Lumilipas ang araw, linggo, at buwan na halos pagtaguan niya ang dating asawa at sa bawat lugar na pinupuntang niya sinisiguro niya hindi sila magkikita ng dating asawa. Nag-aalala siyang baka madagdagan ang galit nito sa kanya. Kaya lagi siyang nagpupunta sa ibang bansa para mag-asikaso ng iba pa nilang negosyo. Sa ganuong paraan lang napapanatag ang kalooban niya, alam niyang sa mga bansang pinipuntahan niya hindi sila magkikita ng dating asawa, lalo kung nasa Canada, Australia at Singapore siya. Ayun kay Cassey America at England lang sila nagpupunta.
Agad din niya tinanggap ang alok sa kanyang conference sa Brazil bilang isa sa mga guest speaker. Para lang makaiwas sa dating asawa. Kung siya ang tatanungin mas gusto niya itong kausapin at humingi ng tawad pero natatakot siya dito dahil sa laki ng nagawa niyang kasalanan, idagdag pa ang tungkol sa mga anak nila. Kaya gusto niya bumawi sa anak nitong si Cassey na sa simula palang malapit na loob niya dito. Minahal na niya ito na parang tunay na anak, pero hanggang ngayon malaking palaisipan pa rin sa kanya ang dalawa pang anak nito. Iba ang pakiramdam niya para sa dalawang bata. Kung sino ba talaga ang ama ng mga anak ng dating asawa.
"Mom, sabi mo po pupunta tayo kila lolo?" tanong ni Nicko sa ina. Habang ang dalawang batang babae naman ay nakatingin sa ina at naghihintay ng kasagutan niya.
"Next week tayo pupunta, meron kayong two weeks semestral break. Duon muna kayo." Aniya. "Tamang-tama birthday ng lolo niyo." dagdag pa niya, dahil alam niyang pupunta ng ibang bansa si Dominic at mamalagi daw ng isang buwan duon, kaya malakas ang loob niyang maglagi sa mansyon ng mga Baxendale. Kita niyang umaliwalas ang mukha ng mga anak niya.
"Talaga Mommy?" Hindi makapaniwalang tanong ni Anezia, kaya natawa siya sa naging reaksiyon ng anak. Alam niyang hanggang ngayon nagtataka ang mga ito kung bakit hindi pa nila nakikita ang ama. Pawang si Cassey lang nagpapaliwanag sa mga ito na very busy daw ang Daddy nila dahil nasa ibang bansa ang mga negosyo nito.
"Yes, kaya magbabait kayo. Invite din natin ang mga Tito's at Tita's niyo para masaya naman ang araw ng birthday ng lolo niyo." saad niya sa mga anak niya.
"Ready kids?" tanong ko sa kanilang tatlo na tuwang-tuwa.
"Yeah. Ready na po kami." tugon nila na halos pumalakpak pa sa tuwa. Alam kung umaasa silang makikita na nila ang kanilang ama ngayon. Hindi ko man sabihin wala ang kanilang ama, alam kung malalaman din nila yun mamaya.
Samantala... Agad akung tumawag sa opisina para magpasundo sa airport, gusto kung surpresahin si Daddy, ang alam niya next week pa uwi ko, buti napakiusapan ko ang organizer na unahin ako bilang speaker. Alam kung hindi magse-celebrate si Daddy ng birthday niya ngayon kung wala ako, dahil wala si Mama Elena. Kung sana buhay pa si Mommy baka mas masaya kami ngayon. Buo din sana ang pamilya ko baka may mga anak na din kami ni Anne ngayon... "gusto kung anak lima, gusto kung panganay nating lalaki." .... dalawa lang babae't lalaki, mahirap daw manganak, gusto ko babae para may aayusan ako, para meron din akung kakampi." mga katagang lagi namin pinag-uusapan noon ni Anne habang nakayakap siya dito. "Ngayon paano pa natin matutupad ang mga pangarap natin Anne? Hindi ka na magiging akin." Bulong niya sa kawalan. Habang sinisisi ang sarili sa mga pagkakamaling niyang nagawa.
Napakunoot noo si Dominic ng makita niya may mga sasakyang naka-park sa tapat ng mansyon nila, alam niyang walang bibisita sa Daddy niya. Kung meron man ilan lang yun at hindi naman pupunta kung walang inbitasyon.
"Huwag mo na muna ipasok sa loob baka may mga bisita si Daddy." saad niya sa company driver nila. Binuksan na niya ang pinto ng kotse niya at nagsimulang maglakad papasok sa gate na bahagyang nakabukas, nakatayo ang isang security nila.
Pagpasok niya ng gate tanaw na niya ang mga tao sa may hardin nila kaya napangiti siya dahil hindi rin nakalimutan ng mga ito ang birthday ng daddy niya, dinig din niya ang malalakas na tawanan ng mga ito. Mukhang lahat sila ay masaya, may mga pagkain nakalatag at inumin sa ibabaw ng mesa sa harap ng mga ito. Kaya dito na siya dumiretso.
"Dude!" bulaslas ng isa ng mapansin siyang papalapit sa mga ito. Kaya napangiti siya sa mga ito
"Kumusta ang Brazil? Wala ka bang pasalubong na chikababe?" tawang biro naman ng isa.
"Dominic, bakit ang aga mong umuwi? sabi ni Tito next week pa uwi mo." Gulat na tanong ni Atlaz. May mga kasalo din mga babae sa table ang mga ito.
"Sinama na namin sila para masaya, Nasa loob sila Migz." Ani naman ni Alex, at pinakilala saking ang mga babae nilang kasama, kilala ko na ang iba, ang dalawa, pinsan ni Kalev.
"Hi! Dominic long time no see. I miss you." Mapang-akit niyang bati sakin, at tumayo pa siya at hinalikan ako sa pisngi na hindi ko naiwasan. Siya ang pinagseselosan dati ni Anne, noon nasa college pa kami, lagi siyang nakasunod sakin pag wala sa tabi ko si Anne. Siya din ang nagkalat ng chismis na mag-girlfriend na kami dahil break na daw kami ni Anne. 'Yun time na muntik na akung i-break ni Anne dahil sa kagagawan ng babaeng ito. Bakit siya andito? Ano bang alam niya ngayon tungkol sakin. Piping bulong ko, at sinulyapan ko ng tingin ang mga kaibigan ko, pero nagkibit balikat lang silang lahat.
"Salamat naman nagpunta kayo dito." aniko.
"Dom dito kana maupo." Saad niya sakin at hinila na niya ako sakin braso na hindi ko na natanggihan. "Anung gusto mong kainin?" Tanong pa niya sakin, halos kumandong na siya sakin sa sobrang dikit ng katawan namin dalawa, pinagtitinginan naman kami ng mga kaharap namin.
"Okay lang ako." Tugon ko at itinaas ko pa ng bahagya ang aking isang kamay para pigilin siya sa mga ginagawa niya. "Kumain lang kayo ng kumain. May gusto pa ba kayong kainin o inumin?" tanong ko nalang.
"Single ka na pala ulit ngayon." bulong pa niya sa punong tenga ko, na ikinagulat ko. Kaya napatingin ako sa mukha niya na mapang-akit na ngumiti at pinasadahan pa ng dulo ng dila niya ang sarili labi. Gadangkal nalang ang layo ng mga mukha namin sa isa't isa, kaya ako na umiwas dahil mukhang masama ang tingin ng mga kaibigan ko sa akin.
"Ayus na ito samin Dude, hindi na nga namin maubus ang mga ito." wika ni Alex na may pagbabantang tingin na hindi ko naman maintindihan kung para saan ang tingin yun.
"Okay, puntahan ko lang si Daddy, babatiin ko lang." pahayag ko upang makaiwas sa babaing nakakapit sa braso ko.
"Sama na ako sayo." saad niya at akmang tatayo ng pigilin ko.
"Huwag na, dito ka nalang babalik din ako." aniko at binaklas ang kamay niya nakakapit sa braso ko. At malaki ang hakbang na tinungo ko ang pinto ng mansyon.
"Agad akung pumasok sa bahay pagkabukas ko ng pinto, dinig ko ang masaya halakhak ni Daddy kasabay ng mga matitinis na mga tawa ng bata. Para akung itinulos na kandila ng makita ko kung sino ang mga nakakandong kay Daddy. Hindi ako makapaniwa sa nasasaksihan ko. Masayang-masaya si Daddy habang nakikipagtawan sa tatlong bata sa kandungan niya.
"Oh! Hijo andiyan ka na pala." agad na wika ni Daddy ng makita niya akung nakatayo lang habang nakatunghay sa kanila.
"D-dadddyy!" bulaslas ni Cassey ng malingunan niya ako, tinanguan pa niya ang dalawang bata bago siya nagtatakbo palapit sakin, kasunod ang dalawa pang bata. Sila ang nakita ko sa bahay ampunan na kumanta sa ka-duet ni Cassey.
Iniluhod ko ang aking isang tuhod at ibinuka ang aking mga braso para yakapin ang papalapit na si Cassey, agad siyang pumaloob sakin braso at humalik sa magkabilang pisngi. Nakatayo naman sa may likuran niya ang dalawang bata ng may nahihiyang ngiti sa labi.
Kumalas sa pagkakayakap sakin si Cassey at nilingon ang dalawang bata. "Daddy this is Kuya Nicko and Ate Anezia the twins." pagpapakilala niya sa dalawang bata.
"We're triplets." mariin saad ng dalawang bata ng halos magkapanabayan usal.
"Come on kids, give me a hugs." tugon ko nalang dahil parang nahihiya pa silang dalawa. Agad silang yumakap ng mahigpit sa aking na parang may mainit na mga kamay na lumokob sa aking puso na hindi ko mawari, malakas din ang naging t***k nito ng mayakap ko sila na siyang ikinainit ng akin mga mata. Pigil na pigil ko ang maluha. Hindi ko rin maunawaan kung bakit ko ito nararamdaman parang gusto ko pa sila yakapin ng mas mahigpit na parang bang sabik na sabik ako sa kanilang dalawa.
"I missed you Dad, I love you." bulong niya sakin at hinalikan niya ako sa magkabilang pisngi, kaya hindi ko na napigil ang nabuong luha saking mata at pumatak na ang mga ito. Ganuon din ang ginawa ng batang lalaki. Niyakap ko silang muli at hinagkan pareho.
"I love you more, my princess and buddy." malabing kung tugon at hinalikan sila ng paulit-ulit sa mukha.
"Hijo, kumain ka na ba?" dinig kung wika ni Daddy kaya inayus ko na ang aking sarili at kinarga si Cassey at Anezia sa magkabilang braso ko. Kaagapay ko naman ni Nicko.
"Dad, ibaba na po niyo ako, malaki na po ako." reklamo ni Cassey, habang si Anezia nama'y mas humigpit ang yakap sa leeg ko at isinandig ang kanya ulo sa balikat ko.
Ibinaba ko sila Cassey at Anezia paglapit ko sa inauupuan ni Daddy. "Dad, happy birthday, bati ko at niyakap siya, dinukot ko sa bulsa ng aking brazer ang maliit na box at inabut ko ito bilang regalo.
"Thank you son." aniya. "Nadagdagan nanaman ang mga collection ko." dagdag pa niya ng buksan niya ang aking regalo.
"Hi! Dominic." bati niya sakin.
"Salamat at nakapunta kayo." aniko. "Musta ka na? Matagal din hindi tayo nagkita." dagdag ko pa.
"Eto, next month kabuwanan ko na." usal niya." Si Rene nga pala husband ko." pagpapakilala niya kaya itinaas ko naman ang aking kamay at kinamayan ang asawa niya.
"Bueno, maiwan ko muna kayo." ani Daddy. "Magpapahinga lang ako at napagod ako. Ikaw na bahala sa mga bisita natin Dominic." saad ni Daddy, tumayo na siya at iniwan kami.
Habang nagkukuwentuhan kami nila Trixie dinig ko ang yabag na nagbubuhat sa hagdanan kaya nabaling ang aking tingin duon. Kita kung pinapalis-palis pa ng kamay niya ang kanyang basang bohuk sa may batok habang bumababa ng hagdan. Naglakad siyang papalapit samin kinauupuan.
Napakunot pa ang noo niya ng makita akung kandong ko ang dalawang bata. "Are you happy kiddos?" Marahan niyang tanong sa mga ito at isa-isang ginulo ang buhok ng mga bata.
"Yes po Daddy Kalev." agad din tugon ni Anezia.
"Yeah!." tugon naman ni Nicko at nginitian pa ako.
"How about you sweetheart? Did you missed him?" tanong niya kay Cassey sabay hila dito at kinadong din ito.
"How is she?" Tanong ni Trixie dito. "Babalik na ba kayo sa ibang bansa?" dagdag pa nito na may pag-aalala sa mukha.
"She's sleeping." tugon nito, kaya natahimik ako at pinakiramdaman sila.
"Consult to her OB gyne first, baka makasama sa kanya ang mag-travel." suggestion naman ni Migz.
"Alagaan mong mabuti Bro huwag mong hahayaang mapagod o ma-stress. Do what best for her." Saad naman ni Tyron na ipinagtataka ko, kung sino ang tinutokoy nila.
"Yes, I'll will, kung kinakailangan maglagi kami sa hospital gagawin ko for the sake of our child." diteminadong wika ni Kalev.
Mukhang seryoso ang usapan nila kaya may nabuo sa isip ko na ikinakaba ko. Gusto ko man silang iwan pero hindi naman pwede dahil nasa pamamahay ko sila at bisita namin nila.
"P-pappaa! Paapppaa!" sigaw ng isang batang lalaking mabilis na tumatakbo na mukha pang susubsub kaya malalaki ang hakbant ni Tyron na sinalubong ito at kinarga, pinupog din niya ito ng halik na ikinatawa ng bata lalaki.
Isang babae din ang nakita kung nakasimagot na mabilis na nalalakad papasok sa loob ng bahay. "Why you left us?" anitong nagmamaktol na hindi naman pansin ng huli at patuloy lang kinikiliti ang bata. Ibinagsak nito ang sarili sa single seated chair at itinaas pa ang dalawang paa, at masama niyang tiningnan si Tyron. "I wanna eat santol with vinegar, garlic and chili." Saad niya. Pero Wala naman pumansin sa kanya. At sabay-sabay kami napalingun sa may hagdanan ng may mga yabag kaming marinig pababa buhat duon.
Halos hindi ako makagalaw sa kinauupuan ko ng mapagsino kung sino ang bumababa sa hagdanan. Pigil ko din ang aking hininga at malakas din tumatahip ang aking dibdib. Kaya mapayakap ako ng mahigpit sa dalawang batang nakakandon sa akin. At pinakatitigan siya. Maaliwalas ang kanyang awra di tulad ng mga huling araw na nakita ko siya.
"Siya ba ang pinaguusap nila Kalev kanina?" bulong ko sa isipan ko. May takot akung naramdaman kaya hinanda ko na ang aking sarili sa mangyayari. Ano man ang sasabihin at gagawin niya sa akin tatanggapin kung lahat, kung 'yon ang makakaluwag sa kalooban niya.