Episode VII

2427 Words
Nagising akung kumikirot ang aking sintido. Minasahe ko ito ng ilang beses bago ko naalalang napadami pala ako ng inum kagabi kasama ang mga kaibigan ko halos hindi nako makapag-drive kagabi kaya dito nalang ako umuwi sa condo ko kung saan madami kaming magagandang ala-ala ni Anne. Pagtayo ko nabigla pa ako dahil wala akung saplot kahit kapiraso sakin katawan. "What the f**k" sigaw ko napasin kung may gumalaw sa gilid ng aking kama, kaya nanglaki ang aking mata. Wala pa akung isinamang babae dito maliban kay Anne. "You slut what are you doing here" sigaw ko sa kanya sabay hila sa buhok nito kaya napangiwi ito. "Ouuch masakit bitiwan mo nga ako matapos mo akung pagsawaan kagabi yan ang sasabihin mo sakin o baka naman nakulangan kapa sa performance ko" balik sigaw ng babae sakin kaya hinatak ko na ito sa braso patayo. "Umalis kana dito at baka kung ano pa magawa ko sayon, sinamantala mo kalasingan ko kagabi b***h" sigaw ko dito sabay tulak ko sa kanya papuntang pinto na muntik ng ikinasubsub nito, kaya pinulot na nito ang nagkalat na damit niya at nagmamadaling lumabas ng pinto. Naihilamos ko ang aking palad sakin mukha dahil pakiramdam ko nagkasala ako, pero bigla din akung natauhan nag maalalang kahit sa harapan ng dati kung asawa, gumagawa ako ng kahalayan at sa mismong loob pa ng aming bahay nuon nasa panahon magkasama pa kami at nagsisimulang masira ang aming relasyon bilang mag-asawa. Sinira ng mga taong may pagnanasa sakin at sa kung ano ang meron samin pamilya. Ngayon wala na akung sisirain dahil matagal ko ng winasak ito na hinding-hindi ko na mabubuo pang muli. "Mother aalis po muna ako dadalawin ko lang po si Nanay Luisa sa hospital, alam naman po ninyo kalagayan niya. Gusto ko pong pagsilbihan siya sa mga nalalabing mga araw niya dito sa ibabaw ng lupa." paalam ko sa Mother superiora ng bahay ampunan kung saan ako tumutuloy. "Sige na iha patnubayan ka nawa ng Poon may kapal at maluwalhating mapatawad ano mang kasalan nagawa ng iyong Nanay Luisa. Ipagdarasal ko ang kanyang kapayapaan." Ani Mother. "Humayo kana iha mag-iingat ka" dagdag pa nito. Sumakay na ako sa lumang sasakyan pinahiram sakin ng Bahay Ampunan. Second hand nilang nabili ito sa unang pinadala ko daw na pera sa kanila para may service daw silang magamit in case of emergency, kaya napangiti ako, ito kasi ang pangako ko sa kanila na bumili sila ng sasakyan magagamit nila pagnagpadala ako ng pera sa kanila bago ako umalis dito nuon. May bago naman sila sasakya na sa pera ko din daw galing ang pinangbili, pero mas gusto ko itong gamitin. Ito ang aking naging kanlungan nuong panahong itinapon akung parang basura ng lalaking sumumpang mamahalin ako ng habang buhay, sumumpa ng maraming magagandang bagay na pawang kabaliktaran lahat ng nangyari, puro pasakit at hinanakit ang aking nakamit. Binaboy niya ako, sinira niya ang mga pangarap ko para sa pamilya ko. Pumanao ang aking mga magulang dahil sa kasakiman nila. Naging tapat ako sa kanya pero inakusahan niya ako ng kung anu-ano na hindi man lang ako tinanong kung may katotohan ba ang mga paninirang ibinibintang sakin ng ibang tao, ng pamilya niya. Mas pinaniwalan pa niya ang iba kaysa sakin na kanyang asawa, nangilid ang luha ko sa aking mga mata, akala ko ubus na ang luha ko dahil halos araw-araw, gabi-gabi akung lumuluha ng dahil sa sakit na aking nadarama, pero mayroon pa pala akung iluluha ngayon nakita ko siyang muli. Muling nanariwa sakin ala-ala, ang mga araw na pinahihirapan niya ako, sila ng kanyang madrasta isama pa ang anak nito at mga barkada nitong walang puso at kaluluwa. Ito na ang araw na matagal ko ng hinihintay ang paninigil sa mga taong nagkasala sakin ng malaki. Iisa isahin ko kayung lahat isasama kita sa pagbabayarin ko Dominic, dahil ikaw ang puno't dulo nito. Ikaw ang naunang nanakit sakin. Hindi na ako ang dating babaing inakala mong mahina at sunodsunuran lang sayo. Lalaban ako ngayon, lalabanan ko kayong lahat. Pinahid ko ang luha kung mabilis na umagos sakin pisngi at pinaandar na ang sasakyan hindi ito ang tamang oras para maging imosyonal. Binilisan ko pa ang pagpapatakbo ng sasakyan dahil may sumusunod sakin itim na kotse kanina napansin ko din may naka-motor na nakabuntot sakin. Nagpaikot-ikot pa ako kung saan saan at mas binilisan ko pa ang patakbo ng sasakyan. "s**t" sigaw ko dahil malapit na sila sakin gusto ko silang iligaw pero hindi ko magawa. Dinukot ko ang cellphone ko sakin bag. "Hello Anne. Wh.." sagot agad niya pero hindi ko na siya pinagsalita. "I need your held may mga motor at kotseng sumusunod sakin d....akhhh...h..h..elp...m..may..t.tama..ako.." mga pautal utal kung sabi bago pa ako bumangga sa punong kahoy sa tabing kalsada at dinig ko ang mga nakakangilong ingay kasabay ng tilian ng mga tao sa paligid. Nakita kung may umagos na pulang likido sakin dibdib, nadinig ko rin may tumawag sakin pangalan pero hindi ko naman makita ng malinaw kung sino yun dahil pinipilit kung makaalis sa upuan ko para sana makalabas ako ng sasakyan. Nadinig ko ring may nagbabasag ng salamin ng bintana ng sasakyan pero hindi ko na kayang gumalaw hanggang kinain na ako ng kadiliman. Sa pagkataranta niya at pang-aalala tinawagan agad niya ang mga kaibigan kahit alam niyang mga busy ang mga ito sa pagma-manage ng mga negosyo ng mga ito bilang mga CEO ng sariling kumpanya. Pero kailangan niya ang tulong ng mga ito ngayon para sa kaibigan nila. "Dude si Anne paki track down may nangyaring hindi maganda sa kanya." bungad agad niya nagsagutin ni Altaz ang tawag niya. Ganun din ang ginawa niya kay Luis, Paulo at Bryan. Hindi siya mapalagay sa loob ng opisina niya, paikot-ikot lang siya at naghihintay ng tawag ng mga kaibigan dahil hindi naman niya alam kung saan siya pupunta. Maya-maya pa nagring ng telepono niya. "Hello an.." "Boss si ma'am Anne may nagtangkang pumatay sa kanya may tama siya sa didbid, dadalin na namin siya sa hospital" yun agad ang ngamanadaling wika sa kabilang linya na agad din naputol. "That bullshit" sigaw niya at nagmamadali ng nagpunta sa sariling sasakyan at pinaharurut ito ng di alam ang direksyon. Alalang-alala siya kay Anne dahil dinig na dinig niya sa telepono nito ang sunud-sunod na putok ng baril makaraan ang ilan minuto isang nakakangilong tunog ng bakal ang nadinig niya marahil nabitawan ni Anne ang telepono nito kaya dinig niya lahat ng nangyayari maging ang sigaw ng mga tao sa paligid. Sa pagkalito hindi niya alam kung saan siya pupunta. Hindi man lang kasi sinabi kung saan hospital dinala si Anne at hindi rin siya mapapalagay kung nasa opisina lang siya. "f**k!" sigaw niya sabay hampas ng malakas sa manibela ng sasakyan niya na nagbigay ng malakas din busina nito. Dahil ang hinintuan ng sasakyan niya ay walang iba kundi ang tapat ng building ng mga Baxendale. Bakit nga ba duon siya nagpunta, kalaban nila yun. "Ito na yun hinihingi mo, dalawang body guard lang ni-request ni Aling Leticia para kay Anne." ani Migz pag pasok palang nito sa opisina ni Dominic sabay abot dito ng isang envelope na puti. "Salamat dude, hindi pa pwedeng magdagdag ng tao para kay Anne dapat 24/7 na may nagbabantay sa kaniya" ani Dominic. "Galing ba dito si Kalev?" tanong niya kay Dominic. "Bakit naman pupunta dito yun.?" balik tanong niya dito. "Aahh.. Ganun ba, nakita ko kasi yun sasakyan niya dyan sa labas bumusina pa nga sakin." anito. "Bakit dito tumutuloy si Anne bakit hindi sa bahay ni Kalev" takang tanong niya ng mabasa ang nilalaman ng envelope. "Dude what's up" sagot ni Migz sa tawag sa kanyang telepono ng magring yun. "what?.. sigaw nito at bigla tumayo "okay okay...saan na siya ngayun ayus na ba siya...sige..okay...pupunta ako dyan.. Oo sige sige.." hindi niya alam kung sino kausap nito pero sa pagkakaintindi niya mukhang emergency. Nakita niya pinagpawisan ito batay sa mga numumuong pawis nito sa noo, tumingin pa ito ng matiim sa kanya at nagpatangutango bago ibinaba ang gamit na cellphone. "May problema ba? anong nangyari?" sunod sunod niyang tanong dito matapos niya makitang ibinulsa nito ang hawak na telepono, pero pinagmasdan lang siya nito at hindi nagsalita kaya inulit niya uli ang tanong dito. "Si Anne nabaril daw critical ang lagay sana hospital" anito na halos mautal sa pagsasalita. Dahil sa narinig ko para akung binuhusan ng malamig na tubig. Nasapo ko ang aking mukha ng dalawa kung palad dahil sa takot. Takot sa masamang mangyayari kay Anne. Sa babaeng mahal ko. Ang aking asawa. Nagmanadaling lumabas ng opisina ko si Migz kaya naman sumunod ako dito, gusto kung malaman ang lagay niya. "Cancel all my appointment for three days" sigaw ko sa secretary ko at nagtatakbo ng sumunod kay Migz papasok ng lift. Pagdating namin sa hospital nakita ko ang mga kaibigan ko magkakasama sila. "Anong nangyari bakit nalagay siya sa alanganin hindi ba may body guard siya? Ansaan na yun? Bakit hindi nila naproteksyonan ang subject." sunod sunod na tanong ni Migz pagdating namin sa hospital. Nakita kung lumingon sila sa isang taong nakatayo malapit sa pinto ng operating room. May bahid na dugo ang damit nito. Tinitigan ng masama ni Migz ito kaya lumapit samin. "Good afternoon sir sinundan sir namin yun pero sadyang marami sir kalaban pero napuruhan sir namin yun dalawa may tama din yun tatlo, yun isa sa hita ang tama, yun isa sa binti, yun isa sa braso pero nakatakas sila sir yun isang nakamotor lang nadali namin may tama din yun isa kung kasama, ito sakin daplis lang 'to, wala ito, sorry sir. May mga tama po ng bala yun ginamit nilang getaway vehicle." "Saan gumawi ang sasakyan? anong kulay? anong klaseng sasakyan ginamit nila" sabat na niya sabay kuha ng kanyang telepono, idinayal yun. "Hello Ninong i need your help Ninong.... about the shooting.... yes po Ninong going South daw po...si Anne Ninong...yes po.. hindi ko po...black Mitsubishi....meron.. di ko alam Ninong...opo... okay lang.. aasahan ko po... sige po thanks po Ninong..." mga sagot niya sa kausap sa kabilang linya. Tahimik lang silang lahat sa waiting area walang nagsasalita sa kanila, nagpapakiramdaman lang silang magkakaibigan. Maya-maya ng ring ang telepono ni Kalev kaya tumayo ito at lumayo sa kanila. Wala paring gustong mgasalita sa kanila. Kaya naisipan niya tawagan si Bernadette upang ipaalam dito ang nangyari. Makalipas pa tatlongpung minuto, dumating ang Daddy niya kasama nito si Bernadette. Napansin niyang biglang napatayo si Paulo ng makita si Bernadette alam niyang magkakakilala ang dalawa. "Kumusta na siya? tama nga ang hinala kung siya ang nasa news sa t.v. kanina." agad na sabi ni Daddy nagtayuan naman ang mga kaibigan niya para magbigay galang sa ama niya maging si Kalev na kababalik lang ng bigay galang din. "Sino ang kaanak ng pasyente" tanong agad ng Doctor pagkabukas ng pinto ng operating room. dahil sa kanya tumingin sila Atlaz at Luis siya ang lumapit sa Doctor kasunod niya ang Daddy niya. "Kaano-ano niyo ang pasyente?" tanong uli ng Doctor. "Manugang ko siya ito ang asawa" sagot ng Daddy niya sabay turo sa kanya. Nakita niyang nagtayuan nadin mga kaibigan niya nasa likuran lang niya ang mga ito. "Maraming nawalang dugo sa asawa mo kailangan masalinan agad siya..by blood transfusion" pahayag ng Doctor. "Doc willing po akung mag-donate ng dugo magka-much po kami ng dugo. type AB+ po kami." aniya sa Doctor alam din ng mga kaibigan niyang pareho sila ni Anne ng blood type dahil ito rin ang ng donate ng dugo sa kanya ng maaksedente siya nuong bago pa sila ikasal. "Okay sumunod ka sakin para sa kaukulang test" ani ng Doctor. Lahat gagawin niya para kay Anne makalitas lang ito. Pagbabayarin niya kung sino mang may gawa nito. Nakahiga siya sa kama katabi ng kama ni Anne, pinakatitigan niya itong mabuti wala padin nagbago dito, maganda parin ito maliban nalang ngayong sa galos nito sa braso at mukha may benda ito sa diddib dahil sa mga bubug na bumaon duon kaya kinailangan pang tahiin may benda rin ito sa braso kung saan bumaon ang dalawang bala kaya nahirapan ang Doctor na tanggalin, dahilan ng pagtagas ng maraming dugo dagdag pa daw ang mabagal na padala dito sa hospital. Ayun sa Doctor kung natagalan pa daw baka kung ano na ang nangyari dito. Naka oxygen parin ito may swero din ito. Baka daw abutin ng dalawa hanggang tatlong araw bago ito magising ayun sa Doctor nito. Nailipat na ito sa isang private room kaya naman nakapasok ng lahat ng kaibigan niya samantala siya nakahiga parin sa kama katabi ng kama ni Anne. Lahat ng kaibigan niya kinakausap si Anne kahit alam ng mga itong hindi sila maririnig nito. Hawak-hawak ni Kalev ang kamay ni Anne habang kinakausap ito na para bang naririnig siya nito, kaya naiinis siya. Siya dapat ang gumagawa nun pero wala na siyang karapatan pa dito. Nakarinig sila ng mahihinang katok sa pinto tsaka dahan-dahan yun bumukas inuluwa nun si Susan ang kanilang kasambahay kasunod nito si Mang Pedring ang driver ng Daddy niya. May dala ang mga ito na mga paper bag na malalaki. "Good evening po sir sa inyong lahat. Ipinadala po ng Daddy niyo sir Dominic mga pagkain para daw po sa inyong lahat." pahayag nito at isa isang inilabas ang mga dalang pagkain meron din mainit na sabaw ng nilagang biyas ng baka. Dahil gutom na sila nag kanya-kanya na sila ng kuha ng plato, kanya kanyang sandok. Tumayo na din siya dahil kanina pa siya nanghihina dahil din sa dugong nawala sa kanya. Makalipas ang mahigit isang oras natapos din silang kumain nagpaalam na din ang iba pa niyang kaibigan may gagawin pa daw ang mga iyon si Kalev naman ay nagsabing siya ang magbabantay kay Anne ngayong gabi. "Dominic kaya mo bang umuwing mag-isa, may sasakyan kaba? kaya mo bang mag-drive?" May pag-alalang tanong ni Paulo sa kanya. "Oo kaya ko naman, okay nako" sagot niya dito. Kaya lumapit na siya sa kama ni Anne, hinawakan niya ang isang kamay nito. "Anne wake up na Cassey is waiting for you sweetheart." kausap niya dito habang titig na titig sa mukha ng dating asawa. Hinalikan pa niya ang kamay nitong hawak niya, kasunod nuo'y hinalikan din niya sa noo si Anne bago pa niya tinalikuran ito. Napansin niyang tiningnan siya ng masama ni Kalev pero wala na siyang pakealam dito, siya ang nauna kay Anne naging asawa niya ito. . . . . ............................................................please follow my account and add my stories in your library.. ....thanksguys... ......."Lady Lhee".... ........loveuguys....lrs.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD