"Mga bobo ang tatanga ninyo isang tao lang pinaliligpit ko sa inyo hindi n'yo pa nagawa ng maayus, babae lang yun. Nalagasan pa kayo. Ngayon problema pa yun iba, kung paano ngayon ipagagamot yan? Saan kayo kukuha ng Doctor hindi naman pwedeng dalhin yan sa hospital. Malaman sa mga oras n'to nililibot na nila isa-isa ang mga hospital." sigaw ng isang lalaki habang tinututok ang dulo ng baril nito sa mga tao sa harap niya. Kita naman sa mga mukha ng mga ito ang takot na baka kalabitin ng pinuno nila ang gatilyo ng baril na hawak nito na hindi alam kung kanino itatapat ang pinakadulo. Alam nilang nagalit ito dahil hindi nila mapuruhan ang target nilang tao.
"Aauugghh" daing naman ng isang kasamahan nila na kumuha ng attention nila habang ang dalawang palad nito ay nakatukop sa isang hita na walang tigil sa pagdaloy ng masaganang pulang likido. At kung magpapatuloy ito sa ganuon kalagayan may posibilidad na maubusan ito ng dugo na maging sanhi ng pagkamatay nito.
"Mananagot tayo n'to kay boss, ang dami-dami n'yo puro kayo walang silbi. Ako nanaman ang pagbubuntonan ng galit nuon. Kilala naman n'yo kung paano magalit yun mga yun, walang patawad, walang awa basta pagkakaperahan." litanya niya at nilingon ang mga tauhang sugatan na kanina pa dumadaing.
"Boss hindi naman namin alam na may mga body guard pala yun target." ani ng isang tauhan niya.
"Oo nga boss mukhang bihasa sa pagbaril yun bantay." sabad naman ng isa pa.
"Magaling nga boss sharp shooter sa ulo ang tama ng mga natigot, sino naman hindi matatakot kung ganuon kalaban mo." sang-ayun ng isa pa.
"Sige na gamutin niyo na mga kasama n'yo at humanda kayo sa parusa ng big boss." utos niya sa mga tauhan. "Bumili kayo kung anong kailangang gamot nila" dagdag pa niya. "Kailangan natin magpalamig muna at mainit na tayo sa batas ngayon." anito.
Pag kagaling ko sa hospital kagabi dumeretso pa ako sa bar para uminum trying to ease the pain. Hanggang ngayon naninikip parin ang aking dibdib. Hanggang tanaw nalang ako. Dapat ako ang nag-aalaga sa kanya. Totoo ngang nasa huli ang pagsisi. Alam ko rin ako ang pinaghihinalaan nila sa nangyari kay Anne pero hindi ko kayang gawin iyon. Kahit walang nagsalita sa kanila mababakas ko naman sa mga mukha nila na may pagdududa lalo na si Kalev na masama na ang tingin sakin simula palang ng dumating ako sa hospital. Hindi ko sila masisi dahil na rin sa mga ginawa ko kay Anne nuon.
"Dominic tinanghali ka yata ngayon." bungad ni Daddy sakin nasa likuran nito si Bernadette. Kaya nabalik ako sa wisyo.
"Masama kasi pakiramdam ko." sagot ko at inabot ang tasa ng kapeng nasa ibabaw ng mesa.
Totoo naman masakit ang ulo ko dahil sa hangover. Dahil napadami rin ng inum ko kagabi buti at nakapag-drive pa ako ng maayus pauwi. Gusto ko lang naman makalimot kahit sandali lang malimutang wala na ang babaeng una at tapat kung minahal, meron ng nagmamay-aring iba sa kanya.
"Papasok din ako Dad iinum lang ako gamot" dagdag ko pang wika nagpatango-tango naman si Dad masama naman akong tiningnan ni Bernadette.
Pumasok ako sa aking opisina pero lumilipa ang isip ko. Gusto kung malaman ang kalagayan ni Anne wala akung mapagtanungan kung ayus naba siya. Gusto ko siyang puntahan pero hindi pwede anduon si Kalev mas may karapatan siya ngayon. At hindi nila ako papayagang makalapit kay Anne ng matagal dahil maraming mga matang sumusubaybay sa bawat kilos ko.
Matamang pinagmamasdan ni Kalev si Anne may mga sugat ito sa katawan mayroon din sa mukha nito. Marami ng sinakripisyo ito para sa kaibigan nila dahil alam niyang hanggang ngayon mahal na mahak pa rin nito ang dating asawa nito, at walang makakapantay dito o makahihigit pa. Pero hanggang kailan kaya ito mag titiis sa sakit na dulot ng dating asawa at ng pamilya nito. Hanggang kailan kaya ito magigising sa katotohanang hindi na maibabalik pang muli ang pag-ibig nila sa isat-isa lalo ngayon ikakasal na ito sa iba.
Nanghihinayang siya sa sinapit ng relasyon ng mga ito. Saksi siya kung gaano kamahal ng dalawa ang isat-isa kaya nga nagparaya siya noon. Naniwala kasi agad si Dominic sa mga maling akosasyon, mas pinaniwalaan pa nito ang iba kasya sa sariling asawa. Kung nakinig lang si Dominic noon sa payo naming magkakaibigan hindi sana hahantung sa ganito. Kung hindi sana nanaig ang sobrang selos niya. Baka masaya silang namumuhay ngayon kapiling ang mga anak nila.
"Kumusta na siya Kalev? Ano na lagay niya?" tanong ni Aling Leticia sakin pagpasok palang niya sa kwartong inaakupa ni Anne na hindi ko namalayang dahil sa lalim ng mga iniisip ko.
"Wala parin pagbabago, hinihintay nalang na magising na siya. Normal namam daw vital niya." sagot ko. Nagpatangutango naman siya. Alam kung nag-aalala din ito dahil ito ang tumatayung ina ng apo niya.
"Ako na ang magbabantay sa kanya pwede ka ng umuwi ng makaligo ka at makapagpahinga naman. Mukhang hindi kapa nakakatulog." sàad nito. Totoong wala pa siyang tulog dahil binantayan niya talaga si Anne at baka may sumalisi.
"Sige po may mga aayusin din ako. Kayo na bahala dito, tawagan nalang niyo ako kung may problema." aniko at nagpaalam na dito minsan pang sinulyapan ko si Anne na payapang natutulog. "Anne pagbalik ko dapat gising ka na diyan" kausap ko kay Anne. Tumalikod nako at lumabas ng pinto. Gusto ko ng umuwi dahil antok ng antok na din ako.
(***)
Hindi ko parin lubos maisip kung bakit kailangan sapitin ni Anne ito. Sobra-sobra ng paghihirap ang dinanas niya sakin dapat matapos na ito. Sakin nagsimula ito kaya dapat sa aking din matatapos. Ako ang lulutas nito. Gagawin ko ang lahat para sa ikatatahimik namin lalo na para kay Cassey. Kaya hinugot ko ang cellphone saking bulsa.
"Nagawa mo naba yun inuutus ko sayo kahapon?" tanong ko agad bago pa siya makapagsalita.
"Yes Sir as your instructions an..." sa narinig kong sinabi niya ibinaba ko na agad at hindi na tinapos pa ang sasabihin niya.
Nakapag desisyon na ako, masakit man sa loob ko dapat tanggapin kong lahat dahil hindi lang ako ang nahihirapan madaming tao na ang nadadamay. Hindi dapat naiipit sa ganitong gulo ang anak namin. Sa murang edad niya tama lang na nasa pangangalaga siya ng kanyang ina. Hihiramin ko nalang siya at ibibigay lahat ng pangangailangan nila.
"Ipapaubaya ko nalang si Cassey sayo sweetheart, bigyan mo nalang ako ng karapatan bilang ama ng anak natin." bulong ko sa kawalan habang nakatanaw sa hardin. Ito na siguro ang tamang gawin upang mabawasan ang paghihirap namin dalawa. Hindi na ako umaasa pang magkakabalikan kami dahil pag-aari na siya ng iba.
Tatlong buwan bago ma-realise ang DNA test result alam kung makaka-attend na ng hearing si Anne dahil ayun sa Doctor wala ng problema kay Anne nagpapalakas nalang ito.
Pag-pasok ko sa opisina ko tambak ang mga dukomento sa ibabaw ng lamesa ko na dapat kung pirmahan at i-review. Kailangan kung matapos ang mga ito. Kailangan ko rin puntahan ang bago naming project at hindi pwede nalang ipaubaya sa mga tao. Kailangan ko rin mag-ingat dahil hindi ko pa rin alam ang tumatakbo sa utak ni Sophia. Kailangan kung proteksyonan sila Daddy at Cassey.
Kinakabahan ako sa muli naming pagkikita makaraan ang halos apat na buwan, dahil na rin sa kalagayan ni Anne, kaya na-postpone ang aming hearing. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon parang may mangyayaring hindi maganda. Iba ang kutob ko, parang may masamang mangyayari kaya nilingon ko si Daddy na nakabihis na at handang-handa na.
"Dad ako nalang a-attend ng hearing para hindi kayo ma-stress at baka kung mapaano nanaman kayo." ani ko dahil tuwing may hearing isinusugud namin siya sa hospital, nag-aalala ako sa kalusugan niya. Hindi naman siya inaalagaan ni Mama Elena at ayoko nading siya pa ang mag-alaga at baka kung anung gawin niya malagay pa sa panganib ang buhay niya.
"Huwag kang mag-alala kaya ko hijo. Gusto kung anduon ako, gusto kung makita lahat ng nangyayari at marinig lahat kung ano ang katotohanan. Gusto kung masubaybayan lahat." aniya at alam kung hindi na siya mapipigil pa sa disesyon niya.
"Carol bihisan mo na si Cassey ihanda mo rin mga gamit niya. Ibabalik ko na siya sa Mommy niya. Sa van kayo sumakay at huwag kayung lalabas ng sasakyan hanggat hindi ko sinasabi maliwanag ba?" Mariing saad ko sa kanya.
"Sige sir." maikli niyang sagot. Nakita kung mukhang balisa siya. Marahil dahil babalik na si Cassey sa ina nito. At wala na silang mapaglilibangang alagain bata.
Nauna kaming dumating sa court room, wala pa halos tao, mga pulis at mga clerk lang ang mga pagala-gala. Natanaw ko na ang aming abogadong papalapit sa amin.
"Good morning Mr. Baxendale." dinig kung bati ni Atty. Fernandez kay Daddy paglapit niya dito.
"Good morning Atty. Fernandez. Mukhang napaaga yata kami ng dating ngayon." ganting bati naman ni Daddy kay Atty at nakipag-handshake pa.
"Actually nagpaunang sabi na ang kabilang kampo na mala-late daw sila ng kalahating oras dahil may emergency daw sila." dinig kong sabi ni Atty. Kaya kinabahan ako. Baka may masama nanaman nangyari kay Anne. "Maya-maya lang darating narin ang Doctor na may dala ng DNA test result. sinundo na siya ng mag-e-escort na mga pulis." anito dahil sa nangyari kay Anne kailangan daw i-secure lahat para hindi na maulit ang insidente.
Hindi nagtagal nakita ko naman paparating na sila Mama Elena kasama si Sophia na kita na ang umbok ng tiyan niya. Naka maluwang na white t-shirt itong kita ang kabilang balikat.
"Bakit mukhang yatang wala pa ang haliparut na babae, hanggang ngayon ba nasa hospital pa siya?" mataray na tanong ni Mama Elena ng makitang malinis pa ang kabilang side ng mga upuan na nagpa-init ng ulo ko nangmarinig ang pagtataray nanaman niya. Gusto ko sanang lapitan sila pero pinigil ko nalang ang sarili ko at baka kung ano pa magawa at masabi ko.
Ilang minuto pa ang lumipas bago dumating ang kampo nila Anne naunang pumasok ang babaing nagngangalan Letty kasunod niyon sila Alex nasa likuran niya si Anne na may arm sling pa sa kaliwang braso. Bakas parin sa mukha niya ang ilang sugat. Pero napakaganda pa rin nito kahit may mga galos sa noo.
Nang makapasok na silang lahat nag kanya-kanya na kami ng upo saming puwesto. Inayus na mga clerk ang mga bangko maging ang mga mic na gagamitin may nakalaan din para sa nasabing Doctor. Ang paglabas nalang ng judge ang hinihintay namin para masimulan na ang hearing at ang pagbasa ng DNA test result. Na sa palagay ko'y nasa loob ng brown envelope na hawak ng Doctor.
"Are you alright hijo?" tanong ni Daddy. Katabi ko siya sa upuan nasa kabila ko naman si Migz. Nasa likuran upuan naman umupo sila Sophia at Mama Elena.
"Yes Dad ayus lang po ako. Kayo ba Dad baka kung ano nanamang mangyari sa inyo niyan." aniko nangiti naman siya at umuling-iling lang.
Maya-maya pa'y bumukas na ang pinto at iniluwa na ang Judge kaya nagtayuan naman ang mga tao bilang respect sa Judge.
"The court is now in session" -Judge. Nang makaupo na ang judge sa kanyan upuan, ina-announce na umupo na ang lahat.
At nagsimula na ang talastasan ng mga abogado at ng magkabilang panig. Hanggang binigyan na ng daan ang pagbasa sa DNA test result kung may katotohan bang anak ni Mark Dominic Baxendale si Cassandra Carmela Baxendale.
Habang dahan-dahan binibuksan ng Doctor ang hawak nitong brown envelope. Halos hindi naman makahinga si Dominic sa magiging result.
Tumingin muna sa Judge ang Doctor bago inis-scanned ang mga mata sa mga tao sa palingid. Atsaka maingat na binunksan ang rectangular na white envelope hinugot ang puting papel sa loob at huminga ng malalim. Inayus pa muna nito ang salamin sa mata saka pinakatitigan kung anung nakasulat doon.
DNA paternity test result is....... 0.%.. you are not the father. diklara ng Doctor.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig sa narinig. Kaya umugong ang bulong-bulongan sa loob ng court room.
"Silent" isang salitang nagpatigil sa maingay na anasan ng mga tao kasabay nuo'y ang dalawang beses na pagpokpok ng wooden judge's gavel.
Dahil sa resulta ng DNA test na dismiss ang kasong child custody na isimampa ni Dominic. Pero hindi siya ligtas sa kasong isinampa ni Anne laban sa kanya ang Child a*******n.
"Son are you alright? Don't worry about that." ani ng Daddy niya at tinapik pa siya sa balikat.
Patayo na sana sila ng Daddy niya ng maglapitan ang mga pulis sa kinauupuan nila Sohpia.
"Miss Sophia Gomez you are under arrest sa kasong atempted murder. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used against you in a court of law. anunsyo ng police officer. Ganoon din ang ginawa kay Elena. Sabay silang dinakip ng mga pulis, sabay din silang pinosas ng mga ito kahit nagpupumiglas pa sila.
Nabigla din sila sa mga pangyayari kitang-kita nila kung paano pinosasan ng mga pulis sila Elena at Sophia. Maging ang kanyang ama hindi naka imik, pinagmasdan lang nito ang kaganapan.
"Daddy ayus ka lang ba" agad niyang tanong sa Daddy niya ng mahimasmasan siya.
"Huwag mo akung alalahanin alam kung mangyayari ito. Hindi ko lang inaasahang dito ise-serve ang warrant of arrest nila." malumanay na saad ng Daddy niya. "Ihanda mo rin ang sarili mo dahil sa kasong kinakaharap mo, ang kidnapping." dagdag pa nito.
"Dad pipiyansahan ba natin sila?" tanong ko kay Dad dahil mukhang hindi man lang siya nababahala.
"Para ano pa? Gagawa nanaman sila ng labag sa batas o baka mas malala pa ang gagawin nila. Sila ang nag-utos na patayin si Anne." aniya na ikinagulat ko.
"How did you know Dad?" takang tanong ko.
"May tumawag sakin nanghihingi ng perang pampagamot daw ng mga tao niyang nabaril. Mga tauhan daw niya ang nautusang ligpitin si Anne pero wala naman daw naibigay na pera ang nag-utos sa kanila kaya sakin humingi ng tulong kapalit ng pagtisgo nila sa isasampang kaso ni Anne." mahabang wika ni Daddy.
"Pumayag kayo Dad?" aniko. Nagtataka ako bakit parang kilala ni Daddy ang mga kriminal na magtangka sa buhay ni Anne.
"Bakit naman hindi katunayan naipagamot ko na ang mga tao nasa safety place narin sila naipalibing ko na din yun mga namatay binigyan ko din ng pera ang mga naulila nila." litaniya ni Dad.
Hindi ako makapaniwala sa mga sinabi ni Daddy. May alam din pala siya kaya pala gusto niyang nakasubaybay sa kaso.
"Tayo na Dad. Baka hinihintay na nila tayo. Baka naiinip na si Cassey." anyaya ko kay Daddy dahil isasauli ko pa si Cassey. Masakit para sakin ang nalaman ko pero wala akung magagawa at hindi ko mababago ang katotohanan. Napakasaya ko pa naman sa kaalamang may anak na ako. Pero naghuhumiyaw naman ang katotohanang hindi siya galing sakin. Kung ganun si Kalev ang ama ni Cassey. Kung hindi ito sino ang ama niya. Mga tanong sa isip kung hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Tanging si Anne lang ang makasasagot. Sino pa ba ang naka-relasyon niya noon.
Tumayo na ako at hinintay si Daddy kausap pa niya si Atty. Fernandez. Ayun dito hindi daw niya bibigyan ng abogado sila Sophia. Bahala na daw ang mga itong kumuha ng sariling abogado. Magpi-file daw ng divorce si Daddy na hindi ko inaasahang gagawin niya. Pero alam kung seryoso si Daddy sa mga sinabi niya dahil naniniwala siya sa mga isiniwalat ni Anne. At wala akung magagawa duon at kung sakaling may magustuhan ulit na ibang babae si Daddy susuportahan ko nalang siya para naman maging maligaya din siya.
...
.
.
.
.
.
........................................................
please follow my account and
add my stories in your library
........."Lady Lhee".........
.....thanksguys....loveu....lrs..