Episode VI

2271 Words
Nakita kung nag-ilaw ang cellphone ko paglabas ko ng cr alam kung text message lang yun kaya hindi ko pinansin, nagtuloy ako sa walk-in closet para magbihis. Ngayon ang araw na itinakda sa paghaharap namin muli ng dati kung asawa para sa kasong isinampa niya against sakin k********g sa sarili kung anak. Kontra demanda ko naman sole custody for my daughter. Bilang ganti sa pagkakalagay niya sa matinding kahihiyan ng pamilya Baxendale at sa panluluko niya sa sakin kasama na dun ang pagkakait niya sakin ng karapatan bilang ama ng aking anak. Hindi ko alam kung paano ko ipaglalaban ang aking anak alam kung malaki ang pagkukulang ko pero ipaglalaban ko parin ang aking karapatan para makuha ang aking nag-iisang anak. Kabado ako ngayon kumpara nung una, ewan ko kung bakit, wala nga palang una dahil hindi natuloy ang unang hearing namin dahil sa iskandalong nangyari, kung saan may mga ibinunyag si Anne na hindi pa malinaw kung may katotohan ba, pero kung may katotohan ito mas lalong malalagay sa matinding kahihiyan ang pamilya ko na may posibilidad din ikabagsak ko sa larangang aking kinabibilangan bilang isang negosyante at sa iba pang organization aking hinahawakan. Kung totoong may matibay na ibidesyang hawak ang kabilang kampo baka hindi ko din makuha ang custody ng anak ko, sa kulungan din ang bagsak ko. Nalulumo ako sa mga naiisip ko paano nga kung mangyari ang pinangangambahan ko ano ng mangyayari. Iisa lang ang alam ko lalabas lahat ng katotohan sa likod ng mga kasinungalingan ng kahapon na aking pinaniniwalaan hanggang ngayon. Makikita ko ulit siya pero hindi na siya sakin, imposible ng maging akin pa siya dahil pagmamay-ari na siya ng iba. Ang masakit pa kaibigan ko ang may ari sa kanya. Ayaw ko man aminin pero nasasaktan din ako dahil may iba na siyang mahal. Nakita ko uling nag-ilaw ang cellohone ko kaya kinuha ko na ito. from Migz: Kalev is back. unang text message na nabasa ko. from Migz: He's with Anne. parang piniga ang dibdib ko pagbasa ko ng pangalawang text message. Ano ba talaga ang relasyon nilang dalawa, sila naman talaga ngayon, sa isipin yun nakaramdam ako ng sakit na parang sinaksak ang puso ko. Malinaw naman tinawag ng Daddy ni Cassey si Kalev, masakit man pero kailangan kong tanggapin. May pagkukulang din ako. Kasalanan ko din kung bakit nawala sakin ng lubusan ang nag-iisang babaeng minahal ko ng higit pa sakin buhay. Tumulo ang luha ko ng hindi mamamalayan dahil sa sakit na nararamdam sakin dibdib, kahit kailan hindi naman siya nawala sa isip at sa puso ko. Ayaw ko lang talagang may nakakakitang nasasaktan din ako sa paghihiwalay namin, ayaw kung amining siya ang kahinaan ko, ayaw kong amining siya lang ang nag-iisang babaeng mahal ko, kaya lagi kung sinasabing wala nakong pakialam sa kanya but deep inside nagdurugo ang puso ko. Kaya ang tanging paraan ko magbitaw ng masasakit na salita at itatwa kung anong nadarama ko para sa kanya at magpanggap na namumuhi sa kanya. Kahit sinaktan ko siya, siya naman ang naunang nagluko, napakasakit sa parti ng isang lalaki na tapakan ng iyong asawa ang buo mong pagkatao. Kaya lahat ng pasakit ginawa ko para maramdaman niya kung gaano kasakit ang ginawa niya sakin, pero kahit anung sakit pa ang ginawa niya saking andito parin siya sa puso ko, akupado niya ang buong puso at kaluluwa ko. Buhat ng mawala siya sakin wala nakong naging seryosong relasyon dahil siya lang ang nag-iisang babae para sakin. Pero kung nagkausap lang sana kami baka hindi ko na siya pakawalan at humingi ng tawad sa kanya. Napabuntong hininga nalang ako sa naiisip, alam kung hindi na kami magkakabalikan pa dahil meron na siyang Kalev ang dati kung kaibigan at si Sophia anak ko daw ang dinadala niya pero wala akung maramdam ni kunting excitement. Siguro pag kapanganak niya saka ako gagawa ng paraan kung anak ko nga ba ang anak niya dahil kung hindi, hinding hindi ko sila mapapatawad. Bago pa siya bumaba pinuntahan pa niya ang anak na si Cassey. Gusto niya itong makasama kahit saglit lang ngayon at baka nakukulangan na siya ng attention para dito. "Good morning sweetie!" bungad na bati niya sa anak ng makapasok siya sa kwartong tinutuluyan nito. "Good morning po Daddy, are you going to work na po Daddy?" tanong niya kay Dominic sabay yakap at halik nito sa ama. Nasanay na siyang bago umalis nagpapaalam siya sa anak, anak din niya ang pinuntahan sa kwarto pag dumarating siya kahit alam niyang natutulog na ito. "Good morning sir" bati sa kanya ng private nurse ng Daddy niyang si Bernadette pagkababa niya ng hagdanan. Tinanguan lang niya ito. Nakita niya ang Daddy niya naka gayak nadin ito, ayaw na nga niyang sumama ito pero mapilit ang Daddy niya gusto daw nitong makita at madinig ang kaganapan. "Hijo ready kana ba?" tanong ni Daddy sakin. Napabuntong hininga nalang ako dahil hindi ko alam kung ready naba ako dahil hindi mawala-wala ang kabang nadarama ko saking dibdib na hindi ko alam kung para saan. "Yes Dad, let's go baka ma-late pa tayo" aniko at nauna ng lumabas ng bahay dahil magkaiba naman kami ng sasakyan. "Bernadette ikaw na bahala kay Daddy make sure na safe siya at wag kang aalis sa tabi niya" mahigbit na bilin niya kay Bernadette. "Copy sir" maiksing sagot nito. Pagdating namin sa Justice Hall madami ng tao kumpara nuon una namin hearing mas madami ding pulis na nagkalat, sinalubong ako ni Atty. Fernandez kasunod ko sila Daddy katabi nito si Bernadette. Palingon ko sa kanang bahagi ng bulwagan nakita ko ang dati kong asawa kasama nito ang mga kaibigan ko katabi nito si Kalev. Nakita kung tumingin sa gawi namin si Paulo nakakunot noo. Sinundan ko ang tingin niya alam kung kay Bernadette siya nakatingin dahil napansin kung umirap ito. Napalingon uli ako sa gawi nila Anne dahil nadinig ko ang pamilyar na boses na nasisisigaw. "Ano hindi ka pa rin ba titingil sa kalandian mo ha babae kang patay gutom" hiyaw niya "Tigilan mo kami ng fiancee ko ikakasal na kami mag-kakaanak na kami hanggang ngayon ba naman gusto mo pa siyang landiin matagal ng annul ang kasal niyon at hindi kana makaka huthut ng pera sa kanya" sigaw pa ng isa, nag akmang sasampalin nito si Anne isang kamay ang sumalo duon sabay kawak sa panga ni Sophia. "Bakit natatakot kabang matuklasan nila ang mga kawalanghiyan niyong mag-ina huh, pagbabayarin namin kayo sa mga kasamaang ginawa niyo kay Anne kaya humanda na kayo isama mo pang lahat ng kasabwat niyo" angil ni Kalev kay Sophia habang pisil nito sa panga si Sophia kita ko kung paano namutla ang mukha nito ganun din si Mama Elena sa mga binitawang salita ni Kalev. Nakita ko rin kung paano nito protektahan si Anne ni hindi nga nakalapit dito ang Mama Elena niya at si Sophia. Ganun din ang ginawa nila Luis pinalibutan nila si Anne. Sa nakita niya parang kung may anung naramdaman siya sa kanyang pagkatao dahil ni minsan hindi niya nagawang proteksyonan ito laban sa mga gustong manakit dito. Hanggang matapos ang hearing hindi umalis ang mga kaibigan niya sa tabi ni Anne. Senecure talaga ng mga ito ang kaligtasan ni Anne na hindi niya nagawa dito nuon hanggang ngayon. Wala naman masyadong pagtatalong naganap dahil kulang sa matibay na ibidensya ang grupo nila. Ini-schedule ulit ang susunod na hearing pag dumating na ang result ng DNA test nila ni Cassey, yun nalang ang kulang para mapatunayang anak nga niya si Cassey. Ayun sa hukom hindi sapat na basihan lang ang Live birth certification ng bata. Patunayan din niya hindi nga niya kinidnap ang anak ni Anne at walang pwersahang nangyari. Nauna ng umalis sila Sophia at Mama Elena niya. Kaya naman naglapitan na ang mga kaibigan niya sa kanila nakita din niyang binati ng mga kaibigan niya ang Daddy niya maging si Anne ay nag mano din sa Daddy niya. Hinawakan pa ng Daddy niya ang kamay ni Anne may ibinulong din ang Daddy niya kay Anne na siyang nagpa ngiti dito. Nagusap pa ang dalawa ng ilang minuto bago binitawan ng Daddy niya ang kamay ni Anne na parehong may ngiti sa labi. Naiiling nalang siya habang pinagmamasdan ang dalawa. "Musta kana dude, alerto ka lang sa paligid mo Dominic dahil nasa tabi mo lang kalaban niyo" makahulugang wika ni Migz. tumango lang siya dito, dahil pinagmamasdan niya si Paulo na masama ang tingin kay Bernadette na ngayon ay sa tabi na uli ng Daddy niya kanina lumayo ito ng makitang nabubulongan ang Daddy niya at si Anne. Samantalang si Kalev laging nadikit kay Anne, nakita din niya inalalay pa nito si Anne sa pagsakay sa kotse. Nagpaalam na din ang mga kaibigan niya magkita nalang daw sila mamaya sa bar na sinangayunan naman niya. Pagdating nila sa mansion wala pa ang Mama Elena niya. Walang makapagsabi kung saan ito nagpunta. Kanina nauna pang umalis ng mansion ang mga ito sa kanila pero huli na nangdumating sa bulwagan, ngayon wala pa din ang mga ito may kutob siyang may niluluto itong masamang plano. "Bernadette anong pwede natin gawin para sa DNA kay Cassey na hindi magtatanong ang bata i mean baka kasi kung anong isipin niya alam mong bata pa yun at ayaw kung mag-isip siya ng hindi maganda" litanya niya. "Ako na sir bahala" ani Bernadette. Ng makita nila na pababa ng hagdanan si Carol. "Saan ka pupunta nasaan si Cassey di ba sabi ko wag mong iiwan magisa si Cassey" ani Dominic kay Carol pagkababa nito ng hagdanan. "Maliligo lang po ako sir andun naman po si Lourdes siya po muna pinagbantay ko. tsaka natutulog naman po si Cassey" paliwanag nito. "Sir tamang tama pwede ko ng puntahan si Cassey para makuhanan ng kailanga niyo, kukuha lang ako ng gamit." ani Bernadette at nagmamadali na akung iniwan. Nadatnan niya sa kwarto ni Cassey si Bernadette nakaupo ito sa gilid ng kama ng anak niya habang hinahagod nito ang buhok ni Cassey inayus pa nito ang pagkakahiga nito, hinihimas din nito ang pisngi ng bata ganun din ang baba nito maya maya pa diniinan nito ng bahagya ang baba ni Cassey kaya napabuka ang bunganga nito kaya walang kahirap hirap ito nakakuha ng laway nito habang mahimbing na natutulog si Cassey. Sila naman dalawa ni Lourdes tahimik lang na nagmamasid sa ginagawa nito. "Here sir pwede niyo ng dalhin yan sa doctor or hospital." pabulong na utos nito. Matapos isilid sa isang zip lack plastic ang cotton bud na may sample. Kaya naman maingat niyang hinalikan sa noon ang anak bago lumabas ng kwarto nito. Kinagabihan tulad ng napag-usapan nagkita kita silang magkakaibigan sa paborito nila bar na pag-aari ng isa nilang kaibigan. Ngayon lang uli silang magkakaibigan nakumpleto lagi kasing wala si Kalev sa abroad na ito naglalagi. Kumuha sila ng VIP room nila, nauna silang dumating nila Migz, Bryan at Luis di nagtagal dumating din sila Atlaz kasama nito si Kalev, kaya umorder na sila ng maiinum. "Wait lang labas muna ako para maging happy naman tayo, boring kung tayo lang." paalam ni Bryan sa kanila. Alam na niya akung anung ggawin ni Bryan. Nangdumating ang order nila nagkanya kanya na sila ng kuha ng iinumin nila. Nag-uusap lang sila Kalev at Luis dahil ito ang magkatabi. Maya maya pa bumukas uli ang pinto pumasaok duon si Bryan may mga kasama itong mga babaing halos wala ng tinago dahil sa hiksi at fit na fit na kasuotan mukhang tig iisa sila ng babae ayun sa dami ng babaeng kasama nito. "Enjoy your night guys" sigaw ni Bryan ito ang pinaka mahilig sa babae sa kanilang magkakaibigan. Nakita niya si Kalev may nakakandun na dalawang babae dito, gusto niya suntukin sa mukha ito dahil nakuha pang mangbabae nito, paano nalang pagnalaman ito ni Anne tiyak masasaktan yun. Sa naisip niya naalala niya ang ginawa niya kay Anne nuon, harap harapan niya pinapakita ditong may mga babae siya, nag-uuwi din siya ng babae niyang sa bar lang niya pinulot at dun din niya pinatutuloy sa kwarto niya, gaano kasakit kay Anne ang ginagawa niya nuon. Ngayon niya na-realise ang mga bagay na yun kung kailang huli na ang lahat. Hindi na maibabalik pa ang nakaraan. Mahirap ng mapatawad pa siya ni Anne sa nakikita niya ngayon mukhang palaban na ito at hindi na ubra ang mga naiisip niya. Inisang tunga niya ang laman ng baso niya dahil sa naiisip kung gaano niya sinaktan ang damdamin ng dating asawa. Hindi sila nag-uusap ni Kalev, hindi rin niya pinapansin ito ganun din ito sa kanya alam niya masama ang loob nito dahil sa ginawa niya kay Anne. Habang ang babaeng nasa tabi niya at panay halik sa leeg niya at hagod sa dibdib niya nabuksan na din nito ang butones ng polo niya kanina pa niya gusto itulak ang babae ayaw lang niya gumawa ng eksena. Kaya sa inis niya pinisil niya ng mariin ng isang dibdib ng babae at inismiran. Wala siya sa kondisyon para makipaglandin ngayon dahil ang nasa isipang niya si Anne. Ang maamong mukha nito ang nakikita niya sa balitataw niya. Gusto man niyang kausapin ito kanina hindi rin siya makalapit sa higpit ng pagbabantay dito ni Kalev na para bang babasaging kristal na pang nakanti mo'y mababasag. Mga nabay na hindi niya nagawa noun sila ni Anne dahil pawang sakit at pasakit ang dinanas nito sa piling niya. Huli na ang lahat para sa pagbabago kahit humingi pa siya ng tawad dito. . . . . . ........................................................... please follow my account and add my stories in your library..... ....thanksmuch..... ....."Lady Lhee"......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD