Episode XVI

2079 Words
Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko sa naging disisyon ko pero wala ng atrasan ito. Nasasabik ba akung makita siya, natatakot, o magagalit. Ilang taon akung nagtiis ng hirap sa piling niya, Ilan anak ang nawala sakin. At kahit minsan wala akung sinabi sa mga anak namin na ikasisira niya, lahat ng magagandang nangyari samin ang lagi kung ikinukuwento sa mga anak namin. Ayaw kung magtanim sila ng galit sa ama nila. Dahil alam kung hindi naman likas na masama ang ugali nito, naimpluwensiyahan lang ng madrasta nito. Napabuntong hininga nalang ako, kailangan munang umiwas kami sa kanya. Hindi pa ito ang tamang panahon ng muli naming paghaharap, sariwa pa ang lahat. "Bago po ang lahat, gusto ko po sanang nakalipat na kami ng tirahan ng mga anak ko bago siya makauwi dito." Aniko, dahil hindi pa panahon para magkita ulit kami. Hindi ko pa alam kung paano ko ipapakilala ang mga anak namin. "Hindi na kailangan hija, paglabas niya didiretso na siya sa ibang bansa. Duon siya mamalagi ng ilang buwan para walang makaalam ng nangyari." aniya. "Kailangan din niyang asikasuhin ang iba natin negosyo duon." Dagdag pa niya. Talagang pinuproteksyonan niya ang pangalan nila. Total news black out din ang naging hearing namin nuon kaya walang makakaalam ng tunay na nangyari which is pabor sa akin at para rin sa kapakanan ng mga anak ko. Iba talaga pag may pera at maraming koneksyon lahat nagagawa. Malapit na ulit mag-krus ang amin landas pagnakalaya na siya. Siguro naman ngayon magigising na siya. At sana magsilbing aral na sa kanya ang mga nangyari. Hindi ko lubus maisip kung bakit pabago-bago ang isip ng may ari ng lupang kinatitirikan ng ampunan. Ang hirap niyang kausapin. Una hindi siya pumayag sa hinihingi namin palugit na isang taon bago kami umalis sa nasabing ampunan, ayaw din pumayag ng anim na buwan at gusto hanggang apat na buwan lang daw, ngayon naman may bago nanaman silang mga demands. "Anung nangyari bakit i-demolished agad, may ten day pa tayung nalalabi para i-vacant ang building?" Gilalas kung saad ng makita kung may mga heavy construction equipment sa loob ng compound, natibag na din ang ibang bahagi ng bahay ampunan. May ilang mga gamit pa kaming naiwan sa loob. Buti nalang at pinauna na namin ilipat ang mga bata at matatanda. "Pasensiya na ma'am napag-utusan lang." ani ng operator ng heavy equipment. "Pwede bang makausap ang boss niyo?" tanong ko sa kanya. "Meron pa kaming ten day bago umalis bakit mukhang hindi yata sumusod ang amo niyo sa napagkasunduan. May mga gamit pa kaming natira sa loob." Mariin kung saad dahil sayang naman ang mga nasirang gamit namin. "Ma'am ang order po tibagin na daw namin ang building at kailangan ng mapatag para masimulan ang ipatatayu nilang building." litanya niya. Alam kung sumusod lang siya sa utos ng amo niya. "Saan ko pwedeng makita at makausap ang amo mo?" Inis ko ng wika dahil tuloy lang din sila sa pagtitibag ng gusali namin. "Mahirap pong kausapin ngayon si Boss lagi pong mainit ang ulo nun." aniya pero wala na akung paki kung gaano pa kainit ng ulo niya. Hindi siya marunong tumupad sa napagkasunduan. Ni ayaw nga niya kaming harapin para makipag-usap, lagi nalang ang abogado niyang isa rin makulit ang pinapupunta niya samin. Matapos ibigay saking ang lugar kung saan ko matatagpuan ang boss niya. Agad din akung sumakay sa kotse ko. Gusto kung ipamukha sa kanyang wala siyang isang salita. Maraming nasirang mga kasangkapan dahil sa agaran pagtibag ng bahay ampunan. "I'm looking for Mr. Casper Hudson." aniko sa receptionist sa front desk. "Ma'am anung pangalan nila? May schedule appointment po ba kayo?" tanong na ikinairita ko. "Paki sabing Anne Santos, may importante lang akung sasabihin, kahit sandali lang." aniko, pero hindi ko na hinintay pa ang sasabihin niya at nagtuloy-tuloy na akung pumasok hanggang makarating ako sa elevator, dinig ko pang tinatawag niya ako bago sumara ang pinto nito. Nasa 25th. floor daw office ng CEO nila kaya 'yun ang pinindot ko, at naghintay. "Ma'am excuse me po saan po sila?" tanong ng babaeng humahangus na lumapit sa akin. "Kay Mr. Casper Hudson." Mariing kung tugon. At nagmamadali ng naglakad patungo sa pintong na may nakapaskil na "OFFICE OF THE CEO". nagbigay ako ng dalawang warning knock at pumasok na. Maluwang ang opisina niya na puro transparent glass ang pinaka wall, puti ang kulay ng kisame na may kumikinang na malaking chandelier sa pinaka-gitna, may lamesang malapad sa bandang dulo. "You!" biglang asik niya ng makita ako, kasunod ko ang babaeng humarang sa akin. Nabigla din ako ng makita kung sino siya, kaya hindi ako agad nakapagsalita, at pinakatitigan siya. "Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako. Matapos mo akung sampalin at iwan sa mall" pang-uuyam niya saad. "So ikaw pala ang sira ulong, walang pusong nagpatibag ng bahay ampunan." asik ko na sa kanya, at unti-unting naglakad palapit sa mesa niya. "Kaya naman pala ganyang ang asal mo sa bahay ampunan ka lang pala nakatira, marahil pinulot ka lang sa langsangan kaya ugaling kalye ka." Pangungutya pa niya. "Pwede kung gawin lahat ng gusto ko duon dahil property ko 'yun, at matagal na kayung nakikitira ng libre sa lupa ko kaya dapat lang na umalis na kayo duon." litaniya niya. "Meron pa kaming sampung araw para maghakot pero anung ginawa mo pinatibag mo agad ang bahay kaya halos lahat ng gamit sa ampunan nasira." Mariin kung aski sa kanya. "Wala kang kwentang kausap, hindi mo tinupad ang napagkasunduan natin. Sinayang mong lahat ng gamit nila, pinaghirapan nilang ipundar ang mga yun, pinasira mo lang." sigaw ko na sa kanya. Dahil hindi makatarungan ang ginagawa niya. "You may leave now, sinisira mo lang ang araw ko. Kailangan ko na ang lupa ko kaya dapat lang umalis na kayung lahat duon. Pasalamat pa nga kayo at hindi ko na kayo siningil ng rental sa lupa." Singhal na niya at matalim niya akung tiningnan. "Wala na tayong dapat pag-usapan makakaalis ka na, at huwag ka ng babalik masasayang lang ang pagod mo, dahil hindi ka na makakapasok pa dito. " Pagtataboy pa niya sa akin. "Palabasin mo na ang babaing yan at huwag na huwag mo ng papasukin dito." mariing utos niya sa babaing na tabi ko. "Napakasama ng ugali mo, may araw ka rin." singhal ko nalang at tinalikuran na siya. "Mrs. Baxendale!" bulalas ng isang babae pagbukas ng pinto nakakailang hakbang palang ako kaya napahinto ako sa aking paglakad. "Mabuti naman at nagpunta kana dito matagal ka ng pinahahanap ni Mr. Hudson. Buti naman at nakapag-usap na kayo." aniya sakin at humarang pa sakin daraanan. "Ano nga ulit? Ako pinahahanap nino?" Takang tanong ko dahil hindi ko maintindihan ang ibig niyang sabihin. Kaya nilingon ang lalaki sa aking likuran, nakita ko siyang nakatayo at bahagyang nakabuka ang bibig na parang may gustong sabihin. "Sir, nagkausap na ba kayo ni Mrs. Baxendale? Magtratrabho na ba ulit siya satin bilang jewelry designer niyo." Sunod-sunod niyang tanong sa taong lumait sakin. Kaya muli kung siyang nilingon at patuyang siyang nginisihan. "Ate sa katunayan paalis na po ako, dahil kanina pa ako pinalalayas ni Mr. Hudson, ayaw na ayaw na daw niya akung makita at hindi na daw ako pwedeng bumalik dito, kaya nga walang-awa na niyang pinatibag ang ampunang sinusuportahan ko." Saad ko at nag martsa ng naglakad palabas ng opisina nila, kasunod ko ulit ang babae, dinig ko pang tinatawag ako bago ko pa naisara ang pinto pero wala na akung pakialam. Ngayon alam ko na kung sino siya. Ang step-son ni Mrs. Morecetti. Siya ang pumalit kay Mrs Morecetti ng mamatay ito last year. Mag kabaliktad sila ng ugali. At dahil sa nalaman ko wala na talaga akung planong bumalik at maglingkod sa kanila. "Ma'am pinababalik po kayo sa office ng CEO" ani ng isang guard na lumapit sa akin. May kausap siya sa two way radio niya. "Sorry, pero tapos na ang pag-uusap namin, at wala na kaming dapat pag-usapan." tugon ko nalang at dumiretso na sa sasakyan ko. Ibig din sabihin sa kanila ang mall kung saan ko siya unang nakita. Bulong ko sa kawalan. Ngayon kailangan ko naman kapalan ang mukha ko para makahingi ng tulong sa mga kaibigan namin, para makabili ng kapalit sa mga nasirang gamit. Kailanga ko rin masiguro ang kalagayan nila dahil hindi pa tapos ang constructions ng bahay ampunan isang building palang ang tapos. Tatlong building yun kasama ang bahay na pwede naming tirhan, nasa gawing likod ang pinili ko para sa magiging tirahan namin. Mayroon din isa gym at palaruan para sa mga kabataan. May kaluwangan ang buong sukat ng lupa kaya plano ko rin patayuan ng stalls sa harap para may pagkakita sila, pwede paupahan ang iba. Ang isa pwede namin tindahan ng mga produktong ginawaga nila. Dahil hindi habang panahon matutolongan ko sila, kailangang talagang may pakakakitaan sila. Patuturuan ko rin silang gumawa ng mga frozen food at mga liquid detergent. Ang sabi mga tatlo hanggang apat na buwan pa bago ma-fully finished lahat. "Boss may dalaw ka." Pabulong na usal ng isang jail guard sakin kaya napatayo ako. Dahil wala naman akung inaasahang dadalaw sakin. Mag-iisang buwan na din hindi ako dinadalaw ni Daddy dahil pinagbawalan ko siya pumunta dito. Ang mga kasambahay nalang namin ang nagpupunta dito para hatiran ako ng pagkain. Diretso lang akung naglakad pasunod sa dalawang pulis kung saan tumatanggap ng bisita. Binuksan nila ang pintong rehas na bakal at pinapasok ako, itinuro nila ang isang lamesa kung saan naghihintay ang sinasabi nilang bisita ko daw. Kaya magulat pa ako ng mapag-sino kung sino siya. Simula ng makulong ako, limang buwan na ang nakakalipas, ngayon ko lang ulit siya nakita "Kumusta ka na dito hijo?" Bungad niya sakin, kaya kinabahan ako. "Kumusta po si Daddy may nangyari bang hindi maganda?" Agad kung tanong dahil ni hindi na niya hinintay makaupo ako, ng magsalita siyang parang may emergency nangyari. "He's very much alive and kicking." Tugon niyang may kasamang mahinang tawa kaya nakahinga ako ng maluwag. "Huwag kang gagawa ng kahit anung gulo dito, para hindi tayo mahirapan sa paglabas mo." Aniya sakin na ikinagulat ko. "Malapit ko ng maayos lahat ng mga kailangan nating dukomento para makalaya ka." Dagdag pa niya. "Atty. hayaan niyo na ako dito. Huwag na kayung gumawa ng kahit ano, hayaan niyo nalang pagbayaran kung lahat ng mga kasalanan ko dito, dahil kulang na kulang pa ang mga ito para mabayaran kung lahat ng kasamaan nagawa ko sa dati kung asawa." Litanya ko. Baka malaman pa ng dati kung asawa ang lahat at lalo siyang magalit sakin. Napakalaki ng nagawa kung kasalanan sa kanya, pinahirapan at pinatay ko rin ang sarili kung anak. "Siguro next week makakalaya ka na, pirma nalang ng prosecutor ang kulang at lalaya ka na." saad niyang ni hindi pinansin ang mga sinabi ko. "Didiretso ka na sa Europe paglabas mo dito. Duon ka daw muna maglalagi para maasikaso mo ang mga business niyo, dahil hindi na daw kaya ng Daddy mong mag-travel mag-isa." Dagdag pa niyang maawtoridad. "Atty gustong kung tapusin ang taon ng sintensiya sakin, para mapagbayaran ko lahat ng utang ko kay Anne." asik ko na dahil nakadama ako ng takot na baka lalong magalit sakin ang dati kung asawa. Alam kung hinding-hindi na niya ako mapapatawad. "Huwag mong intindihin ang asawa mo, unang-una ikaw ang higit na nakakakilala sa kanya. Napakabuti ng asawa mo hijo. Alam kung mauunawaan niya ang lahat. Saka ka nalang humingi ng tawad sa kanya, sa ngayong kailangan mo munang lumayo dahil sariwa pa ang lahat. Alam kung balang araw magkakaunawaan din kayo. At umaasang sa bandang huli kayo pa rin. Kaya sana magpakabait ka dito." Mahabang wika niya at tumayo na siya. "Atty. hindi p..." "Eto pinadala nilang pagkain para sayo marami yan bigyan mo raw mga kasamahan mo dito." Saad niyang bigla kasabay ng pagtaas ng isa niyang kamay para patigilin ako sa pagsasalita, at malalaki ang hakbang na nilisan ako. Kaya wala akung nagawa kung hindi sundan siya ng tingin papalabas ng pintong rehas. Hindi ko alam kung anung gagawin ko, alam kung makakarating sa dati kung asawa ang lahat. At wala akung mukhang ihaharap sa kanya. Hindi ko alam ang sasabihin sa kanya, kung paano ko ipapaliwanag ang lahat. Maliit lang ang mundo, hindi man ngayon pero darating ang araw magku-krus muli ang landas namin. . . . . . ... ......................................................... .....please follow my account and ... add my stories in your library. .............."Lady Lhee".............. .......thanksguys.....loveu.....lrs...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD