Episode XII

2729 Words
Iniwanan ko muna kila Sister si Cassey para harapin ang ang mga kalaban ko. Isa silang mayaman at maimpluyensiyang tao kaya mahirap silang kalaban pero kakayanin ko. Nasimulan ko na kaya kailangang tapusin ko na ito para matahimik na kaming lahat. Ito na ang araw na matagal ko ng pinakahihintay may takot man akung nadarama sakin dibdib pero kakayanin ko. Kailanga kung magpakatatag para makamit ang hustisya sa pagkamatay ng aking mga anak at ang pambababoy nila sakin. Sinira nila ang buhay ko, pinatay nila ang mga magulang ko. Katarungan ang kailangan ko para mapanatag ang aking kalooban pagkatapos nito mananahimik na ako at mananatili nalang kami sa ibang bansa ng aking mga anak. Lalayu nalang kami sa mga taong yumurak sakin pagkatao. Ang nag-iisang taong minahal ko simula nuon hanggang ngayon at wala ng makakapatay o makahihigit pa sa kanya pero pinagtabuyan niya akung parang hayop, ginawa niya akung basura dinurog niya ang puso ko at maging ang aking dangal. Kumampi siya sa mga demonyong may masamang hangarin sa kanya at pinaglayo kami. Pinagbintangan ng kung anu-ano na wala naman malinaw na basihan sa mga inaakusa niya sakin.           ..........Flashback............ "Anastasia!..." sigaw ng asawa ko na nagpakaba sakin dibdib dahil alam kung galit nanaman siya base sa paraang ng pagtawag at pagsigaw niya. Kaya nagmamadali akung lumabas ng kitchen para puntahan siya sa may living room. Sampal sa magkabilang pisngi ang sinalubong sakin ng asawa ko paglapit ko sa kanya at naglilisik ang kanyang matang nakatingin sakin.       "Hayop kang babae ka, talagang wala kang kasiyahan napakalandi mo talaga." sigaw niya sa mukha ko. "Hindi ka pa nakuntento sa isa  naghanap ka pa ng iba." dagdag pa niya at inudayan ulit ako ng malakas na sampal na nagpabiling sakin mukha.       "Tama na Dominic." umiiyak kung pakiusap sa kanya sapo ang aking pisnging nag-iinit dahil sa lakas ng pagkakasampal niya. "Ano bang ikinagagalit mo wala naman akung ginagawang masama." pangangatwiran ko pa sa pagitan ng pag-iyak.       "Hindi ko na kayang pakisamanhan pa ang katulad mong walang kasiyahan." sigaw niya na halos maglabasan na ang mga litid niya sa leeg. "Ayaw ko ng makikita ka pa dito, nandidiri  ako sa pagmumukha lumayas ka na sa pamamahay ko. Lumayas ka na dito at huwag na huwag ka ng babalik. Hindi ko kailangan ang tulad mong slut. Maghiwalay na tayo. Dapat pala nuon pa kita hiniwalayan."  Sigaw niya na nagpayanig saking pagkatao.        "Hindi ako papayag na maghiwalay tayo kasal tayo at mag-asawa tayo sa batas at sa mata ng Diyos." Pangangatwiran ko pa sa kanya habang humahagulgol ng iyak. Dahil hindi ko kakayanin malayo sa kanya.       "Sa ayaw at sa gusto mo pipirma ka sa Annulment ng kasal natin dahil hindi ko na masikmura ang kalandian mo." sigaw niya saking mukha matapos niya akung pagsasampalin ng ilang ulit. Kinaladkad din niya ako papasok sa library ng bahay namin kung saan siya naglalagi pag nasa bahay lang siya.       "No! Ayaw ko wala naman akung ginagawang masama lahat naman ng gusto mo sinusunod ko bakit kailangan humantong tayo sa ganito." umiiyak kung pagmamakaawa sa asawa ko. "Please pag-usapan natin ito ayaw kung magkahiwalay tayo Dominic, mahal na mahal kita. Parang awa mo na huwag mo sakin itong gawin." Pakiusap ko pa sa kanya na halos lumuhod na ako sa paanan niya.       "Mahal! Anong mahal put>***       "Aray! Dominic nasasaktan ako bitiwan mo ako." Tili ko dahil pakiramdam ko mababakbak na ang anit ko sa higpit ng pagkakahawak niya sa buhok ko.       At ng makapasok kami sa loob ng library pabalya niya akong binitawan buti nalang sa couch ako bumagsak at hindi sa sahig.       "Parang awa mo na ayaw kung maghiwalay tayo Dominic kahit na mag-uwi ka pa ng mga babae mo huwag mo lang ako paalis dito." pagmamakaawa ko pa sa kanya habang umiiyak. Gulo-gulo na din ang aking mahabang buhok dahil sa ginawa niya pagsabunot sakin pero balewala sakin yun ang importante huwag naman niya ako paalisin dito dahil wala naman akung ibang tutuloyan.       Masakit saking nakikita siyang may mga kasamang mga babae lalo na kung umuuwi siyang may kasamang babae at sa harapan ko pa sila gumagawa ng kahalayan katabi din niyang natutulog ang mga babae niya. Samantala ako sa quarter ng mga maid natutulog. Pag gusto lang niyang magparaus sakin saka palang ako makakapasok sa kwarto namin.       Lumuhod ako sa harapan niya at niyakap siya sa hita. Umiiyak akung nagmamakaawa sa kanya. Pero marahas niyang binaklas ang mga kamay kung nakayakap sa kanya at malakas niya akung itinulak palayo sa kanya.       "Please Dominic huwag mo naman akung ipagtabuyan. Parang awa mo na." pakiusap ko pa sa kanya sa pagitang ang aking mga hagulgol.       "Pirma!" sigaw niya sakin at binagsak niya ang isang ball pen sa ibabaw ng lamesa katabi nito ang ilang piraso ng mga papel. Kaya nagpailing-iling nalang ako at kasabay ng aking paghagulgol.        "No! Hindi ko kayang mawalay sayo. Ayaw kung maghiwalay tayo, mahal na mahal kita. Ikaw ang asawa ko Dominic at hindi dapat tayo maghihiwalay." usal kung pakiusap.       "Hindi ko na kaya ang kalandian mo nandidiri ako sayo sayang lang ang inukol kung pagmamahal sayo malandin ka." sigaw na niya sakin. "Pirma na bago pa kita masaktan ulit dahil hindi lang yang ang kaya kung gawin sa tulad mong busabus." sigaw niya ulit sakin.       "Please Dominic huwag naman ganito pag-usapan natin ito." pakiusap ko sa kanya.       "Hindi ko kailanga ang isang basura sa pamamahay ko. Isang kang walang kuwentang babae. Pumirma ka na at umalis na dito dahil hindi ka nababagay dito. Dapat sayo sa basurahan nakatira duon ka bagay." sikmat niya sakin at hinila niya ako sa palapulsuhan patayo palapit sa mesa kung saan nakalagay ang mga annulment papers.       Umiling lang ako ng ilang beses at tumingin sa mga mata niyang nagliliyab sa galit. Pero dinakot lang niya ang mahaba kung buhok at isinubsub niya ako sa lamesa.       "Pumirama ka na bago pa kita mapatay." mariin niyang singhal at ibinato sa mukha ko ang ball pen. " Pipirma ka ba o baka gusto mo pang lumpuhin muna kita bago pirmahan yan." pagbabanta pa niya sakin at binigyan pa niya ako ng isang malakas na sampal na ikinainit ng aking kaliwang pisngi kaya nag-uunahan nanaman umagos ang aking luha.       Wala akung nagawa kung hindi pulutin ang ball pen na nahulog sa sahig. Sa nanlalabong mga mata at nanginginig na kamay napilitan akung pumirma ng marriage annulment namin kahit labag na labag sa kalooban ko.       "Pipirma ka din pala pinahirapam mo pa ako." Pinatagal mo pa. Gusto mo talagang masaktan pa bago sumunod sakin." sikmat pa niya. "Ngayon lumayas kana sa pamamahay ko at huwag na huwag ka ng magpapakita pa sakin kahit kailang duon sa ka basurahan duon ka nababagay." angil na niya sakin at hinila na niya ako saking buhok palabas ng library hanggang pababa ng hagdanan na muntik-muntikanan kung ikahulog. Hilahila niya ako palabas ng bahay at nag mabuksan niya ang gate para akung isang basura na hinagis nalang siya palabas kaya napasubsub pa ako sa lupa.       Luha, sipon at pawis ang naghalo-halo na sakin mukha, nakasamburga na din ang mahaba kung buhok. Ni wala akung sapin sa paa ng itapon ako ng aking asawa. Unti-unti akung tumayo at dahan dahan naglakad papalayo sa bahay kung saan bumuo kami ng magagandang pangarap. Na nauwi din sa mapait na hiwalayan. Hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng aking mga paa na bawat makasalubong kung tao pinagmamasdan ako. Na kahit sinung makakita sakin iisip nilang isa akung baliw dahil sa hitsura ko.       Namalayan ko nalang na nasa tapat na ako ng dati kung eskwelahan nuon high school kaya lumapit ako sa may gate at naupo sa bench malapit dito at binuhos ko lahat ng aking luha na kanina pa walang patid sa pag-agus.    ..........End of the Flashback........ "Anne! Anne!" isang tinig ang nagpabalik sakin sa kasalukuyan. "It's alright, don't cry. Makakamit mo rin ang katarungan hinahangad mo. Andito lang kami hindi ka namin pababayaan." aniya at niyakap pa niya ako. Hindi ko namalayan napalakas na pala ang pag-iyak ko ng maalala ang sinapit ko sa mga kamay ng taong pinag-alayan ko ng buhay ko. Nilingon ko ang kabilang row ng upuan tanaw ko ang dati kung asawa malamlam ang kanyang mga matang nakatingin samin. Naramdaman kung mabining hinahagod ni Kalev ang aking likod dahil humihikbi pa rin ako sa pagbabalik ng mga ala-ala nagbigay sakin ng matinding sakin ng kalooban na halos ikamatay ko na nuon. Nagtayuan ang lahat ng tao sa loob ng court room ng lumabas ang judge bilang pagbibigay galang dito. At ng magsimula ang hearing unang magsalita ang mga abogado kasunod ng pagpapakilala ng kanilang kliyente at panunumpa ng mga ito, maging mga tistigo. Sa simula palang maugong na ang kampo nila Sophia matatalim nila akung tinititigan. Isa nalang ang kulang sa kanila. Nagbibitaw din ng mga salitang hindi maganda sila Sophia at Elena na para bang sanay na sanay silang gumawa ng iskandalo. Tinututulan din nila ang mga tistigo ko dahil wala na daw sa tamang pag-iisip dahil matanda na daw ang mga ito. At ang unang isinalang na tistigo ang aming dating kasambahay na naging malapit sakin na dati rin naging kaibigan nila nanay. Judge: Please proceed.. "Martha: Ako po ang isa sa kasambahay nila Miss Anne nuon, mahigit limang taon ng nakakaraan. Isang araw po nagpunta sila Miss Sophia sa bahay nila Miss Anne kasama po mga kaibigan niya at nagpahanda sakin ng makakain at maiinum nila. Nakita ko pong may dinukot sa bulsa 'yun isang kaibigan ni Miss Sophia na nakalagay sa isang sachet na plastic na parang pulbos, ihinalo po niya yun sa isang baso ng juice na ibinigay ko sa kanya tapos po tinawag nila si Miss Anne at pilit pong ipinainum 'yun juice na hinaluan nila ng parang pulbos. Pigil-pigil po nila si Miss Anne hangang hindi pa nauubus yun juice sa baso hindi po nila binitawan ito. "Hindi totoo yan sinungaling ka! Wala akung ginagawa laban sa babaing yan!" sigaw ni Sophia na nagpatigil sa pagsalaysay ng witness. "Objection your honor mukhang scripted po ang sinasabi ng testigo." sabad agad ng abogado nila Sophia. "Nuong nakita mong may inilay sa baso ng juice anung ginawa mo? Hindi kaba nagtanong kung ano ang klase ng powder ang ihinalo sa juice na ginawa mo? tanong abagado ng kabilang kampo. "Objections over rule wala po basihan ang pagtatanung ng kabilang panig." ani ng abogado. "Kung pwede lang hintayin natin matapos ang salaysay ng tistigo." dagdag pa nito. "Please proceed." maawtoridad na bigkas ng hukom. "Ituloy mo ang inyong pagsasalaysay base sa iyong mga nakita o nasaksihan nuong araw ng may naganap na panghahalay kay Miss Anne." utos ng abogado dito. Martha: Siguro may dyes minutos ang nakaraan ng nag-iba na po ang ikinikilos ni Miss Anne habang nagtatawan ang grupo ni Sophia. At agad po nilang hinubadan ni Miss Anne na ang tanging natirang damit lang ay mga underwear niya. Tinawag po nila yun isa nilang kasamang lalaki na nakikipag inuman, hinila po sila si Miss Anne malapit sa pool at duo nila inutusang yun lalaki na halikan si Miss Anne habang kinikuhan po ng video ni Sophia. Dalawang beses pong pinagawan ni Sohpia ng kahalayan si Miss Anne sa magkaibang lalaki. Nagtatawan po silang lahat nuon habang wala na sa sarili si Miss Anne. Marahil sa epekto ng gamot." "No! Hindi totoo yan hinding hindi ko magagawa ang binibintang ng matandan yan." sigaw ulit ng kampo ni Sophia na nagpatigil sa pagsasalaysay ng witness. "Please continue.." judge. "Martha: Yun pong lalaking inutusang nilang gawan ng kahalayan si Miss Anne mukhang na din pong nag-init dahil madami na din siyang nainum na alak malapit na po niyang maangkin ito kaya tumakbo po ang aking asawa para pigilan ang mga ito. Inilublub po ng asawa ko sa swimming pool si Miss Anne ng may kalahating oras para daw mahimasmasan ito." pagsasalaysay ng witness sa pagitan ng mahinang paghikbi nito. "Andito ba sa loob ng korte ang mga taong tinutukoy mo." tanong ng hukom. "Opo kagalanggalang na hukom." agad niyang sagot. "Maari mo bang itong ituro o lapitan kung sino ang mga taong ito." saad ng hukom. Kaya dahan dahan siyang tumayo at naglakad sa may gawin ng mga taong tinutukoy niya. "Sila po." duro niya sa apat na lalaki at mga babae. "Eto pong lalaking ito ang unang humipo sa katawan ni Miss Anne. Yan naman po ang pangalawa at halos angkinin na niya ito. Eto naman pong dawalang babaeng ito ang sapilitang naghubad kay Miss Anne. Wala po dito 'yun babaeng naglagay ng gamot sa inumin, yuon din po ang nagtanggal ng bra at nanakit kay Miss Anne. Eto naman po si Sophia ang utak ng lahat siya po nag-uutos sa mga kasamahan niyang lalaki na halayin at pagsawaan daw nila si Miss Anne. Ang sabi po niya "Sa inyo na yan at bahala na kayo kung anong gusto niyong gawin dyan, pagsawaan niyo na." yan po ang iksaktong sinabi niya" saad nitong halos panginigan na ng buong katawan dahil sa talim ng mga matang nakatitig sa kanya. "Sinungaling gawa-gawa mo lang lahat yan. Binayaran ka lang para maglubid ng kasinungalingan." tunggayaw ni Sophia habang ang mga kasama naman niya pawang mga nakayuko lang. Dahil sa mga narinig na salaysay mula sa dati nilang kasambahay hindi mapigilang may mamuong luha sa mga mata ni Dominic. Alam niya kung ano ang tinutukoy nito dahil may pinakitang videos nuon si Sophia sa tabi ng swimming pool at ang sabi mga kaulayaw daw na lalaki si Anne pag umaalis siya. Dalawang videos ang pinakita nito sa kanya sa magkaibang lalaki. Ibinaling niya ang kanyang mukha sa may kaliwa niya kung saan nakaupo ang mga kaibigan ni Sophia at pinakatitigan ang mga lalaking itinuro ng dating katulong nila. Tama nga ito ang mga lalaki sa video mas nag-mature na nga lang ang mukha ng mga ito kaya hindi niya masyadong namukhaan. Kaya hindi niya mapigil na naikuyom ang kanyang mga kamao nagtatangis din ang kanyang panga sa galit. Pero wala na siyang magagawa ngayon dahil isa din siya sa nanakit kay Anne pinaniwalaan niya lahat ng mga sinasabi ni Sophia, pinagtulong-tungan nila ito. Kaya ba suko hanggang langit ang galit nito sa kanya, sa pamilya niya. Gusto man niyang tingnan si Anne sa kinauupuan nito pero hindi niya magawa dahil wala na siyang mukhang maihaharap dito. Inosente ito pero pinarusan niya ito ng walang kasalanan. Muling niya pinakatitigan ang mga lalaki dahil napaisip siya kung may posibilidad na isa sa mga ito ang ama ni Cassey pero walang may pagkakahawig isa man kay Cassey dahil yun isa moreno ang kulay ng balat at itim na itim ang mata medyo kulot din ang itim nitong buhok. Yun isa naman maputi nga pero malayo naman ang mukha nito kay Cassey dahil maputi at makinis ang kutis ni Cassey matangus din ang ilong nito, mistisahin si Cassey na parang may lahing banyaga. Hindi na mapigilan ang paghihisterikal ni Sophia at pilit na itinatanggi ang mga paratang sa kanya maging ang mga kaibigan nito na halos magwala na sa galit at pilit na sinasabing wala silang alam sa mga inaakusa sa kanila ganuon din ang mga lalaki. Idagdag pa ang mga maaanghang na mga salitang binibitawan ni Elena. Maugong na rin ang bulong bulongan ng mga tao sa paligid. "Magsitahimik kayo!" maawtoridad na wika ng hukom at ilang beses itinuktok ang kanyang gavel. "Walang katotohanan ang binibintang ng babaeng yan samin. Gusto lang niyang agawin ang fiance ko." sigaw ni Sophia. Maging ang sarili nitong abogado hindi rin pinakikinggan tuloy lang sa pagwawala. At dahil sa kalagayan ni Sophia itinigil ang court hearing at ini-re -schedule sa susunod na linggo na ikinainis naman ng kampo ni Anne dahil sayang daw ang mga araw. Pinahahaba lang daw ang usapin. Kahit matibay at totoo naman naman daw ang salaysay ng mga tistigo. Nakamasid lang siya sa paligid alam niyang umiyak din si Dominic sa mga narinig sa dati nilang katulong dahil ito ang saksi sa lahat ng paghihirap niya nuon kaya nga itinago at sinuportahan niya ang pamilya nito ng makakuha siya ng mga ibidensiya na magdidiin sa mga taong lumapastangan sa kanya. At kung hindi pa sila maniniwala sa salaysay ng mga tistigo nila saka palang daw sila maglalabas ng mga ibidensiya ayun sa kaniyang abogado. Para maparusahan ang may sala. . . . ........................................................ ...please follow my account and ...add my stories in your library.. ............"Lady Lhee"............ ........thanksguys......loveu...lrs..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD