Matapos ang mahaba-habang dibatihan nawalan ng saysay ang isinampa niyang child custody at lumabas ang katotohanan. Alam kung masaya si Dominic na malamang may anak na kami pero nagkamali siya ng mga paratang at pag-angkin. Sana nagtanong muna siya. Para hindi na humatong sa ganito ayaw ko mang mangyari ito pero siya naman ang naunang magsampa ng kaso. Kung nakiusap lang sana siya baka nagkaintindihan pa kami pero kailangan din niyang panagutang ang mga kasalanan niya sakin. Siya ang unang nanakit at yumurak sa aking pagkatao kaya dapat lang na magbayad din siya sa mga nagawa niya sakin.
Gusto ko siyang pagbigyan sa kahilingan niya pero isa siya sa nanakit sakin ilang taong akung nagdusa sa piling niya. Ang akala kung langit sa piling niya na kasama siya hindi pala kundi impeyerno. Maging mesirable ang buhay ko sa poder niya. Mas pinaniwalaan pa niya ang iba at hindi man lang ako tinanong kung ano ang totoo. Wala siyang tiwala sakin puro kasinungalingan ng ibang tao ang pinaniwalaan niya. Ginawa niya akung busabus. Lahat ng pasakit ginawa niya saking binaboy niya ako pinagmukha niya akung tanga sa sarili namin bahay harap-harapan niya akung inalispusa maging sa harap ng mga babae niya. Kaya huwag mo akung sisihin kung singtigas na ng bato ang puso ko.
Paglabas namin ng bulwagan nakita ko sila sa isang itim na sasakyan nakayakap siya ng mahigpit kay Cassey nasa likuran niya ang Daddy niya may kasama pa silang dalawang babae na sa tingin ko'y isang nurse at naging yaya marahil ni Cassey. Kung sa ibang pagkakataon ko sila makikita ng ganito baka iba pa ang iisipin ko pero dito kami humantong.
Lumapit ako sa kanila at dinig ko ang mahinang hikbi ni Dominic. Mahigpit niyang yakap si Cassey, paano pa kung ang tunay niyang anak ang makaharap niya ano kaya ang gagawin niya, ano ang magiging reaksyon niya.
"I love you Sweetie, be a good girl. Always remember na mahal na mahal ka ni Daddy. Andito lang si Daddy para sayo." dinig kong litaniya niya sa pangitang ng mga hikbi niya. Alam kung napamahal na sa kanya si Cassey. Kilala ko siya kung gaano siya kabait sa mga bata. Yumakap at humalik din ang Daddy niya kay Cassey. Hindi naman kasi mahirap mahalin si Cassey dahil bibo siyang bata at pala ngiti.
"Anne pwede bang makiusap sayo. Pwede bang humingi ng favor?" hinging pakiusap ng Daddy ni Dominic ng makita niya akung nakatayo malapit sa kanila.
"Ano po yun?" tanong ko sa kanya matapos akung magmano at yumakap ng bahagya sa kanya na nakaugalian ko ng gawin sa kanya mula noon.
"Pwede bang mahiram si Cassey kahit paminsan-minsan lang." anas niya sakin na para bang ayaw niyang iparinig kay Cassey. "Napamahal na sa amin ang bata please.." pakiusap pa niya kaya nangiti ako sa tinuran niya.
"Wala pong problema idadalaw ko siya sa inyo kung kailan n'yo gusto." aniko kaya kita ko sa mga mata niya ang pagkislap ng kasiyahan.
"Mommy" sigaw ni Cassey pagkakita niya sakin at bumitaw siya kay Dominic.
"How's my baby?" aniko at niyakap siya ng mahigpit dahil na miss ko siya pero dinig ko ang mahinang pagdain niya kaya tiningnan ko siya at inilayo ko ng bahagya ang katawan niya sakin. "What? Did i hurt you? May masakit ba sayo?" tanong ko pero nakita kung nanubig ang mga mata niya kaya dinama ko kung mainit ba siya inusisa ko rin ang mga braso at katawan niya.
"Who did this to you? Tell me? who?" pasigaw kong tanong kay Cassey dahil sa gulat ng makita kung maraming pasa at kalmot sa katawan ito. Masama kong tiningnan si Dominic pero maging ito'y mukhang walang alam dahil kita kung nanlakit ang mga mata niya.
"Carol sinong may gawa niyan? Bakit siya nagka-pasa at sugat? Sinong may gawa niyan?" tanong ni Dominic na mukhang nagulat din sa nakita.
Bumaling ang mukha ni Carol sa paparating na babaing nagwawala kasama ang mga pulis. Kasunod din nito si Elena na nakaposas din. May escort din mga pulis. Kita sa mukha nila ang galit dahil sa mga nanlilisik nilang mga mata. Kasalanan naman nila kaya nalagay siya sa nakakahiyang sitwasyon ngayon. Alam kung malaking kahihiyan para sa pamilya Baxendale ang nangyari pero wala na akung magagawa pa dahil kailangan nilang magbayad sa mga kahayupan nilang ginawa sakin at sa pamilya ko.
Nangmakita ni Cassey si Sophia agad na isinubsub nito ang mukha sa leeg ni Anne na mukhang takot na takot at umiiyak. Kaya magaan niyang niyakap at hinagod ng banayad ang likod nito..
"That b***h!" angil ni Kalev na masamang nakatitig kay Sophia. Kaya sinugod ito ni Anne.
"Stop it Anne idagdag mo nalang sa ikakaso mo ang child abuse" ani Kalev ng akma niyang sasampalin si Sophia. Napigilan siya ni Kakev na sumunod sa kanya.
"Ipa-medico legal nalang natin, para may ibidensiya tayong pwedeng gamitin sa korte." ani Kalev at hinila na siya sa kamay.
"Humanda kang babae ka pagnakalaya ako. Mas matindi pa dito ang ipalalasap ko sayo." naghihisterikal na asik ni Sophia.
"Kung makakalaya ka pa dahil sisiguraduhin kung mabubulok na kayo sa kulungan lahat, kasama ang mga kaibigan mo dahil sa ginawa niyong kawalanghiyaan sa akin at pagpatay niyo sa mga anak ko ganun din ang iyong ina. Pinatay niyo ang mga anak ko. Tatlong anak ko ang pinag-tigi-tigisan ninyong pinatay." Sigaw ni Anne na ikinagimbal ni Dominic. Para siyang pinagsakloban ng langit at lupa sa mga binitiwan mga salita ni Anne. Bakit wala siyang alam sa nangyari sa dating asawa.
"Babe! Dominic tulungan mo ako kawawa ang anak natin. Ayaw kung manatili sa kalungan. Ayaw kung manganak doon. Tulungan mo ako para mapawalang sala sa inaakusa niyang puro kasinungalingan. Inosente ako walang katotohanan ang mga ibinibintang ng malading babaing yan. Wala akong ginawang masama sa kanya. Gusto ka lang niyang agawin sakin please babe help me." pagmamakawa pa ni Sophia.
"Marami akung ibidensyang magdidiin sa inyo. Kaya mabubulok kayung mag-ina sa kulungan kasama ng mga kaibigan mo. Pagbabayaran niyo lahat ng ginawa ninyong kasalanan sa amin." sigaw naman ni Anne kay Sophia bago pa ito naisakay sa mobile patrol car kasama si Elena.
"Hija humihingi ako paumanhin sa mga nangyari sa inyo. Wala akung alam kung ano bang nangyari sa inyo noon." hinging paumanhin ng dati kung biyanan hinawakan pa niya ang aking isang kamay, kita ko sa mga mata niyang talagang sincere siya.
"Wala naman po kayung ginawang masama sakin Tito napakabuti po ninyo sakin." aniko masyado siyang busy sa negosyo nila noon kaya wala siyang alam sa mga ginagawa ng asawa niya at ni Sophia.
Noong panahong sunod-sunuran pa ako sa bawat sabihin at iutos nila. Noong panahong hindi ko pa kilala ang tunay nilang ugali. Ngayon alam ko na ang totoo nilang kulay kaya huhubaran ko sila sa pagbabalatkayo nila at ipapakita ko kung anung uri ba ng pagkatao meron sila. Pagdudusahan nilang lahat ng mga kawalanghiyaang ginawa nila sakin at sa mga anak ko. Mga anak kung hindi man lang nasilayan ang liwanag ng mundo.
"Naiintindihan kita Anne kung bakit mo ito ginagawa huwag kang mag-alala nasa likod mo lang ako, susuportahan kita ano man ang iyong maging disesyon. At kung ano man ang kalalabasan ito." aniya.
"Maraming salamat po Tito." tugon ko sa mga sinabi niya. "Mauna na po kami kailangan ko pang madala sa hospital si Cassey para sa medical niya." dagdag ko pa at niyakap ko siya. Kita ko naman kilik ni Dominic si Cassey na para bang ayaw na niya bitiwan ito. Pero kailanga ko ng kunin si Cassey. Dadalaw pa kami sa Lola niya. Isa pa sa ikinasasama ng loob ko ang hindi pagkikita ng mag-lola dahil na rin sa kagagawan ni Dominic.
"Ihahatid ko na kayo sa sasakyan niyo." pagpiprisinta niya kaya napatango naman ako dahil hindi ko pa naman kayang kargahin si Cassey dahil sariwa pa ang sugat ko.
"Carol paki sunod yun mga gamit ni Cassey." dinig ko din utos niya. Kaya nagtuloy-tuloy nalang akung naglakad patungo saking sasakyan.
"Salamat nga pala at pasensiya na sa abala. Wala akung alam sa mga nangyari noon." ani Dominic na hindi ko man lang pinag-aksayahan lingonin siya sa tabi ko. "Pwede bang madalaw ko man lang si Cassey kahit minsan-minsan lang. Kung ok lang naman sa inyo." dagdag pa niyang pakiusap.
"Ihahatid ko nalang siya sa inyo, pero sa ngayon hindi pa pwede may aasikasuhin pa kami. Kailangan makita ng Lola niya si Cassey ngayon." aniko na tinangoan naman niya.
"Salamat" aniko matapos niya maisakay si Cassey sa sasakyan ko.
"I love you Daddy, mamimiss po kita Daddy. I'll tell to kuya Nicko and ate Anezia everything about you. You are a great Daddy in a whole world." mga salita ni Cassey na nagpagulat sakin, na sa mahikling panahong pananatili niya sa poder ng mga Baxendale ay minahal na niya ito ng todo. Kaya ibinaling ko ang paningin sa kanila, kita ko ang higpit ng yakapan niya na para bang ayaw na nilang maghiwalay na dalawa na kahit alam na ni Dominic na hindi niya anak si Cassey hindi rin nagbago ang trato niya dito.
Habang pinagmamasdan ko silang magkayakap at umuusal ng mga salitang pagpapaalam at mga bilin na dapat gawin hindi ko maiwasang hindi maluha. Naantig ang aking damdamin sa mga naririnig at nakikita sa dalawa. "Balang araw malalaman mo rin ang katotohanan. Pag wala ng mga hadlang satin. Sana hindi pa huli ang lahat." piping bulong ko. Alam kung darating din ang araw na kailangang sabihin ko ang lahat ng katotohan sa kanya. Dapat din niyang malaman ang totoo dahil may karapatan din siya. Kaya ayaw ko ding mawala ang koneksyon nila ni Cassey.
Pinahid ko na ang mga luhang naglandas saking pisngi at sumakay na sa kotseng hiniram ko pa sa bahay ampunan. Sinara ko na ang pinto nito indikasyon gusto ko ng umalis kami.
"Maraming salamat Anne ingat kayo." maikling bilin niya na tinanguan ko lang. Marahan kung pinausad ang sasakyan ko bago pa ako bumusina ng isang beses bilang pamamaalam din. Kita ko pa sa side mirror ang pagtaas ng isang kamay niya bilang tugon.
"Mom kailan po uli ako pupunta sa house nila Daddy." tanong na hindi ko inaasahan kay Cassey.
"Kailanga muna nating puntahan ang Lola mo kailangan ka nila doon anak." aniko.
"Mom how about my study? Nag-school na po ako." aniya na ikigulat ko. Oo nga pala ilan buwan na siya sa poder ng mga Baxendale. Nai-enroll na pala siya ni Dominic.
Nakikinig lang ako sa mga kwento ni Cassey sa mga gingawa niya sa mansyon ng mga Baxendale. Masaya siyang nagkukuwento maging ang mga kasambahay naging malapit na sa kanya.
"Madalas po si Daddy ang naghahatid sakin sa school, siya din nagsusundo sakin. Minsan naman si Ate Carol pag busy si Daddy sa office niya. Madalas din kaming mag-swimming ni Daddy. Katabi ko rin matulog si Daddy pag-gabi." pagkukuwento pa niya. Masaya siyang kasama si Dominic. Alam kung sabik sila sa isang ama kaya kahit madalas silang dalawin nila Kalev at Tyron iba pa rin ang pagkalinga ng isang tunay na ama.
"Hindi kaba inaaway ng Lola Elena mo doon?" tanong ko sa kanya dahil gusto kung malaman kung tinatrato ba siya ng mabuti duon. Dahil kung hindi idadagdag ko sa isasampang kaso ang hindi magandang pagtrato nila saking anak.
"She didn't talk to me or play with me, only Dad and Lolo." kita ko sa rear-view mirror na tumutulis pa ang nguso niya habang nagsasalita. Alam kung namang masama ugali niya ano pa nga bang aasahan ko sa kanya buti nalang hindi niya sinsaktan si Cassey.
"Simula sa monday si Mommy na maghahatid sayo sa school gusto mo ba yun?" tanong ko sa kanya.
"Yes Mommy." aniya na tuwang-tuwa. "What about Dad Mom hindi na ba ako uuwi sa bahay ni Daddy?" dagdag pa niya.
"Gusto mo bang pumunta sa Daddy mo?" tanong ko. Alam kung gusto niya kay Dominic. Dahil kanina uumiiyak siyang nagpaalam dito at halos ayaw na niyang bumitaw kay Dominic alam ko din napamahal na kay Dominic si Cassey.
"Yes Mom. I love Daddy. Gusto ko po kay Dad." aniya na para bang sabik na sabik siyang makita uli ito.
"Ok pagmaayus na ang lahat ihahatid kita sa bahay ng Daddy mo." aniko. Dahil yung ang pakiusap ng Lolo niya kanina. Next month alam kung birthday ni Dominic.
Pagdating namin sa hospital kita ko na sila Kalev na mukhang inip na inip na sa pahihintay samin.
"Bakit ang tagal niyo? Saan pa ba kayo nagpunta?" tanong agad ni Kalev sakin pagkalapit niya samin.
"Ma-traffic" pagdadahilan ko pa sa kanila para hindi na sila magusisa pa.
"Tayo na sa loob kanina pa naghihintay si Dra." ani Atlaz.
Matapos kuhanan ng mga kaukulang medical test si Cassey. Umalis na din kami agad. Pupunta pa kami sa Lola niya. Dahil bukas na ang libing nito ayun kay ate Letty. Sayang nga at hindi na niya uli nakausap pa ang Lola niya. Kasalanan ito ni Dominic kung hindi lang sana niya itinakas si Cassey di sana nagkausap pa ang mag-lola bago pa ito namaalam sa ibabaw ng lupa.
Ilang oras din ang magiging biyahe namin pero wala akung narinig kay Cassey kung di puro patungkol at papuri para kay Dominic. Kung anong ginagawa nila kung pano siya nito alagaan. Alam kung alam ni Cassey na hindi rin niya tunay na ama si Dominic alam ko rin sabik siya sa kalinga ng isang ama. At dito niya nakita ang pagiging isang ama ni Dominic sa kanya, kaya ganoun nalang niya minahal ito.
Darating din ang araw na makakasama din nila si Dominic. Pero ewan ko kung paano ko ipapaliwanag sa kanya kung sino ba talaga ang tunay niyang mga magulang kung sino ang kanyang tunay na ama. Paano niya tatanggapin ang katotohanang biktima ng hindi magandang pangyayari ang kanyang ina. At malabo ng makilala pa niya ang tunay niyang ama. Alam kung masasaktan siya pagnalaman niya ang hirap na sinapit ng kanyang ina noong nabubuhay pa ito.
"Pwede kang matulog muna Cassey. Para makapagpahinga ka naman anak." aniko dahil puro papuri nalang sa Daddy niya ang naririnig ko sa kanya.
"Mom hindi pa po ako inaantok. Pinatulog po ako ni Ate Carol kanina sa sasakyan." aniya. Carol pala ang pangalan ng yaya niya.
"Si Carol ba nag-aalaga sayo duon sa bahay ng Daddy mo?" tanong ko sa kanya.
"Yes po. Minsan si ate Susan. Si ate Carol din nagpapakain sakin. Minsan siya din katabi kung natutulog." aniya. Mukha naman mabait yun Carol kaya lang hinayaan niyang makalapit si Sophia kay Cassey kaya nasaktan ito. Dagdag kaso naman laban sa kanya ang ginawa niya mas mabigat na kaso 'yun dahil bata ang sinaktan niya.
Sisiguruhin kung mabubulok sila sa bingguan para hindi na sila makapaminsala pa ng ibang tao. Madami na silang sinaktan at pinatay ng dahil sa kasakiman nila sa salapi.
.
.
.
.
.
.
........................................................
..please follow my account and
..add my stories in your library
........."Lady Lhee".........
.....thanksguys....loveu....lrs...