Nakangiti kung pinagmamasdan ang kapaligiran, dalawang two storey building ang nakatayo sa may harapan ko, isang bahay para sa mga nakatira dito, at ang isa ang pinaka-opisina, library, tanggapan ng mga panauhin. Dito lahat napunta ang mga binayad ng mga Baxendale sakin. Isang two storey din bahay ang nasa may bandang likod, ang magiging tahanan namin pag-andito kami sa Pilipinas. Patapos na din ang may apat na stalls na pinatatayo ko sa harapan. Ang playground mukhang mapupuno ng mga kung anu-anong pwedeng paglaruan ng mga bata dahil maraming gustong mag-donate. Next month daw tapos na ito. Pwede na kaming magpa-blessing, isasabay ko nalang sa birthday ni Mother. Pwede na rin kaming umuwi dito.
Abala halos lahat taong nakikita ko sa paligid. May mga batang naghahabulan din marahil matutuwa sila dahil di hamak na mas maluwang dito kaysa sa dati nilang tinitirhan. Pwede din silang maglaro ng volleyball, table tennis, at basketball sa pinaka gymnasium. May mga gusto narin umupa sa stalls namin.
"Mother kayo na po bahalang makipag-usap sa mga taong gustong mag-rent, total para naman po sa inyo din ang kikitain ng mga yan, pandagdag sa mga gastusin dito." Litanya ko. "Basta yun isa para sa atin 'yun." Dagdag ko pa dahil nakahanda na rin ang mga produkto nilang gustong ibenta. Bago pa ang inauguration kailangan may mga naka-display na kaming mga items na pwedeng ibenta para kung sakali may magustuhan ang mga magiging bisita namin makakabili na sila.
"Sila Tyron na daw ang bahala sa mga pagkain, kaya hindi na ako nag-aalala, ang mga anak ko nalang inaalala ko dahil may special number daw silang tatlo. Gusto kasi nilang magkaroon ng kunting programa, para ipakita daw ang mga talents ng ibang mga bata.
Kita ko ring ang aking anak na si Nicko na basang-basa na ng pawis sa kalalaro ng basketball, na isa sa paborito niyang laro tulad ng kanyang ama. Lumalaki siyang mas lalong nagiging kamukha ng kanyang ama. Ang shape ng mukha, ang kulay ng pares ng mga mata, maging ang hubog ng ilong at kilay, kuhang-kuha niya sa ama niya. Kaya hindi maikakailang isa siyang dugong Baxendale. Hindi ko lang alam kung anung magiging reaksyon ng ama niya pagnagkita sila. At siyempre ang lolo nila ang special guest namin dahil kung hindi sa kanya baka sa lansangan na nakatira ang mga kapus palad na mga batang ngayon ay masayang nahahabulan at nagtatawanan.
"Halina kayo, magpahinga na kayo." Halos pasigaw kung turan nangmakita ko sila Cassey at Anezia na basa na rin ng pawis. "Tawagin niyo ang kuya ninyo." Pautos ko pang dagdag na wika. Nakita ko namang nag-uunahan pa silang nagtatakbo papuntang gym kung saan naglalaro ng basketball ang kuya nila.
"Mom, just a minutes tapusin lang namin ang games." Reklamo naman ni Nicko habang nagdri-dribble ng bolang hawak, kaya wala akung nagawa kung hindi ang maupo sa isang beach at hintayin sila.
Masaya at abala ang bawat isa, dahil sa aming blessing na gaganapin. May mga maliit din ribbon na ikinabit ang mga bata sa bawat poste, lalo sa playground at gymnasium. May mini stage din kami para sa guest na magsasalita at sa mga magpe-performe. Kompleto rin ang mga kaibigan namin. Kaya lahat excited na sa naturan okasyon. Maging ang aking mga anak.
"It's my pleasure to extend a cheerful welcome to you all. Your presence makes us very happy." Wika ng emcee. Matapos ang cutting ng ribbon.
"Tayo na Mother baka hanapin na kayo duon." Yaya ko na dahil narinig na naming nagsalita ang emcee.
Kaya magkakasama kaming lumabas na ng opisina nila Mother para pumunta sa harap ng stage dahil meron din nakalaan samin lamesa duon, magpe-perform din ang aking mga anak na kanina pa excited sa likod ng stage.
Sa kabilang lamesa naman may mga pares ng mga matang nanglalaki sa gulat ng makita ang mga kaibigan niya kasama si Anne, hindi siya makapaniwang makikita niya ang mga ito dito, hindi niya tuloy alam kung anung gagawin, kaya masusi nalang niyang pinagmasdan ang mga ito. Naglalakad lang ang mga ito patungo sa kabilang mesa kahilera ng mesa kung saan siya nakaupo, kasama niya ang ilang mga guest na kilala din niya.
Napapagitnaan ito ni Kalev at ng Mother superiora na kausap niya kanina. Nasa may likuran ng mga ito ang mga kaibigan niyang abala sa kung anung pinag-uusapan. Hindi naman dapat siya ang pupunta dito pero sabi ng Daddy niya masama daw ang pakiramdam nito kaya siya ang napilitan um-attend ng blessing nitong bahay ampunan, nag-donate din siya dito ng ilang mga gamit. Mag-iisang buwan palang siyang nakakauwi mula sa Europe kung saan siya naglagi ng tatlong buwan mahigit, kaya maninibago pa siya sa nangyayari sa paligid. Nakita niyang masayang nakikipag-usap ito sa madre. Umupo itong magkakatabi rin.
Let's give a warm welcome to our guest and esponsored. Dagdag pang wika ng emcee. Bilang panimula ng programa. At nag pasalamat sa lahat ng mga sponsored, buong-buon din binanggit ang pangalan ng kanyang ama, bilang isa sa may pinakamalaking ambag para maipatayo ang nasabing Orphanage. Kaya napabaling ang tingin niya sa emcee dahil hindi niya alam ang tungkol sa sinabi nito.
Dahil sa narinig muli niyang binaling ang tingin sa dating asawa, nakangiti itong kausap si Tyron. Hindi pa rin siya mapalagay sa kinauupuan niya, kaya maya't maya niyang nililingon ang dating asawa nangangaba siyang baka magalit ito pagnakita siya.
At ng magsimula na ang progama may mga batang nagsayaw ng modern dance at mayroon din folk dance. At bawat nagpe-performed umaani ng malakas na palakpakan. At ng i-announce na ang mga kakanta.
"And now, let's give them a big round of applause." Pahayag ng emcee na ikinakaba naman ni Anne. To sing a song for us." Nakangiting wika ng emcee at bumaling pa ang tingin sa gilid ng stage. "Here they are, Carmella Cassandra, Aneizza Luella, and Nickollo Frienze. The Baxendale triplets." Sigaw ng emcee.
Dahil sa narinig nahinto ang akma sana niyang pagtayo at pinagmasdan mabuti ang tatlong batang magkakasabay na mabining naglalakad patungo sa gitna ng stage. Halos hindi siya makahinga sa nakikita niya. Malakas din ang kabog ng kanyang dibdib na hindi niya mawari kung ano bang nadaraman niya habang tinititigan ang mga bata sa itaas ng stage. Nakapagitna ang batang lalaki sa dalawang batang babae. Kaya nilingon niya si Anne kitang-kita niya malawak na nakangiti ito at nag thumbs-up pa ng dalawang kamay.
Halos mapatalon siya ng bumaling ang tinging ni Cassey sa kanya, kasabay ng matamis nitong ngiti, kasunod ng pagbulong nito sa dalawa pang bata. Kita niyang sabay-sabay din bumaling ang tingin nito sa gawi niya at sabay-sabay din ngumiti. Kaya mas lalong kumabog ang dibdib niya, ginantihan din niya agad ang mga ito ng isang tunay at masayang ngiti. Bago pa tumalikod ang mga ito, at pumuwesto, sa harap ng organ si Cassey, sa gitara naman ang batang lalaki at ganuon din ang isa pang batang babae. Nakangiti ang mga itong bumaling ng tingin kay Anne at muli siyang sinulyapan at nginitian.
There comes a time
When we heed a certain call
When the world must
come together as one
There are people dying
Oh, and it's time to lend a
a hand to life
The greatest gift of all
Maya-maya pa naglabasan na din ang ibang mga batang nakasuot ng puting damit at sumasabay din sa pagkanta. Maging ang mga tao sa paligid ay mahina din sumasabay sa kanta kaya kahit siya napapakanta din. Pero hindi niya mapigil na may mamuong luha sa kanyang mga mata habang titig na titig sa triplets kaya agad niyang pinahid ng mga daliri niya ang kanyang mga mata. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanya ang tatlong bata. Kaya muli niyang nilingon ang dating asawa na titig na titig sa triplets. Na patuloy lang kumakanta.
We can't go on
Pretending day-by-day
That someone, somewhere
soon make a change
We're all a part of God's
great big family
And the truth, you know,
love is all we need.
We are the world
We are the children
We are the ones who make
a brighter day, so
let's start giving
Where's a choice we're
making
We're saving our own lives
It's true we'll make a better
day, just you and me.
Kaya dahan-dahan na siyang tumayo dahil hindi na niya kaya ang nakikita, ayaw din niyang makita pa siya ng dating asawa. Alam niyang magagalit ito, at baka makagawa pa sila ng iskandalo. Nangmakatayo na siya, naglakad lang muna siya sa gilid at huminto ng ilang saglit at nakiramdam sa paligid ng makita niyang walang nakakapansin sa kanya mabagal at walang kilatis siyang naglakad papalayo. At ng makalabas na siya ng gate malalaki ang ginawa niyang hakbang patungo sa kanyang kotse.
Ilang beses siyang humugot ng malalalim na hininga at sunod-sunod na nagbuga ng hangin. Pagkasakay niya sa kanyang kotse. Hanggang ngayon palaisipan pa rin sa kanya ang mga bata. At hindi siya makapaniwala sa nakita at naramdaman ng makita niya ang mga ito. Nagtataka rin siya kung bakit sa kanya nakapangalan ang mga bata. Malaki rin ang pagkakahawig ng batang lalaki sa kanya. Hindi rin pwedeng sabihin na-swapped ang sample nila ni Cassey nuon dahil, bantay sarado 'yun maging ang Doctor may bantay. At kung si Kalev ang ama bakit hindi nito kamukha ang triplets, at bakit ito pumapayag na Baxendale ang dalin surname ng mga ito. Sino talaga ang ama ng triplets. "Twins." Bulong niya ng maalala ang madalas sabihin ni Cassey. Ito ang tinatawag nitong Kuya Nicko at Ate Anezia, at para dito ang mga laruang itabi nito. "Ano ba ang totoo Anne sino sila, bakit may pakiramdam akung akin sila. Usal niyang tanong sa gulong-gulo niyang utak. Bago pa niya pinatakbo ang sasakyan, marami pa siyang dapat gawin dahil isang taong siyang nawalan ng koneksyon sa mga negosyo nila.
"Mom, i saw Daddy, we saw him." Agad na wika ni Cassey paglapit nito sa kanya. Nakatitig naman ang kambal sa mukha niya, na para bang naghihintay ang mga ito kung anung sasabihin niya. Pero hindi niya alam kung anung sasabihin sa mga anak niya.
"Huh." Tanging namutawi sa mga labi niya. Ang alam niya ang lolo ng mga ito ang darating pero ang sabi ni Alex masama daw pakiramdam nito. Pero hindi niya napansin si Dominic kanina. Dahil abala siya sa pakikipag-usap sa mga bisita nila. Hindi pa niya nagpag-iisipan kung anung sasabihin sa mga anak, alam niyang naiinggit ang mga ito kay Cassey dahil nakasama na daw nito ang Daddy nila. Paano nga ba niya ipapaliwanag sa mga ito ang sitwasyon nila. Ayaw naman niya magtampo ang mga ito sa ama lalong-lalo na sa kanya. Mahirap pa naman magpaliwanag sa mga bata, masyado silang matanong at hindi pa masyadong nakakaintindi ng mga bagay-bagay.
"Anne alis na kami, maiwan na namin kayu." Paalam ni Trixie. Kasama nito ang asawa at si Tyron. Kaya nakahinga siya ng maluwag dahil dito nabaling ang tingin nilang mag-iina.
"Kung may problema don't hesitate to call. We're always here for you, until you settle things. I know you know what i mean." Ani Atlaz, at tinapik pa siya sa balikat.
"Gusto mo kami na gumagawa ng paraan to fix things, para mas madali." Saad naman ni Tyron, at sinigundahan pa ni Trixie.
"No, thanks, i can manage. Kumukuha lang ako ng tiyempo." Tugon niya sa mga ito.
"Anne, kung hindi mo kaya, kami na gagawa ng paraan. Tutulongan ka namin, hindi namin kayo pababayaan. Bilisan mo lang magdisisyon, nakakaawa na 'yun isa baka mabaliw na 'yun." Sabad din ni Migz. Kaya mahina siyang natawa.
"Be good kids." Saad naman ni Kalev at isa-isang ginulo ang buhok ng mga ito.
"Bye bye Daddy Kalev." Tugon naman ng triplets na halos magkapanabayan pa. "Bye po Tita, Tito." Dagdag pa nila.
Hindi pa rin mapalagay si Anne alam niyang hindi siya titigilan ng mga anak sa katatanong tungkol sa ama ng mga ito, lalo ngayon nakita daw ng mga ito ang ama. Alam niyang sabik ang mga anak sa ama nito pero ano nga ba ang dapat niyang gawin ngayon na nakita ng mga ito ang ama. Paano niya paglalapitin ang mga ito. Napabuntong hininga nalang siya dahil hindi niya alam na ganito pala kahirap ang magiging sitwasyon nila. Ayaw naman niya ang mga kaibigan pa nila ang gumawa ng paraan para magkalapit sila. Marami pa naman pagkakataon para masabi niya sa dating asawa ang totoo. Sana lang tanggapin nito ang mga anak nila at mapatawad sa pagtatago sa mga ito.
.
.
.
.
.
.........................................................
...please follow my account and
... add my stories in your library.
.............."Lady Lhee"...............
.......thanksguys.....loveu....lrs...