Natapos din ang ilang beses na court hearing kahit pilit nilang itinatangi ang krimeng nagawa nila. Nasa panig ko parin ang batas ako parin kinatigan. Umabot din ito ng ilang buwan dahil na rin sa kalagayan ni Sophia, hindi niya alintana ang ipinagbubuntis niya. Ni minsan daw hindi dinalaw ni Dominic. Napatunayan ko naman na lahat ng kaso kung isinampa laban sa grupo ni Sophia ay pawang may katotohanan at totoong nangyari.
Sa dami ng mga ebidensya naming inilabas ng aking abogado sino pa ba ang hindi maniniwala sa mga nakita nilang mga video footages. Kahit ipinagpilitan pa ng kabilang panig na pawang gawa-gawa lang ang lahat. Kaya para sa ikapapanatag ng lahat kumuha pa sila ng magagaling na IT expert para ipa-check ang mga video footages na inilatag namin. Kompleto ito, lahat maging ang oras at petsa. Iisa lang ang naging resulta ng pagsusuri pawang orihinal at walang indikasyon na may pandaraya sa mga nasabing videos.
Kitang-kita kasi sa video kung paano ako babuyin ng grupo ni Sophia. Tulad ng pahayag ng aming tistigo. Maging ang pagtulak sakin sa hagdan ni Elena na ikinahulog ko at naging sanhi ng pagkamatay ng tatlong buwang gulang kung anak sa aking sinapupunan kung paano niya ako pinagsisipa at tinadyakan hanggang sa duguin ako tsaka niya ako iniwang na humahalakhak, at ang p*******t din sakin ni Sophia at ng mga kaibingan niya ng malaman nilang buntis ako at sa ikalawang pagkakataon muli nanaman akung nawalan ng anak.
Lahat ng yun buhay na buhay pa rin sakin isipan parang ramdam ko pa rin ang sakit. Bilang isang ina napakasakit mawalan ng anak na ni hindi mo pa nga nahahawakan nawala na agad sayo ng dahil lang sa kasamaan ng ibang taong may maitim na budhi.
Patung-patong na kaso ang isinampa ko laban sa kanilang mag-ina. Kaya sa dami ng kaso nila hindi na sila makalalabas pa sa haba ng mga taon nilang bubunuin sa loob ng piitan. Child a*******n lang isinampa kung kaso kay Dominic kahit isa siya sa pumatay sa anak ko.
Matapos basahin ng clerk ang hatol ng hukom. Hindi na maawat sa pagsigaw ang mga salarin. Sa pangunguna ni Elena, Sophia at ang mga kaibigan nito. Isa-isa sila pinusasan ng mga escort nilang mga pulis. Isa nalang ang kulang pero nakikipagtulungan na daw ang mga FBI sa America para maipa-deport ito dito Pilipinas.
Matapos kung marinig ang hatol sa mga akusado nakahinga ako ng maluwag, hindi lang ang pagkawala ng aking mga anak ang nabigyan ng hustisya maging ang pagkamatay ng ina ni Dominic. Dinig na dinig ko pa hanggang sa kinauupuan ko ang mga sigawan ng grupo ni Sophia maging si Elena, nagwawala silang lahat dahil sa haba ng taon nilang ilalagi sa kulungan. Wala din sila nakuhang suporta galing sa mga Baxendale simula ng ideniteni sila. Dahil isang mapait na katotohan ang inilatag kay Elena ni Tito Loreto bago ang ikalawang hearing isang Deed of realese divorce. Na wala ng bisa ang kasal nila ni Elena at wala din siya makukuha dito dahil lahat ng kayamanan ng mga Baxendale nailipat na pala kay Dominic bago pa ito nagpakasal sa kanya. Ewan ba niya kung kakayanin pa ba ng mga ito, pero wala na akung pakiaalam duon. Sila naman ang naglagay sa kinahantungan ng buhay nila ngayon.
Napatuyan namang malinaw at matibay ang mga ibidensya namin inilatag sa hukoman dahil kitang kita sa mga video footages ang lahat ng inaakusa ko sa kanila kung paano nila ako gawan ng kahalayan at kung paano nila ako saktan hanggang makunan ako at tuluyan mawala sakin ang mga anak ko idagdag pa ang pagpanig samin ni Gomez. Kinausap din niya ang daddy ni Dominic na halos lumuhod sa pagmamakaawa dito na huwag na siyang sampahan ng kaso kapalit ng pagsisiwalat nito ng katotohan sa krimeng nagawa nila. Inamin din nitong sinusunod lang niya lahat ng gusto at ipinag-uutos ni Elena dahil sa laki daw ng pagmamahal nito dito. Inamin din nitong siya ang ama ni Sophia at si Elena ang tunay nitong ina na itinago nila ng mahabang panahon. Ayun dito gusto na daw nitong magbagong buhay kasama anak ni Sophia dahil kabuwanan na nito, tinalikuran na daw si Sophia ng ama ng anak nito ng malaman kung gaano ito kasama.
Maging ang mga inutusan niyang mga killers bumaliktad din at idiniin sila Elena at Sophia na nag-utos para patayin ako kapalit daw ng malaking halaga na kahit piso wala naman ibinigay. Ayun naman sa kampo ng Baxendale ipina-hold daw ni Dominc lahat ng bank account ng mga ito.
Minsan ko pang nilingon ang nag-iisang lalaking aking minahal ang dati kung asawa na nagwasak sa akin, at sumira saking kinabukasan, napakalaki ng sugat na nilikha niya sakin puso na hanggang ngayon nanariwa pa rin dahil sa pagbabalik ng mga alaala sa mga pinagdaanan ko sa piling niya. Siya ang nagturo saking maging manhid at maging singtigas ng bato ang puso.
Natuto akung tumayo at magpakatatag para labanan ang mga taong gusto akung tapakan. Kita ko siyang nakayuko alam kung umiiyak siya base na din sa pagyugyog ng mga balikat niya. Habang banayad siyang inaalo ng kanyang ama. Pero para saan ba ang mga luha niya dahil ba sa makukulong siya o dahil sa mga napanuod niyang mga video footages. Gusto ko siyang lapitan at yakapin, gusto kung i-comfort siya sa sitwasyon niya ngayon pero para saan pa isa siya sa dahilan ng pagkawala ng pangatlo kung anak, hindi nga lang nakuhanan ng video yun dahil sa loob ng kwarto nangyari ang p*******t niya sakin matapos niya akung pwersahan angkinin at pagsawaan na kahit dinudugo na ako sinasaktan at pinahihirapan pa din niya ako. At walang awang iniwan kahit nagmamakaawa na ako sa sakit ng akin tiyan at katawan dahil sa p*******t niya sakin.
"Miss Anne tayo sa loob at may mga dapat tayung pirmahan na mga dokumento." bulong ng aking abogado, kaya napabalik ako sakin wisyo.
Nauna na siyang naglakad kaya tumayo na ako at sinundan siya papasok sa isang pintung nakapinid. Alam kung hindi pwedeng pumasok dito basta basta, at pili lang ang taong pinapayagan makapasok dito. Inilibut ko aking paningin pagpasok ko kita kung may apat na mesang tambak ang mga patong-patong na mga folders sa ibabaw nito na sa palagay ko ay may kinalaman sa mga kasong nakahain sa korte. Hindi rin kalakihan ang silid at makikita mong bawat kabinet puno din ng mga folder na nakasalansan sa loob nito dahil salamin ang pinaka pinto ng cabinet. Maging ang mga hanging cabinet puro folders na may mga petsang nakatatak sa pinaka gilid nito.
"Ma'am paki pirma nalang po dito." ani ng isang clerk na pumukaw sa pagmamasid ko. "Pwede po ninyong basahin kung gusto niyo," dagdag pa niya kaya nag-angat ako ng mukha pero nahagip ng aking paningin ang aking abogado kausap nito ang abogado ng mga Baxendale.
Pinasadahan ko nalang ng basa ang mga papel na pinapipirmahan sakin kahit alam ko na ang nilalaman nuon. At pinirmahan bawat pahina. Tumayo na ako para sana lumisan pero sinalubong ako ng aking abogado at may pinakikiusap siya, kaya nilingon ko si Atty Fernadez na nakatayo pa rin kung saan ko sila nakitang magkausap ng aking abogado nakatingin lang siya samin kaya bahagya ko siyang tinanguan ginantihan naman niya ako ng tagumpay na ngiti bago siya lumabas ng silid.
"Relax, Miss Anne don't worry, safe ka naman at hindi ka nila pababayaan." pagbibigay assurance sa kaligtasan ko ng aking abogado. Kaya tinalikuran na siya at dahan dahan na akung naglakad patungo sa pinto kung saan ako pumasok kanina. Ilang malalalim na buntong hininga pa ang pinakawalan ko bago ko pa hawakan ang doorknob para buksan ito.
Paglabas ko ng pinto kita ko agad ang lalaking buong puso kung minahal nuon, nakatitig lang sakin ang malamlam niyang mapupulang mga mata na umaapaw sa luha, basang basa din ang pisngi niya ng saliring luha maging ang t-shirt niya suot na kulay orange may mga patak na rin ng mga luha sa tapat ng dibdib niya. Gustong kung tumakbo palapit sa kanya para yakapin siya pero hindi ko maigalaw ang aking mga paa, parang may mabibigat na bakal na nakapatong dito. Dahil isa siya sa nagbigay sakin ng matinding pasakit, isa siya sa dahilan ng paghihirap ng kalooban ko na muntik ko ng ikamatay nuon.
Dahan dahan kung iniangat ang aking mga paa para lapitan siya, titig na titig siya sakin. Basang basa na ng luha ang kanyang mukha, pigil na pigil ko din ang nagbabantang mamuong luha saking mga mata, banayad din siyang naglakad pasalubong sakin. Kita kung may mga pulis sa paligid may dalawa din pulis sa magkabilang side niya kasabay niyang naglalakad palapit sakin.
"Anne patawad wala akung alam sa mga nangyari hindi ko alam na ginawan ka nila ng hindi maganda. Hindi ko alam na lahat pala ng mga sinasabi nila sakin ay pawang kasinungalingan lang, nabulag ako sa matinding selos kaya pinaniwalaan ko sila. Patawad. Hindi ko rin alam na may nangyaring pangre-r**e. Iba ang sinabi nila sakin. Sana mapatawad mo ako. Sorry sa mga nagawa kung p*******t sayo physically and emotionally. I'm really sorry. Hindi ako galit kung ano man ang sinapit ko ngayon dahil alam kung kulang pa itong kabayaran ng lahat ng kasalan ko sayo, ng aking pamilya. Hindi ko rin alam na may mga anak tayung namatay. At alam kung isa ako sa dahilan ng pagkawala nila." paliwanag niya sakin sabay luhod niya sakin paanan habang umiiyak.
Humakbang naman paatras ang dalawang pulis niyang escort marahil upang pagbigyan kaming makapag-usap dahil alam kung kilala nila si Dominic.
Nakayuko siyang nakaluhod sakin paanan kasabay ng paghagulgol niya ng iyak. Hindi ko alam kung paano siya pakakalmahin, nagsisikip din ang aking dibdib sa natutunghayan ko. Dahil ang isang Mark Dominic Baxendale na kilalang magaling na businessman at billionaryo nakaluhod sakin harapan, umiiyak at nagmamakaawang humihingi ng kapatawaran.
May namumuo na din mga luha sakin mga mata kaya bago ito tuluyang malaglag hinila ko na siya patayo pero mabigat siya dahil bagsak ang magkabilang balikat niya at patuloy lang siyang humihingi ng tawad paulit-ulit kasabay ng pagtangis niya. Nakamasid lang ang mga pulis samin. Yumuko ako ng bahagya at pilit na siyang itinatayo hinawakan ko na siya sa magkabilang balikat. Ng makatayo na siya isunubsub naman niya ang kanyang mukha sa balikat ko at patuloy lang niyang sinasabit ang mga katagang patawad kasabay ng mga hangulngol niya. Alam kung hindi niya ako mayayakap dahil may posas ang mga kamay niya.
Iniangat ko ang mukha niyang basang-basa ng mga luha gamit ang dalawa kung palad at humawak sa makabila niyang pisngi, pinahid ng mga daliri ko ang pisngi niyang may luha. Bahagya akung tumingala upang magkatapat ang aming mukha. At iniangat ang aking katawan para mapantayan ko siya.
"I love you. Goodbye." usal ko matapos kung dampian ng halik ang mapupula niyang labi. Dahan dahan kung pinaglandas ang isa kung kamay sa panga niya pababa sa kanyang leeg hanggang sa dibdib niya. At mabagal na inihakbang ang aking mga paa palayo sa taong minahal ko ng labis simula palang ng ako'y bata. Ang nag-iisang lalaking minahal ko ng lubus. Ang lalaking sumira ng buhay ko. Ang ama ng aking mga anak.
Halos takbuhin ko na ang pinto para makalabas na ako dahil ilang sigundo nalang aalpas na ang aking mga luha sa mata na ayaw kung may makakita saking umiiyak. Ayaw kung isipin nilang mahina ako at ayaw kung isipin nila may damdamin pa ako para sa dati kung asawa.
Nagmamadali na akung sumakay sa kotse ko dahil gusto ng kumawala ng aking mga luha dahil hindi ko pala kayang makikita siya sa ganuon kalagayan. Pagkapasok ko sa loob ng sasakyan saka palang nag-unahang pumatak ang aking masaganang luha. Sa nanglalabong paningin natanaw kung bumukas ang pintong nilabasan ko at iniluwa duon ang mga pulis napapagitnaan nila si Dominic na patuloy parin umiiyak. Inaalalayan siya ng dalawang pulis sa magkabilang braso niya. Alam kung iniingatan siya ng mga ito dahil hindi naman siya basta basta lang na tao kilalang kilala siya ng mga ito. Hindi rin mabigat ang kaso niya at ilang taon lang ang bubunuin niya sa bilangguan.
Una kung naisip ang aking mga anak habang pinagmamasdan siyang isinasakay sa mobile patrol ng mga pulis niyang escort. Kaya nakabuo na ako ng plano sakin isip.
Iisa lang na lugar ang gusto kung puntahan ngayon dahil alam kung walang mag-aalaga sa kanya. Pagdating ko sa parking lot dumiretso na ako sa information para itanung kung saan ang room niya. Matapos sabihin saking kung saan banda ang kwarto niyang inaakupa tinungo ko na ang elevator para puntahan siya at alamin ang kalagayan niya..
Pagtapat ko sa kwarto niya nag-dadalawang isip pa ako kung papasok ba ako o uuwi nalang pero alam ko naman wala siyang kasama ngayon dahil kanina nakita kung mag-isa lang siyang isinakay sa ambulansya.
Kumatok ako ng tatlong beses sa pinto upang ipaalam ang pagpasok ko. Agad kung inilibut ang aking mga mata pagpasok ko sa loob nakita ko siyang nakahiga sa kama may oxygen na nakakabit sa ilong. Hindi ko alam kung makakabuti ba sa kanya ang pagpunta ko dito kaya tumayo nalang ako dito sa may pinto at pinagmasdan ko nalang siya. Pero nakita kung itinaas niya ang isa niyang kamay at kumaway sakin. Kaya naglakad naman akung papalapit sa kama niya.
"Kumusta na po kayo? Sino po kasama niyo dito?" sunod sunod kung tanong sa kanya.
"Ayus lang ako hija. Sana mapatawad mo kami sa mga naging kasalanan ng pamilya ko sayo." paghingi niya ng paumanhin sakin.
"Wala naman kayung nagawang kasalanan sakin Tito. Napakabait niyo sakin." aniko. "Sino po kasama niyo dito? dagdag kung tanong.
"Wala akung kasama ngayon. Baka mamaya lang lumabas na din ako dito." tugon niya sakin. Alam kung hindi pa niya kakayanin.
"Huwag po muna kayo lumabas baka hindi niyo pa kaya. Kakausapin ko 'yun Doctor niyo. Tatawag din ako sa bahay niyo para may magbantay sa inyo dito." aniko. At hinawakan ko pa ang kamay niya. "Ako na po ang mag-aasikaso sa inyo. Babantayan ko po kayo para masiguro natin ang kalusugan niyo." saad ko pa sa kanya para mapanatag siya. Dahil hindi ko kakayanin may mangyaring hindi maganda sa kanya nag-iisang nalang siyang kaanak ni Dominic dito sa Pilipinas at Lolo siya ng mga anak ko. Hindi rin kaya ng konsensiya ko kung may mangyaring hindi maganda sa kanya. Aalagaan ko siya hanggang maging stable ang condition niya. At habang nasa kulungan si Dominic ako ang mag-aasikaso sa kanya kahit pa sa mansyon nila kami tumira ni Cassey masiguro ko lang ang kalusugan niya.
.
.
.
.
.
.......................................................
... please follow my account and
... add my stories in your library.
............"Lady Lhee".............
...... thanksguys... loveu...lrs....