Episode XIV

2399 Words
"Bakit po?" Tanong ko agad pagpasok ko sa bahay ampunan, dahil nakita ko silang mukhang balisa na hindi alam kung saan susuling, umiiyak din ang ibang may edad ng mga babae. "Ano pong nangyari Mother? Bakit po sila umiiyak?" Sunod sunod kung tanong. Dahil nakaramdam na ako ng kaba sa aking dibdib, na baka may nangyaring masama. "Ikaw pala hija." aniya pero kita ko rin sa mga mata niya ang nagbabadyang namumuong luha. "May nangyari po ba?" Tanong ko ulit at umupo sa visitor chair sa harap ng table niya. "May mga taong nagpunta dito, kinukuha na nila itong lupang kinatitirikan ng bahay ampunan. Gagamitin na daw nila. Maghanap na daw tayo ng malilipatan natin." saad niyang walang paligoy-ligoy na ikinagulat ko. "Ang sabi niyo sa bahay ampunan itong lupa, bakit ngayon meron umaangkin ng lupa? Hindi ba sabi n'yo idinonet ito sa inyo?" tanong ko na kay Mother. "'Yun din ang pagkaka-alam ko."Aniya, kita sa mukha niya ang labis na kalungkotan. "Dahil yan ang sinabi sabi ng pinalitan kung dating namamahala dito." dagdag pa niya. "May mga ipinakita ba silang mga katibayang napapatotoong pag-aari nila itong kinatitirikan natin?" tanong ko nalang dahil hindi ko alam kung paano makakatulong sa kanila. "Meron silang hawak na mga dokumento sa katunayan may kasama pa silang abogado. Wala din tayung hawak na magpapatunay na may nag-donate nga satin ng lupang ito." saad niya kaya pasandal nalang ako sa likod ng bangkong kiuupuan ko, alam kung sa akin sila aasa. Akala ko tapos na ang paghihirap ng kalooban ko dahil natapos na ang laban ko sa mga Baxendale meron pa pala at ibang pakikipaglaban nanaman. Saan ako kukuha ng malaking halagang ibibili at ipagpapagawa ng isang bahay kalingang kukupkup sa mga kapus palad na tulad ko. Marami silang nakatira dito, maraming mga batang umaasa lang ditong nakatira. Hindi rin kalakihan ang natatanggap nilang tulong mula sa mga taong nagkukusang magpaabot ng tulong. Alam ko rin hindi sapat ang ipon ko, may mga anak din akung umaasa sakin. "Kailan po sila babalik? Baka pwede natin silang pakiusapan." aniko. Hindi ko pa alam kung ano ba ang ipapakiusap ko sa kanila dahil wala pa ako makapang paraan upang makatulong sa bagong problemang kinakaharap namin. "Wala silang sinabi, basta ang sabi babalik ulit sila." tungon niya. "Ano lang po bang mga dokumento ang hawak niyo tungkol sa lupang kinatitirikan natin?" tanong ko dahil kung meron, anung klasing dokumento ang hawak nila. "Wala kaming makita Anne, maliban nalang sa isang memorandum of agreement, na anytime na kailangan na ng may ari ang lupa pwede nila tayo paaalis dito." aniya. "Meron din silang katibayang hiniram lang natin ang lupang ito." paliwanag niya. "Hindi naman po nila tayo basta basta nalang mapapaalis dito. Napakaraming mga batang mawawalan ng tirahan na umaasa lang dito sa ampunan." Litanya ko. Paano na sila. Hindi naman pwedeng bumalik ulit sila sa lansangan at mamalimos baka gamitin lang sila ng mga sindikato, malalagay sa piligro ang buhay nila, masisira ang kinabukasan ng mga inosenteng bata lalo na ang mga babae, baka mapariwara sila. Anung kinabukasan ang naghihintay sa kanila kung walang matinong taong kukupkop sa kanila. "Ikaw na makipag-usap sa kanila hija pagbalik nila." saad niya kaya napatango nalang ako kahit hindi ko pa alam ang sasabihin ko sa mga taong umaangkin dito. Nanlulumo ako sa mga matuklasan ko paano na kami? Sino ba ang pwede kung malapitan para hingan ng tulong. Wala naman akung masyadong kilala dito. Malaking halaga ang kailangan namin ngayon. Tumayo na ako sa kiuupuan ko para puntahan si Cassey sa silid na tinutuluyan namin, atska ko nalang pag-iisipan kung anung dapat gawin sa bagong problemang kinakaharap namin ngayon. Marami pa akung dapat gawin kailangan ko rin alagaan ang daddy ni Dominic, tulad ng pangako ko dito na duon muna kami maglalagi hanggang bumuti ang kalagayan nito. Matapos ang isang linggong pananatili ng Daddy ni Dominic sa hospital maayus namin siya nailabas. Ang inaalala ko lang kung sino magma-manage ng mga negosyo nila ngayon, kailangan pa niyang magpahinga ng isang buwan ayun na rin sa doctor niya. Hindi ko na alam kung anung gagawin ko. Halos araw araw din akung pumupunta sa bahay ampunan para alamin kung ano na mangyayari sa kanila. Kailangan ko rin pakiusapan ang mga taong sinasabi nilang may ari ng lupa. "Mother pagdumating po ang mga taong sinasabi niyong may ari ng lupa pakitawagan nalang po ako." aniko. Kailangan ko pang puntahan ang mga anak ko sa America, malapit na ang bakasyon nila sa school, at gusto nilang umuwi na dito. Naiinggit sila kay Cassey pag nagkukuwento ito tungkol sa Daddy nila. Nag-aalala din ako, kung paano ko ipapaliwanag ang tungkol sa Daddy nila. "Anne pwede ba tayong mag-usap?" tanong niya. Kaharap namin ang abogado nila. "Tungkol po saan Tito?" balik tanong ko. "Duon tayo sa library." aniya kaya sumunod naman ako sa kanila papasok sa library. "Magsiupo kayo." utos niya at naupo na din siya sa swivel chair niya. Naupo naman ako sa couch katabi ko si Atty. Fernandez. "Anne nadinig mo naman ang court order na kailangan kaming magbayad ng compensation o ng danyos perwisyo sayo. Sa mga nagawa ni Elena at Sophia." Malumanay niyang wika. "Kaya pinapunta ko dito si Atty. Fernandez para maisa-ayus ng lahat ng dapat namin panagutan sayo." dagdag pa niya. "Tito hindi na po kailangan yun. Ang importante lang po napanagot ko ang may mga sala, at nabigyang katarungan ang pagkawala ng aking mga anak." litanya ko. Dahil hindi ko inaasahan ang sasabihin niya. "Kailangan natin sundin ang batas hija. May mga kaukulang dokumentong dapat i-submit sa korte." aniya. "Hindi ba tama ako Atty.?" tanong niya dito. At may mga ipinakitang mga dokumento si Atty. nakasaad din kung magkanung babayaran nila sakin pero hindi naman ako interesado sa pera. "Hindi pwede hindi mo kunin yan Anne dahil ako naman malalagay sa alanganin." saad pa niya. "Pero Tito hindi ko naman po kailangan ang ganyang kalaking halaga." aniko dahil napakalaki ng amount ng nakita ko. "Hindi mo pwedeng tanggihan yan Miss Anne, isipin mo nalang para sa anak mo." sabad ni Atty Fernandez. Kaya napaisip ako. "Sige po kukunin ko yan, pero hindi po para sa akin kung hindi para sa bahay ampunan na tinutuluyan ko. Pinaaalis na po kasi sila sa lupang kinatitirikan nila." Aniko at ikenuwento ko ang kalagayan ng ampunang kumalinga sa akin. "May nakita ka nabang malilipat nila." tanong ni Atty. "Wala pa po Atty. wala pa kasi kaming sapat na salapi." aniko. "May alam akung lupang ibinibenta, tamang-tama sa kanila. Maluwang ito at pwede ka pang magtayo ng pinakapalaruan." aniya. "Atty. tulungan mo si Anne. Kung ano ang gusto niya para sa ampunan. Kung gusto niyang gamitin ang perang ibabayad natin sa kanya para sa bahay ampunan, ikaw na ang bahalang gumawa ng paraan." deklara niya. Kaya makahinga ako ng maluwag, matutulongan ko na ang ampunan, hindi na kami mag-aalala kung saan kami titira. "Kailangan mo lang pumirma sa ibang mga dokumento Miss Anne, aayusin ko lang ang iba pang mga dapat pirmahan bago natin puntahan ang sinasabi kung lupa." Aniya at sinamsam na ang mga papel na ipinakita niya sakin kanina. "Tito pwede ko po bang iwan si Cassey dito?" saad kung patanong. "Kailangan ko lang pong pumunta sa America, may susuduin lang po ako." dagdag ko pa. "Sinong susunduin mo? Bakit hindi mo nalang siya papuntahin dito, para dito mo nalang siya hintayin." tugon niya. "Hindi pa po sila pwedeng mag-travel mag-isa. Mga anak ko po sila. Sila Nicko at Anezia, kambal po sila. Naiwan lang po sila duon." paliwanag ko na ikinalaki ng kanyang mga mata. "Ano kamo Anne? May anak ka pang kambal bukod kay Cassey?" gilalas niyang tanong. "Opo, mga anak ko po sila, ang inyong mga apo ." aniko. Gusto kung matawa sa reaksyon ng mukha niya. Para siyang nakakita ng multo dahil nanlalaki ang kanyang mga mata. "Kapatid ba ni Cassey?" bulalas niya. "Hindi ko po tunay na anak si Cassey. Sila Nicko at Anezia po ang mga anak ko at tunay niyong mga apo, anak namin ni Dominic." litanya ko. Kita ko ang pagkabigla niya. .................Flashback............ . . .       "Ate Loreng pwede paki tingin naman ng mga anak ko." pakiusap ko sa may edad ng babaeng laging umaalalay sakin. "Bibili lang po ako ng diaper at vitamins nila. Tuloy titingin na rin ako kung saan ko sila pwedeng pabakunahan, yun sanang mura lang." Mahabang wika ko.       "Meron dyan, isang sakay lang ng jeep." tugon niya. "Tanungin mo kung nagbabakuna sila ng mga bata ipakita mo 'yun card mo para madali kayung magkaintindihan." dagdag pa niya. Matapos niyang sabihin sakin ang iksaktong lugar gumayak na ako. Upang puntahan ang lugar.       Sumakay nga ako ng jeep at sinabi ko kung saan ako baba. Tama nga siya pagbaba ko kunting lakad lang nakita ko na, isa itong pampublikong pagamutan na hindi gaanong malakihan.       "Good morning." Bati ko sa front desk para makuha ang attention ng isang babaing nagsusulat.       "Ano po yun?" tanong niyang hindi man lang nag-angat ng mukha.       "Magtatanong lang sana ako kung may nagbabakuna ba ng bata dito?" aniko at inilabas ang card na dala ko. Pinasadahan naman niya ng tingin.       "Pasok ka duon." aniya at may itinuro siyang pasilyo. "Wait mo si Dra. Aragon, nagme-meeting lang sila ngayon, pero sandali nalang yun. Siya nalang tanungin mo kung may available ba para sa mga infants. Upo ka duon." Utos niya.       "Salamat." aniko at tumalikod na para puntahan ang sinasabi niya.       Pagkaupo ko sa mahabang bangko may biglang umupong babae na sa tantiya ko nasa late 50's na siya. Umiiyak lang siya gusto ko sanang tanungin pero pumasok ulit siya sa isang pinto malapit samin.       "Ate bakit po kayo umiiyak?" lakas loob ko ng tanong sa kanya, dahil ilang beses na siyang balalik-balik na umiiyak. Pinakatitigan lang niya akung mabuti habang umiiyak at pumasok na ulit siya sa loob ng kwarto.       "Pwede ba akung makiusap sayo?" tanong niya sakin ng umupo ulit siya sa tabi ko. "Halika ipapakilala kita sa anak ko." aniya at tumayo na siya sa harap ko kaya wala na akung nagawa kung hindi sumama sa loob ng kwarto. Kita ko naman sa loob ang isang babaeng nakahiga sa hospital bed, yayat at namumutla maging ang mga labi niya namumuti. "Halika ipapakilala kita sa kanya." aniya at lumapit na siya sa kama kung saan nakahiga ang babae.       "Ano po sakit niya." pabulong kung tanong.       "Oras nalang binibilang lilisan na siya." aniyang pigil na pigil ang pag-iyak. Ngayon alam ko na kung bakit siya lumalabas, para lang umiyak upang hindi siya makita ang anak niya. "Siya si Carmen ang aking anak." pagpapakilala niya dito.       "Hi!" bati ko dito dahil nakita kung ngumiti siya sa akin at bahagya pa niyang itinaas ang kanyang kamay kaya inabut ko na agad dahil alam kung nahihirapan na siya. "Ako si Anne, kumusta kana?" aniko dahil hindi ko alam kung paano siya kakausapin.       "P-pwrede ba akung makiusap sayo?" utal-utal niyang wika, hirap na hirap na siyang magsalita.       "Sabihin mo lang at kung kaya ko bakit hindi." aniko.       "Pwede bang ikaw nalang Mama ng anak ko, ituring mo siyang anak, at mahaling parang tunay mong anak." aniyang halos maging pagbuka ng bibig para magsalita nahihirapan na siya, kaya napatango ako agad dahil naawa na ako sa kanya, kung pwede lang makihati ng sakin na nadarama niya ginawa ko na. "Please." dagdag pa niya alam kung wala na siyang lakas pero pinisil parin niya ang aking kamay na may hawak sa kamay niya.       "Pangako mamahalin ko siya at ituturing na anak." paniniguro ko sa kanya, nakita kung ngumiti siya at tumingin sa nanay niya. Kaya niyakap ko siya, alam kung gusto rin niyang gumanti ng yakap pero nanghihina na siya. " Nasaan po ang anak niya." tanong ko sa nanay niya. Pero hinila na niya ako palabas ng kwarto.       "Naka incubator ang anak niya dahil kulang sa buwan. Sa isang linggo daw baka pwede ng ilabas." aniya.       "Nasaan po ang tatay ng bata?" tanong ko ulit.       "Wala siyang asawa. Biktima siya ng pang-gagahasa. Nagtratrabaho siya bilang domestic helper sa Saudi. Minsan nag-day off daw siya at pag-uwi niya may nakasalubong  daw siyang mga kabataan duon na siya sinamantala. Buti mabait ang amo niya pinagtrabaho pa siya ng ilang buwan bago pinauwi, binigyan din siya ng pera pang-gastus niya sa panganganak. Pero malubha na pala ang sakit niya." mahabang litanya niyang umiiyak. ..........End of the Flashback.....       "Ilang oras lang ang lumipas binawian na ng buhay ang nanay ni Cassey. Makaraan ang apat na araw inilabas na sa incubator si Cassey. Ipinangalan ko siya sa namin ni Dominic, ipinanganak siya pareho din ng araw ng kapanganakan nila Nicko at Anezia, nahuli lang siya ng isang oras at dalawang minuto. Magkaiba din ng hospital. Kaya lumabas na triplets ang aking anak. Alam ni Cassey na hindi ko siya tunay na anak. Hindi ko alam kung paano ko ipapaliwanag sa kanya kung sino ba talaga ang kanyang ama." Humihingal kung pagkumuwento. "Umuwi lang kami dito para dalawin ang lola niya, namatay ito ng hindi man lang nagkausap ang mag-lola dahil kinuha siya ni Dominic. Nuong araw na ibinalik siya ni Dominic dumiretso na kami sa bahay ng lola ni Cassey kung saan ito nakaburol." Dagdag kung pagkukuwento. "Pagpaumanhin sa mga nangyari. Kung nagkaunawaan lang sana kayo ni Dominic."Aniya. "Napakabuti ng kalooban mo Anne. Napalaki mo sila ng maayus. Gusto kung makita ang mga apo ko." Nangingislap ang mga mata niyang turan. "Pakiusap ko lang po sana, kung paano niyo mamahalin sila Nicko at Anezia ganuon n'yu din niyo mamahalin si Cassey, gusto kung pantay-pantay ang pagmamahal na iuukol niyo para sa kanilang tatlo." pakiusap ko sa kanya. "Makaasa ka hija. Pangako. Kailang mo gustong sabihin kay Domonic ang totoo?" aniya. Alam ko naman may karapatan din siyang malaman ang totoo. "Ako na po ang bahalang magsabi sa kanya." aniko. "Kailan mo susunduin ang mga apo ko. Nasasabik na akung makita sila." Tanong niyang may ngiti sa labi kaya nangiti na rin ako. Nakahinga ako ng maluwag matapos kung masabi ang lahat. Si Dominic nalang ang iniisip ko kung paano ko sasabihin sa kanya ang totoo, sana maunawaan niya ako. Kasalanan din niya kung bakit kami humanto sa ganitong sitwasyon. Alam kung matatanggap niya ang mga anak namin. May oras para sa lahat at handa akung maghintay. . . . . . .. please follow my account and .. add my stories in your library. ..............."Lady Lhee".............. .... thanksguys.....loveu.....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD