon nasa harap niya. Tiningnan niya eto mula ulo hanggang paa, nakapusod ng maaayus ang itim nitong buhok hindi niya alam kung gaano kabaha yun, may naka-patong din puting cap sa ulo nito, naka suot eto ng scrubs, puti ang sapatos, medyo morena ang kulay ng makinis nitong kutis, maganda ang pagkaka-ayus ng mga kilay nito maninipis ang mga labi nito na bahagyan kinulayan ng pulang lipstik, may katangusan ang maliit nitong ilong, maganda din ang kulay chokolate nitong mga mata na binagayan ng mahahaba nitong pilik-mata. Nasa limang talampakan at anim na pulgada ang taas nito. Sa kabuoan maganda ito. "So ikaw ba naka duty na nurse ngayon" napataas ang kilay nito sa tanong niya. "Ako sir ang pinadala ni Dr. Ferrer para maging private nurse ni Mr. Loreto Baxendale." pahayag nito. "Kaya mo bang alagaan ang pasyente." may inis na tanong niya dito dahil sa inasta nito. "I feel better and more capable sir, siguro naman hindi ako ipapadala dito kung wala akung alam." pang-uuyam na sagot nito. "Tingnan ko lang kung hanggang saan ang tapang mo" bulong niya sa isipan. "Kung sabihin ko bang kailangan mong bantayan ang pasyente ng bente kuwatro oras kaya mo?" pagaasar niya dito. "Sir kailangan ko din pong ipahinga ang katawang lupa ko kahit isang araw isang linggo." matapang na sagot nito. "Taga saan ka? I mean saan ka nakatira?" tanong niya dito habang ang dalawa niyang braso ay pinag-krus niya at inilagay sa kanyang dibdib. "Sa apartment sa may tandang sora lang sir ako nakatira. nakataas pa kilay nitong sagot. "Sinong kasama mo doon, mga magulang mo ba? mga kapatid?" tanong niya dito. "Mag-isa ko lang" aniya na parang nagmamalaki pa nitong turan. "Saan mga magulang mo huwag mong sabihin wala kang mga magulang at kapatid?" singhal niya dito. "Nasa abroad na silang lahat sir." halata ng naiinis ito sa mga tanong niya. "Bakit naiwan ka dito? may asawa kanaba?" panigurong tanong niya. "May limang buwan nalang sir ako dito sa pinas susunod nadin ako sa kanila, wala pa sir akong asawa." mataray nitong tugon. "Boyfriend" "wala sir" "anak" "Ano naman sir palagay niyo sakin inahin baboy na p'wedeng manganak ng manganak ng walang asawa" inismiran pa siya nito na mukhang maasar na sa mga tanong niya. "Kailan sir ako magsisimula kung tanggap nako masyado na kasing personal mga tinatanong niyo hindi naman related sa trabaho" matalim siya tinitigan nito. "Kaya mo bang protektahan si Daddy, ayaw kung, kung sino-sino ang lumalapit sa kanya, huwag kang mapapalapit ng ibang tao sa kanya maliban sakin." aniya. "Paano sir kung kapamilya niya like asawa, kapatid, anak or closed friends?" panigurado pa nito. "Basta wala kang dapat palalapitin sa kanya lalo na kung wala ako, ikaw din maghahanda ng mga kakainin niya, huwag mong pakakainin ng hindi ikaw ang gumawa maliwanag ba?" mariin niyang sabi. "Sir isang tanong lang and be honest para alam ko din ang gagawin ko, at alam ko rin kung saan ko ilulugar ang sarli ko, may banta ba sir sa buhay ng pasyente?"tanong nito habang titig na titig eto sa mga mata niya..Tumango nalang siya, tinaasan naman siya nito ng kilay. "Pinaghihinalaan sir, kasama niyo sa bahay?" tumango nalang siya uli dito. "I'll got it sir, sir wala ba kayung CCTV sa bahay?" tanong nito. "Wala." pahinamad niyang sagot, bakit nga ba hindi niya naisip na mag-install ng CCTV. "Kailan sir ako maguumpisa" tanong nito. "Kung pwede ngayon na" sagot niya. "Sir kung sakali bang nakapanakit or nakapag-salita ako ng hindi maganda dahil sa pagtatanggol ko sa pasyente kaya niyo ba akung proteksyonan?" tanong nitong naniniguro. "I'll support you 100percent, siguraduhin mo lang ang kaligtasan ni Daddy dahil kung hindi may kalalagay ka sakin." pagbabanta pa niya. "Good" wika nito sa mahinang boses. ......................................................... please support my journey as a writer, just follow my account and and add my story in your library. ..loveyouguys.. thanks much. ...God Blessed Us.. ....Lady Lhee......lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD