Episode XV

2474 Words
Kahit gaano kakinang ang kislap ng mga mata niya pagkasama niya ang kanyang mga apo, mababanaagan pa rin ang labis na kalungkotan sa mga mata niya. Tulad na lang ngayon. "Anne gusto ko sanang makiusap sayo." aniya. Nakatitig ang kanyang malamlam na mga mata sa aking mukha. Alam kung hanggang ngayon, dinaramdam parin niya ang mga nangyari sa pamilya nila lalo na sa kaisa-isang anak niya na tanging kadamay, at katuwang niya sa buhay. Hindi man niya aminin pero ramdam ko kung anung pinagdadaanan niya ngayon. Isa rin akung magulang kaya alam na alam ko kung anung nadarama niya. Hindi naman niya ako masisisi dahil malaki din ang atraso ng anak niya sakin. Gusto ko munang turuan ng leksyon ang anak niya para matutong mag-isip, at magpahalaga sa damdamin ng kapwa niya, at huwag maniwala sa mga bulong lang ng mga demonyong nag-aanyung tao. Dahil hindi lahat ng nakikita at naririnig mo ay totoo, dapat din alamin mo kung may katotohanan ba ang mga ito. Marami ang mapanglinlang na mga tao ngayon lalo na kung may makukuha siya mula sayo. "Ano po yun? Kung kaya ko naman wala pong problema." tugon ko agad. Dahil tinuring ko siya parang tunay kung ama. Ilan buwan narin kaming nakatira dito ng mga anak ko. Tinanggap niya ako ng buong puso nuon, ng walang pagtutol kahit malayo ang angwat ng antas ng buhay mayroon kami. Hindi ko siya kinakitaan ni katiting na panlalait sa kabila ng aming katayuan sa buhay. Niyakap niya ako at tinanggap bilang anak at asawa ng kanyang anak na nag-iisang tagapagmana ng buong kayamanan ng mga Baxendale. Isang bilyunaryo na nakapag-asawa lang ng isang anak ng drive, at tagapagsilbi. Sa kabila ng kabi-kabila ang mga magaganda at mayayang babae na nangangangarap na maugnay o matapunan lang niya ng pansin, ako pa rin ang pinili at pinakasalan ng anak niya. Madalas niya ikatwiran nuon sa tuwing may mga babaing lumalapit sa kanya "Meron na daw siyang mahal bakit pa siya maghahanap pa ng iba. Sapat na daw sa kanya ang isang babae." At tuwing maririnig ko 'yun mula sa kanya lumulukso ang aking puso sa tuwa. Pag-gagap sa kamay ko ang nagpabalik saking wisyo. Naalala ko nanaman siya. "Gusto kung ikaw na ang mamahala sa mga ibang negosyo natin, pag-aralan mong mabuti kung paano ito patakbuhin dahil sa inyo din ng mga anak mo ito mapupunta pagdating ng araw." litanya niya na ikinagulat ko dahil hindi ko inaasahan ang mga sinabi niya. "Stay here and help me to manage our business. I'm tired and old hindi ko na kayang mag-isang i-handle lahat ng ito. Isa ka rin Baxendale at ang mga apo ko lang ang tanging taga pagmana ng lahat ng ari-arian meron tayo." Seryoso niyang pahayag na para bang hindi ako pwedeng kumontra o magprotesta. Kaya napalunok ako ng sariling laway ng ilang beses, dahil hindi pa rin ako makapaniwala sa mga pinahayag niya. "Tito mas maganda po siguro kung si Dominic nalang ang magma-manage ng mga business nyo dahil hindi po matatawaran ang galing niya pagdating sa negosyo." pangangatwiran ko. Ayaw kung makialam sa nga negosyo nila. At ayaw kung isipin nila na interesado ako sa kayamanan ng mga Baxendale. Kahit paano mabubuhay ko ng maayus ang mga anak ko. Sa ngayon mayroon pa rin naman akung kumisyong nakukuha sa mga designed kung mga alahas mula sa isang taong pinagkakautangan ko ng malaki, at kung anung meron ako ngayon.       ..........Flashback.........  "Diyos ko pong mahabagin!" dinig kung bulalas ng isang tinig pero hindi ako nag-angat ng aking mukha at patuloy lang na humahahulgol ng iyak. Yakap ko ang aking mga tuhod nakasubsod dito ang aking mukha alam kung hindi niya nakikita ang mukha ko dahil sa aking buhok na nakasamburga na masahol pa sa bugad ng manok. Madumi rin ang suot kung damit, wala rin akung suot na tsinelas. Basa rin ako ng pawis kaya mas lalong kumapit sa katawan at damit ko ang duming nakuha ko kaninang napasubsod ako sa lupa matapos akung kaladkarin at itapong parang basura ng aking pinakamamahal na asawa. "Anak anung nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? May nanakit ba sayo? Taga saan ka at ihahatid ka namin." malumanay niyang wika, ramdam ko ring mabini niyang hinahagud ang aking magulong buhok kaya mas lalo akung mapahahulgol ng iyak. Dahil ramdam kung parang nagkaroon na akong kakampi. "Kung wala kang matutuloyan dumito ka muna samin pansamantala. Marami kang makakausap ditong mga bata meron din kaedad mo." Wika niya sa mababang tono habang magaan niyang hawak ang isa kung kamay pero nakayuko lang ako at patuloy pa rin umiiyak. Hindi ko rin inalam kung nasaan na ba kami at kung anung lugar ang pinagdalhan nila sakin. Ang alam ko lang nagpatianod ako sa taong umakay sakin pasakay sa luma nilang sasakyan na kailangan pang itulak para umandar. "Mother ano pong nangyari sa kanya. Saan niyo siya nakita?" "Sino siya?" Bakit ganyang hitsura niya." Mga tanong ng mga taong sumalubong samin. Pero hindi ako nag-aksayang mag-angat ng aking paningin para tingnan sila. Naramdaman kung may mga daliring humahagod saking mahabang magulong buhok. Inalalay din nila akung umupo sa isang bangkong malapit samin. Maya maya pa may mga maliliit na mga kamay ang humahawak sakin mukha kaya idinilat ko ang mga mata kung puno ng luha. Nakangiti silang pinapahid ng mga maliliit nilang palad ang mga luha saking magkabilang pisngi. "Bakit ka po umiiyak? Nagugutom ka po ba?" Magkapanabayang tanong nila. Kaya parang napahiya ako. Dahil sa murang edad nila kita sa mga mata nila ang pag-aalala sakin. "Hija" tawag ng isang tinig. "Kumain ka muna bago magpahinga. Mag-usap nalang tayo bukas dahil alam kung mahihirapan ka pang ilahad kung anung nangyari sayo ngayon." aniya. "Salamat po pero hindi po ako nagugutom." usal ko sa pagitang ng mga hikbi. "Halika maligo ka muna para makapag pahinga ka. Mukhang malayo pinanggalingan niyo." Saad niya at hinila na niya ako sa aking palapulsuhan kaya nagpatianod nalang ako. Inabutan niya ako ng isang bulaklaking duster at isang manipis na hindi kalakihang tuwalya nakapaloob naman sa duster ang mga underwear na may nakadikit pang stiker kaya alam kung bago at bahagya niya akung itinulak papasok sa isang pinto. Unti unti kung hinubad lahat ng aking kasuotan matapos kung ilock ang pinto ng banyo wala akung itinira. Tumapat ako sa dutsa ng tubig at binuksan ang gripo hinayan ko lang umagos saking buong katawan ang may kalamigan tubig. Nagmagsawa ako, kinuskus ko na ang aking katawan para sana gumaan ang aking pakiramadam pero habang kinukuskus ko ng madiin ang aking balat mas lalo namang umalalim ang sakit at pait na aking nararamdam aking dibdib. Kaya nag-unahan nanaman namalisbis ang mga luha sa aking mga mata dahil pakiramdam ko maging kaluluwa ko ibig kumawala sa aking katawang lupa. Itinapon at binaliwa ako ng lalaking aking tapat na iniibig. Binaliwa niya ang matremonyal ng aming kasal na nagbubuklod samin dalawa, na siya naman nagmadali at nagpilit na makasal kami agad pero humatong lang sa ganito. Naniwala ako sa lahat ng mga sinabi at ipinangako niya. Marami kaming binuong pangarap nuon na nauwi din sa masaklap na karanasan. Sa loob ng ilang buwan kung pananatili dito sa bahay ampunan natuto na ako ng maraming bagay. Lahat sila mababait at madaling pakibagayan. Lalo na ng malaman nilang buntis ako sa aking kambal. Kaya halos lahat sila pinaghahandaan ang pagsilang ng aking mga anak na hindi pa namin inalam kung anung gender nila. Sa kakulangan ng sapat na salapi hindi ko na pinag-aksayahan pang magpa-ultra sound para sana malaman ang kasarian at kung nasa ayus ba ito sa loon ng aking sinapupunan. "Darating sa isang linggo si Mrs. Morecitti para bisitahin tayo gusto kung maglinis kayo sa buong paligid. Magpalit kayo ng mga kurtina." anusyo ng Mother superior. Ayun sa kanila isa daw itong half Filipino half Italian na nakapagasawa ng Amerikano. At tuwing bibisita ng Pilipinas dumalaw dito sa ampunan at nagdo-donate ng malaking halaga para sa pag-aaral ng mga batang nakatira dito. "Mother pwede ko po bang bigyang ng kwintas na beads ang magiging bisita natin?" tanong ko sa mother superiyora ng mapag-isa kami at ipinakita sa kanya ang aking sketch designed na ginuhit para sa gagawin kung kwintas na ibibigay. "Para po may remembrance tayo sa kanya." dagdag ko pa pero nakangiti lang siya habang pinakatitigan ang aking sketch. "Ang pagkakaalam ko maraming jewelry shopped na nagkalat sa ibat ibang bansa si Mrs. Morecitti." aniya kaya nanghinayang ako sa design na ginawa ko ng ilang araw at gabi. "Pero iba pa rin kung manggagaling sayo. Na ikaw mismo ang gagawa. Napakaganda nito. Sige hija gawin mo na dahil ilang araw nalang darating na sila." dagdag pa niyang nakangiti. Kaya mabuhayan ako ng loob at napangiti. Buhat ng dumating ako dito sa bahay ampunan. Pag-gawa ng mga bracelets, necklaces at earrings ang tanging naging libangan ko. Ng makita kung may mga ibat-ibang kulay at laki sila mga beads na naka-stock lang sa bodega. Una ipinasusuot ko lang sa mga tao dito lalo sa mga bata hanggang sa ibinibenta narin namin ang mga gawa ko kaya kahit papaano may income kami may naiipon din ako para sa panganganak ko. Nakakatulong din ako sa ibang gastusin dito dahil halos lahat sila naturuan ko na kung papaano gumawa. "Salamat po." tanging saad ko at nagmamadali ng lumabas sa opisina ni Mother. Walo silang mga madre dito na namamahala. May isang driver din dito at lahat kami may kanya kanyang nakaatang na gawain maliban nalang sakin dahil bukod sa buntis ako. Ako din gumagawa ng mga alahas na mga beads.       Maging pagtahi ng mga doormat rug at pot holder pinasok na din namin ng minsan may mahingi kaming mga retaso ng mga tela mula sa isang pabrika. Nakabili rin kami ng second hand sawing machine na hinagamit namin sa pagtahi ng mga rugs. Kaya laking tuwa nila dahil mula raw ng dumating ako dito nagkaroon na daw sila ng pagkakakitaan at hindi nalang basta bastang umaasa sa donasyon. Katwiran ko naman sa isip ko paraan ko lang yun para malibang at mawalan ng puwang mag-isip sa mga taong nanakit sakin. At para din magamit ko ang aking pinag-aralan. "Mrs. Morecitti bago po kayo umalis may nais pong ibigay sa inyo ang isa sa mga alaga namin dito." nakangiting saad ni Mother. "Sariling gawa at desenyo po niya yan." dagdag pa niya at tinanguan ako dahil nasa may tabi lang nila ako. "Madam para po sa inyo." Aniko at inilahad ang kwintas na aking ginawa na nakalagay sa isang malapad na karton na binalot namin ng abaka at nilagyan ng maliit na pulang ribon. "Hindi man po yang kasingmahal ng mga alahas niyo pero galing po sa puso namin yan." dagdag ko pa pero nakita ko lang siyang nakatunghay sa kuwintas at hindi man lang niya inabut kaya mapayuko ako. "Pasensiya na po, ito lang po kasi nakayanan namin." mahinang usal ko at dahan dahan ko ng ibinaba ang aking mga kamay na may hawak. "No!.. No!.." bulalas niyang bigla. At dinakma ang karton kung saan nakalatag ang kuwintas. Inalis niya yun sa kinapapatungang karton, itinaas at pinagmasdan niyang mabuti na para bang kinikilatis niya ang bawat butil ng beads. Alam naman naming pagkaramiwang beads lang ginamit ko duon pero matibay ang pagkakagawa ko nuon para hindi madaling magkahiwa-hiwalay. "You did this?" Gilalas na tanong niya kaya tumango nalang ako. "It's so nice." dagdag pa niyang titig na titig sa kuwintas. "Si Anne po ang gumagawa ng mga ibinebenta namin mga kuwintas, hikaw at bracelet na beads dito." saad ni Mother. "You're so creative. Marami ka bang gawang designed na ganito? Pwede ko bang makita?" aniya. Kaya niyaya namin siya sa loob kung saan kami gumagawa ng mga produkto namin ipinakita ko rin sa kanya ang mga sketch drawing ng designed ko na hindi ko pa nasisimulan gawin, kulang pa kami sa kapital dahil nagagastos din namin dito sa loob ng ampunan ang ibang kinikita namin bukod sa nag-iipon din ako para sa mga babies at panganganak ko. "Amazing!" bulalas niya ng makita isa isa ang mga design ko. Gusto mo bang magtrabaho sakin bilang jewelry designer ko? Don't worry sagot ko lahat ng gastos dadalin kita sa America sakin ka na magtrabaho. Huwag ka rin mag-aalala sa titirhan mo ako na bahala sa lahat, malaki rin ipasusuweldo ko sayo bukod sa magiging mga commission mo sa mga gawa mo." litanya niya at hinawak pa ang aking kamay na para bang hindi ako pwedeng tumutol. "Sorry po, pero hindi po ako pwedeng umalis, due ko na po ngayon buwan baka po next week manganak na ako." paliwanag ko sa kanya. Kaya tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "Pasensiya na hindi ko napansin masyado kasing na-focus ang mga mata ko dito." aniya at muling tinitigan ang bigay kung kwintas. "Hindi bale, babalik ako para sunduin ka, kayo ng mga anak mo para duon nalang kayo sa USA at huwag ka ng tumangi at magtatampo ako." aniya at niyakap ako. ...........End of the Flashback.......... Bahagyang pagpisil sa aking mga kamay ang pumukaw sa malalim kung pag-iisip sa pagbabalik ala-ala ng aking nakaraan. Naalala ko rin ang nag-iisang lalaking aking minahal na hanggang ngayon pangalan pa rin niya ang nakaukit sa aking puso. "Mukhang malayo na ang nililipad ng isip mo. May problema ba?" tanong niya sakin na may pag-aalala. "Wala po Tito, may naalala lang po ako." pagdadahilan ko nalang. Ano nga po ulit yun sinasabi niyo?" dagdag tanong ko nalang. "I need your help Anne. Help me to manage our businesses, hindi na kasing lakas ng dati ang aking katawan, tumatanda na ako." litanya niya. "Tito, baka po hindi ko kayanin. Baka po hindi ko magampanang mabuti ang inaasahan niyo sakin." pagdadahilan ko. "Alam kung kaya mo Hija. Sayang naman ang iyong pinag-aralan at talino kung hindi mo magagamit." aniya. "Kailang ko ang tulong mo. Huwag kang mag-aalala ituturo ko sayo lahat, tuturuan kita kung paano i-manage ang mga business natin." Pahayag pa niya na parang ipinahihiwatig niyang bawal tanggihan ang iniaalok niya sakin. "Tito kailan po pupunta ang Atty niyo dito?" tanong ko nalang dahil nakabuo na ako ng plano at napag-isipan ko na ding mabuti ang aking magiging disisyon. Para sa ikabubuti ng lahat at para sa kapakanan at kalusugan niya. Gagawin ko ang nararapat na alam kung pabor din para sa mga anak ko. Ilang buwan narin naman siya sa loob ng bilanguan siguro naman magsisilbi ng aral sa kanya ang mga nangyari. "Bakit hija?" tanong niya sakin na nanantiya. "Gusto ko po sana siyang makausap at gusto ko pong maging lihim lang natin tatlo ang ating pag-uusapan." saad ko at pinakiramdaman siyang mabuti. "Sige tatawagan ko siya para makakuha ng appointment schedule." aniya agad niyang kinuha ang sariling cellphone at nag-dial. . . . . ....................................................... ....please follow my account and ... add my stories in your library. .............."Lady Lhee".......... ... thanksguys... loveu.....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD