Nakarating kami sa bahay ng lola ni Cassey bandang alas dos na ng hapon. Bumungad samin ang mga taong nakikilamay may kanya kanya sila lamesa, may umiinum lang ng kape at nagkukuwentuhan meron ding nagkakantahang mga kabataan at may mga kalalakihang naglalaro ng baraha sa bilogang lamesa sa gilid ng bahay, mayroon din kababaihan nagbabaraha sa isa pang lamesa. Kaya pumasok na kami sa nakabukas na tarangkahang kawayan. Sa may pinto palang makikita na ang mga korona ng patay na nakapila.
Hinila ko sa kamay si Cassey papasok sa loob ng bahay. Nakita ko naman nakaupo sa tabi ng kabaong si Ate Letty may kausap itong mga matatandang babae at ng makita kami kinawayan niya kamin palapit sa kanila.
"Magandang hapon po sa inyong lahat." bati ko nalang paglapit namin sa kanila. Ng mano naman ni Cassey kay Ate Letty.
"Eto na ba ang apo ni Manang Luisa?" tanong ng isang matanda.
"Oo ito na 'yung anak ni Carmela. Siya naman si Anne ang tumayung magulang ni Cassey." paliwanag ni Ate Letty sa mga kausap niya. Lahat naman sila ay ngumiti at binati ako.
"Ang gandang bata pala niya." komento naman ng isa. Kaya naupo nalang ako sa bakanteng bangko. At nakipagkwentuhan sa kanila. Matapos akung nag-alay ng kaunting panalangin sa mga labi ng lola ni Cassey. Naglabas naman ng maiinum ang isa pang matanda.
Mga kaibigan daw ng pamilya nila ang mga matatanda, ayun kay Ate Letty. Marami silang kwentong puro papuri sa namatay. Ganun naman talaga saka palang maalala ng mga tao lahat ng nagawa mong kabutihan kung kailang patay ka na at hindi mo na maririnig ang mga papuri nila pero hanggat nabubuhay pa puro lahat ng mga mali mo ang nakikita nila kung minsan kahit wala ka naman ginagawang masama sa kanila masama ka parin.
Habang lumalalim ang gabi dumadami naman ang mga taong nakikiramay dahil last night na daw kaya ganuon. May mga kumakanta din mga matatanda na kung tawagin nila haranista. Maya't maya din kami naglalabas ng mamimiryenda ng mga tao. May mga nagbubulontaryo din tumutulong samin para maghugas ng mga baso at tasa.
"Ate Letty patutulogin ko lang si Cassey" paalam ko dahil nalilibang narin si Cassey sa paglalaro sa ibang bata. Pero kailangan na niyang matulog maaga ang libing ng lola niya. Tumango naman ito kaya pumasok na kami sa isang kwarto.
Matapos ang libing ng Lola ni Cassey nag-stay pa kami dito sa bahay nila. Maliit lang ito may dalawang kwarto at isang banyo may maliit din kusina na natatabingan ng kurtina ang pinakapinto. Pero maluwang ang lupang sakop nito, kalahating hektarya mahigit ito may mga taniman ng mga gulay at saging sa likod.
Alam kung balang araw mapupunta ito kay Cassey dahil nakapangalan ito sa tunay niyang ina at hawak ko ang mga dokumento, sakin ipinagkatiwala ng Lola niya. Dito rin titira si Ate Letty dahil wala naman ibang titirhan ito. Bibigyan ko nalang siya ng pangkabuhayan niya. Hindi tulad ng nabubuhay pa ang Lola ni Cassey buwan-buwang ko sila pinadadalhan ng perang panggastos at pambili ng gamot ng matanda. Alam kung masaya na siya ngayon at kasama na niya ang nag-iisa niyang anak.
"Kumain na muna kayo Anne pakainin mo na si Cassey. Gusto ko munang magpahinga, napagod ako." anito at pumasok na sa silid niya. Kaya nagtungo na ako sa kusina para ipaghanda ng pagkain si Cassey.
Bago kami umalis sa bahay ng Lola ni Cassey kinausap ko munang mabuti ni Ate Letty kung anung dapat niyang gawin dahil nag-iisa nalang siya dito. Matapos kaming magkasundo sa nga napag-usap namin magpa-alam na kami alam kung matatagalan pa bago uli niya makita si Cassey.
Isang bagong araw nanaman ang aming kakaharapin. Isa na ang laban sa mga Baxendale. Kung ako lang ang masusunod lahat sila gusto kung mabulok sa bilangguan pero ayaw ko namang dumating ang araw na ako naman ang kamuhian ng mga anak ko. Kaya limitado lang ang pwede kung isampang kaso sa Daddy nila.
"Gusto mo bang kumain muna tayo?" tanong ko kay Cassey na abalang nakamasid lang sa dinadaanan namin.
"Yes Mom. Pwede po pizza nalang" aniya. Mahinig sila sa pizza madalas yun ang kinakain nila.
"Ok sa mall nalang tayo pumunta. Ok lang ba yun?" tanong ko sa kanya. Dahil sa bahay ampunan lang kami tumutuloy ni Cassey.
"Yes Mom." maiksing sagot niya sakin.
Nang maipark ko na ang sasakyan namin lumabas na ako bago ko pa pagbuksan ng pinto si Cassey. Tumuloy na kami sa loob ng mall upang maghanap ng pwede namin kainan ng pizza na request niya. Pagpasok palang namin kita ko marami din kumakain pero ilang nalang nakapila kaya alam kung makaka-order kami agad.
"Hanap na tayo ng table natin at wait nalang natin yun order natin" aniko, kinuha naman sakin ni Cassey yun number namin. Malapit sa glass wall kami nakakita ng bakanteng mesa. Hindi pa kami nagtatagal makaupo ng bigla nalang tumayo si Cassey kaya nagulat pa ako sa ginawa niya.
"Daddy!" sigaw niya at nagtatakbo ng patungo sa may pinto. Habang nakamasid lang ako. Agad naman kinarga ni Dominic ito nangmakalapit sa kanya at pinupog ito ng halik. Nakita kung may kasama itong dalawang babae na hindi ko naman kilala. Nakita ko rin lumingon siya sa gawi ko at nagtama ang aming paningin kaya yumuko nalang ako dahil hindi ko kayang makipagtitigan sa kanya.
"Can i join with you?" tanong niya ng makalapit na sila ni Cassey.
"Yes Dad you can seat here." agad naman anyaya ni Cassey kaya wala na akung nagawa kundi pagmasdan nalang silang dalawa. Pero kita kung hindi pa siya umuupo at nakatingin lang sakin kaya tumango nalang ako.
"Kumusta na kayo?" bungad niyang bati sakin nangmakaupo na siya.
"Saan na yun mga kasama mo bakit mo iniwan?" balik tanong ko sa kanya dahil nakita kung may kasama siyang dalawang babae nakahawak pa nga sa braso niya yun isa. Nakita ko naman nagkamot lang siya ng leeg niya na ugali na niya noon pa sa tuwing may tinatanong ako sa kanya na hindi niya masagot ng diretso. "Dapat hindi mo iniiwan ang mga kasama mo nakahiya sa kanila." dagdag ko pa at inirapan siya.
"A-ano l-lang yun kasi mga kakilala ko lang" nauutal niyang saad. Kaya tinaliman ko nalang siya ng tingin. Sakto naman dumating ang order namin.
"Excuse me pwede bang pa-add pa ng order?" aniya sa crew na nag-served ng order namin.
"Yes sir, pwede sir. Ano pa po ang i-add nila?" mabilis naman sagot ng female crew na nagpa-cute pa bago nagsulat ng order ni Dominic. "Make it fast please." dagdag pa niya sa crew.
Habang kumakain kaming tatlo parang bali wala ako sa kanila hindi nila ako pinapansin, sila lang ni Cassey nag-uusap, minsan sinisubuan pa ni Dominic si Cassey. Kaya napapairap nalang ako sa lalaking kaharap ko.
"Ayus na ba yan sugat mo. May masakit pa ba sayo?" sunod-sunod niya tanong sakin habang titig na titig siya sa mukha ko. Kaya inikotan ko nalang siya ng mga mata. Ano bang pakialam niya sakin hindi naman ako magkakaganito kung hindi sa pamilya niya. At huwag niyang sabihin concern siya sakin ngayon.
"Huwag kang mag-alala kayang-kaya ko pa kayung harapin kahit saan pa tayo makarating." pang-aasar kung turan sa kanya kaya napayuko naman siya at natahimik nalang.
Malaki na ang pinagbago niya ngayon hindi na siya ang dating Dominic na minahal ko noon. Nag mature na siya mas lalo pang lumaki ang katawan niya. Mas lalo din siyang naging gwapo ngayon. Kaya marami paring nahuhumaling na babae sa kanya. Yun nga lang hindi na yata siya nagse-shave ngayon. Kaya mas lalo pa siyang naging kaakit-akit sa mata ng mga kababaihan. He's so hot and yummy. "damn." mura ko sa isip ko. Dahil parang mas masarap siyang humalik ngayon may stubble siya. Sayang hindi na siya sakin. Pag-aari na siya ng iba at hindi narin magiging akin. Tanging mga anak ko nalang ang dahilan kung bakit ko pa siya kinakausap dahil kailang niyang malaman ang totoo. At ayaw kung ipagkait sa kanila ng mga anak ko ang pagkakataon magkakilala sila, may karapatan ang bawat isa sa kanilang malaman kung ano ang totoo. Gusto ko rin makilala ng mga anak ko ang tunay nilang ama.
"Nasaan na yun mga babaing kasama mo?" tanong ko nalang dahil kita ko ang paglamlam ng mga mata niya. Dahil kanina ko pa siya pinagpapantasyahan kung kailang hindi na siya sakin. Siya ang aking first love siguro siya na din ang last. Dahil kahit minsan hindi pa ako magkagusto sa ibang lalaki. Pero siya ipinagpalit niya agad ako sa iba. Itinapon din niya ako para lang sa iba.
"Hindi ko alam, sabi ko kasi Misis kita. Kaya ayun umalis na siguro." sagot niya sa sakin at nagkibit pa ng balikat. Pero inirapan ko lang siya. Kung sana ganito kami noon baka natuwa pa ako. Iba na ang setwasyon namin ngayon. May kanya-kanya na kaming mundong ginagalawan.
"San na kayo papunta ngayon?" tanong niya ng makita niya kinuha ko na ang bag ko.
"Mom pwede po mag-rides tayo?" paglalabing naman ni Cassey.
"Ok Sweetie let's go, saan mo ba gustong sumakay?" agad naman tanong ni Dominic at hinila na sa kamay si Cassey palabas kaya wala akung nagawa kundi ang sumunod sa kanila.
Palundag lundag pa si Cassey habang naglalakad kami magkahawak kamay sila ni Dominic nakasunod lang ako sa kanila. Paano pa kaya pagnalaman niya ang totoo. Magagalit kaya siya o matutuwa. Pero iba na ang sitwasyon ngayon magkalaban na kami maraming atraso ang pamilya niya sakin maging siya man ay may atraso sakin na dapat niyang pagbayaran sa batas para hindi naman nila ako inaapi. Hindi na ako ang dating mahinang babae na walang ginawa kung hindi sumunod sa lahat ng sinasabi at inuutos niya. Natuto na akung makipagsabayan at lumaban. Hindi na rin ako papayag na apihin nila.
Pagdating namin sa mga amusement center naglaro pa sila ng basketball na isa sa baporitong laro ni Dominic, sa dami yata ng hinagis na bola ni Cassey kahit isa wala itong nai-shoot, kaya si Dominic nalang ang naghagis ng bola na lahat naman nai-shoot kaya todo palakpak ni Cassey. Nangmapagod na sila sa mga rides naman sila nagpunta. Napili nila ni Cassey na sumakay sa bum car at carousel.
"Anne sama ka samin sakay ka din." yaya pa ni Dominic pero umiling lang ako. "Sige na Anne sama ka samin." pamimilit pa niya.
"Hindi na dito nalang ako, hihintayin ko nalang kayo." aniko at umupo na sa bench malapit sakin. At pinagmasda silang masayang naguusap habang nagtatawanan.
Hindi ko na inaasahang mag-kikita pa kami ng ganito ni Dominic siguro pagdating ng araw kaya ko ng sabihin ang totoo sa kanya at sana huwag naman niya akung sisihin dahil kasalanan din naman niya ang lahat kung bakit nangyari ito sa amin. Mas binigyan pa niya ng pagpapahalaga ang ibang tao kaysa sakin na asawa niya. Kung hindi sana siya naniwala sa ibang tao masaya sana kami ngayon kasama ng mga anak namin.
Hapon na ng matapos sila kaya niyaya ko ng umuwi si Cassey. Para makapagpahinga na siya alam kung pagod na sila.
"Saan ba kayo tumutuloy ngayon sa bahay ba nila Kalev?" tanong niya kaya papataas ang kilay ko sa tinuran niya. May dala ba kayung sasakyan?" dagdag tanong niya ng hindi ko sinagot ang tanong niya.
"Meron kaming sasakyan." aniko. "Salamat sa pagsama kay Cassey. Naabala ka pa tuloy namin." dagdag kung wika.
"Wala 'yun kung para kay Cassey handa akung gawin lahat mapasaya lang siya. Sana huwag mo naman siyang ipagdamot sakin. Sana kahit minsan makasama parin namin siya." pakiusap na niya.
"Huwag kang mag-alala idadalaw ko siya sa inyo paminsan-minsan." Aniko na ikinaliwanag ng mukha niya. Kaya napangiti ako ng lihim.
"Nasaan ba ang sasakyan mo ihatid ko na kayo." aniya dahil karga niya si Cassey na mukhang napagod sa paglalaro nila. Kaya nagpatiuna na akung naglakad.
"Salamat sa abala. Sana huwag kang magsawa sa magandang pakikitungo kay Cassey." aniko. At binuksan ko na ang pinto ng kotseng ginagamit namin. Isinakay na niya sa back seat si Cassey.
"Magiingat kayo" bilin niya matapos niya magpaalam at halikan si Cassey. "Aasahan ko 'yun pangako mong idadalaw mo siya sa bahay, sana araw ng sunday para makasama ko rin siya." dagdag pa niya bago ko nairasa ang pinto kaya tumango nalang ako. At baka kiligin pa ako sa mga sinasabi niya.
"Mom kailan ako pupunta sa bahay nila Daddy sa sunday ba?" tanong agad niya Cassey sakin pagpasok ko ng sasakyan.
"Gusto mo ba sa sunday punta ka sa house nila?" tanong ko nalang dahil nadinig niya ang pakiusap ni Dominic.
"Yeah gusto ko po." sagot niya agad.
"Sige sa sunday ihahatid kita sa kanila pero huwag kang malikot duon magbabait ka." bilin ko sa kanya. Alam ko naman hindi mahirap bawalin si Cassey.
Ngayon malapit ko ng makamit ang hustisya ng pang mamaltrato nila sakin matatahimik na din kami. Maging sila Nanay at Tatay. Buhay pa siguro sila ngayon kung hindi nila binigyan ng ikasasama ng loob ang mga magulang ko. Kailangan din mag-ingat ako alam kung maraming tauhan si Sophia na handang pumatay. At kayang-kaya nila akung patayin. Mapera sila at pwede silang kumuha ng hired killer para ipatumba ako. At pagnangyari 'yun siguradong makakalaya na sila at magdiriwang dahil wala ng sagabal sa mga plano nilang kasamaan sa kapwa nila. Mapapasa kamay na nila ang kayaman ng mga Baxendale.
..
.
.
.
.
.
.........................................................
please follow my account and
... add my stories in your library.
............Lady Lhee"...........
....thanksguys....loveu....lrs...