"Lolo!... Lolo!" sigaw ni Cassey pagkakita niya sa lolo niyang papasok sa loob ng bahay. "Lolo na-miss ko po kayo, are you alright na lolo, wala na po kayong sakit?" malambing na tanong ni Cassey sa lolo niya. Yumakap ito sa lolo niya at humalik sa magkabilang pisngi nito. Kaya nangiti siya sa panglalambing ni Cassey sa Ama niya.
"Si Daddy ba wala man lang kiss, hindi mo ba ako na missed?" paglalambing naman ni Domininc sa anak at lumuhod pa para mapantayan si Cassey.
"Lourdes hatid mo na sila Daddy sa silid niya" utos ni Dominic dahil alam kung mas makapahpapahinga siya ngayo dahil nasa sariling bahay na siya at hindi amoy gamot ang paligid.
"Siñor halina po kayo." anito at inalalay pa ang Daddy niya.
Napag alam ni Dominic na madalas daw na lumabas ng bahay ang Mama Elena niya, napaisip tuloy siya, saan naman kaya yun nagpupunta. Ng dumating sila galing hospital wala ito sa bahay, kasama daw si Sophia.
Kailangan niyang masiguro ang kaligtasan ng Papa niya at ni Cassey. Dahil hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip ng mga ito. Dahil maging sa hospital sinusundan sila nito, alam niyang may masamang binabalak ito.
"Sir Dominic saan po magiging kwarto ko dito?" tanong ng private nurse ng Daddy niyang si Bernadette.
"Kung saan si Daddy dapat andun ka din kaya sa loob ng silid ni Daddy ka matutulog." aniya mapatingin ito sa kanya ng may pagtatanong. "May connecting room yun kwarto nila Daddy, siguraduhin mong mababantay mo siya ng bente kwatro oras." dagdag pa niya. Napabuntong hininga nalang ito at sumunod na din sa Daddy niya.
Pag hindi kami nag-ingat baka mapahamak si Daddy. Hindi naman siya pwedeng magpadalus-dalus nalang ng walang matibay na ibidensya. At ng dahil sa nangyaring iskandalo na-postponed ang court hearing nila, yun sana ang first hearing nila. Napabuntong hininga siya for the first time nakita niya si Anne sa nakakatakot nitong katauhan, kung paano ito magalit. Dati umiiyak lang ito sa isang tabi at hindi kumikibo hindi rin makabasag-pingan ito sa bining kumilos pero ngayon daig pa ang isang gutom na tigre pag nagalit.
"Kamusta ang Daddy mo iho, galing kami sa hospital para sana sunduin siya pero nailabas mo na pala siya" malumanay na wika ng Mama Elena niya pagpasok sa pinto ng kanilang mansyon kasunod nito si Sophia, tumango lang siya dito, habang hinalikan naman siya ni Sophia sa pisngi. Hindi siya kumibo sinundan nalang niya ang mga ito ng tingin paakyang ng kanilang hagdan. Sa mga natuklasan niya tungkol dito parang tinabangan na siya, nawalan siya ng ganang respetuhin pa ito.
Salo-salo sila sa hapag kainan ng gabing iyon maraming pagkaing nakahain sa kanilang mahabang lamesa halos mapuno nga iyon ng iba't ibang putahe ng ulam na paborito ng Daddy niya idagdag pa ang gustong ulam ni Cassey.
"Iha ako na ang mag-aasikaso sa asawa ko kumain ka nalang." banayad na wika niya sa private nurse ng Don.
"Hindi po ma'm ako nalang po trabaho ko po ito, mamaya nalang po ako kakain." ani Bernadette.
"Hayaan mo ng gampanan niya ang trabaho niya Elena" wika ng kanyang asawa napataas ang kanyang kilay at tiningnan niya ng masama si Bernadette, bali wala naman dito ang ginawa niya.
"Babe check-up ko sa OB gyne ko bukas samahan mo naman ako." panglalambing ni Sophia kay Dominic para maiba ang topic ng usapan dahil mukhang mainit ang ulo ni Elena.
"Hindi kita masasamahan marami akong tatapusing trabaho, nakita mo naman hindi ako halos nakakapasok nitong mga nagdaan araw, hindi naman pwedeng mag-bantay sa hospital si Mama Elena at may edad narin baka kung mapaano pa." pagdadahilan naman niya dahil nawalan na siya ng gana pang makasama ito sa mga narinig buhat kay Anne.
"Sige na bukas na kasi malalaman ang gender ng anak natin, hindi ba sabik kana din malaman kung anong gender niya?" dagdag pa ni Sophia gusto talaga niyang samahan siya nito.
"Kay Mama Elena kana lang magpasama o kaya kay Lourdes, ganon din yun" ani Dominic sa kaniya na ngayon natuon ang attention ng mga kasama nila sa hapag sa kanilang dalawa na mukhang nagtatalo na.
"Hijo dapat ikaw ang kasama ni Sohpia dahil ikaw ang ama ng ipinagbubuntis niya" paliwanag ng Mama Elena niya.
"Kayo nalang sumama tutal lagi naman kayong magkasamang dalawa." aniya dito. "Pagkatapos mong kumain umuwi kana baka makasama sa bata kung lagi kang nagpupuyat." dagdag pa niya. At masama siyang punukol ng tingin ni Sophia.
"Duon muna matutulog si Daddy sa guest room hanggang hindi pa siya tuluyang gumagaling, ang private nurse niyang si Bernadette ang mag-aalaga sa kanya dito narin siya titira mula ngayon." maawtoridad niyang wika.
"Ako dapat nag-aalaga sa kanya dahil asawa ko siya sa tabi ko siya matutulog" asik ng Mama Elena niya.
"Mag-usap tayo mamaya" maikling sagot ni Dominic at tumayo na. "excuse me mauna nako." paalam niya sa nga ito at hindi na hinintay ang tungon niya dahil didiretso itong lumisan ng hindi man lang lumingon.
Nang makaalis na si Dominic natahimik silang lahat wala ni isa man sa kanila ang nagsalita. Kilala nila si Dominic pag-galit ito, wala itong sinasanto. Maging siya kaya nitong saktan.
Tumuloy si Dominic sa library nila kanina nagbilin na siya kung anong dapat at hindi dapat gawin ni Bernadette, alam niyang matapang ito at palaban. Hindi parin mapalagay si Dominic hindi niya alam kung anung pinaplano ng dating asawa mukhang madaming alas na hawak ito, tungkol sa pamilya niya. Ngayon siya naguguluhan, ano bang totoong nangyari nuon nagsasama pa sila. Mukhang marami yata siyang hindi alam, sino ba ang dapat niyang paniwalaan. Masyado siya naging abala nuong dahil sa kabi-kabila ang mga project niyang sinisimulan, inilalaan niya 'yun para sa future nila ni Anne pero biglang gumuho lahat ng pangarap niya para sa dating asawa dahil sa mga hindi mabilang na photos at videos ng mga ginagawa nito sa likod niya. Na kanyang pinaniwalaan agad ng hindi man lang inalam kung may katotohanan ba ang mga 'yun.
Kinuha niya ang susing matagal na niya hindi nahahawakan, pinaglaruan pa niya yun sa palad niya bago niya isinuksuk sa isang maliit na butas ng cabinet, ilan taon naba niyang hindi binubuksan yun dahil sa tuwing makikita niya ang mga nasa loob nuon ay parang pinipiga at nagkakapira-piraso ang puso niya. Halos manginig ang kanya kamay habang dahan-dahan niyang binubuksan ang pinto ng kabinet.
Pagkabukas niya ng cabinet marami ng alikabok yun may mga maliit nadin insekto, iba nadin ang amoy, nag-squat siya ng upo upang makita ang laman. Handa naba siyang makita ang lahat ng ala-ala ng nakaraan mabuti man ito o masama, mga larawan nila ni Anne simula palang ng bata pa sila hanggang ikasal sila kasama na ang mga larawang makikitang may kasama itong iba't ibang lalaki mga videos, paano kung wala palang katotohang lahat ng ibinibingtang nila dito, at pawang gawa gawa lang ng mapanirang taong naiingit sa kanila, pero huli na para sa naiisip niya, the damage has been done hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Nanginginig ang kamay niyang isinarado uli ang cabinet hindi niya kayang hawakan ang mga iyon. Tumulo ang mga luha niya kung totoong inosente ito paano niyang haharapin ito anong mukha ang ihaharap niya dito, nasaktan na niya ito, physically, emotionally, and mentally sinira niya ang buong pagkatao nito. Lahat ng pangarap nito. Ipinagtabuyan niya itong parang isang hayop. Paano siya mapapatawad nito. Napahagulgul siya sa mga naiisip.
Napatayo na siya ng makarinig ng mahihinang katok sa pinto pinahid niya agad ang mga luha sa pisngi at inayus ang nagusot na damit.
"Sir Dominic andito na po kape niyo" dinig niyang sigaw ni Lourdes
"Come in" balik sigaw niya at umupo na sa swivel chair niya.
Muna ng maghiwalay silang mag-asawa hindi na siya muling tumira pa sa dati nilang bahay. Naaalala lang niya lahat ng magaganda at masasamang pagyayari sa buhay nilang mag-asawa. Ipinundar niya yun sa sariling pagsisikap para sa kanilang magiging pamilya. Si Anne ang may gusto ng disenyo ng bahay pati kulay nun ay si Anne ang namili. Maging ang hardin nun ay si Anne ang nag-aayus, lahat ng gusto nito sinunod niya lahat binigay niya pero nauwi din sa wala ang lahat. Ang matamis na pagmamahal nila ay nauwi sa pagkamuhi sa isa't isa. Ngayon sa pagbabalik nito isang bagong delubyo na nanaman ang kanilang haharapin, sa pagkakataong ito kasama pa ang kanilang anak. Isang inosenteng bata ang naiipit sa pagitan nila.
"Musta na po kayo Nanay? agad niyang bati dito kahit alam niya kung hanggang kailan nalang ang ilalagi nito sa ibabaw ng lupa. Sayang nga lang at wala si Cassey. "Lakasan po ninyo loob niyo may awa ang diyos gagaling pa po kayo magkakasama pa kayo ni Cassey" pakiusap ni Anne sa Lola ni Cassey may sakit ito at ang sabi ng Doctor niya himala na lang daw na magtagal pa ang buhay nito. Ito ang dahilan kung bakit sila umuwi ng Pilipinas upang magkasama ang mag-lola kahit sa huling sandali ng buhay nito, pero sa kasamaang palad kinuha ito ng dating asawa niya. Paano na ang gagawin niya ngayon. Alam naman niya suko hanggang langit ang galit ng buong pamilya nito sa kanya katunayang sapilitan pa siya nito pinapirma ng annulment nila bago siya kinaladkad nito palabas ng bahay nila ni wala siyang dalang kahit na ano. Naglakad siya sa kalye ng walang sapin sa paa. Labis ang pagdurusa niya nuong panahon yun idagdag pang buntis siya, buti nalang nakaya niya at hindi naapektohan ang pagbubuntis niya. Ngayon binibigyan mo ng karapatan ang sarili mong angkinin ang hindi sayo. piping bulong niya.
Ito na ang oras ng paniningil ko Dominic kaya humanda na kayo, tatalupan ko kayo ng buhay, lahat ng umapi at sumira ng buhay ko pagbabayarin ko ng mahal. Gagawin ko rin empeyrno ang buhay niyo. Ikaw ang nagumpisa ako ang tatapos. Kung nuon kaya mo akung apak-apakan ngayon lalabanan kita. Tapos na yun panahong nabulag ako ng pagmamahal ko sayo, kahit gaano kita kamahal kaya din kitang ibasura, pinatay mo na ang puso ko. Ano pa ang saysay nito para mapatawad ka.
"Bb..ba..kit..h..hin..di mo isinama si Cassey" tanong ni Lola Minda sa nahihirapang boses, hirap na itong magsalita dahil malubha na ang sakit nito sa bagà, ilang taon nading pinahihirapan ito ng kanyang sakit. Tumawag lang ang kapatid nitong nag-aalaga dito kaya napauwi sila.
"Pasensiya na po kung hindi ko naisama si Cassey hiniram po kasi ng dati kung asawa" pagsisinungaling ko dito dahil pagsinabi ko ang totoo baka mas madali ang buhay nito. "Ito po ipinadala nalang ni Cassey itong mga prutas kainin daw niyo para lumakas daw kayo, para makauwi na daw kayo" aniko na hindi makatingin sa mga mata nito at baka mahalatang nagsisinungaling ako. Pinagbalat ko na siya ng orange at inabot sa kanya.
Kailangan ko pang makausap si Atty. Dominguez para sa susunod na hearing namin. Kailangan ko din ma-secure lahat ng ibidensyang nasa akin, naibingay ko na kay Atty. yun hard drive copy para may laban ako sa isasampa kung kaso laban sa mga umapi sakin.
Mahirap ang kalagayan niya mag-isa lang niya makikipag laban sa maemplowensyang pamilya. May pera naman siya pero puso ang kasama niyang lalaban dito, wag naman sanang manaig ang nararamdam niya. Natatakot din siya sa mga mangyayari paano pagnalaman ng mga anak niya na kinalaban niya ang ama ng mga ito at kamuhian siya ng mga anak nila. Nalilito siya sa mga desisyon niya pero kailangan niya ng hustisya lalo na ang pagkamay ng mga anak niya at ng mga magulang niya. Maging ang pang-aapi sa kanya nila Sophia.
Dumaan ako ng mall hindi para mag-shopping kung hindi para makumperma ang hinala ko, pansin ko para may sumusunod sakin kaninang nagpunta ako sa hospital. Pasimple akung luminga linga na parang tumitingin ng mga naka-display na mga paninda, naka-shade ako para hindi mapansin ang aking mga mata. May napansin akung lalaking may hawak na polo itinaasa niya yun pero sa gawi ko nakatingin kaya dahan dahan akung naglakad kung saan maraming tao pumagitna ako sa dagat ng nagkakagulong tao dahil may nagpe-performed sa mini stage, yumuko ako para hindi ako makita kung sino man ang sumusunod sakin, pumasok ako sa ladies room at kinontak ko si ate Letty. May hinala na ako kung kaninong tao yun. Buti at hindi niya kasama si Cassey at kung ano man ang mangyari ngayon alam niyang hindi pabanayan ni Dominic si Cassey.
Sa sitwasyon ko ngayon talagang nanganganib ang buhay ko dahil alam kung kaya nilang pumatay, kaya dapat akung mag-ingat. Kailangan ko munang makamtan ang hustisya, para pagbayarin ang taong sumira ng buhay ko. Ang tagal kung hinintay ang pagkakataong ito.
Palabas nako ng conference room ng mag-ring ang phone ko, ayaw ko pa nga sanang sagutin dahil katatapos lang ng board meeting ko. At sumasakit ang aking ulo sa mga report ng head department.
{Hello!, what's up} agad kung sagot sa tawag ni Atlaz, nadinig ko itong tumikhik na parang nag-aalangan sa sasabihin, nadinig ko na may kausap ito marahil ang secretary niya. Ibaba ko na sana ng bigla itong nagsalita.
{Where are you? busy?...hhmmm...Dominic may kinalaman kaba sa mga taong sumusunod kay Anne... I mean nag-hire kaba ng taong para sa kanya" tanong niya sakin na medyo nauutal, kaya naman napakunot noo ako.
{what for? wala akung pakealam sa kanya, anak ko lang ang importante sakin, pagnakuha ko na anak ko kahit hindi na kami magkita habang buhay} mariing kung pahayag kay Atlaz na taliwas naman sa nadarama ko.
{Kung ganun sino yun mga taong sumusod kay Anne, nasa panganib ang buhay ni Anne, pero kung wala ka naman palang pakealam sa kanya ako ang magbibigay ng proteksyon sa kanya.} sasagot pa sana ako pero naputol na ang linya. Kinabahan ako sa nalaman ko baka nga totoong may gustong pumatay kay Anne, pero sino. Dinayal ko anh number ni Atlaz pero busy tone na yun.
Hindi nako mapalagay dahil hanggang ngayon hindi ko pa makontak si Atlaz. May hinala nako kung kaninong tao yun umaaligid kay Anne. Huwag lang silang pahuhuli akin baka kung anung magawa ko. Bakit alam lahat ni Atlaz ang nangyayari kay Anne, anong koneksyon niya kay Anne. Nagsumbong kaya ito sa kanya, o nagkita kaya sila. Ako talaga pagbibintangan nila dahil ako ang kalaban ni Anne pero hindi ko magagawang saktan si Anne.
Tinawagan ko si Luis, baka may alam siya sa mga mangyayari kay Anne. Naka dalawang ring lang sumagot na siya.
{Hello dude} sagot agad sa kabilang linya.
{Dude may balita kaba kay Anne?} tanong ko, pero hindi agad siya sumagot, nadinig kung nagbuntong hininga pa ito.
{Bakit mo tinatanong hindi ba wala kanang pakialam sa kanya, ingat ka lang Dominic pang may nangyaring masama sa kanya kami makakalaban mo.} sagot niya sa kabilang linya na may pagbabanta.
{Wala akung ginagawang masama sa babaeng yun} sagot ko sa kabilang linya dahil yun naman talaga ang totoo.
{Sinong maniniwala sayo, kung nuon nga halos patayin mo na siya, ngayon pa kaya kinuha mo anak niyo ng sapilitan} aniya sabay baba ng cellphone niya. Bakit mukhang maging mga kaibigan ko kampi kay Anne, ano bang nagawa kung mali. Ano bang alam nila tongkol sa amin ni Anne wala naman akung sinabihan ng mga nangyayari samin sa loob ng bahay maliban nalang sa mga inuuwi kung mga babae para pasakitan si Anne at makaganti sa mga ginagawa niya pag nakatalikod ako. Ako ba talaga ang may nagawang malaking pagkakamali sa relasyon namin ng dati kung asawa. Aminado naman akung nasaktan ko siya. Nagawa ko lang naman yun dahil nagalit ako sa mga nakikita at nadidinig ko.
.
.
.
.
........................................................
.......please follow my account and
my stories in your library...
......."Lady Lhee".....
...thanksguys....loveu....lrs...