Alam kung birthday ni Dominic sa monday pero may pasok siya sa opisina ganuon din si Cassey may pasok din ito sa school. At ang pakiusap niya kung maaari araw ng linggo para walang pasok at makasama din niya si Cassey. Siya naman talaga ang gustong makasama ni Cassey. Kaya maaga palang pinagayak ko na si Cassey at alam kung excited na siyang madalaw ang mga ito dahil hindi kami natuloy ng nakaraang linggo. Madaming dumating na bisita sa bahay ampunan na kailangan naming istimahing mabuti dahil isa daw ang mga ito na malaki ang ino-donate sa ampunan at minsan minsan lang kung dumalaw ang mga ito.
Bago pa kami tumuloy sa mansyon ng mga Baxendale dumaan muna kami sa isang kilalang bake shop. Para may bitbit naman si Cassey sa pagdalaw niya sa mga ito.
Pagtapat namin sa gate ng mansyon ng mga Baxendale idinayal ko na ang numero ni Carol na nakuha ko nuong kasama niya si Cassey sa justice hall. Ilang ring na hindi pa siya sumasagot kaya naghintay pa kami ng ilang minuto para idayal ulit ang numero niya sa ikatlong pagring sinagot na niya ito. At halos mapasigaw siya sa tuwa at biglang na-cut ang linya. Kaya binuksan ko na ang pinto ng sasakyan namin dahil alam kung parating na siya.
At ng bumukas ang malaking gate malawak ang kanya ngiting nagmamadaling lumapit sa sasakyan namin kasunod niya ang isa pang babae kaya inalalayan ko na si Cassey na bumaba ng sasakyan. Tuwang tuwa silang nagyayakapan kaya naaliw akung pinagmasdan sila. Dahil sa maiksing panahon pagkakatira niya sa mga Baxendale maging ang mga kasama sa bahay kinagigiliwan siya.
"Bakit hindi niyo sila papasukin sa loob?" ani ng isang baritunong boses na kilalang kilala ko na kaya napabaling ang aking paningin sa kanya ganuon din sila Carol nakatayo siyang nakapamulsa ang mga kamay sa kargo short niya.
"Daddy!" sigaw ni Cassey ng makita siya at kumalas ng pagkakayakap kila Carol.
"Careful sweety. Don't run baka madapa ka." bulalas nito ng tumakbo palapit sa kanya si Cassey kaya malalaki ang hakbang na sinalubong niya ito. Agad silang nagyakap ng mapang-abut sila. Kahit alam naman nila sa isat isa na hindi sila magka-dugo pero para parin silang mag-ama kung magturingan.
Pinupog niya ng halik ang mukha ni Cassey na nagtatawa, para bang sampung taon silang hindi nagkita. Paano pa pagnalaman niya ang totoo. Nailing nalang ako sa mga nasasaksihan ko sa inaasal nilang dalawa.
"Anne halika pasok ka." anyaya niya sakin.
"Hindi na hinatid ko lang si Cassey may importante pa akung pupuntahan." aniko at akma ng sasakay sa sasakyan. "Susunduin ko nalang siya mamaya before six." dagdag ko pa.
"Hindi ka ba muna papasok? Nasa loob si Daddy." aniya kaya umiling nalang ako dahil hindi pa ito ang tamang oras para sa muli kung pagtapak sa mansyon na kung saan ilang beses din akung natulog sa kwarto niya. Nuong bago pa mangyari ang mga mapapait kung karanasan sa piling niya. Ilang block lang mula dito ang aming naging bahay nuon.
"Bye Baby." usal ko na ikinabigla ko rin. Kita kung napatuwid siya ng tayo. Kaya nakagat ko ang pangibabang labi ko dahil 'yon ang madalas kung sabihin sa kanya nuong bagong kasal pa kami pagpumapasok siya sa opisina. "Alis na ako. Huwag malikot anak." ulit ko nalang. Pasalamat din ako dahil hindi ako nautal sa pagsasalita. Agad na akung sumakay sa kotse, kita ko naman sa side mirror na kumaway ni Cassey maging si Dominic na wave ng kamay kaya bumusina nalang ako at pinausad na ang sasakyan at baka kung ano pa mangyari.
Kailangan kung makahanap ng pwede kung gawin stall kahit maliit lang para sa pinaplano kung pagbubukas ng jewelry shop. Dahil hindi pwedeng habang panahon iba ang nakikinabang ng mga designed ko. Kahit sabihin pang malaki rin ang ibinibigay nila sakin. Malaki rin ang utang na loob ko sa kanila. Pero sa tagal ko na sa kanilang naninilbihan alam kung nakabayad na ako ng utang ko. Alam kung nadoble ang profit nila mula ng ako ang naging designer nila. Maraming umo-order sa kanila na puro disigned ko. Siguro naman hindi na masama kung magsarili na ako.
Gusto ko ring magkaroon ng sariling pangalan. Hindi ko naman hinahangad na mapabilang ang pangalan sa mga sikat na jewelry designer na sila Suzenne Belperron at Elsa Peretti. Gusto ko lang magkapangalan sa larangang ng pagnenegosyo lalo na at lumalaki na ang aking mga anak. Kailangan ko rin tumulong sa bahay ampunan dahil utang ko sa kanila ang lahat.
Ihininto ko ang aking sasakyan sa isang mall kaya lang nagdadalawang isip pa ako dahil hindi ko alam kung alin bang mga mall ang pag-aari ng mga Baxendale ayokong madikit ang pangalan ko sa mga pag-aari nila hindi bale nalang ang mga anak ko huwag lang ako.
Pumasok ako sa loob at kita ko ang ganda nito. Marami rin mga tao ang naglisaw. Kaya nagladlakad pa ako at ng magsawa ako dahil nangangalay na din ang aking mga binti. Tumayo ako sa gitna at pinagmasdan ang kabuoan nito.
"Aaahh!" sigaw ko ng may bigla tumamang matigas na bagay sa likuran ko na muntikan kung ikatumba. Kaya nilingon ko ang aking likuran
"f**k!.. Damn!" Sigaw din ng isang dumadagundung na tinig.
"s**t!" bigkas ko dahil sa awkward na hitsura namin. Napasama pang lalo ang posisyon namin ng harapin ko kung anung matigas na bagay ang tumama sakin likod. Nasa dibdib ko na ang mukha ng isang estrangherong lalaki. "Ano ba?" muli kung sigaw sa mukha niya at malakas siyang itinulak palayo saking katawan kasunod ng isang malakas na sampal na pinadapo ko sa pisngi niya.
"Ikaw na nga ang may sala ikaw pa galit." Reklamo niya, kitang-kita rin ang pamumula ng kabilang pisngi niyang nasampal ko, dahil maputi ang makinis niyang kutis. Mukha siyang mayaman pero kung susuriin ang kasuotan niya mukhang simple lang, ripped faded maong jeans lang suot niya, itim na v-neck t-shirt na pinatungan ng itim na bomber jacket. "Halikan kita dyan eh." asik niya at akmang lalapit sakin ng umatras ako ng ilang hakbang paurung.
"Anung kasalanan ko? " sigaw ko na sa kanya. "Nakatayo lang ako dito, ng bigla mong isubsob 'yang pangit mong pagmumukha sa akin. Manyak!" dagdag kung sigaw sa kanya habang hinihimas pa niya ang pisngi niyang nasampal ko. Pinatitinginan na din kami ng mga taong nakapalibut sa amin.
"Oohh! Sayang ang gwapo nasampal lang."
"Wooww! Ang poging manyak"
"Gwapo niya."
"Yummy and hot."
"Baka asawa niya. Nahuli sigurong nangbabae."
"Iuwi mo na bro 'yan misis mo. Wag ka kasing nagpapahuli."
Mga komento ng mga taong makapaligid samin na hindi ko naman pinag-aksayahang lingonin.
"Kasalanan ko pa ngayon." reklamo niya. "Ito kasing mga ito nagkalat." paninisi pa niya sa mga undergarments na nagkalat sa may paanan namin.
"Ang laki mong tao tatanga-tanga ka, ni hindi ka tumitingin sa dinaraanan mo, alam mo namam palang lampa ka." angil ko sa kanya, at malakas ko siyang tinulak. Nagmamadali ko na siyang tinalikuran kahit dinig ko pang tinatawag niya ako.
"Miss!.. Miss!.. Sandali." sigaw niya pero dire-diretso na akung naglakad palabas ng mall.
Humihingal akung napasandal sa upuan ng sasakyan ko pagpasok ko sa loob. Hindi ko alam na may ma-e-encounter akung lampang tao, napatid sa mga inaayus na mga display, kung hindi ba naman siya isa't kalahating tanga.
Wala na akung nagawa kung hindi lumipat ng ibang mall para maghanap ng magandang pwesto. Disidido na akung maglagi dito, alam kung magiging tahimik ang buhay namin ng mga anak ko dito. Once na natapos ko ang misyon ko, at mapanagot ang mga may sala, safe na kami. Mawawala na ang mga balakid sa buhay namin. Mas masarap parin manirahan sa sariling bayan, mas madali rin akung makakaipon.
Wala naman akung pinirmahan kontrata sa mga amo ko, kaya walan akung magiging problema sakaling magbitiw na ako bilang jewelry designer nila, marami naman silang makukuhang designer na mas magagaling pa sa akin. Marami na akung nagawa para sa kanila. Ako naman ngayon ang gagawa para sa sarili ko. Alam kung mahirap sa umpisa pero kakayanin kung lahat alang-alang sa mga taong umaasa sa akin, at para sa mga anak ko.
Ilan mall pa ang ilibut ko, pero wala pa akung napipili, kailangan ko pang pag-aral ang mga rules and regulations nila, may mga requirements din na hinihingi sila. Madali lang naman i-produce ang mga kailangan nila. Ang rental ang hindi pare-pareho.
Kailangan ko pang paghandaan ang paghaharap namin ng mga Baxendale. Maraming akung pwedeng ilabas na tistigo laban sa kanila, maging ibidensiya meron ako. Nasayang lang mga pangarap namin na nauwi lang sa kalbaryo. Akala ko ako na pinakamasayang babae nuon ikinasal kami, akala ko lang pala.
.....................Flashback.............
"Bakit ba kasi nagmamadali kang makasal na tayo? Wala pa nga akung napapatunayan sa sarili ko." Nakasimangot kung tanong sa kanya. Sa tuwing magkikita kami iisa lang sinasabi niya ang kasal daw namin. "Kaga-graduate ko lang, mag-aasawa na agad ako. Baka naman pwede after five to six years pa bago tayo magpakasal, para ma-enjoy ko naman buhay dalaga." pangangatwiran ko sa kanya.
"What!" asik niya agad. "Sweetheart, Hindi man tayo kasal pero sakin ka na. Kaya gusto kung maging official na kitang angkinin, gustong-gusto na kita masarili." bulong niya sa punong tenga ko. "Mahal na mahal kita, Anne. Please let's get married baby and stay married. Have kids so instead of doing fun stuff on the weekend. Ang tagal ko ng nagtitiis na huwag kang angkinin, iningatan kita dahil gusto ko pagkasal na tayo atska kita aangkinin ng lubusan." pagsusumamo pa niya.
"Bata pa tayo Baby, baka naman pwede after three years pa." pakiusap ko sa kanya.
"Hindi ko na kayang magtiis Anne, baka magkasala na ako sayo. Tulad nalang ngayon gusto na kita masarili." anas niya na parang nahihirapan na siyang magsalita. Nakayakap lang siya sakin na para bang tatakasan ko siya.
"Baka hindi rin pumayag sila Tatay mga bata pa tayo." saad ko.
"Baby kakausapin ko sila, ipapaliwanag ko sa kanila lahat. Pangako hindi kita pababayaan lahat gagawin ko para sayo, para maging maligaya tayo. Bubuo tayo ng isang masayang pamilya, tayo ng mga magiging mga anak natin. I promise you that I will never leave you, I will always be here. Please marry me Anastacia Santos. Let's get married na." Napabuntong hininga ako sa mga sinasabi niya
Alam ko kung anung gusto niya, ramdam kung nagpipigil lang siya pero alam na alam kung gusto na niya akung masarili lalo na kung naglalambing ako sa kanya. Kaya kung minsan niyayakap nalang niya ako, hanggang yakap at halik palang kami dahil sinusunod niya ang mga pangako niya sakin, na igagalang at iingatan niya ako hanggang makasal kami.
"Kausapin nalang muna natin sila Nanay, baka kasi hindi nila tayo payagan." aniko.
"Dominic hindi ako makapapayag na isang hampas lupa lang mapapangasawa mo." asik ni Mama Elena ng sabihin kung magpapakasal na kami ni Anne.
"Kailan n'yo ba planong magpakasal na dalawa." sabad ni Daddy.
"Next month na Dad." tugon ko.
"Hindi siya ang nababagay sayo, kayaman mo lang ang habol ng ganuong klase ng babae." singhal ni Mama Elena.
"Hayaan mo na sila nasa wastong gulang na sila. Alam na nila ginagawa nila." ani Daddy.
"Mama Elena hindi ko naman hinihingi ang pahintulot mo. Sinasabi ko lang ang desicion kung pagpapakasal." aniko. Nuong pinakasalan ka ni Daddy hindi ko inalam ang background mo, kung may laman ba ang wallet mo o kung anung pamilya ba meron ka, na hanggang ngayon wala kang maipakita." mariin kung turan. Kaya hindi siya nakakibo.
"Dominic saan ka pupunta sama naman ako, naiinip na ako dito sa mansyo niyo." aniya. Hindi ko alam kung bakit dito pinatira ito ni Mama Elena, may sarili naman daw itong condo unit. Anak daw ito ng matalik niyang kaibigan na nakatira sa America.
"Pupuntahan ko fiance ko." maikli kung tugon. Pagpasok ko sa kotse ko, sumabay din siyang pumasok, kaya wala na akung nagawa.
"So siya pala ang girlfriend mo, tama nga si Tita hindi nga kayo bagay. Isang anak ng billionaire at isang gusgusin hampaslupa." panunuya niya.
"Stop it Sohpia." asik ko.
"Sorry Baby" hingi niya ng paumanhin sakin. "Let's go." aniya at hinila na ako sa kamay pero kita kung kumapit din ang babaeng kasama niya sa barso ni Dominic.
"Bakit, ayaw mo bang malaman niya kung anung ginagawa natin sa bahay niyo?" angil niya kay Dominic. "Hindi lang naman ganito ginagawa natin pag tayo lang dalawa." dagdag pa niya kaya napabitaw ako sa kamay ni Dominic.
"Sorry hindi ako makakasama, may lakad kami nila Nanay." pagdadahilan ko nalang dahil hindi ko alam kung anung nangyayari, at kung sino ang ang babaeng kasama niya, kung anung kaugnayan nilang dalawa. Nakayakap ang babae sa katawan niya, gusto kung umiyak sa nasasaksihan ko. Sa harapan ko pa sila nagyakapan. "Sige na Dominic mauna ka kayo hinihintay ko nalang si Tatay aalis na din kami." Pagtataboy ko na sa kanila dahil hindi ko na kayang nakikitang may makayap siyang ibang babae.
"Umuwi ka na." mariin asik niya sa babaeng tinawag niyang Sophia. "Wala tayung kaugnayan at huwag kang magpanggap na may ginagawa tayo. Dahil kahit minsan hindi kita nilapitan." Singhal niya dito at hinila na ako sa kamay. Wala akung nagawa kung hindi magpatianud nalang. Alam kung galit siya at hindi ko pwedeng kontrahin.
"Anne kaya naman kitang bigyan ng engranden kasal, pinag-ipunan ko na ito. Minsan lang naman tayo ikakasal." saad niya matapos magkasundo ang mga magulang namin para sa nalalapit naming kasal.
"Dominic sayang lang gagastusin natin, pwede na natin panimula yan." aniko. "Gusto ko lang talaga ng simpleng kasal, ang importate mahal natin ang isa't isa." pangungumbinsi ko pa sa kanya, at dinampian siya ng halik sa labi.
"Fine! Ganyan ka naman dinadaan mo sa halik pag may pinakikiusap ka sakin." busangot niyan asik sakin. "Saka mo lang ako hahalikan pag may gusto kang hilingin." saad niya.
............End of the Flashback.......
.
.
.
"Mom pwede po ba natin tawagan sila Kuya Nicko?" tanong ni Cassey na pumutol sa aking pag mumuni-muni ng nakaraan.
"Yes baby" aniko dahil kanina pa siya naghihintay, gusto daw niya makausap ang mga ito. Mahirap din kasi silang tawagan dahil may mga pasok sila sa school. Kailangan namin maghintay ng oras. Gabi dito araw sa naman sa kuya Nicko niya.
.
.
.
.........................................................
...please follow my account and
... my stories in your library.
............."Lady Lhee"............
..... thanksguys.....loveu.....lrs...